"Pero imposibleng mangyayari iyang sinasabi mo Darem. Dahil mahabang panahon na rin ang nakalipas ngunit wala na kaming balita tungkol sa mga wakwak." "Tatang, Nanay Julie, hindi po imposible ang sinabi ko." "Paano mo masasabi na hindi imposible?" tanong ng matandang babae. "Dahil isa po akong wakwak!" Lakas loob niyang pagtatapat. Parehong natahimik ang mag-asawa at nakatitig lang ito sa kanya na parang hindi makapaniwala sa sinasabi niya. "Darem, hindi magandang biro iyan at hindi nakakatawa!" turan ni Tatang Pabling. "Tatang, nasa mukha ko ba ang nagbibiro o nagpapatawa?" diretsahang tugon nito. "Pero paano nangyari na isa kang wakwak? Sa pagkakaalam namin ay naubos na sila," tanong ni Nanay Julie. "Bago ko lang din natuklasan ang buong katotohanan, kung ano ang tunay kong