Kabanata 3

1779 Words
LUMIPAS ang mga araw at naging maganda ang takbo ng pagkakaibigan namin ni Sky, madalas kaming mag-usap sa gabi pagkatapos kong rumaket at gawin ang mga gawaing bahay. Buti na lang at hindi pa nakikita ni nanay ang cellphone ko dahil paniguradong kukunin iyon ng mga ito. Mukha pa namang mamahalin ang cellphone na binigay sa'kin ni Sky kaya itinatago ko iyon ng mabuti. "Ang dami mo namang ginagawa." ramdam niya na nakabusangot ang kausap sa kabilang linya, "Dapat ay nag-aaral ka rin kagaya ko." Kasalukuyan kasi itong nag re-review dahil may exam ito bukas. "Ganun talaga, Sky. Hindi naman kasi kami mayaman kaya kailangan kong kumayod." hindi man nakikita ang kausap pero nakangiti siya. Tanggap niya ang katotohanang iyon.  "Sabi ko naman sa'yo pwede kong sabihin kay mommy na isama ka sa mga binibigyan niya ng scholarship. Ang mga kagaya mong desididong makapag-aral ang dapat na binibigyan ng pagkakataon." sagot nito. "Ang kaso nga ay hindi naman ako taga maynila. Hindi ba't taga diyan lang ang binibigyan ng scholarship ng mommy mo?" "Edi dito ka na lang tumira." walang pag-aalinlangang sagot nito na ikinatawa niya, "Ang laki-laki ng bahay namin, pwedeng-pwede ka rito." "Hindi naman ganun kadali 'yun." natatawang sagot niya, "Nandito ang pamilya ko at ako lang ang inaasahan ng nanay ko. Saka 'wag kang mag-alala dahil kapag nakaipon na 'ko ay mag e-enroll na ako sa susunod na pasukan." napapailing siya sa kausap. Narinig niya ang malalim na buntong hininga ni Sky sa kabilang linya. "Paano ka makakaipon ng malaki niyan kung kinukuha rin naman ng tatay  mo ang pera mo." Minsan ay naiisip niya kung bakit walang kaibigan sa maynila si Sky samantalang napakabait nito. Oo at isang buwan palang silang magkaibigan pero masasabi niyang swerte ang mga magiging kaibigan nito. Palagi itong concern sa kanya at gabi-gabi nitong kinakamusta ang kalagayan niya. Noong isang araw ay bumisita rin ito sa kanya sa may prisinto, ayon ang naging meeting place nilang dalawa sa tuwing dadating sa lugar nila ang lalaki, at dinalhan siya ng iba't-ibang vitamins at pagkain. Nilibre pa siya nito sa masarap na kainan, nahihiya man pero hindi na siya tumanggi dahil hindi pa siya nakakakain sa mamahaling kainan kaya umuwi siyang busog lusog. Ayun nga lang ay hindi nakaligtas sa nanay niya ang mga pagkain na inuwi, kahit ang vitamins ay kinuha ng mga ito. Pero kahit ganun ay masaya ang puso niya at natulog siyang nakangiti ng gabing iyon. Sa pagkakataong ito ay itinuturing na niyang best friend niya si Sky dahil ito ang kauna-unahan at nag-iisa niyang kaibigan.  "Skyler, sinong kausap mo?" rinig niyang sigaw ng kung sino sa kabilang linya, "Si Heaven po, Mommy!" sigaw ng isa na ikinangiti niya. Kilala siya ng mommy nito dahil ng magkita sila noong isang araw ay ito ang naghatid kay Sky at masasabi niyang sobrang bait nito. Inalok pa siyang sumama sa outing ng pamilya nila na gaganapin sa susunod na linggo pero syempre tumanggi siya kasi alam naman niyang hindi siya papayagan ng nanay niya at nahihiya rin siya dahil wala naman siyang maayos na damit na pwedeng isuot. Napabuntong hininga siya ng muling maisip ang laki ng pagkakaiba ng buhay nila ni Sky, pero kahit ganu'n ay hindi niya iyon nararamdaman kapag kasama niya ang lalaki. "Osige na, hinahanap ka na ata. Mag usap na lang tayo bukas." pagpapaalam niya.  "Okay, i-text mo ako kapag nakauwi ka na. Good night.” Matapos ibaba ang telepono ay inayos na niya ang hihigaan. Maaga pa siyang gigising bukas dahil may raket siya sa parlor. Natutuwa siya dahil kapag kakailanganin ni Ate Betty, ang baklang may-ari ng parlor, ng taga linis ay siya ang una nitong sinasabihan. 150 pesos ang binabayad nito sa kanya sa maghapong pagwawalis lang kapag may nagpapagupit, para sa kanya ay malaki iyon. Pero dahil humihingi rin ang tatay niya ng pera ay 50 pesos na lang ang naitatabi niya.  "Wala bang balak si Mang Canor na pag-aralin ka, Ven?" bigla ay tanong ni Ate Betty sa kanya habang abala siya sa pagwawalis.  "Wala pa pong stable na trabaho sila nanay at tatay kaya hindi pa ako makakapag-aral." tipid ang ngiti na sagot niya rito.  "Sus, kung tutuusin ay dapat nakakapag-aral ka kung hindi lang batugan ang mga kuya mo, iilan silang lalaki sa bahay ninyo pero ikaw pa ang kumakayod. Wala na ngang silbi, pabigat pa." napapairap na sabi nito. Naiintindihan niya kung hindi ito natutuwa sa mga kuya niya, karamihan naman sa street nila ay naaawa sa kanya at naiinis sa mga kuya at tatay niya, maliban na lang sa mga kaedad niya na bully.  Sandali siyang natawa, "Okay lang po 'yun, ate. Nag-iipon naman po ako para makapag enroll sa susunod na pasukan." "Ay! naalala kong may namimigay ng flyers noong isang araw. May bagong pa-contest si Mayor sa kabilang bayan. Sumali ka, balita ko malaki ang premyo!" excited na sabi nito. Alam na niya ang bagay na 'yun pero nagdadalawang isip siya dahil wala naman siyang gown at sandals na masusuot.  "Ang kaso po ay wala naman akong mga damit na gagamitin. 'Yung mga ginamit ko kasi noong huling contest na sinalihan ko ay ibinenta na ni Tatay."  "Haynaku!" muli itong umirap, "Ako na ang bahala sa gagamitin mo at ako na rin ang mag-aayos sa'yo. 'Yang beauty mo ay pang miss universe kaya paniguradong mananalo ka roon." pumapalakpak na saad nito. Nanlaki ang mata niya sa narinig, "Talaga po?" "Oo nga’t ako na ang bahala, kaya ang gawin mo ay mag register ka na ngayon doon sa barangay para makasali ka. Hanggang bukas na lang ata ang registration. iwanan mo na muna 'yan at pumunta ka na roon." Patakbo siyang yumakap dito dahil sa tuwa, "Maraming salamat po ate! Napakabait niyo po."  Mahina itong tumawa at hinampas siya ng mahina sa balikat, "Naku, wala 'yun. Ang mga batang kagaya mo ang pinaka masarap tulungan." sabi nito na ikinangiti niya, "Umalis ka na at baka magsarado na ang barangay." tumango siya, at agad na umalis. Malayo ng kaunti ang baranggay hall pero dahil sanay na siya ay sisiw na lang 'yun sa kanya.  Hindi niya maitago ang excitement na nararamdaman kaya nakangiti siya habang tumatakbo. Matagal tagal na rin kasi siyang hindi nakakasali sa pageant. Nang makarating sa barangay ay agad siyang nagpa-register. Wala masyadong hininging information doon at simleng pagpapalista lang ng pangalan ang kailangan kaya mabilis siyang natapos. Agad siyang bumalik sa parlor para tapusin ang oras ng trabaho, pero sa pagkakataong iyon ay masigla niyang ginawa ang trabaho. “Anong pageant na naman iyan?” mataray na tanong ng nanay niya ng sabihin niyang sasali siya sa pa-contest ni Mayor. “Iyon po 'yung ipinapamigay na flyers noong isang araw, Nay. Nagpalista na po ako kanina at sa friday po ang laban.” nakangiti niyang saad. “Naku, 'wag mo akong asahan diyan at wala akong pambili ng mga kakailanganin mo. Bahala kang humanap ng mga gagamitin mo at 'wag kang makahingi-hingi sa akin ng pera dahil hampas ang ibibigay ko sa'yo.” “Opo, Nay. Si ate betty na raw po ang bahala sa susuotin ko kaya wala na po kayong iintindihin.” paliwanag niya, “Makakadalo po ba kayo?” mahina niyang tanong. “Wala akong balak na sumama diyan sa kalokohan mo, Heaven. Isama mo ang kuya mo kung gusto mo.” inis na saad nito at nagtungo na sa kwarto. Napabuntong hininga siya at malungkot na tiningnan ang nakasaradong pintuan nito. Mas masaya sana kung nandoon ang nanay niya, pero ayos lang naman sa kanya dahil noon pa man ay hindi na ito sumasama sa mga contest na sinasalihan niya. Nagbaka sakali lang naman siya na baka sumama ito ngayon. Pagkapasok niya sa sariling kwarto ay agad niyang tinext si Sky at maya-maya lang ay tumawag na ito. “Sky, may balita ako sa'yo.” masayang bungad niya sa kausap, “May pageant na gaganapin si Mayor sa friday at kasali ako!” “Ganun ba.” ramdam niya ang pagkalumanay sa boses nito na pilit pinapasigla, “Pipilitin kong makapunta diyan para mapanood ka.” saad nito. “May problema ka ba?” nawala ang saya niya ng maisip na baka may nangyaring hindi maganda rito. “Wala. Pagod lang ako, nag-aral kasi ako maghapon.” saad nito at tumawa ng mahina. Alam niyang pilit ang tawang iyon kaya nababahala siya. Kahit naman pagod ay masigla parin ito kapag kausap siya kaya hindi siya naniniwala sa dahilan nito. “Ganun ba. Osige magpahinga ka na muna.” pilit niyang pinapasigla ang boses, “Excited akong makita ka sa friday, sana payagan ka ng mommy mo.” “Oo papayag 'yun, magpapahinga na muna ako ha. Tawagan na lang kita bukas.” “Oo sige. Good night.” Nang mamatay ang tawag ay malungkot siyang humiga. Iniisip kung ano ang nangyari sa kaibigan. Balak niyang i-text si Sky pero dahil ito ang unang beses na naging malungkot ang lalaki ay hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Panay ang pindot niya ng mensahe sa cellphone niya pero binubura niya rin agad. “Ayos ka lang ba? Nandito ako para sa'yo palagi.” basa niya sa tinype niya sa cellphone niya, “Okay na siguro 'to.” Sa huli ay nagpasya siyang i-send na iyon. Binaba niya ang cellphone at umayos na ng higa. Ilang oras na ang nakalipas at nakapikit na ang mata niya pero ang utak niya ay buhay na buhay pa. Hindi siya makatulog dahil iniisip niya si Sky. Tulog na kaya 'yun? Tiningnan niya ang cellphone at wala man lang itong reply sa message niya. Pasado alas dos na rin kaya baka tulog na nga ito. Huminga siya ng malalim at pilit na pinapatulog ang sarili. Nanatili siyang nakapikit at maya-maya lang ay nagulat siya ng malakas na marinig ang tilaok ng manok. Gulat na napabalikwas siya ng bangon at tiningnan muli ang orasan. Alas singko na? Hinilot niya ang sintido dahil sumasakit ng kaunti ang ulo niya. Hindi niya namalayan ang oras at hindi man lang siya nakatulog kahit sandali. Minasahe niya muna sandali ang batok at ulo niya bago tuluyang bumangon. Alas siyete ang pasok niya sa parlor pero dahil magsasaing at maglilinis pa siya ng bahay ay kailangan na niyang tumayo. Bago lumabas ng kwarto ay sinilip niyang muli ang cellphone at nakahinga siya ng maluwag ng makita ang reply ni Sky. From: Best friend Napagod lang ako sa pag-aaral kahapon, promise. Ingat ka sa work mo. Good morning :) Napangiti siya sa nabasa. Baka nga napagod lang talaga si Sky kahapon at nag overthink lang siya dahil hindi siya sanay na matamlay ito. Napapailing siya at sinimulan nang maglinis ng bahay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD