Kabanata 4

1435 Words
KASALUKUYAN akong nagwawalis ng parlor nang lumapit sa akin si Ate Betty na may dala-dalang paper bag.  "Heaven, tingnan mo ito." Inilabas niya mula sa paper bag ang isang gown, “Ano ayos na ba ‘to sa'yo?” tanong ni Ate Betty ng ipakita nito ang gown na ipapahiram niya. “Wow. Napakaganda, Ate! Sigurado ka bang pwede ko ‘tong hiramin?” namamangha kong tanong. Kulay red ito na tube gown na maraming glitters sa bandang ibaba ng gown pero ang unahan hanggang sa pusod ay simple lang. Hindi masyadong magarbo ang designs sa ibaba pero pansinin. “Oo naman, simple lang ‘yan pero lilitaw ng husto ang beauty mo kapag isinuot mo ‘yan. Hindi na kailangan ng maraming che che bureche sa'yo dahil natural ka ng maganda.” lumapit ito sakanya at hinawakan ang buhok niya, “At itong buhok mo ay simple lang din ang ayos na gagawin ko. Lahat ay simple lang pati ang make up mo dahil ang goal ay mas lumitaw ang natural mong ganda. Hayaan mo na ‘yung iba na magmukhang clown sa todong ayos.” saad nito na ikinatawa niya. Ganu'n palagi ang sinasabi ng mga nag-aayos sa kanya, na dapat ay simple lang ang gawin niyang ayos dahil natural na raw siyang maganda. Nu'ng una akala niya binobola lang siya ng mga ito pero ng paulit-ulit na ganu'n ang sinasabi sa kanya ay naniwala na siya. Ayaw niya rin naman ng full make up dahil mabigat sa pakiramdam. “Sino ba ang sasama sa'yo sa friday? 'Wag mong sabihing pati ang pag-support sa'yo ay hindi kayang gawin ng kung sino man sa pamilya mo?” nakataas ang kilay na tanong nito. “Darating 'yung best friend ko, ate.” nakangiting sagot ko. Alam kong hindi pa sigurado kung papayagan si Skyler pero umaasa akong makakapunta ito. “Grabe.” umirap ito sa kawalan, “Pati ba naman pagsama sa'yo ay hindi nila magawa. Ampunin na lang kaya kita?” biro nito pero seryoso ang mukha na ikinatawa niya ng husto. NANG makauwi ako ay agad kong ginawa ang gawaing bahay bago ako pumasok sa kwarto ko at nakipag usap kay Sky.  “May mag-aayos na ba sa'yo?” tanong ni Sky habang nag aayos ito ng gamit, kakauwi lang nito galing sa school at nakipag video call agad sa akin. Alas otso na ng gabi at ngayon lang ito nakauwi dahil may ginawa pa raw silang project. Pinadalhan pa ako nito ng load dahil pang text lang ang load ko at ang gusto niya ay mag video call raw kami para makita niya ang mukha ko.  “Oo, si Ate Betty, siya rin ang nagpahiram sa akin ng gown na gagamitin ko.” saad ko at agad na tumayo para kunin ang gown para ipakita rito, “Ito oh. Maganda ba?” Sandaling tumitig si Sky sa gown na ipinakita ko, “Hmmm, hindi ba masyadong simple iyan?” “Ang sabi ni Ate Betty ay mas okay daw ang simple.” naka ngiting sagot ko, “Saka hindi ako puwedeng magreklamo dahil nakikihiram lang naman ako.” “You should've told me.” reklamo nito, “Maraming gown si Mommy at lahat ay isang beses niya lang nagamit.” “Naku, 'wag na. Nakakahiya naman sa mommy mo kung pati ang gown ko ay iaasa ko pa sa'yo.” “Tsk. Ano naman ang nakakahiya ro’n?” pagtataray nito, “Magdadala ako ng gown ni Mommy at iyon ang susuotin mo.” may autoridad na saad nito. “Oo na po.” nakabusangot na sagot ko. Hindi ko rin naman ito mapipigilan kaya walang saysay kung makikipagtalo pa ako sa kanya, sa huli ay gagawin pa rin naman niya ang gusto niya. “Anyway, sasama ka ba sa outing?” bigla ay tanong nito. “Hindi ba sinabi ko na sa mommy mo na hindi ako makakasama.” “Why? Don't tell me nahihiya ka na naman?” nakataas ang kilay na tanong nito. Kanina ko pa napapansin ang pagtataray niya kaya bahagya akong natawa.  “Una sa lahat ay hindi ako papayagan ni nanay. Pangalawa ay nakakahiya sa pamilya mo. Si mommy mo pa lang ang nakikilala ko at hindi 'yung daddy mo kaya nakakahiya kung bigla akong susulpot diyan. Pangatlo ay wala rin akong maisusuot.” paliwanag ko na ikinakunot ng noo niya. “Binilhan ka na ni Mommy ng gamit kahapon.” walang ganang sagot nito, “And for your information, alam na rin ni daddy na kasama ka. He's actually excited to meet you.” Nanlaki ang mata ko sa narinig, “Ano? Hala, nakakahiya lalo!” “Come on, mas nakakahiya kung masasayang 'yung binili ni Mommy para sa'yo.” Napabuntong hininga ako sa sinabi ni Sky. Oo nga at mas nakakahiya kung masasayang 'yung binili sa akin ng mommy nito. Pero alam ko rin na hindi siya talaga papayagan ng nanay ko. Hindi pa man ako nagpapaalam ay alam ko na ang sagot, hindi na kailangan pang itanong.  “Gusto mo bang sabihin ko kay mommy na ipagpaalam ka?” “Hindi!” sigaw ko na ikinabigla ng kausap, “Diba sabi ko sa'yo bawal kayo rito.” mahinang dagdag ko ng ma realize na napalakas ang boses ko. Kinakabahan ako na baka magpunta si Sky, malalagot talaga ako kanila Tatay kapag nakita siya at baka huthutan pa siya ng pera.  “Okay, fine. Pero kung sakaling maisip mo na mas better kung ipagpapaalam ka ni Mommy ay sabihin mo lang sa'kin.” sagot nito. Tumango lang ako at itinuloy na ang pagtutupi. Lumipas pa ang ilang minuto bago natapos ang pag-uusap namin. Ngayon ay iniisip ko kung paano magpapaalam kay nanay. Ang sabi kasi ng Mommy ni Sky ay tatlong araw daw ang outing na iyon. Lalo tuloy akong nawalan ng pag-asa na papayagan ako. Ilang oras pa nga lang akong mawala ay nagagalit na ang nanay ko dahil walang mautusan, tatlong araw pa kaya?  Napabuntong hininga ako sa naisip. Gusto kong sumama pero hindi ko alam kung paano. “Heaven!” sigaw ng tatay ko sa labas ng kuwarto ko. Mabilis kong tinago sa ilalim ng luma kong kama ang cellphone ko at agad na tumayo para pagbukasan ito ng pinto. “Bakit po, Tay?” tanong ko. Pagkabukas ko pa lang ng pinto ay naamoy ko na ang alak dito. “Pahinging pera.” saad nito at inilahad ang kamay sa akin. “Bilisan mo at baka mainip ang mga kumpare ko!” “Wala po akong pera, Tay.” kinakabahang sagot ko. “Binigyan ko na po kayo ng isang daan kanina diba?” “Kulang 'yun. Saka 'wag mo nga akong maloko loko dahil alam kong may naitatabi kang pera diyan.” itinulak ako nito at pumasok sa loob ng kuwarto ko. “Tay, wala nga po. Ibinili ko na po ng ulam 'yung natira sa kinita ko kanina.” paliwanag ko. Kinakabahan ako na baka makita ni Tatay ang ipon kong pera pati ang cellphone ko sa ilalim ng kama. Hinalungkat nito ang kabinet ko at hinagis ang mga damit ko sa sahig. Nang walang pera na makita ay humarap ito sa akin at matalim akong tiningnan.  “Akin na ang pera mo. 'Wag mong hintaying bugbugin pa kita.” galit na sigaw nito. “Tay, wala na nga po. Ibinili ko na po kanina ng pagkain.” naiiyak na paliwanag ko, alam kong hindi ito naniniwala kaya unti-unting sumilay ang kaba sa puso ko.  Nagulat ako ng bigla ako nitong sampalin. “Pinagdadamutan mo 'ko ng pera?” tinulak tulak ako nito hanggang sa mauntog ako ng tuluyan sa pader, “Kung hindi dahil sa akin ay wala ka rito sa mundo tapos pagdadamutan mo 'ko?” “Hindi ko po kayo pinagdadamutan, Tay. Binigay ko na po sa inyo ang isang daan kanina.” umiiyak na sagot ko. Masakit ang pisngi ko dahil napalakas ang pagkakasampal nito sa akin at paniguradong magmamarka iyon kinabukasan. Dahil sa inis ay sinikmuraan siya nito at iniuntog pa ang ulo niya sa pader. “Wala kang kuwenta!” sigaw nito bago tuluyang lumabas. Namimilipit na umupo ako sa kama ko at mahinang umiyak. Pakiramdam ko ay namamaga ang pisngi ko dahil sumasakit ito kapag ibubuka ko ang bibig ko. Ilang araw na lang bago ang pageant kaya kailangan ko nang lagyan ng yelo ang pisngi ko pero gabi na kaya paniguradong wala na akong mabibilhan pa. Inayos ko na lang ang sarili sa pagkakahiga at buong gabi ay wala akong ginawa kundi ang umiyak ng tahimik hanggang sa tuluyan akong makatulog. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD