Kapag walang pasok si Daremar ay tinutulungan niya ang kaniyang Nanay. Sa ngayon ay labimpitong taong gulang na si Daremar. Magkolehiyo na sana siya ngunit laking problema ito sa kaniyang mga magulang. Sapagkat hindi nila alam kung saan sila kukuha nang pera para sa kaniyang pag-aaral.
"Nay, Tay. Huwag nyo nang problemahin iyan dahil nakapag desisyon na ako na hindi muna mag-aaral sa taong ito. Kung papayagan po ninyo ako ay gusto ko po sanang magtrabaho sa Maynila. Mamasukan ako bilang katulong
upang makapag-ipon ako at maipagpatuloy ko ang aking pag-aaral. At para matulungan ko rin po kayo," pahayag niya sa kaniyang mga magulang.
"Pero anak,natatakot kami nang Nanay, mo kasi wala tayong kamag-anak doon."
"Huwag po kayong mag-alala tay,may kaibigan akong kasama na magpunta doon at may kamag-anak sila sa Maynila."
"Kung iyan ang pasya mo anak ay wala na kaming magagawa nang tatay mo. Basta mag-iingat ka lang lagi doon at bisitahin mo kami lagi ng tatay mo," pakiusap ng kaniyang ina.
"Opo, Nay. Kausapin ko ang magiging amo ko na payagan nila akong madalaw kayo sa huling araw ng buwan."
SA edad na labing pitong taong gulang ay nakipag sapalaran si Daremar, sa malaking lungsod nang Maynila. Malayo ito sa kanilang probinsya tatlong araw ang kanilang paglalakbay sa malawak na karagatan. Kasama n'ya ang kaniyang pinakamatalik na kaibigan na si Jhie.
Pagdating nila sa Maynila. Nagtaka silang magkaibigan dahil ang tiyahin ni Jhie, ay may mga kasamang dalawang lalaki. Hindi sila sa bahay ng tiyahin nagpunta. Kung 'di ay dinala sila sa bahay ng lalaki.
Ang sabi ng kanyang tiyahin ay ito ang kanilang magiging amo. Namangha ang magkaibigan sa laki ng bahay may security guard pa ito at napakataas ng pader.
Pagkapasok ng sasakyan ay nagtaka sila kung bakit hindi na pumasok ang kaniyang tiyahin at isa lang ang sinabi sa kanila.
"Magpakabait kayo dito at 'wag gumawa ng gulo," At saka umalis na ito.
Ngunit bago pa nakapasok ang sasakyan ay nakita nilang inabutan ng pera ang kaniyang tiyahin sa sinasabing amo nila.
Sa tanto ni Daremar, ay malaking halaga iyon sapagkat makapal ang puting sobre.
Pagkapasok nila sa loob ng bahay ay lumapit ang isang babae. Sa tingin ni Daremar, ay nasa forty ang edad nito. Inabutan sila ng tig-iisang plastic bag na may lamang mga damit.
"Isukat ninyo kung magkasya sa inyo," utos sa kanila.
Sabay namang nagtinginan ang dalawang magkaibigan. Binuklat nila ang mga damit at nagulat silang pareho. Dahil sobrang seksi ang mga damit at ang ninipis pa nito. Naalala agad ni Daremar, ang mga napanood niya sa mga pilikulang boldstar.
"A-ate, ganito ba ang mga suot ng mga katulong dito?" inosenteng tanong ng probinsiyanang si Daremar.
Biglang humalakhak ang babaeng may edad. "Saan ka ba nakakita nang isang katulong na ang suot ay ganiyan?Kung sa bagay mga probinsyana nga pala kayo," panlalait ng bugaw sa kanila..
"Pasensya na po kayo ate, kasi ang pagkakaalam namin ay katulong ang trabahong pinasukan namin!" saad ni Jhie.
At maya-maya pa'y dumating na ang kanilang amo, tinanong agad ang babae kung bakit hindi pa sila nakapagbihis. Agad naman silang dinala ng bugaw sa kuwarto at dali-daling pinapabihis.
"Bilisan ninyo baka magalit pa si, boss!" pasigaw na utos sa kanila. Halatang may takot ito sa amo.
"Daren, ano ba itong mga suot natin? nakakadiri naman,para tayong mga G.R.O," reklamo ni Jhie..
"Ano ba kasi ang ibig sabihin ng G.R.O?" tanong ni Daremar.
"Ummm ... ano nga ba iyon?" balik tanong ni Jhie.
"Weeeee! Malay ko ba sa 'yo!"
"Ah! Alam ko na!" 'Girl Relation Officers', tama iyan nga!"
"Ano! Ang ibig mong sabihin. Jhie, makipag relasyon tayo sa mga officer?" gulat na tanong nito.
"Naku! Iwan! Ano ba talaga ito Daren?"Takot niyang tanong.
"Iwan ko sa tiyahin mo Jhie, kung ano itong pinapapasukan niya sa atin. Sana lang mali ang nasa isip mo
malungkot na saad ni Daremar.
"Bilisan ninyo! Hindi puwede ang bagal-bagal dito!" sigaw na naman ng babae.
Lumabas ang dalawang magkaibigan na tinatakpan ang kanilang mga sarili. Sapagkat halos makita na ang kabuohan ng kanilang mga katawan.
Pinatayo kaagad sila sa harapan ng kanilang amo at tinitigan ang buo nilang katawan, mula ulo hanggang paa at pinaikot-ikot pa sila na parang plaka.
Sa kanilang pagharap ay nakita nila ang kanilang amo na tumatango-tango. Na parang nasiyahan o nagustuhan ang kaniyang nakita.
"Sige na Luz, ihatid mo na sila sa kanilang magiging kuwarto," utos ng lalaki.
"Opo Boss," sagot ng babae at dinala na sila sa itaas.
Napakalaki ng bahay at maraming mga kuwarto.
Pagbukas sa pintuan ay tumambad sa kanilang harapan ang mga kababaihan na kasing gulang lang nila.
"Dito ang higaan ninyo magpakabait kayo."
Inisa-isa nilang tiningnan ang mga mukha nang kanilang mga kasamahan at natanto ni Daremar, na may makasundo sila at may makalaban din sila.
Nalaman nila na hindi katulong ang pinasukan nila kung'di ay G.R.O nga sila. Parehong umiiyak ang magkaibigan, dahil hindi nila inaasahan na ganito ang kanilang sasapitin.
KINABAHAN sila sa pwedeng mangyari sa kanila.
"Daren,uuwi na lang tayo sa probinsya natin, natatakot ako," wika ni Jhie at umiiyak habang hawak ang kamay ng kanya kaibigan.
"Oo Jhie, uuwi tayo at magpaalam na tayo bukas," sagot niya at nagtawanan naman ang ibang mga babae.
"Akala n'yo ba na makalabas pa kayo dito? Huwag na ninyong tangkain na lumayas, dahil walang nakalabas dito na buhay," dahil sa sinabi nang isang babae ay mas lalong nakaramdam ng takot si Jhie at humahagulgol na ito.
1"Lakasan mo ang loob mo Jhie, pangako tatakas tayo dito,"
"Tama na iyang drama ninyo ang ingay! Parang kayo lang ang tao sa paligid,"bgalit na sabi ng isang babae.
"Huwag na ninyong pansinin iyan, ganyan talaga siya masyadong epal!Siya si Charisse ang demonyeta dito, kaya mag-iingat kayo sa kanya dahil traydor 'yan," pahayag ni Cheche.
Buong magdamag na hindi nakatulog si Daremar, dahil sa sinapit nila ni Jhie, at sa iba pang kababaehan na nakakulong sa mga kamay ng kanilang amo.
Kinabukasan ay maaga silang ginising ng babaeng bugaw dahil kailangan daw nilang sumabay sa pag-iinsayo nang sayaw.