Pagkatapos niyang maghugas ay tinawag siya ni Tatang Pabling, agad namang siyang lumapit sa kinaroroonan ng matanda. "Bakit po, Tatang?" "Maupo ka," alok nito sa kaniya. Umupo naman si Darem habang pinanuod ang matandang lalaki na abala sa pagtanggal ng tali sa isang lumang itim na tela. Halatang galing ito sa hukay sapagkat may mga lupa pa itong nakadikit. "Sigurado ka na ba sa desisyon mong puntahan ang kweba? tanong niya, habang patuloy sa pagtanggal ng tali. "Opo, Tatang. Sigurado na ako at hindi na ito magbabago," buong tapang niyang tugon. "Mag-ingat ka sa iyong paglalakbay, dahil mapanganib ang bawat baryo na iyong madaanan," pahayag naman ni Nanay Julie. "Ito Darem, magagamit mo ito sa iyong pagpunta sa kweba. Matagal na panahon din na tinatago ko ang mga ito. Ang akala