"There. Sabi ko na nga ba't hindi kayo iiwanan ng kasama niyo." Wika ng lalaki.
Napatingin ako sakanila Sandra't Hiro na nakaluhod at may mga bampirang nakatutok ang patalim sa kanilang leeg, samantalang ang katawan nila'y nakatali.
Nakita ko rin ang ibang bampira na nakapalibot saamin. Ang iba ay nasa itaas ng puno na halatang handa ng sumugod saakin.
"Ibalik mo ang salamin saamin." Madiin at may pagbabanta niyang sabi.
Sa pagkakaalala ko'y isa siya sa apat na nagbabantay sa salamin noon. Ang leader nila'y wala na at ang isang kasama nilang nagbabantay ay namatay na din. Ibig sabihin no'n ay dalawa pa silang natitira. Pero nasaan ang isa?
"Ganiyan ba kayo makipaglaban? Napaka dumi niyo." Sagot ko sakaniya.
"Kung ako ang gusto niyong kalabanin dahil nasaakin ang salamin, bakit niyo idadamay ang mga walang kwentang nilalang na 'yan?" Sabi ko ulit.
Kumunot ang noo niya sa sinabi ko. Ang mga bampira naman ay nagkatinginan na parang nagtatanong sa isa't isa.
"Sa tingin niyo ba'y pipigilan ko kayong ihiwalay ang ulo sa katawan ng dalawang 'yan? Kung gusto niyo ako pa ang gagawa." Natatawa kong sambit.
"What's with you? Anong klaseng leader ka? Bakit mo sinasabi sa mga inutil mong kasama ang mga iyan?" Aniya.
Napatawa ako sa sinabi niya. "What's with YOU. Bakit mo sila kinakampihan?" Wika ko at natawa ulit.
"By the way, where's your respected leader? Bakit kayo kulang-kulang ngayon? Bakit wala siya dito't ipagtanggol kayo? Bakit ikaw ang kausap ko?" Insulto kong tanong sakaniya na nagpasama ng tingin niya saakin kaya ako napangisi.
"He's coming for you. I won't kill you because he said, he's the one who'll separate that head of yours to your body." Madiin niyang sambit na nagpahalakhak saakin.
"Oh. Really?" Aniko atsaka ulit tumawa. "Where's he?" Tanong ko.
"He's on his way."
"Oh come on. Let's stop this stupid chit chat." Sabi ko atsaka sumugod sakaniya.
Bago pa ako makalapit sakaniya'y ibinato ko ang espada ko sa dalawang bampira kung nasaan sila Hiro. Umiwas ako sa pagtira niya atsaka tinaas ang kamay ko para bumalik ang espada ko.
Siya naman ang umatake kaya ko hinarang agad ang espada ko sa pag-tira niya. Umikot ako at akmang tatamaan siya nang bigla siyang yumuko.
Ang mga kasama niya ay nakalabas na ang mga pangil at namumula na ang mga matang nakapalibot saamin. Para silang hayop na gutom na gutom at nagaantay ng pagkaing itatapon sakanila.
Inatake ko siya ngunit nahawakan niya ang kamay ko.
"Not bad. I'm surprise." Wika niya na sobrang lapit ng mukha saakin.
"Yeah." Walang ganang sagot ko atsaka ko binitiwan ang espada ko at ginamit ang isa kong kamay para masalo ito.
Napaatras siya habang nakataas ang dalawang kamay nang maitutok ko ang espada ko sa leeg niya. Ang mga nakapalibot na bampira saamin ay naging alerto.
"Tell me, why's that you're into this mirror?"
"Hmmm..... figure it out yourself." Sagot niya atsaka tinira ang espada ko gamit ang espada niya.
Sinugod niya ako at ramdam kong mas naging agresibo siya. Sa pagtira ko sakaniya'y nakaiwas siya at marahas niyang hinawakan ang braso ko kung nasaan ang espada ko. Mabilis niya itong kinuha at itinapon sa likuran niya.
"No!" Sigaw ko atsaka siya tumawa habang nakatingin saakin at hindi pa rin binibitawan ang isa kong braso.
Ngumisi ako sakaniya atsaka ko tinaas ang isa kong kamay kaya't biglang bumalik agad ang aking espada.
"You forgot about that part." Nakangisi kong sabi sakaniya at sinaksak siya.
"Sorry to say this but, your respected leader is dead." Bulong ko sa tenga niya.
Pagkasabi ko non ay bigla siyang napatigil sa pag-atake sana saakin kaya ulit ako napangisi. Umatras siya ng ilang beses na parang hindi makapaniwala habang hawak ang pinag saksakan ko sakaniya.
"And now, it's your turn." Aniko.
Bigla ko siyang sinugod ulit pero nasangga nito ng mga bampirang kasama niya.
"Finish that crazy b***h!" Sigaw niya sa mga kasama niya.
Gumawa ako ng makapal na usok kaya sila napahinto lahat. Isasara ko na sana ang dalawa kong palad nang mapagtanto kong baka madamay sila Hiro. Hindi ko pa kabisado ang kapangyarihan ko kaya't itinapon ko na lang sa mga kalaban ang espada ko.
Pagkaalis ko ng usok ay sabay-sabay natumba ang mga bampira na hiwalay na ang ulo sakanilang katawan. Nagtungo ako sa tumatayong leader nila na nakasandal sa puno habang hirap na sa paghinga.
"Call me crazy, one more time." Madiin kong wika sakaniya.
Marahas niyang hinila ang mahaba kong buhok. "Crazy! Ha! Crazy. Crazy b***h!" Aniya habang hinihila pa rin ang buhok ko.
Napapikit ako dahil sa sakit. "You'll pay for this." Sambit ko at pinutol ang dalawa niyang kamay. Sumigaw siya dahil sa sakit kaya ko pinutol agad ang ulo niya.
"It's f*****g loud."
Now they're so many. Saan ko nanaman sila dadalihin?
"Hiro." Tawag ko sakaniya kaya siya tumango.
"Samahan mo na rin kami." Sabi ko rin kay Sandra. Nanginginig siyang tumango saakin at nag umpisa ng mag hukay kagaya ni Hiro.
Halos mag iisang oras kaming nag hukay ng napakalalim at tinapon na doon ang mga bangkay ng kalaban.
How I love and hate killing at the same time. Kung marumi akong pumatay, ay iiwanan ko lang ang mga bangkay nila, pero ayoko kasing may makaalam ng pagpatay ko. Baka malaman ng marami kung gaano ako ka-brutal pumatay.
"Now, what are we gonna do to go back there." Sambit ni Hiro at tinukoy kung paano kami makakabalik sa mundo namin.
"I don't know for now. Let's find first James." Sagot ko.
"We need to be alert. Ang isa sa mga nagbabantay sa salamin ay buhay pa." Aniko nang nasa sasakyan na kami.
"How'd you kno.... Oh. Alam mo na ba kung bakit nila ito gustong makuha?"
"Not sure." Sagot ko ulit.
Baka katulad din namin sila. Pero kung katulad namin sila'y dapat nag hahanap na sila noon pa. Bakit nandoon lang ito sa tore pati ang compass at masyadong iniingatan?
"Tell me! Where is that crazy lady?!"
Pinahinto agad ni Sandra ang sasakyan niya nang marinig namin ang sigaw ng lalaki.
"They're here." Tipid kong sabi.
"Who's he talking to?" Tanong ni Sandra.
"Valentine or James." Wala sa sariling wika ni Hiro.