Chapter 17

1033 Words
"Binigay saakin ito ng babae sa balon. Itago mo dahil masisira lang 'yan lalo kung ako ang mag tatago." Pag-abot ko sakaniya ng tatlong bulaklak. "Why in private?" Ibubuka ko pa lang ang bibig ko nang biglang bumukas ang pinto. Bigla na lang tumalikod si Hiro sa pinto at marahan niya akong pinasandal sa pader. Pasimple niyang itinago sa bulsa niya ang tatlong bulaklak. "What are you doing?" Madiin na tanong ni Danny. Inilapit ni Hiro ang mukha niya saakin ng ilang segundo bago naglakad palayo. "It's none of your f*****g business." Sagot ni Hiro habang diretso lang ang tingin at nilampasan si Danny. "Let's go." Sabi ko din at sumunod na sa labas. "Where are we going?" Tanong ni Sandra nang makasakay kaming lahat. "Club." Hindi na siya nag tanong ulit at pinaandar na ang sasakyan. Bigla akong napatingin sa silangan, kung nasaan ang bundok. May napakalaking apoy dito na nagpakabog ng malakas sa puso ko. "f**k. Go to the east. Sa bundok." Sabi ko agad sakaniya. Bigla niyang pinaliko ang sasakyan niya at mabilis na pinatakbo papunta sa bundok. "The f**k is that?" Mahinang wika ni Hiro. Nawala ang apoy ng ilang segundo atsaka nanaman ito lumiyab. Mas malakas at mas malaki. "s**t. A little faster, Sandra." Sambit ko habang nakatitig sa apoy. Saan ito galing? Bakit nawawala-wala ito? "Gosh. They're following us. Kailangan ko munang ihinto." Pagkahinto niya'y may dalawang lalaking kumatok sa bintana na sa tingin ko ay pulis. "Goodevening ma'am, sir. Nais lang po naming makita ang iyong I.D at lisensya." Pumikit ako upang pakalmahin ang sarili ko. Humans. Humans. They're humans. They are humans, Tala. "Gusto rin po sana naming sabihin na, sumobra na ho ang bilis ng pag papatakbo niyo ng sasakyan." "Pasensya na ho. Hindi ko ho napansin." Sagot ni Sandra. "Palalampasin ho namin ito ngayon. Sana po sa susunod ay hindi niyo na ho uulitin." "Maraming salamat ho." Sagot ni Sandra atsaka kinuha ang I.D at lisensya niya. "Sorry guys. We need to slow down a little." Sambit niya nang makaalis kami. Ilang minuto ang lumipas hanggang sa makalabas kami ng lungsod. Tumaas ng bahagya ang sasakyan dahil sa biglaang bilis ng pagpapatakbo ni Sandra. Kahit hindi na kami mag tanong sa salamin o kahit hindi na mag tanong saakin si Sandra ay alam na niya ang lulusutan niyang daan. Lahat kami ay nakatingin sa napakalaking apoy na hindi ko alam kung saan nanggaggaling. Halos bumaon na kami sa kinauupuan namin dahil sa bilis ng sasakyan niya. Ang mga puno sa gilid namin ay halos malabo na din. Lumalapit na din kami sa pinagmumulan ng apoy. Narinig ko ang malakas na ungol dahilan ng pag lakas lalo ng kabog ng puso ko. How'd they got here? "Damn it. What's he doing here?" Malakas na sabi ni Hiro dahil sa ingay ng ungol nang makalabas kami sa sasakyan. "Where the f**k is Valentine?" Tanong ko din. "What's that?" Tanong ni Sandra. "Chimera." Tipid kong sagot habang nakatingin dito sa himapapawid. "There's Valentine." Sambit ni Hiro. Napatingin ako sakaniya na wala ng malay. "Go get him." Aniko sakaniya. " Danny, stay here. Protect this human girl." Wika ko rin sakaniya. Hindi ko na siya pinansin sa mga sinasabi niya at tumungo sa pwesto ni James. Siya ay nakaluhod at halatang hingal na hingal. Ang dami niya ding sugat ngunit nakuha ng atensyon ko ang kaliwang braso niya na may napakalaking hiwa. Akmang magbubuga na ng apoy ang dragon nang biglang gamitin ni James ang kapangyarihan niya. Ang chimera ay unti-unting nalaglag dahil sa panghihina. Gumalaw ang lupa nang malaglag ito ng tuluyan. "No... stop... James... stop." Napaluhod na ako dahil sa kawalan ng hangin. Napansin niya ata kami kaya't bigla siyang napahinto. Umungol ulit ang chimera atsaka pilit na tumayo. Tumakbo naman si James papunta saakin. "Why are you here?" "Stop... don't..." "Shhh." Pag tigil niya dahil habol pa rin ang hininga ko. Halos mabingi ako nang umungol ng napakalakas ang dragon kasama ng leon. Bigla akong napatayo ng maayos nang makitang mag bubuga na siya ng apoy. "Stop!" Pag pigil ko habang nasa likuran ko si James. "Get out of here. Ako na ang bahala." Wika ko sakaniya. "No." Madiin niyang sagot. "Don't make things more complicated, James. Get the f**k out of here. Ako na ang bahala." Maawtoridad na sabi ko ulit. "Hiro! Danny!" Tawag ko sa mga ito kaya't bigla silang nag tungo at hinila si James. Hindi na siya ganon kalakas at makalaban dahil sa mga sugat na natamo niya. "Get out of here. I'm gonna take care of this." Sambit ko sakanila. "Mag iingat ka. Babalik ako dito." "Ako din." Dagdag ni Danny at hinila na si James palayo. Nakita ko kung paano sila umalis atsaka ako humarap sa chimera. "Stop. Calm down." Aniko. Nagbuga siya ng apoy kaya ako mabilis na umiwas. Ang ahas naman ay sumugod saakin at akmang matatamaan na niya ako ng bigla nanaman akong umiwas. Ayoko silang saktan. Ang huli kong kita sakanila ay noong nakakulong sila. Hindi ko man lang sila natulungan at sobra ang pagsisisi ko doon. "Itigil niyo na ito." Wika ko ulit ngunit nagbuga nanaman siya ng apoy. Umiwas ako ngunit naabot nito ang braso ko kaya ako napahiga. "f**k" Sobrang hapdi ng braso ko. Nagtungo sila sa mismong harap ko habang tinititigan ang kalagayan ko. "Stop... please... calm..down." "Who are you?" Sabay na tanong ng dragon at ahas saakin. "What are you?" Tanong din ng leon. "I'm... Tala." Hirap kong sagot. "You could understand us?" Tanong ng dragon. "Of course. Kaya ko nga kayo sinasagot." "We found her. Finally." Sambit ng ahas. "Tala!" Rinig kong sigaw ni Hiro. Nakita ko ang lumipad na patalim papunta sa chimera kaya kinuha ko ang buong lakas ko at humarang dito. "No!" Sigaw nilang dalawa ni Danny. "Stop...it." napahiga ako at ramdam ko na ang pag agos ng dugo ko. Narinig ko din ang malakas na ungol ng dragon at leon. "No." Wika ko sa mga ito. "Climb, Tala. Climb." Ani ng ahas. Inalalayan nila akong makatayo at gamit ang natitirang lakas ko'y umakyat ako papunta sa likuran nila. "Don't." Sambit ko hanggang sa mandilim na ang paningin ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD