Bago pa kami makapunta nang tuluyan sa harap ng club ni Hiro ay sinalubong agad kami ni Danny.
"T-talisha? Ikaw ba 'yan?" Sambit niya atsaka tinignan ako maigi.
"Ikaw nga." Aniya nang makumpirma niyang ako nga. Yayakapin na sana niya ako nang biglang humarang sa harapan ko si Hiro.
"Hey!"
"Don't be a f*****g pervert." Rinig kong wika niya.
"Ikaw kanina pa kita hinahanap. Nando'n ang kambal mo't mamatay-matay na."
"Where?" Singit ko agad.
"Room."
"Where's Valentine and Sandra?" Tanong ko bigla.
"I don't know. Hindi ko din sila mahanap."
"Let's go." Sambit niya at nauna.
"What happened? Kanina ay umiinom pa siya dito." Sabi ni Hiro habang naglalakad kami papunta sa itaas.
"Hindi ko alam. Basta kanina pagpasok ko, nakahawak siya sa ulo niya na parang sobrang sakit."
"I know he's really in pain. Halos alisin na niya nga ang ulo niya noong nakita ko siya kanina." Pag-dagdag niya.
Ang puso ko ay biglang sumikip. Sobrang sakit. Hindi ko alam kung bakit.
Pagkahinto niya sa harap ng pinto'y bigla ko itong binuksan at naunang pumasok. Para akong nakakita ng dalawang buwan dahil sa surpresang bumati saamin.
Si James ay malayang nakikipag halikan sa isang babae na wala ng saplot sa pang itaas habang nakahiga sa kama.
"Ito ba ang mamatay-matay na?" Tanong ni Hiro kay Danny na halatang hindi din makapaniwala sa nakikita.
Nang mapatingin siya saamin ay bigla niyang tinulak ang babae kaya ito nahulog sa kama at napadaing.
"Dying huh? Dying your f*****g ass." Madiin kong sabi atsaka umalis.
"People. It's. Not. What. You. Think." Rinig kong sabi niya.
"Dying your ass." Rinig ko ding sabi nila Hiro at Danny.
"Guys! It's not what you think!" Malakas niyang wika habang tumatakbo para habulin kami.
"Asshole!" Balik ni Danny.
"Really! It is really not what you think!" Aniya ulit.
"f*****g stop it!" Sambit din ni Hiro.
"Let me explain my side. Masakit yung ulo ko, sobra, kaya....."
"f*****g shut up, you jerk!" Aniko.
Pagkalabas namin ay hinarap ko siya.
"It's not what you think." Sambit niya saakin atsaka tumingin din sakanila Danny.
"Let me explai-"
"Explain your ass." Pagputol ko sakaniya atsaka ulit tumalikod.
"No. Let me jus...."
"Don't." Madiing rinig kong sabi ni Hiro. Narinig ko din ang marahas na tunog ng lupa na parang may hinila kaya ako bigla napatingin. Nakapulupot ang braso niya sa leeg ni James habang hawak niya ang nakataas nitong kaliwang kamay.
"If you love your hands, don't ever dare.... touch her hair." Sambit niya kay James.
"Danny. Sa susunod na mag babalita ka saamin, ayusin mo." Madiin kong wika kay Danny.
"Yes. I didn't know. I'm sorry." Sagot niya.
"Where's f*****g Sandra? I need her car." Irita kong sabi at tumingin sa paligid. Nakita ko ang sasakyan niya kaya ako dali-daling pumunta dito atsaka pinatakbo. Sinuot ko din ang salamin para maprotektahan ang mata ko sa araw pagkalabas ko dito sa lugar.
Nahagip ng paningin ko ang isang tindahan sa mga nadadaanan ko. Hininto ko agad ang sasakyan at pumasok dito.
"Magandang umaga sa iyo. Ano ang maitutulong ko?" Bati saakin ng matandang babae pagpasok ko.
"Nais ko lang mag hanap ng magandang maisusuot ngunit wala akong pambayad." Wika ko.
"Ang isang binibining katulad mo'y hindi na kailangan mag bayad. Ika'y pumili na." Aniya habang matamis na nakangiti.
"Ngunit hindi.... salamat." Tugon ko.
Napatingin agad ako sa mannequin na may magandang kasuotan- Wine red pantsuit and black heels- atsaka ito kinuha.
"Pumasok ka diyan at mag bihis." Sambit niya atsaka ulit ngumiti.
Pagkatapos kong mag bihis ay inayos ko ulit ang buhok ko.
"Maraming salamat." Aniko atsaka yumuko ng bahagya.
"Ika'y mag iingat binibini." Pagkasabi niya non ay sinuot ko na ang salamin at lumabas.
"Where the f**k is Sandra and Valentine? Bakit sila...."
Biglang pumasok sa utak ko yung narinig kong sinabi ni Sandra dati. Sa tingin ko'y magkasama sila sa planong kuhain ang bulaklak namin.
Ang pinag tataka ko lang dati pa'y, bakit niya ako basta sinamahan. Para ding inabangan niya talaga akong makarating doon. 'Yon yung panahong tumakas ako kay Valentine.
"Those pricks."
Pinatakbo ko agad ang sasakyan hanggang sa marating ko ang hotel na tinutuluyan ni Sandra. Dali-dali akong pumasok dito at huminto nang makarinig ako ng boses sa loob ng kaniyang silid.
"We need to get their flower as soon as possible, Sandra. Kahit isa lang. Nahihirapan na ang mahal ko." Rinig kong sabi ni Valentine.
"Tally is wise, Valentine. Malalaman niya ito. At kung malaman niya, you know that I'm afraid."
"Wala naman siya dito."
Bahagyang napatawa si Sandra. "Kaibigan kita, oo. Pero huwag kang makapag sabi ng ganiyan, Valentine. You don't know how much her capability is. She's really strong, Valentine."
"That thing or creature or whatsoever is, she can kill it. Kayong dalawa ni James, hirap na sa pagpatay doon. Siya alam kong kayang kaya niya 'yon."
"Nakita ko kung paano niya mag isang napabagsak yung mga kalaban dati noong nagpunta kami ng balon. She even did it twice. Noong niligtas namin yung lobo, si Danny. In just a second, she killed them all." Dagdag niya.
Nagkaroon ng ilang segundong katahimikan bago ko marinig ang pagbuntong hininga ni Sandra.
"Bakit kasi pinabayaan mo ang babaeng yan na makagat ng lobo. Atsaka bakit hindi mo na lang hanapin ang mate niya? Ang hanapin mo ay ang lunas talaga, hindi 'yong ganito." Aniya.
"She didn't love her mate, Sandra, you know that. Mahal namin ang isa't-isa."
"Forget that love love, Valentine. Kahit bali-baliktarin mo ang mundo, tanging mate niya lang ang makakagamot sakaniya, unless.... pinutol niya..."
"Oo." Sagot ni Valentine.
"Kasalanan niya naman pala. Kasalanan niyong dalawa."
"Come on. We need to go back. Baka hinahanap na tayo nila James."
"Ewan ko sa'yo. Basta kung malaman niya ito, sinasabi ko sa'yo Valentine.... mas takot ako sakaniya kaysa sa kahit na sino. Alam kong hindi pa niya pinapakita ang totoong galit niya at ayoko siyang magalit saakin. Gusto ko pang mabuhay, Valentine. Hahanapin ko pa din ang itinakda saakin." Mahabang sambit niya.
"Tally makes my whole body tremble. Lalo pag tumitig siya."
"Yeah. I know it." Wika ni Valentine.
"Lahat tayo." Sabi agad ni Sandra.
"Let's go."
Pagkasabi ni Sandra non ay nag antay muna ako ng ilang segundo bago pumasok. Nakaalis na sila at tanging tahimik na silid ang bumungad saakin.
Sabi ko na nga ba ay may kakaiba sa dalawang 'yon.