bc

The Dark Days of Heaven

book_age16+
199
FOLLOW
1K
READ
drama
tragedy
heavy
like
intro-logo
Blurb

“You always have a choice, Ven. You're strong because you chose to be one.” mapait siyang ngumiti sa binata, “Hindi palaging ganu'n, because sometimes, behind every strong person is a story that gave them no choice...”

chap-preview
Free preview
Simula
“Lumayas ka ritong babae ka! Wala ka nang kuwenta, magnanakaw ka pa!” sigaw ni Aling Neth sa kanya. Nanatili lamang siyang mukhang walang pakialam kahit na maraming taong nanonood sa kanila sa loob ng grocery store na pinagtatrabahuan niya. “Okay.” sagot niya at agad na tumayo para lumabas. Gusto niyang matawa dahil hindi man lang siya nito tinanong at basta na lang siyang inakusahan na nagnakaw ng kinita niya sa tindahan kahapon. “Aba! Napaka walang modong bata! Manang-mana ka sa mga magulang mong tarantado!” Nang marinig ito ay napahinto s'ya, tinitigan ang ginang at sarkastikong ngumiti. “Oo, tama ka. Mana nga ako sa kanila.” Natatawang sagot n'ya at tuluyang lumabas ng tindahan. Kung noon ay mabigat ang dibdib niya sa ganitong eksena, ngayon ay parang wala na lang ito sa kanya. Ang lahat ay nagbulungan nang dumaan sya sa harap nila na lalong ikinatawa n'ya. Sanay na s'ya sa ganitong eksena, lagi na lang s'ya ang bida sa bawat lugar na pinapasukan n'ya. Wala pa man siyang ginagawa ay pinag-uusapan na siya palagi. Presensya niya pa lang ay malaking chismis na sa bawat taong nakakasalamuha niya at hindi na bago iyon sa kanya. Napabuntong hininga s'ya nang maisip na wala na naman s'yang trabaho. Gusto n'yang sapakin ang anak ni Aling Neth na si Dorothy dahil sa pagkupit nito sa tindahan ng ina kagabi. Hindi n'ya naman masabi kay Aling Neth na hindi s'ya ang kumuha dahil paniguradong lalabas lang s'yang sinungaling. Hindi siya natatakot na magsabi ng totoo, pero nagsasawa na siyang magpaliwanag sa mga taong makikitid ang utak pagdating sa kanya. Nang makarating sa sariling iskinita ay nakahinga s'ya ng maluwag. Dito kasi sa kanila ay walang pakialaman. Tropa n'ya rin halos ang lahat. Paano’y puro mga barumbado rin ang naninirahan doon kaya hindi ka mahihiya kung may nagawa kang masama. “Oh, Heaven sikat ka na naman!” sigaw ni Toto na ikinatawa ng mga kasama nitong nag iinuman. Kinawayan n'ya lang ang mga ito at nagpatuloy sa paglakad. Ang lahat sa iskinita nila ay halos walang pakialam sa balita patungkol sa kaniya dahil sanay na rin ang mga ito. Nang makarating sa loob ng bahay ay agad s'yang humilata sa kaniyang higaan. Iniisip kung saan na naman s'ya hahanap ng trabaho ngayong pinalayas na s'ya sa tindahan ni Aling Neth. Halos isang linggo lang ang itinagal n'ya roon. Kung hindi isang linggo ay hanggang dalawang linggo lang siya palagi sa bawat pinapasukan niya. Gusto niyang sakalin ang mga taong tatanggapin siya sa trabaho pero walang tiwala sa kanya. Kung ganun naman pala ay sana hindi na nila siya kinuha. “Hoy, Heaven pahinging pera!” sigaw ng Ama n'ya na halatang lasing at wala sa sarili. Mariin s'yang pumikit at nagtaklob ng kumot. Kaya ayaw n'yang umuwi sa bahay nila dahil ganito ang madadatnan n'ya. Sa tuwing makikita niya ang ama ay nag-iinit ang ulo niya at mas naiinis siya sa katotohanan na wala siyang magawa para makaalis sa puder nito. “Aba! Pinagtataguan mo na naman ang tatay mo ng pera!” Kinakalabog nito ang pintuan ng kuwarto n'ya kaya labag man sa loob ay tumayo s'ya at pinagbuksan ito ng pinto. “Wala na akong pera. Pinaalis na ako ni Aling Neth sa tindahan kaya wala ka nang aasahan sa akin na sweldo.” paliwanag n'ya. “Na naman? Ang bilis mo na lang palagi mawalan ng trabaho! Wala ka talagang silbi, ang dapat sa'yo ay pinapalayas na lang!” sigaw nito sa kanya. Hinampas pa s'ya nito ng tsinelas sa ulo ng dalawang beses bago pagewang-gewang na pumasok sa sariling kuwarto. Gusto n'yang isigaw dito na silang dalawa ng Nanay niya ang dahilan kung bakit hindi siya nagtatagal sa lahat ng pinapasukan niya. Dahil sa masamang ugali ng mga magulang n'ya, pati sa kanya ay masamang tao na rin ang tingin ng mga tao. Sa tuwing may nangyayaring hindi maganda sa pinapasukan n'ya ay laging sa kanya ang sisi dahil kung ano daw ang ugali ng magulang ay ganun din ang anak. Ni minsan ay hindi pinakinggan ang paliwanag niya at walang kahit isang kumakampi sa kanya kaya nagsawa na rin siyang magpaliwanag sa bawat taong nakakasalamuha niya. Pagod na pagod na siyang patunayan sa mga ito ang sarili niya kaya kung masama ang tingin nila sa kanya, ay ayos lang at tanggap na niya. Nasanay na s'yang mawalan ng pakiramdam at pakialam sa mga ito at hindi na siya nagtataka kung bakit naging ganun na katigas ang puso niya. Lumabas s'ya ng bahay at nagpunta sa may lumang play ground. Naupo siya sa swing na kinakalawang na pero matibay parin at pumulot ng bato na paglalaruan niya sa kanyang palad. Madalas ay napapaisip s'ya kung bakit s'ya ang nakakaranas ng ganitong buhay. Samantalang ang ibang bata, masayang nag aaral, nakukuha ang mga bagay na gustuhin nila, may mga kaibigang nakakasama at may pamilyang iniingatan, pero siya, ni isa sa lahat ng 'yan ay wala. Pakiramdam n'ya ay sya na ang pinakamalas na tao sa mundo. Lahat na yata ng paghihirap ay dinanas na niya sa murang edad. Bente anyos pa lang s'ya pero parang pasan na n'ya ang mundo. Ikinuyom niya ang kamao at hindi ininda ang sakit na dulot ng batong nasa loob niyon. Napakabigat ng kalooban n'ya at gusto n'yang sumigaw. Kung mabubuhay siyang muli ay hindi niya pipiliin ang buhay na meron siya ngayon. Matagal na niyang isinumpa ang pamilyang kinabibilangan niya at kung papipiliin ay mas gugustuhin niya pang ipanganak na palaboy-laboy sa lansangan kaysa makasama sa pamilyang walang ibang naidulot sa kanya kundi sakit at sama ng loob. Mariin s'yang pumikit, at kasabay ng pagbuhos ng ulan ay ang pagpatak ng luhang matagal na niyang hindi pinakawalan. Hahayaan niya ang sarili na ilabas ngayon ang lahat ng bigat na ilang taon niyang tiniis pero pinapangako niya sa sarili na ito na ang huling beses na papatak ang luha niya para sa mga walang kuwentang tao na iyon na sa buhay niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
99.9K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

His Obsession

read
75.1K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook