Pagkatapos ng kanilang hapunan ay umupo sila sa maliit na sala. At si Manay Julie ay nagpaiwan sa kusina upang iligpit ang kanilang kinakain. "Anak, ano ang balita?" tanong ng kanyang Ama. "Iyan ang sadya ko ngayon dito upang sabihan kayo na mag-ingat. Sapagkat kumikilos na ang aking Ina, para hanapin ka, Pa." "Kung ganoon, kailangan na nating maghanda dahil siguradong malaking labanan ang magaganap," tugon ni Darem. "Tama! Hindi nga natin alam ngayon na baka may naka buntot na sa iyo," sabat ni Aerron. "Hindi ako sigurado kung tama ang iyong hinala. Ang mahalaga ay nakarating pa ako dito upang paalalahanan kayo," turan nito. "Anak, ano ngayon ang plano mo?" pag-alala na tanong nito. "Vic, huwag ka na lang kayang bumalik sa inyo, nag-alala ako para sa kaligtasan mo. Medyo kinakab