Chapter 18

1145 Words
Pagkamulat ko'y bumungad saakin ang kisame na gawa sa bato. Pinilit kong umupo at napapikit ng maramdaman ang konting pag kirot sa parteng tiyan ko. Napatingin din ako sa braso ko na magaling na dahil sa pagkakasunog. Narinig ko ang ungol ng leon kaya ko ito sinundan. "Where are we?" Umikot sila upang humarap kaya ako napayuko at umiwas sa pag tama sana ng katawan nila saakin. "Maayos na ba ang pakiramdam mo?" "Maayos naman na." Sagot ko sa leon. "Maari ko bang malaman ang mga pangalan ninyo?" "Ako si Ellios." Wika ng leon. "Miro." Sabi naman ng ahas. "Sab." Sambit din ng dragon. "Ikinagagalak kong makilala kayo." Aniko sakanila at bahagyang yumuko. Yumuko din sila. "Anong nangyari? Nasaan tayo?" "Nawalan ka ng malay nang apat na araw." Wika ni Miro. "Apat na araw?!" "Nandito tayo sa tagong lugar na nakita namin." Sabi din ni Sab. "Salamat. Ngunit, sino ang nag-gamot saakin?" "Kami. Ang sugat mo sa braso'y nawala din agad dahil saamin ito galing." Ani ni Ellios. "Salamat ulit." "Basta't ikaw." Sabay-sabay nilang sabi. "Kailangan kong bumalik sakanila. Hindi ko alam kung anong dahilan ng pinunta niyo dito at hindi ko din alam kung paano kayo nakapunta dito, pero masaya ako dahil nandito kayo. Ngunit kailangan kong bumalik sakanila dahil sa misyong kailangan kong tapusin." "Hindi kami papayag. Baka saktan ka lang nila ulit." "Hindi. Hindi nila iyon sinadya. Wala silang kasalanan." "Kung ano mang nangyari noon ay ako na ang humihingi ng tawad." Dagdag ko. Napatingin ako sa braso nila na may malaking sugat. "Anong nangyari dito?" Tanong ko habang tinatali ito gamit ang telang binigay saakin dati ni Hiro. "Ano na ang nangyayari sa ating mundo?" Tanong ko ulit. "Maayos naman ito. Wala ka ng dapat ipag-alala." Sagot ni Miro. Ngumiti ako bilang tugon sakanila at napatingin sa sugat ko sa palad. Inalis ko ang telang binalot ko dito at nakitang halos magaling na ito. "Gutom na ba kayo?" "Medyo." Sagot nila. "May alam akong pwede niyong makain, ngunit nakabaon ito sa lupa." "Ayos lang iyon. Wala naman kaming pinipili." "Wala nga ba?" Patawang tanong ko sakanila. "Mga bampira." Sabi ko kaya sila nagkatinginan na parang sabik na sabik dito. ... "Ayos na ba? Nabusog ba kayo?" Tanong ko nang matapos sila. "Bakit hiwalay ang mga ulo nila sa kanilang katawan?" Tanong nila. "Sila ang mga nakalaban ko." Sagot ko. "Maari ko bang malaman kung sino ang dati ninyong amo?" Hindi sila nakasagot agad. "Ayos lang naman kung ayaw niyong sabihin. Naiintindihan ko." Wika ko. "Emperor Henry." Sagot nila kaya't medyo nagulat ako. "Maraming salamat." . "Kailangan niyong mag tago. Hindi kayo maaring makita ng mga tao o kahit sino dahil maari kayong mapahamak. Babalik ako't hahanapin kayo, pinapangako ko." Sabi ko sakanila nang makarating kami sa club. Kahit nasa himpapawid kami'y kitang kita ko ang pagiiba ng ilaw sa loob nito. "Hindi kami makapapayag na iwanan ka. Baka may mangyaring masama sa'yo." "Walang mangyayaring masama saakin. Huwag kayong mag-alala. Ang iniisip ko ay kayo. Mag iingat kayo." Sambit ko. Marahan akong yumuko at hinalikan sila. Tinapik ko sila ng marahan atsaka tumalon sa ibaba. Nakita ko silang lumipad na palayo atsaka ko pinagpagan ang sarili ko. Buti na lamang at hindi ako maruming tignan. Inayos ko ulit ang buhok ko at inipitan. Nagpakawala ako ng malalim na paghinga atsaka na pumasok. Ang paligid ay walang pinag bago sa una't pangalawang pasok ko dito. Ganon pa rin ang ingay, mga tao, at nagsasayawan sa gitna. Saan ko sila hahanapin dito? Imposible kasing patutuluyin sila basta ni Sandra sa kaniyang tirahan, kaya't dito lang ang tanging lugar na naiisip ko. Hindi ko pa din kasi alam kung saan nakatira si Valentine. Naagaw ng atensyon ko ang babaeng nakaupo sa gilid habang may hawak na inumin at umiiyak. Siya lang ang nakita kong tao na nandito habang umiiyak. Halos kaedad niya lang si Luna. Lalapitan ko na sana siya nang marinig ko ang pangalan ko. "Tala?!" Malakas na tanong ni Hiro nang makita niya ako. Pansin kong nagbago na din ang kasuotan niya. Hinanap ko agad sila Sandra ngunit wala sila. Nilapag niya ang iniinom niya at dali-daling lumapit saakin. Binati niya ako ng mahigpit na yakap. "I'm so sorry. Hindi ko sinadyang saktan ka. I thought we've lost you. I'm so sorry, Tala." Aniya habang nakayakap pa rin saakin. "Ayos lang." Sagot ko habang nakayakap din sakaniya. "W-w-what happened? Nasaan ang chimera? S-saan ka nanggaling? Paano ka nakapunta dito?" Sunod-sunod niyang tanong nang makalabas kami. "They didn't hurt me. It's ok." Sagot ko. "Ilang araw ka naming hinanap, ngunit hindi ka talaga namin makita. Ang akala talaga namin ay wala ka na. Pasenya na talaga." "Ayos nga lang. Bakit ka nanaman pala umiinom? Tandaan mo, ang kapareha mo." Nagbabanta kong sabi sakaniya kaya't marahan siyang napatawa. "Wala naman na. I'm now mateless." "Besides, hindi ko malimutan ang nangyari sa'yo." Pagdagdag niya. "Mateless? What do you mean?" Bumuntong hininga siya atsaka tumingin sa langit. "Naramdaman kong pinaalis niya na ng tuluyan ang nagkokonekta saaming dalawa bilang mag kapareha." Malungkot niyang wika. Para nanaman akong sinaksak dahil sa mga sinabi niya. How could she do that? Anong dahilan niya? Bakit niya pinaalis? Hindi niya na ba naisip si Hiro, ang itinakda talaga sakaniya? Nagpakawala ulit siya ng malalim na paghinga atsaka ako hinarap. "If I say that I'm ok, you know that I'm lying, right?" Aniya. Ako naman ang bumuntong hininga. "Of course." Sagot ko. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin ulit. Naramdaman ko ang likidong umaagos sa balikat ko kaya ko siya marahang tinapik sa likod para patahanin. "Don't worry. I'll let her pay for this." Aniko. "Don't. Maybe she didn't really want me, for her." "What a load of s**t is that, Hiro." Sagot ko agad sakaniya. "Cry. Just cry, Hiro. It's ok to cry." Sambit ko. Ilang minuto bago siya tumahan atsaka tumayo ng maayos. "You stil have the flowers and the mirror?" "Yeah. They're in good hands." Sagot niya din. "Good." "Where are the others?" Tanong ko agad. Magsasalita pa lang siya'y pinatigil ko siya agad. "There's something about that girl. Let's follow her." Aniko at tinukoy ang nakita kong babae na umiiyak sa loob. Sumakay na siya sa sasakyan niya at pinatakbo papunta sa kasalungat ng dinadaanan namin tuwing pupunta kami dito. Ang dinadaanan namin ay nagiging pamilyar saakin, ngunit hindi ko ito maalala. Ang mga matataas na bahay ay kumokonti na at dumadami na din ang puno kumpara sa kaninang nadaanan namin. At ang kaninang matataas at halos dikit dikit na bahay ay napapalitan ng maliliit at magkakalayong tirahan. Nagdirediretso siya ngunit napahinto ako nang makita ang isang bahay. Ang mga halaman dito ay tuyong-tuyo at sira-sira. "What is it?" Tanong ni Hiro at tinignan din ang bahay na tinititigan ko. "I think.... I think I know this place.."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD