Chapter 3- Entertainer

1041 Words
Pinakain muna sila at pagkatapos nagtuloy na sa isang kuwarto kung saan nag-insayo ang mga kababaihan. Pagkapasok nila ay may mga kasamahan na silang nandoon sa tingin ni Daremar ay nasa sampu silang lahat. Nakita nila kung paano gumiling ang mga babae mga giling na pampaakit sa mga lalaking uhaw sa kaligayahan. Inisip pa lang ni Daremar ay halos mangilabot na siya sa maaring mangyari sa kanila ni Jhie. "Hoy! Kayong dalawa ano pa ang hinihintay ninyo diyan?! Sumabay na kayo para matuto kayo kaagad! Hindi kayo mga prinsesa dito!" sigaw sa kanila ni Charisse. "Hindi kami nagpunta dito para tularan ka! May mga pangalan kami kaya huwag mo kaming ma-hoy-hoy!" saway ni Jhie ,na may galit na rin sa boses. Si Daremar naman ay nanatili sa kaniyang kinatatayuan at kalmado ang dalaga. Dahil sa inis ni Charisse, na sinagot siya ni Jhie, ay lumapit ito sa kanila na banaag ang galit sa mukha. "Hoy! Ang bago-bago mo at nagtapang-tapangan ka na! Baka gusto mong ilampaso kita ditopara kumintab itong dance floor natin!" bulyaw nito at nagbabanta sa kanilang dalawa. "Huwag mo kaming takutin dahil hindi kami natatakot sa iyo!" sagot sa kaniya ni Jhie. "Ahhhh! Ganoon!" sabi Charisse sabay hawak sana niya sa buhok ni Jhie, pero agad hinarang ni Daremar ang kanyang kamay. "Sige! Subukan mong saktan ang aking kaibigan, kung 'di ako ang makalaban mo at ikaw ang ilampaso ko dito!" At binitawan niya ang kamay ni Charisse. "Akala mo kung sino ka!Akala mo kung gaano karangal itong trabaho na ito! Huwag mong kalimutan na pareho lang tayo dito mga bilanggo!" bulyaw ni Daremar sa kaniya. "Alam mo bang kayo lang ang bumastos sa akin dito at hindi gumalang sa akin! Dapat sa inyo ay turuan ng leksyon!" bulaw ni Charisse sabay sabunot niya sa buhok ni Daremar. Subalit mabilis itong natanggal ni Daremar ang mga kamay ni Charisse. At si Jhie naman ay sinugod rin ng mga kaibigan ni Charisse. Pero hindi nagpatalo ang dalawa pareho silang magkaibigan na marunong pagdating sa martial arts. Sapagkat mula first-year high school hanggang sa nakapagtapos ang dalawa sa high school ay lagi silang sumasabak sa mga labanan ng karate at pareho ito na blackbelter. Walang ni isang nakalapit kay Jhie, at ganoon din kay Daremar. Dahil ang lahat na tumangkang lumapit sa kanila ay pinagsisipa at tinutulak nila. Habang nakipaglaban sila ay hindi niya binitiwan si Charisse, dahil gusto niya itong turuan ng leksyon. Habang nakipaglaban ang dalawa ay panay sigaw naman ang ibang mga babae na pumanig sa kanila. "Go ... Daremar! Go ... Jhie!" pareho ang sigaw nilang lahat. Napasigaw si Charisse, nang biglang inapakan ni Daremar ang kaniyang leeg habang nakadapa ito. Inangat niya ang isang kamay nito at pakiramdam ni Charisse ay mababali na ang kanyang isang kamay at leeg. "Tamaaa ... na!" boses ni Charisse na halos malagutan na ito ng hininga. "Binalaan na kita! At sa susunod na mang-api ka pa dito ay tuluyan kong baliin itong leeg at kamay mo!" At binitawan ang kamay ng kaaway at saka naman dumating ang babaeng bugaw. "Anong kaguluhan ang mayroon dito?!" tanong ng babae. Subalit ni isa ay walang gustong magsalita at ang iba ay parang nabuhayan ng loob para makatakas sila sa kulungan na iyon. Lumipas ang mga araw at buwan ngunit nanatili pa rin sila sa lugar at humanap lang ng tamang pagkakataon dalawa upang makatakas. At kasama ang iba pang biktima ng mga sindikato dahil para kay Daremar, mahirapan silang makatakas lalo na ang daming bantay at may mga baril pa ito. Nagsimula si Daremar at Jhie, sa pagsasayaw sa ibabaw ng entablado. Nakakadiri ang kanilang ginawang pagsasayaw at lalo na kapag-ibinigay na sila sa mga lalaking gustong mag-table sa kanila at pinapasayaw rin sila sa private room. Subalit nagtiis ang dalawa dahil wala pa silang laban sa mga panahong iyon. Hanggang sa hindi na nila namalayan na mag-iisang taon na pala sila sa lugar na iyon. Ang kanilang mga magulang ay walang kaalam-alam sa kanilang sinapit. Wala rin silang kontak sa kanilang mga pamilya. Alam nila pareho na nag-alala na ang mga ito. Tiniis nila ang mga hipo nang iba't ibang lalaki dahil ayaw nilang mapahamak sa kamay ng kanilang boss na si Amero. Sapagkat siya ang may hawak sa pinakamalaking sindikato sa buong bayan at isa rin itong druglord. Walang nagawa silang dalawa dahil napapaligiran sila ng mga tauhan ni Amero. Kaya hindi sila puwedeng hindi sumayaw sapagkat sinasaktan sila. HANGGANG sa dumating ang isang gabi at nakilala nila Daremar at Jhie, ang dalawang lalaking magliligtas sa kanila mula sa madilim, masalimuot at mala-impyernong lugar na iyon. "Mestah, sigurado ka ba na makakuha tayo ng impormasyon sa dalawang iyan?" tanong ni Jojo kay Aerron. Mga taga-NBI ang dalawa at sila ang magkasama sa trabaho. Pareho ang dalawa na may panlaban rin pagdating sa mukha at katawan. Matagal na silang nag-surveillance sa naturang lugar ngunit wala pa silang nakukuhang tamang impormasyon dito. Pagkatapos mag-perform ang dalawang magkaibigan ay pinapatawag agad sila sa isang private room dahil may customers silang dalawa. "Daren, gusto ko nang umuwi sa atin nami-miss ko na ang pamilya ko at sawang-sawa na ako dito," sabi ni Jhie, habang naglalakad sila patungo sa VIP room. "Huwag kang mag-alala Jhie, kikilos na tayo at gagawa tayo ng paraan. Dahil nag-alala na rin ako kina Nanay at Tatay mga matatanda na sila." Hanggang sa nakarating sila sa pribadong kuwarto at kumatok muna sila bago pumasok. Sa pagpasok nila ay nakita agad nilang nakangiti ang dalawang lalaki. Pakiramdam tuloy ni Daremar ay ginawa silang laruan ng mga ito. Ang paghanga niya sa unang tingin nito sa lalaki ay napalitan agad ng inis. "Bakit hindi pa kayo lumalapit?" tanong ni Jojo. "Have a seat!" Sabay tayo ni Aerron upang makaupo si Jhie sa gitna at katabi ito ni Jojo. "Salamat!" ani Jhie. "Ako ayaw mong paupuin?" tanong ni Daremar sa nakatayong lalaki. Ngumiti ito sa kaniya sabay turo ni Aerron sa upuan at magkatabi taman sila. "Halika na, Ms. Tiger look!" Pagbibiro niya kay Daremar. Dahil kung makatitig naman ito ay daig pa ang mata nang isang tiger. Napakatulis na bumagay naman sa kulay brown niyang mga mata. "Salamat!" pabagsak niyang sagot sabay upo at nakatitig pa rin sa mga mata ni Aerron.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD