Kabanata 5

1738 Words
KINABUKASAN ay maaga akong gumising. Alas singko pa lang ay gising na ako, kagaya ng nakagawian. Masakit pa ng kaunti ang tiyan at pisngi ko pero dahil sanay na ako sa ganitong sakit ay ipinagsawalang bahala ko na lang 'yun. Nahihilo rin ako dahil sa pagkakauntog sa akin ni Tatay kagabi pero ininuman ko na iyon ng paracetamol kaya maya-maya lang ay mawawala na rin 'yun. Paglabas ko ng kuwarto ay tulog pa ang lahat. Nakita ko ang Tatay ko sa bangko na mahimbing ang tulog. Paniguradong kakatapos lang niya mag inom kaya mamayang hapon pa ang gising niya. Dumeretso ako sa kusina para magsaing. Hinugasan ko na rin ang mga pinggan na nakatambak at ang mga pinag gamitan ng Tatay ko sa pag inom. Nang matapos maghugas ay sandali akong naglinis ng tahimik. Kailangan kong maglinis dahil iinit ang ulo ng Nanay ko kapag nakita nitong madumi ang paligid, at paniguradong sa akin niya yun ibubuntong kahit pa hindi naman ako ang nagkalat. Matapos maglinis ay naligo na ako para makapasok na sa parlor. Saktong 6:30 ay natapos na ako sa lahat ng kailangang gawin kaya nilagyan ko ng yelo ang panyo niya at lumabas na ng bahay. Dinadampi ko iyon sa pisngi ko habang naglalakad papunta sa parlor. “Oh, anong nangyari diyan sa pisngi mo?” tanong ni Ate Betty ng mapansin ang namamaga kong pisngi. “Masakit po ang ngipin ko, Ate.” pagsisinungaling ko, “Kagabi pa po masakit kaya siguro namaga na.” Mabuti na lang at nawala na ang pamumula ng pisngi ko kaya kapani-paniwala ang pagdadahilan ko. “May gamot diyan sa kabinet, inumin mo mamaya pagkatapos mo kumain.” saad nito, “Aalis nga pala ako mamayang hapon kaya pwede ka ng umuwi pagkatapos mo maglinis. Ikaw na rin ang magsarado nitong parlor.” “Sige po.” maikling sagot ko. Ayaw ko pang ibuka ng todo ang bibig ko dahil masakit parin ang pisngi ko. Nang matapos mananghalian ay umalis na nga si Ate Betty. Nilagyan ko muna ng sign na close ang parlor bago ako nagsimulang maglinis. Matapos maglinis ay saka ko lang naalalang uminom ng gamot. Pati ba naman pag-inom ng gamot ay nakakaligtaan ko na. bulong ko sa sarili. Habang umiinom ng tubig ay naramdaman ko ang pag vibrate ng cellphone ko sa bulsa ko. Alam kong si Skyler iyon dahil siya lang naman ang nakakaalam ng number ko at ang may alam na may cellphone ako. From: Best friend Busy ka ba? Pupunta sana ako. Kain tayo, libre ko. Bawal tumanggi. Natawa ako sa nabasa. Ilang araw na rin kaming hindi nagkikita ng personal ni Sky kaya masaya ako na pupunta ito. To: Best friend Hindi, tapos na ang trabaho ko. Antayin kita roon sa prisinto. Nang maisend ang reply ay saka ko lang naalala ang pisngi kong namamaga. Hindi puwedeng malaman ni Sky na sinasaktan ako ng magulang ko dahil abogado ang daddy nito at siguradong may gagawing kalokohan ang lalakint iyon. Isa't kalahating oras pa ang biyahe bago makarating dito si Sky kaya naligo muna ako sa banyo ng parlor at pagkatapos ay naghanap ako ng concealer sa mga make up ni Ate Betty at ipinahid iyon sa pisngi ko. Nagpasya rin akong maglagay ng kaunting foundation at lip gloss. Tinirintas ko rin ang mahaba kong buhok at nag iwan ng kaunting hibla ng buhok sa gilid nito. Nang matapos ay tiningnan ko ang kabuuan sa salamin, tumagilid pa ako para makita kung halata pa ba ang namamaga kong pisngi at napa hinga ako ng maluwag ng makitang hindi na iyon gaanong halata, maliban na lang kung tititigang mabuti. Wala pang text si Sky kaya nagpasya akong umuwi muna ng bahay namin para kumuha ng kaunting pera. Gusto ko sanang bigyan si Sky ng maliit na regalo man lang. Laking pasasalamat ko ng makitang walang tao sa bahay. Paniguradong nasa galaan ang mga kuya ko at nasa sabungan ang nanay at tatay ko. Kumuha ako ng isang daan sa ipon ko kaya 250 na ang hawak kong pera kasama ang 150 pesos na bigay sa akin ni Ate Betty. Kahit half day lang ay 150 parin ang binayad nito sa akin na ikinatuwa ko. Nang marinig ang pag vibrate ng cellphone ay agad ko iyong kinuha. From: Best friend Nandito na ako. Binalik ko sa ilalim ng kama ang alkansya at agad na lumabas ng bahay. Gusto kong kutusan ang sarili dahil malayo pa ang tatakbuhin ko bago makarating sa prisinto kaya dapat ay binilisan ko ang pag-aayos. Hindi siguro traffic kaya mabilis lang ang naging biyahe ni Sky. Hinihingal ako ng makarating sa harap ng prisinto. Nakita ko agad ang sasakyan nila Sky kaya agad ko itong pinuntahan. Natatawa naman siyang pinag buksan ako ng pinto. “Sa susunod ay reregaluhan na kita ng bike.” natatawang saad nito at inabutan ako ng tubig ng makaupo ako ng maayos sa tabi nito. Inabot niya ang tubig at mabilis na inubos iyon, “Naku, hindi na kailangan. Nakaka ganda ng katawan ang pagtakbo, alam mo ba 'yun? Tingnan mo ang sexy ko na lalo.” pabirong sagot ko na ikinatawa nito. “Kaya hindi ka nagkakalaman dahil palagi kang tumatakbo.” sagot nito at pinisil pa ang braso ko, “Hindi sexy ang tawag diyan, kundi patpatin.” pang aasar nito. Tumawa ng mahina ang driver nitong si Kuya Jake kaya nahihiyang inirapan niya si Sky. “Wala ang mommy mo?” pag-iiba niya ng usapan. Madalas kasi ay ito ang nag da-drive kapag magkikita sila ni Sky. “May importante siyang inaasikaso. Ako lang ang mag isa sa bahay kaya pumunta na lang ako rito.” napatango siya sa sinabi nito. Na-ikwento nga nito na madalas na busy ang mga magulang niya at wala ito sa bahay nila. “Nagpaalam ka naman ba?” mataray na tanong niya. Noong isang beses kasi na pumunta ito sa kanya ay hindi ito nagpaalam kaya pinauwi niya ito. Gusto niya mang makasama ang kaibigan ng araw na 'yun pero sinabi niya sa sarili na hindi niya hahayaan na maging masamang impluwensya siya rito. “Oo, dahil alam kong pauuwiin mo 'ko kapag hindi.” pinanlakihan pa siya nito ng mata. “Good boy.” tinapik-tapik niya ang ulo nito para lalo itong maasar. Irap lang ang isinukli nito sa kanya na ikinatawa niya. Nitong mga nakaraan ay nagiging mataray sa kanya ang kaibigan kaya lalo siyang natatawa rito. “Saan nga pala tayo kakain?” maya maya ay tanong niya. “Secret.” sagot nito. Umayos na lang siya ng upo at inintay na huminto ang sasakyan dahil alam naman niyang hindi nito sasabihin. Palaging ganu'n ang eksena nila kapag tatanungin niya kung saan sila pupunta ay palaging secret ang sagot nito. Nang huminto ang sasakyan ay agad silang bumaba. “Hintayin kita rito, Sir.” saad ni Kuya Jake. Tanging tango lang ang isinagot ni Sky rito at hinila na siya papasok ng mall. Medyo malayo ang mall sa lugar nila kaya inabot sila ng ilang minuto sa biyahe. “Bakit dito tayo kakain? Eh ang mahal mahal dito, Sky.” reklamo niya. “Libre ko nga kaya bawal magreklamo.” sagot nito, “Saka laging sa karinderya tayo kumakain kaya dapat paminsan-minsan ay sa mall naman.” Napagkasunduan kasi nila na kapag magkikita sila ay sa karinderya lang sila kakain. Isa 'yun sa mga rules na sinabi niya kay Sky. Maliban na lang kung kasama nito ang Mommy niya dahil hindi talaga 'yun papayag na sa mumurahin sila kumain. Ang katwiran nito ay minsan lang naman sila lumabas kaya dapat daw ay sulitin nila. Wala siyang nagawa ng pumasok sila sa loob ng restaurant. Hawak hawak ni Sky ang kamay niya kaya nahihiya siya dahil napaka simple ng suot niya. Isang lumang pink na t-shirt at medyo kupas na puting pantalon ang suot niya at naka tsinelas lang siya. Si Sky rin naman ay naka tsinelas lang pero halatang mamahalin ang tsinelas nito kaya hindi mapag kakamalang mahirap ang lalaki. Pareho lang din silang naka t-shirt at naka shorts lang ito pero hindi parin nawawala ang mayamang awra nito, kabaliktaran sa kanya. Alam niyang kahit nasa loob ng mall ay masasabing mahirap lang siya sa isang tingin pa lang. “Nakakahiya 'yung suot ko.” bulong niya sa lalaki, “Sa iba na lang kaya tayo kumain.” Pinasadahan siya ng tingin nito mula ulo hanggang paa at pagkatapos ay umirap, “Maayos naman ang itsura mo. Ang ganda mo nga eh.” saad nito. Pakiramdam niya ay namula ang pisngi niya sa sinabi nito kaya hinampas niya ito ng mahina sa braso, “Wag ka nga magsabi ng ganyan. Baka may makarinig sa'yo at mapagkamalan ka pang bulag.” Malakas na tumawa ang lalaki na ikinagulat niya. Napapahiyang yumuko siya dahil pinagtinginan sila ng mga kumakain malapit sa pwesto nila. “Ako pa ang bulag?” saad nito matapos tumawa, “Wala ka bang salamin sa kuwarto mo?” “Meron. Grabe ka naman, akala mo ba pati salamin ay hindi ko afford?” Pinitik nito ang noo niya, “Hay, hindi na naman tayo nagkakaintindihan.” Sasagot pa sana siya ng may lumapit na waiter sa table nila. Si Sky lang ang umorder dahil wala naman siyang alam sa mga pagkain roon. Nanatili lang siyang nakayuko dahil nahihiya siya na baka tanungin siya ng waiter at wala siyang maisagot. Nang makaalis ang waiter ay saka lang siya umayos ng upo. Nagulat siya ng makitang seryosong nakatitig sa kanya si Sky. “Bakit? May dumi ba 'ko sa mukha?” nag aalalang tanong niya. Hindi na nga maganda ang suot niya, baka mukha pa siyang gusgusin. “Hindi ba sinusunod ko 'yung mga rules mo sa friendship natin?” seryoso itong nakatitig sa kanya. “Oo.” naiilang na sagot niya. Hindi siya sanay sa ganung awra ni Sky. “Pwes, ngayon ako naman ang sundin mo.” nakatitig parin ito sa mga mata niya, “Kapag magkasama tayo, ayokong maliitin mo ang sarili mo. Bawal kang umakto na para bang ikaw ang pinaka mahirap na tao sa mundo. Gusto kong maging proud ka sa kung sino ka, dahil ako, proud ako sa'yo at wala akong pakialam sa tingin nila sa'yo. 'Yan ang kaisa-isang rule na bawal mong labagin. Naiintindihan mo?!” Tanging tango lang ang naisagot niya at nanatili siyang nakatitig dito dahil hindi niya alam ang dapat niyang sabihin...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD