Chapter 1
Habang nakapikit at pinapakiramdaman ang hangin na tumatama sa balat ko ay dito ko naramdaman ang halo-halo kong emosyon.
Parang ang kalahati ng buhay ko'y nawala kasama ni Jack. Sobrang durog ko ng mawala si Damon at para akong sinaksak ng sabay-sabay ng malaman kong pumanaw na din si lola.
Bakit kailangan ganito? Kailan ba ito matatapos?
Tatlo kaming nakipag kasundo sa matanda, pero dalawa na lang kaming makakarating dito. Ang sakit ng loob ko dahil hindi ko man lang nakausap o dikaya'y nayakap si Jack. Ang daya niya.
Ang taong nanjan tuwing kailangan ko ng masasandalan. Hindi man ganon kaganda ang una naming pagkikita, pero.... ito ay nagkaroon siya ng malaking parte sa puso't pagkatao ko.
Si Damon naman na una kong minahal ay iniwanan na din ako. Parang ayoko ng mag mahal ng sobra dahil dito. Ang mga minamahal ko ay iniiwanan din ako.
______
Nakapikit lamang ako at inaantay na tumama ang katawan ko sa maaari nitong pagdapuan. Ramdam ko din ang mabilis na pagbulusok ko pababa at ang hangin na marahas na nililipad ang aking buhok.
Sa hindi ko inaasahang pangyayari ay may mahigpit at marahas na humawak sa palapulsuan ko kaya't naibuka ko agad ang mga mata ko.
"s**t" pagmura niya.
"Help yourself Tala" hirap niyang sabi.
Kahit nahihirapa'y pinilit ko pa rin na iakyat ang sarili ko sa hindi ko mawaring lugar.
"Saan ito?" Tanong ko.
"I don't know. Pero narinig kong sabi sa ibaba na roller toaster daw ito." Aniya.
"Roller Toaster?"
"Yeah" Sagot niya
Hindi ko din alam kung nasaan kami. Malayo na ang pagkakaiba ng dati kong kinalakihan sa nakikita ko ngayon. May mga nagtataasang bahay na hindi ko alam kung bahay pa ba. Halos abot niya na ang kalangitan sa taas ng iba't ibang tirahan dito.
At ngayon ay nandito kami sa maingay at may iba't ibang kulay na lugar. Marami ring tao na may iba't ibang pinagkakaabalahan.
Nakuha ang atensyon namin sa sasakyan na may lamang maraming tao na naghihiyawan at mabilis na patungo saamin ni Hiro.
"f**k. f**k. Fuck." sabay naming usal.
Nagkatinginan muna kami bago tumango. "We need to jump" atsaka ulit tumango.
Hindi ko makita kung ano ang nag aabang saamin sa ibaba dahil may kadiliman ito. Naalala ko naman na ito pala ang kondisyon ng walang hiyang matanda saamin.
Bago pa makalapit ang mabilis na sasakyan saamin ay tumalon na kami. Napapikit ulit ako at hindi ito dahil sa pagaantay ko ng pagdabo ng katawan ko sa ibaba, kundi ang kawalan ng hangin na hindi ko alam kung bakit.
Marahas kaming nahulog ni Hiro sa kalsada na nagpagulo saaming isipan. Pareho din kaming inubo at habol ang hininga habang nakaupo sa malamig na semento.
"The f**k is happenning?" Madiin at inuubo kong tanong.
"Hindi ko alam. Napaka misteryoso nitong lugar na ito." Sagot niya at pilit na tumayo. Inalalayan niya din akong tumayo atsaka kami tumingin sa paligid.
Wala na kami sa mataong lugar kanina.
Nakaamoy ako ng bulaklak kaya't hinanap ko kaagad kung saan ito nanggagaling. Nakita ko ang bulaklak na nakasabit sa gilid ni Hiro at inamoy ito. Dito nga iyon nanggagaling.
Bakit noong nandon pa lamang kami ay wala itong amoy?
"Napaka bango ng bulaklak na ito. Bago ako malaglag ay ito agad ang naamoy ko." Aniya.
Hinanap ko ang bulaklak ko at nakita ito na sira-sira sa lapag ngunit malakas ko pa rin itong naamoy.
"Kailangan na nating mag hanap." Wika ko sakaniya.
Bumigat ang puso ko dahil sa pagkaka-alala kay Jack. Hindi ko man lang siya nayakap o nasabing napaka swerte ko sakaniya.
Napansin ata iyon ni Hiro kaya't lumapit siya saakin at marahan niyang hinaplos ang likuran ko. Hindi ko magawang tumingin sakaniya dahil naaalala ko si Jack na nagpapasakit ng puso ko.
Isa nanamang mahalaga saakin ang nawala. Kung may kakayahan lang akong tapusin ito ng minsanan ay gagawin ko para wala ng madamay pa.
"Fucker"
Bigla kong narinig ang boses at pagtawa ni Jack sa utak ko kaya't nagsunod-sunod na ang mga luha kong tumulo.
Ang malulutong niyang mura at mapangasar niyang tono kasabay ng halakhak ay parang libo-libong punyal na tumutusok sa puso ko.
Narinig ko nanaman ang pagtawa niya kaya't hindi ko na napigilan pa ang pagluha ko.
Bakit kailangan may mag sakripisyo o mabawian ng buhay? Bakit hindi ako hayaan ng kalawakan na maging masaya? Gumagawa na nga kami ng paraan para masolusyunan ang problema at wala naman kaming nasasaktang iba.
Bakit kailangan niyang isa-isahin ang mga mahal ko. Kinuha niya na nga si Damon at ang Lola. Bakit pati si Jack?
"Please don't cry. Hindi magugustuhan ni Damon at Jack na makita kang ganiyan."
"How?" Sagot ko.
"Paano ako hindi luluha kung nawala nanaman ang isa sa mga mahal ko..."
"At dahil saakin." Pagtatapos ko at umiyak nanaman.
Hindi siya agad sumagot.
"It is their choice, Tala. Hindi nila gagawin iyon para lang sa wala. Mahal na mahal ka rin nila at huwag na huwag mong iisipin na hindi ka karapat dapat na pag sakripisyuhan."
Imbes na tumahan ako ay umiyak lang ako ng umiyak.
Ilang minuto bago ako tumahan ng tuluyan. Wala naman kasi akong mapapala kung iiyak lang ako ng iiyak. May kailangan pa kaming gawin at kailangan na naming mag madali.
"Paano natin sila mahahanap? Wala tayong kakayahan na maramdaman ang presensya nila" wika ko.
"Hindi...."
"Ayo mates!"
Hindi na natuloy ni Hiro ang sasabihin niya at naging alerto kami. Hinanap namin ang pinanggalingan ng boses, pero madilim ang paligid at tanging mahihinang ilaw sa gilid ng kalsada lamang ang malinaw naming nakikita.
"Who are you?" Tanong ni Hiro.
Biglang may lumitaw na madilim na bilog sa harapan namin at iniluwa no'n ang lalaking may ngiti sa kaniyang mga labi.
"I'm Valentine"
"Anong kailangan mo saamin?" Matapang kong tanong.
Nakita kong tumingin siya sa mga bulaklak namin kaya't itinago ko kaagad ito sa likuran ko. Si Hiro naman ay ihinarang ang sarili saakin.
"Umalis ka na" pagbanta niya sa lalaki na nag ngangalang Valentine.
Dahan-dahang inaalis ni Hiro ang bulaklak sa gilid niya at iniabot saakin ng hindi nahahalata ng lalaki. Isisniksik ko ang bulaklak namin sa beywang ko at tinakpan ng damit para hindi niya makita.
"Maliit lang naman ang kailangan ko" sagot niya.
"Kahit ano pa 'yon ay hindi namin ibibigay sa'yo. Umalis ka na." Ulit ni Hiro.
"Hindi naman ikaw ang kailangan ko" Sambit ng lalaki at sumugod.
"Tala. Tumakbo ka na. Hanapin na lang kita." Sabi niya at sumugod din sa lalaki.
Tumakbo ako ng tumakbo. Kahit saan na ako mapadpad basta't makatakas dito.
Ano ba ang kailangan niya sa bulaklak? Bakit hindi na lang siya mag hanap ng ibang klase ng bulaklak. Sa pagkakatanda ko ay maraming bulaklak dito.
Napahinto ako ng mapansin ang paglitaw nanaman ng itim na bilog sa harapan ko.
"s**t" mahinang mura ko.
Iniluwa nanaman no'n ang lalaking kalaban kanina ni Hiro.
"Mate!" Masaya at galak niyang sabi nang makalabas siya ng tuluyan sa itim na bilog.
Mate? I'm his mate? Pano niya nalaman? Paano ba malalaman na mate mo ang isang nilalang?
Bakit sinabi niya din iyon saamin kanina? Hindi kaya't saakin niya 'yon sinabi? Pero bakit nakatingin siya saaming dalawa ni Hiro? Di kaya'y alerto lang siya?
"Mate?" Tanong ko.
"A friend" sagot niya.
Hindi ko gaano naintindihan ang sinabi niya kaya't kinuha niya iyon para umatake saakin. Buti na lang at mabilis akong nakaiwas sa paghawak niya saakin.
"Friend huh!" Sarkastikong sabi sakaniya.
Medyo malayo na siya saakin kaya't hindi ko na siya inantay pa at tumakbo na palayo. Hindi ko alam kung nasaan na si Hiro at kung anong nangyari sakaniya. Ang kailangan ko munang gawin ngayon ay makatakas dito sa lalaking ito at ingatan ang bulaklak na hindi ko alam kung para saan.
Hindi ko siya pwedeng labanan dahil sinabi saamin ng matanda na bawal kaming manakit ng.... saglit. Hindi siya normal na tao. Paano niya nagagawa yung pagsulpot sa kung saan-saan gamit ang itim na bilog na siyang parang lagusan niya?
Isinantabi ko muna ang mga tanong ko at tumakbo lang ng tumakbo. Nakarating ako sa napapaligiran ng nagtataasang bahay na ang pader ay salamin.
Mga ilang palapag kaya ang....
Hindi ko na natuloy ang nasa utak ko nang bigla akong makarinig ng malakas na tunog na nanggagaling sa sasakyan na itim. Ilang taon na ba noong huli akong makakita ng sasakyan?
"Are you outta your mind?!" Galit na sigaw ng lalaking nakasuot ng puting polo at may salamin.
Nagsunod-sunod ang pagtunog ng sasakyan sa likuran niya kaya't nataranta ako. Nagpunta ako sa gilid at narinig ko pa siyang nag mura.
Ibang-iba ang kasuotan ko sa kasuotan ng mga tao dito. Ang itim kong pantalon at sinturon, ang pula kong sando na pinatungan ng itim na dyaket at ang buhok kong mahabang naka ipit.
"Are you lost?"
Muntik ko ng maitilapon ang babaeng humawak sa kamay ko dahil sa gulat. Buti na lang at napigilan ko ang sarili ko.
"Gosh. That hurt." Wika niya habang hawak-hawak ang braso.
"Are you lost?" Ulit niyang tanong.
Nakasuot siya ng pantalon na butas-butas at puting t-shirt na nakabaon sa pantalon niya. Meron din siyang salamin at nakaipit na buhok na nagpapakita ng mukha niya.
She's kinda cute. Pero di hamak na mas matangkad ako sakaniya.
"Ok. Can I ask your name?"
Napatingin ulit ako sa paligid. Sobrang layo na nito sa dati kong kinalakihan. Hindi ko alam kung nasaang parte ako ng mundo at kung ito ba ang dati naming tirahan.
"I'm Sandra." Sabi niya.
"Talisha." Tipid kong sagot.
"Gosh. I thought you can't speak."
"I think you're lost. Want to get accompanied?"
Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Hindi niya alam kung ano ako at basta-basta na lang siya mag aalok ng ganiyan.
How reckless this human.
"Come on." Pag aya niya at basta na lang hinawakan ang kamay ko at hinila patakbo.
This reckless human girl is crazy.
Tumakbo kami ng tumakbo hanggang sa marating namin ang sasakyan na sa tingin ko ay pag aari niya.
"This is my sweet baby ferrari gtc4lusso" Masaya at mayabang sabi niya.
Nauna na siyang sumakay atsaka binigyang buhay ang sasakyan.
"Get in"
Sumakay naman ako sa tabi niya at pinaandar na ito. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalihin pero sa tingin ko ay mabait naman siyang tao.
Kailangan ko munang mahanap si Hiro kung saan siya napadpad. Pero hindi ko alam kung saan dahil sa lawak ng lugar na ito.
"Una kitang nakita, alam kong nawawala ka kaya ako nag magandang loob na tulungan ka." Pagbasag niya sa katahimikan namin.
"Saan ka ba galing?"
Hindi ko siya pinansin at tumingin lang sa labas. Noong nandito pa ako sa mundo ng mga tao ay tanging puno, maliit na kabahayan, bilang na sasakyan at eskwelahan lamang ang tangi kong nakikita. Pero ngayon ay napakarami ng sasakyan ang nagbibigay ingay sa paligid, mga nagtataasang bahay na sobrang daming palapag at halos wala na akong makitang puno.
Nabaling ang atensyon ko ng mapansin sa pinakatuktok ng isa sa mataas na bahay ang lalaking nakatayo.
"Itigil mo." Madiin kong utos sa babae at hindi pa rin inaalis ang tingin sa lalaking nasa tuktok.
Itinigil niya rin ito at nagtatakang sumunod saakin palabas.
"How did you saw that? Ang galing ng mata mo." Aniya habang nakatingin din sa tinitignan ko.
Paano ako makakapunta doon? Pamilyar ang lalaking iyon at kailangan kong malaman kung sino.
"Dalihin mo ako doon." Sabi ko sakaniya.
Kumunot ang noo niya saakin pero iniwanan ko na siya at sumakay na. May pakiramdam ako na kailangan kong puntahan 'yong lalaking yun.
"Hindi tayo papapasukin jan. Isa 'yang hotel at hindi naman kasi tayo matutulog jan."
"Hotel?"
"Oo. Iyang mga nakikita mong nagtataasang gusali ay hotel. Ang iba naman ay mga pinagtatrabahuan ng mga business man o business woman."
"Ano?!" Irita kong tanong.
Hindi ko naiintindihan ang mga sinasabi niya. Basta gusto ko lang ay makita at malaman kung sino ang lalaking nasa tuktok ng hotel na sinasabi niya.
Nagpakawala siya ng malalim na pag hinga atsaka huminto sa gilid ng kalsada.
"Hindi ko akalaing gagawin ko 'to." Aniya atsaka bumaba.
"Kakausapin ko ang mga nandoon habang ikaw ay tumakbo sa hagdan. Huwag kang mag e-elevator dahil baka mahuli ka."
Kahit hindi ko alam ang sinasabi niyang elevator ay tumango ako.
Pumasok kami sa loob at binati kami ng malamig at makikinang na sahig at pader. Itinuro niya saakin kung nasaan ang hagdan atsaka tumango. Nagtungo ako doon habang siya ay nagpunta sa taong nasa lamesa.
Inilibot ko muna ang paningin ko bago pumasok sa loob. Nag umpisa na akong tumakbo sa hagdan at ginamit ang bampirang kakayahan ko.
Hinihingal akong tumapak sa panghuling hagdan. Napahawak ako sa tuhod ko atsaka pinakalma muna ang sarili. Hindi ko na din halos mapaikot ang hawakan ng pinto dahil sa pagod pero pinilit ko ito hanggang sa tuluyan na akong nakalabas.
Hinanap agad ng mata ko ang lalaking gusto kong makita pero wala.
"Nasaan na siya?"
Nagpunta ako sa pwesto niya kanina at tumingin sa ibaba. Nakita ko ang sasakyan na ginamit namin at nakikita ko din ang maganda at mailaw na paligid.
Nakarinig ako ng maraming yabag sa pinanggalingan ko kanina kaya naalerto ako. Napatingin ulit ako sa ibaba at nakita si Sandra na hindi mapakaling tingin ng tingin sa paligid.
"Shit." Mahina kong mura.
Tatalon ba ako? Sobrang taas ng kinalalagyan ko at hindi ko alam kung kakayanin ko ba ito.
"Damn it"