Episode 4 - Raid

1405 Words
Napasarap ang kuwentuhan ng apat at napadami rin ang kanilang nainom at nalasing si Jhie. Paglingon ni Daremar sa kaibigan ay nakita na niya itong nakipaghalikan sa kaniyang katabing lalaki, kaya hinila niya ang balikat ni Jhie. "Jhie, lasing ka na ihahatid na kita sa kuwarto para makapag pahinga ka," alok niya sa kaibigan. "Are you okay? Gusto mo rin ba ng ganyan? Puwede kitang pagbigyan." Pang-aakit ni Aerron sa kanya. "Gawin mo! Hindi ba iyan naman ang tingin ninyo sa amin? Mga laruan lang kami dito at mababa ang uri, parausan! Pero hindi mo na kailangan na ikaw ang gagawa hindi ba binayaran ninyo kami para aliwin at paliligayahin kayo? Pwes! Ako na ang gagawa!" prangkahang pahayag ni Daremar at sabay halik sa labi ni Aerron. Sa unang halik niya sa labi nito ay hindi ito gumanti kaya mas binilisan niya ang pag-lips to lips sa lalaki. Hindi napigilan ni Aerron ang sarili at tinangay ito sa kamandag ng laway ni Daremar at gumanti na rin siya. Sa mga oras na iyon ay hindi maintindihan ni Aerron ang kaniyang naramdaman para sa dalaga. Ganoon din ang naramdaman ni Daremar para sa kaniya. Sa mga sandaling iyon ay nakaramdam si Daremar ng pag-asa na makatakas sa lugar sa pamamagitan ni Aerron. Dahil may cctv ang kuwarto kaya gumawa ng paraan ang dalaga. Kumilos ang mga labi niya patungo sa leeg nito at paakyat sa kaniyang tainga. Nakiliti naman ang binata sa ginawa nito sa kaniya. "Tulungan niyo kami," bulong niya habang patuloy pa rin sa paghalik sa tainga ni Aerron. Sinadya niya iyon para hindi sila mapansin sa cctv. "Anong klaseng tulong ang gusto mo?" tanong naman ni Aeron na dinaan din sa paghalik sa tainga ni Daremar. "Gusto na naming makatakas dito at makauwi sa aming probinsiya." "Sige, tutulungan namin kayo basta tulungan niyo rin kami," turan nito habang patuloy pa ring humahalik sa leeg niya. "Anong tulong?" balik tanong niya at kumapit na sa leeg ni Aerron, para hindi mapansin ang kanilang pagbubulung-bulungan. "Mga NBI kami, sa susunod naming balik dito ay malalaman mo ang plano para makatakas na kayo," sabi nito NATAPOS ang gabi nina Daremar na may ngiti sa kaniyang labi dahil may pag-asa na silang makatakas. Kinabukasan ay ikinuwento ni Daremar kay Jhie ang tungkol sa napag-usapan nila ni Aerron. "Talaga?! Kailan daw ang balik nila dito?" masayang tanong ni Jhie. "Ssshhhh! Baka may makarinig sa iyo, kaya hinaan mo ang boses mo, Jhie." "Sorry, na-excite lang ako," bulong niya rito. Sumapit ang gabi ng pagbalik nila Aerron at tulad ng dati ay sila pa rin ang pinatawag ng kostumer. "Kumusta ka na? For you," bati ni Aerron kay Daremar at may inabot itong regalo. "Okay lang, salamat!" Umupo ang dalawa sa kanilang tabi at sa pagkakataong iyon ay may maliit na sulat na inihanda si Aerron at para ito kay Daremar. Naghalikan na naman ang dalawa at ibinulong ang kanilang pag-uusap. "May ilalagay ako sa boots mo, isang maliit na sulat basahin mo na lang mamaya." "Sige, salamat," sagot niya at patuloy pa rin sa paghahalikan ang dalawa. "Nasa loob ng mga chocolate ang kailangan mo," dagdag niya at muling humalik sa leeg. "Okay." Pagkaalis ng dalawang lalaki ay nagmadali ang magkaibigan na pumasok sa kuwarto. Sinabi ni Daremar kay Jhie ang tungkol sa ipinaabot na sulat ni Aerron. Upang hindi mahalata ang pagbasa niya sa sulat ay nagpanggap siyang tulog at kasabay ng pagtakip niya ng kumot ay binasa nito ang sulat. "Ito ang plano. Ilalagay mo ang mga maliliit na devices sa lugar na posibleng mag-uusap ang iyong boss at ang kaniyang mga kontak. Para malaman namin ang lahat nilang transaksyon at makakuha kami ng mga sapat na ebidensiya. Kapag nangyari 'iyon ay babalitaan kita agad upang makapaghanda kayo. Mag-ingat ka. I missed your kiss." Laman ng sulat. Pagkatapos basahin ni Daremar ang sulat ay napangiti ito sa huling bahagi. Agad kumilos ang dalawa at ibinulong niya kay Jhie, ang tungkol sa mga maliliit na devices. Hindi na nila ibinalita sa iba ang tungkol sa kanilang plano upang walang sabit ang kanilang gagawin. Kumuha lang ng tamang pagkakataon ang magkaibigan at hinihintay nila na makapaslit sila ng patago. Tagumpay nila na nailagay ang mga devices at nagawa nila itong malinis. SUMAPIT ang gabi at sumalakay ang mga taka-NBI sa bar, sapagkat nalaman nila na may transaksyon ang mga sindikato sa loob ng bar. Sa mga oras na iyon ay alam na nila ang mga plano ng mga taga-NBI. "Walang kikilos! Mga NBI ito!" sigaw ni Aerron, Dahil sa sobrang takot ng mga customers ay nagtatakbuhan ang mga ito. Kaya nagkagulo sa loob ng bar, nagkanya-kanyang takas ang mga tauhan ni Amero, sapagkat marami ang sumalakay sa bar. Dahil nagsanib puwersa ang mga kapulisan at NBI. Ngunit sa kasamaang palad ay nakatakas si Amero at bago pa ito nakalayo ay nakita niya ang magkaibigan na kausap ang mga taga-NBI. "Mga punyeta kayong dalawa! Dahil sa inyo ay napahamak ang aking negosyo ko. Pagbayaran ninyong dalawa itong ginawa ninyo sa akin! Papatayin ko kayo at ang inyong mga pamilya!" Pagbabanta ni Amero. "Sir, hindi namin naabutan ang target natin," pahayag ng tauhan ni Aerron. "Mahuhuli din natin iyon. Sige na, dalhin na ninyo ang mga kababaihan at ang ibang nahuli natin." "Salamat!" boses ni Daremar. "Walang anuman, pero may malaking problema tayo," turan ng lalaki at nasa mukha ang pag-alala. "Bakit?" tanong ni Jhie. "Nakatakas ang target namin," tugon ni Jojo. "Ano? Hindi kaya babalikan nila kami?" Parehong nag-alala ang dalawa. "Huwag kayong mag-alala nandito kami para sa inyo," tugon ni Aerron. Pansamantalang tumutuloy ang dalawa sa bahay nila Aerron, habang tinitiyak muna niya ang kaligtasan nilang dalawa. Mainit naman ang pagtanggap ng ina ni Aerron sa dalawa at doon nila nalaman ang pagkatao ng binata. Nag-iisang anak lang si Aerron, biyuda na ang kaniyang ina. Namatay ang ama niya, apat na taong gulang pa lang siya. Atake sa puso ang ikinamatay nito. Abogado ang kaniyang ama at isa itong tagapagtanggol sa mga inaapi at hindi nagpapasilaw sa pera. Sa edad na twenty-five ay nanatili pa ring binata si Aerron, sapagkat masyado itong pihikan sa babae. May girlfriend siya ngunit hindi ito nagustuhan ng kanyang ina. Dahil napaka selosa at masyadong demanding. Shiela ang pangalan ng babae at isa itong modelo. Nalaman ito ni Daremar, dahil sa kuwento ng ina ni Aerron. "Tita Lely, maraming salamat po pala sa pagtanggap mo sa amin dito..." mula sa pusong sabi ni Daremar. "Huwag kang magpasalamat, Daren. Alam kong mabuti at mabait kang bata kaya magaan ang loob ko sa iyo. Kung puwede pa nga lang na ikaw ang magiging nobya ng aking anak ay mas magiging masaya ako." "Naku po! Imposibleng mangyari iyan, Tita Lely. Sino ba naman ako para magustuhan ni Aerron? Isang hamak na probinsyana lang ako, Tita at mahirap pa. Samantalang modelo naman si Shiela," seryosong tugon ni Daremar at sinabayan ng malakas na tawa ni Jhie. "Tita Lely, hindi lang mabait ang kaibigan kong iyan, masarap pa iyang magluto at higit sa lahat, ang ganda pa ng boses. Naalala ko pa noong nasa high school pa kami ay palagi kaya siyang sumasabak sa mga singing contest at lagi siyang nanalo." Pagmamayabang ni Jhie. "Talaga? Masubukan nga natin, iha." Sabay hila ni Mrs. Lely. Namangha ang magkaibigan sa kanilang pagpasok sa isang kuwarto na kung tawagin ay 'music room'. Umupo si Mrs. Lely sa harapan ng isang napakagandang piano. "Wow! Ang ganda naman nito, Tita Lely." Paghanga ni Daremar habang hinihaplos ang piano. "Thirty-two years na ito, iha. Dalaga pa lang ako noon ay nahiligan ko na ang mag-piano. Dahil dito ay nakilala ko ang ama ni Aerron, kaya malaking value sa akin ito." "Pero mukhang bago pa rin, Tita Lely." "Depende kasi iyan sa pag-iingat natin sa mga gamit. Ano'ng gusto mong kanta, iha?" Kinanta ni Daremar ang team song niya para sa kaniyang Nanay. 'Iingatan Ka', at habang kumakanta siya ay si Mrs. Lely naman ang nag-piano at si Jhie ang nagsilbi nilang audience. Tamang-tama naman ang pagdating ni Aerron at papasok na ito sa loob. Narinig niya agad ang isang napakalamig at napakagandang boses. Hinanap niya ang pinanggalingan nito at natanto niyang galing ito sa music room, kaya agad siyang sumilip. Ingat na ingat siya sa kaniyang pagbukas ng pinto at nakita niya si Daremar na kumakanta. Lalo siyang humanga sa dalaga. Dahil hindi lang pala ito maganda at may itinatago pang talento sa pagkanta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD