Ramdam ni Aerron na masama pa ang loob ni Darem, kaya hinayaan lang muna niyang mapag-isa. Sa gabing iyon ay buo na ang pasya ni Daremar, aalis siya na hindi magpapaalam kay Jhie at kina Aerron. Nag-iwan na lang siya ng sulat para kay Jhie, ayaw niyang mapahamak ang kaibigan kaya mas minabuti na lamang niya na mag-isa sa kaniyang lakad. Kinabukasan, paggising ni Jhie ay wala na ang kaibigan sa tabi niya at hindi man lang niya namalayan ang pag-alis nito. Kaya agad niyang ginising si Aerron at ang nobyo niya nasa kabilang kuwarto natutulog. "Aerron! Aerron!" sambit niya sabay yugyug sa binata. "Bakit, Jhie?" tanong ni Aerron sabay bangon. "Si Daremar, nawawala!" "Ano?! Saan ba siya nagpunta?" bulalas na tanong nito "Hindi ko nga alam! Baka pumunta siya sa baryo ng Mangwak!" sabi nito