Pumasok kami sa loob at bumungad saamin ang maalikabok at sira-sirang gamit na nakakalat sa lapag.
"What's this place?" Tanong niya.
"Who owns this place." Pagtatama ko sakaniya.
Naghanap kami ng mga bagay na maayos pa ngunit wala. Lahat ng nandito'y sirang-sira na akala mo'y sinadya.
Dinala ako ng mga paa ko sa likurang parte ng bahay at bumungad saakin ang upuan na halatang nasunog. Bumalik ulit ako sa loob dahil wala naman nang ibang bagay sa likod.
"Nasaan ang mga nakatira dito?" Tanong ni Hiro habang abala sa pagtitingin sa paligid.
"I f*****g don't have an idea."
Pumasok ako sa unang silid na nakita ko. Ang sa tingin kong higaan ay hati-hati at ang mga kagamitan ay halatang sinunog. Wala na akong makitang bagay dito na maaring magamit upang malaman kung sino ang may ari dito.
Lumipat ako sa kabilang kwarto at ganon din ito. Napansin ko ang bagay na natabunan ng mga pira-pirasong parte ng higaan kaya ko ito maingat na inangat.
"What's that?"
"I think it's a bag." Sagot ko.
"How about this one? Nakita ko lang din."
Napaharap ako sakaniya at nakitang hawak niya ang makapal na libro. Sira din ito at ang kaunting parte nito ay nasunog. Napaawang ang bibig ko ng mapagtanto ito.
"It's ours." Mahinang sambit ko habang nagpabalik-balik ang tingin sa bag at libro.
"Paano mo nasabi? Is this yours?"
"No. Kay Luna." Aniko.
Ito iyong librong palagi niyang binabasa. Sa pagkakatanda ko'y isa ito sa mga librong binuhat ko noon nung sinamahan ko siya.
"And this is mine." Dagdag ko at tinukoy ang bag.
"Who've done this?"
Hindi agad sumagot si Hiro at tinignan muna ang paligid na parang inoobserbahan ito. "I suppose.... black witch." Aniya.
"Why? Why did they set this on fire? Why did they do this? For what?" Sagot ko ngunit hindi siya sumagot.
"I think I get it." Wika ko pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.
"Ano?"
"Paano nakapunta si tita Clara doon?"
"Hindi ko alam. Basta't nakita ko na lamang na kasama na siya ni Denver."
Tumango ako sakaniya at napatingin ulit sa paligid.
"Before the battle starts, I think the king intentionally or should I say ordered to his allies to destroy this. Maybe he knew where my sister lives, and tried to kill her but...." tumigil ako at tumingin sakaniya.
"My sister escaped or something, and also tita Clara... before they even kill them." Pagtuloy ko.
"Maybe. But where's your sister? Saan siya dumaan? Bakit hindi niya kasama ang tita Clara mo?"
Hindi ako agad sumagot sakaniya. "I suppose my sister knew about the academy. Pero paano si tita Clara? Hindi naman niya alam ang tungkol sa eskwelahan namin.... or she knew all about it." Sambit ko.
"What's with the school?"
"Nandoon ang lagusan papunta sa mundo natin. Doon ako dumaan dati."
"Pero nasira na." Dagdag ko kaya siya tumango.
"Posible. Kasi kilala niya si Denver at sa tingin ko'y may mas malalim pa sa kanilang relasyon."
"She's my mother's bestfriend." Sabi ko at naging tahimik ulit kami.
"Ibig sabihin ay kilala niya din ang kuya mo." Aniya kaya ako tumango.
"So, the question is, who and why did they build the portal. Bakit sila gumawa ng lagusan papunta dito sa mundo ng mga tao?"
"I don't know. It's kinda confusing." Sambit ko.
Lumabas na kami ngunit napatingin ako sa dinaanan namin kanina. Napatawa na lang ako ng marahan nang may mapagtanto ulit ako.
"What?" Tanong niya dahil sa mahinang pagtawa ko.
"Ang lungsod na pinanggalingan natin ay.... diyan kami bumili dati ng bigas. 'Yon yung araw na nakita ko si Denver na bumisita kay tita Clara." Wika ko.
Sobrang laki na ng pinagbago ng lahat. Kaya naman pala hindi ko naalala ang lungsod na iyon dahil hindi na ito ganon sa dati.
Pagkasabi ko non ay naging seryoso ang tingin saakin ni Hiro.
"What?"
"If you saw Denver here.... w-why, I mean, h-h-how?"
"What do you mea.... damn it. Hindi ko naisip iyon."
"Kung may sumpa kayo at ang lugar natin... bakit siya nakapunta dito?" Tanong ko din sakaniya.
"I don't know." Sagot niya.
"Fuck." Mura ko nang may mapagtanto nanaman ako.
"Bakit nakapunta dito si tita Clara? Kami? At si kuya Gerald?...."
"And Damon?" Dagdag ko.
"Kung may sumpa kami at ang lugar natin ngayon.... probably before...."
"Wala pang sumpa." Sabay naming sabi at nagkatinginan.
"Sino ang naglagay ng sumpa? Bakit?"
"I don't have an idea, Hiro. It's like a scattered puzzle." Sagot ko.
Napabuntong hininga kaming dalawa.
"Then who the f**k brought Damon here? Ibig sabihin nito'y alam na nila o inaasahan na nila ang sumpa kaya nila kami dito dinala. But how about you two?" Tanong ko sakaniya.
"My mother died because of the king. Ang sabi niya saamin ay namatay ang tatay namin dahil sa laban.... at ang pumatay ay ang hari. Kaya ganon na lang ang galit ko sa hari kaya ako nag punta doon upang malaman ang balak niya at makapag higanti." Aniya.
"That's why you left Jack?"
"No. I didn't really leave him. Masyado kasi siyang inosente para doon sa gagawin ko kaya ako umalis.... and as I've said to you before, para na din hindi siya madamay. Hinahanap din kasi kami ng hari para patayin dahil sa hindi ko alam na kasalanan na ginawa ng aking ina."
"But how'd he survived alone?"
"He's not that alone, Tala. Paminsan minsa'y nag pupunta ako sakaniya para saluhan siya sa pagkain, pero... naging mas madalang ang pag punta ko sakaniya dahil mas humihigpit ang pag hahanap ng hari saamin."
"At kung malaman niyang may kambal ako.... malalaman niyang kami ang hinahanap niya na gusto niyang ipapatay." Pagtuloy niya.
"Bakit gusto niya din kayong patayin? Imposibleng dahil lang iyan sa kasalanan ng iyong ina. Sa palagay ko'y may mas malalim na dahilan ang hari." Aniko.
"Hindi ko alam. Naguguluhan na din ako." Sagot niya.
"We should get back. Sisikat na ang araw ano mang oras." Sambit ko sakaniya.
"Tala."
"What?"
"Wear this, and don't give it to anyone, please." Madiin niyang sabi atsaka sinuot saakin ang dyaket niya.
"Tsk. You little pervert."
"I said I'm not. It's just.... it is so distracting."
"Distracting your ass. Let's go." Wika ko at nauna nang tumakbo pabalik.