"Where are they taking the damn map?!" Sabi ng lalaki.
Tama nga ang hinala ko. Kaya hindi sila mag kasama nung isang lalaki ay dahil naghahanap din siya.
"Wala akong ideya kung sino 'yan. We should go." Mahinang wika ni Sandra.
"Wala ka talagang ideya dahil hindi siya katulad mong tao." Sagot ko sakaniya.
Ang mga armas ng mga bampira ay nakatutok sa lobong pinalilibutan nila. May mga tali ring nakapulupot sa nguso at katawan niya.
Tinitigan ko maigi ang mata niya at nanlaki na lamang ang mata ko nang mapagtanto kung sino ito.
Gumawa ulit ako ng makapal na usok at binato ang espada ko sa mga kalaban. Hindi na ako nag aksaya ng oras at pinutol ko na din ang ulo ng lalaki na kasama sa nagbabantay sa salamin.
"Danny?" Aniko sa lobong nanghihina dahil sa mga sugat at galos dahil sa pagkakatali sakaniya.
Sinamahan ako ni Hiro na alisin ang mga tali sakaniya samantalang si Sandra ay tumitingin sa paligid.
"Sandra. Bring here the car." Utos ko kaya't dali-dali siyang nagtungo doon.
Napahiga ang lobo at biglang nag anyong tao. Inalis ko agad ang dyaket ko at pinantakip sa katawan niya.
"Danny. Hey, wake up." Pag tapik ko ng marahan sa pisngi niya.
"Let's get him in." Sambit ko kay Hiro nang makarating si Sandra saamin.
Itinali ko sa beywang niya ang dyaket at maingat na pinaupo sa loob ng sasakyan.
...
"Bakit nila siya nakuha?"
"I don't know." Sagot ko kay Hiro.
Pagkatapos naming magamot si Danny ay nagtungo kami ni Hiro dito ulit sa itaas ng hotel.
"Sa hindi inaasahang lugar. Doon ang maari nating daanan upang makabalik sa mundo natin."
"Wala akong maisip na lugar. Sobrang lawak ng lugar na ito." Sagot niya naman.
"Sinubukan mo na bang magtanong sa salamin?"
"Hindi pa." Tipid kong sagot.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa non si Sandra.
"He's awake." Aniya.
"Talisha." Bungad niya saakin nang makapasok ako.
Nakita kong kinuha agad ni Hiro ang manipis na tela sa upuan, atsaka ito ipinatong sa katawan ko. Tinignan ko siya na parang nag tatanong ngunit tinaas niya lang isang kilay niya. Napailing na lang ako dahil dito.
"What happened to you? Anong bang nangyari?" Tanong ko kay Danny at Inalalayan siyang umupo atsaka pinainom muna ng tubig.
"They want the map. Hindi ko alam kung bakit, pero noong nalaman kong ikaw ang hinahanap nila, sinabi kong nandoon kayo. Hindi ko naman alam na nandoon talaga kayo."
"Thanks. But how'd they got you? Hindi ka naman nila kukunin kung hindi nila alam na kilala mo ako, unless, you told them."
"No." Sagot niya agad.
"I'm just partying at the club. Pagkatapos kong makausap si James ay nagpaalam akong aalis muna ako. Nakita ko sila kung paano nila patayin ang walang kamalay-malay na lalaki dahil hindi niya masagot kung nasaan ang mapa... ikaw."
"Saan mo sila nakita?"
"Dito sa lungsod."
"After they killed the guy.... may isinunod nanaman sila. Doon ko nalaman na ikaw ang hinahanap nila dahil sa sinabi nilang may mahabang buhok na palaging nakaipit ng mataas. Ikaw lang naman ang kilala kong ganon kaya sinabi ko na nakita kitang patungo doon."
"Pasensya na. Hindi ko alam."
"It's ok." Sabi ko agad sakaniya.
"Salamat sa pag ligtas saakin." Aniya atsaka ako tumango bilang tugon.
"Bibili muna ako ng maisusuot niya." Sambit ni Sandra. Pagkasara niya ng pinto ay nag-antay muna ako ng ilang minuto bago harapin si Danny.
"Kilala mo ba si Valentine?" Mahinang tanong ko sakaniya.
"O-oo."
"Paano siya nakilala ni James? Paano ka nakilala ni James?"
"Hindi ako sigurado kung paano. Pero nakilala ko si James doon sa club. Ilang linggo na siyang nandoon kaya't naging kaibigan ko siya agad. Ang hilig nga sa babae eh." Natatawa niyang wika.
Linggo? Anong ibig sabihin nito?
"Bago mo ako makilala doon, ilang linggo na doon si James?"
Umiwas siya ng tingin na parang nag iisip ng napakalalim.
"Tatlo? Hindi ko na maalala. Pasensya na."
Tumango ulit ako sakaniya.
"James ba talaga ang pangalan niya?"
"O-oo naman. Kilala nga siya nung may ari ng club."
"Nakita mo na kung sino ang may ari ng club?"
"Hindi pa, pero ang sabi ni James ay babae raw. Kasi kapag nag uusap kami, o kapag nag kukwento siya saakin, may nasasabi siya tungkol doon sa may ari ng club. You know that he's really curios about everything."
"Ikaw. Walang nabanggit saakin si James na may kambal pala siya." Sambit niya habang nakatingin kay Hiro.
"Oh. Ahmm...." Aniya at natawa ng marahan.
"You two, ahh... you two are....hmm, a-are you two... mate?"
Nabigla ako sa sinabi niya pero hindi ko ito pinahalata.
"No." Sabay naming sagot ni Hiro sa sinabi niya.
"Ohhh. Ok. Ok. But... dating?"
"What is that even mean?"
"It's like, getting to know each other." Sagot niya sa tanong ko.
"No."
"Ahhh. Ok. Ok." Wika niya habang may maliit na ngiti sa kaniyang mga labi.
"We're more than that." Sambit ni Hiro kaya't nawala ang ngiti sa mga labi ni Danny.
"I don't care." Sagot niya.
Napapansin kong nagkakainitan na silang dalawa kaya't magsasalita na sana ako nang pumasok agad si Sandra.
"Ito lang ang nakita ko. Yung iba kasi malayo na." Sabi niya at inabot ang binili niya.
"Sandra." Pag tawag ko sakaniya at nag tungo kami sa kusina.
Pagkatapos ng ilang minuto'y humarap na din kami at nakitang nakapag bihis na si Danny. Si Hiro naman ay seryosong nakatingin sa bintana.
"We'll find your stupid brother." Mahinang wika ko kay Hiro atsaka na ako lumabas.
"Where are we gonna find him?" Tanong niya habang nakasunod saakin.
"At the club. Doon daw siya huling nakausap ni Danny."
"Yeah. Pero paano kung umalis na siya doon? Sa tingin mo, nasaan siya?"
"Valentine." Sagot ko.
"Where's the mirror?" Pag iiba ko.
"Pocket." Sagot niya.
Napatingin ako sa likod namin at nakitang nakasunod sila Sandra. May kalayuan sila saamin kaya't alam kong hindi nila naririnig ang pinag uusapan namin.
"There's something I need you to keep." Bulong ko sakaniya.
"Private." Dagdag ko.
"Oh s**t! I forgot something." Aniya atsaka humarap sakanila Sandra.
"Go get it yourself." Sagot sakaniya ni Danny.
"Halika. Bilisan mo." Sabi ko rin kay Hiro.
"Mauna na kayo."
"But..."
"Susunod na lang kami." Singit ko kay Danny.
"Here's the key." Sambit ni Sandra at itinapon saakin ang susi.
"Let's go." Tawag ko kay Hiro at nag madaling pumasok sa loob.