"You sure about him? Baka pinaglalaruan niya lang tayo."
"Besides, he didn't even show himself."
"Could you just stop talking. Just keep your eyes on the road." Madiing sambit ko kay Sandra.
Kung may sasakyan o kahit anong maaring magamit lang talaga ako'y hindi na ako nagtitimpi dito sakaniya. Pasalamat na lang siya't may malaking tulong ang sasakyan niya sa pag hahanap namin.
"She has a point." Ani din Hiro.
Hindi muna ako sumagot sakaniya at pinakalma muna ang sarili. I should control myself. I should control my f*****g emotions.
Nagpakawala muna ako ng malalim na paghinga. "Diba ikaw ang nagsabi saakin dati na magtiwala ako? Now what are you doing?" Kalmadong wika ko.
"I'm sorry." Sagot niya.
Ilang minuto kaming nabalot ng katahimikan, at ilang minuto din naming tinahak ang matarik na daan.
Hindi maalis sa isipan ko ang kalagayan nila kuya. Kamusta na kaya sila. Maayos ba sila? Kumpleto pa ba sila? Si Agnes? Ano na kayang kalagayan niya? Si Luna. Nasaan na kaya siya? Ano nang nangyayari sakaniya?
Ibinaling ko na lang ang atensyon ko sa mga nadadaanan naming mga puno. Ang mga bundok dito'y hindi katulad ng mga nakasanayan ko. Meron itong daanan na pwedeng daanan ng sasakyan tulad ngayon, at nasa gilid nito ang mga puno.
Hapon na't may araw pa rin. Buti na lang at may pantakip ang sasakyan ni Sandra para hindi kami masinagan ng araw. Ngunit, ang liwanag sa labas ay sumisilip saakin at sumisilaw pa rin sa mga mata ko. Mas maigi ng ako na lang ang masilaw kaysa kay Hiro. Ayoko ng may mapahamak pa.
Dinaramdam na niya ang kasalanang ginagawa ng kaniyang kapareha, kaya't ayoko ng dagdagan pa ang pasakit na pinapasan niya.
Responsibilidad ko sila dahil ako ang dahilan kung bakit sila nandito ngayon at nalalagay sa kapahamakan ang kanilang buhay. Kaya kailangan kong gawin ang lahat para mailayo sila sa panganib.
Nakita namin ang nag-iisang balon na napapalibutan ng mga matataas na damo at tumungo doon. Buti na lang at sobrang daming puno kaya't hindi kami natatamaan ng sinag ng araw.
"Stay here." Aniko sakanila Sandra.
"Sasama...."
"If anything goes wrong there, I'll never save you." Madiin kong wika kay Sandra na nagpatahimik sakaniya.
Tinignan ko si Hiro atsaka siya marahang tumango. Huminga muna ako ng malalim atsaka tumalon sa balon. Pagkalapag ng paa ko sa sahig ay bigla itong bumukas at dumausdos ako paibaba. Buti na lang at pinalitan ko na ang sapatos ko.
Ang inaasahan kong tubig at kadiliman ay kasalungat ng bumati saakin. Tuyo ang lupa na inaapakan ko at maraming halaman ang nasa gilid katulad na lamang ng binigay na bulaklak saamin ng matanda dati. Ang nagbibigay naman ng ilaw ay ang mga dyamante na may pagkakatulad sa mundo namin.
Para itong kweba. Hindi ko alam na may ganitong lugar sa ilalim ng lupa.
Nakita ko sa gitna ang balon at sa gilid nito'y parang altar.
"Kanlura." Tawag ko pagkarating ko sa balon. Lumiwanag ito kaya ako umatras at dahan-dahang lumitaw ang isang napakagandang babae galing sa balon. Gaya ng sinabi ni Alas ay lumuhod ako upang bigyan siya ng galang.
"Ano ang nais ng isang napakagandang binibini at nagpunta dito?"
"Maari ka ng tumayo." Dagdag niya kaya ako tumayo para harapin siya.
"Nais ko lamang humingi ng tulong sa iyo."
"At ano ito?"
"Nais ko sana, na humingi ng pabor upang tulungan mo ang katulad mo na makapunta sa mundo namin."
"Sinabi niya?" Bigla niyang tanong.
"Hindi. Ako ang humanap sa'yo." Sagot ko agad kaya siya tumango ng marahan.
"Kung kailangan mo na siya'y, tawagin mo lang ang kaniyang ngalan at darating siya, ngunit...."
"Kailangan mo akong bigyan ng masasabi mong pag aari mo upang malaman ko kung saan ko siya dadalihin." Dagdag niya ulit.
"Pag aari? Wala akong masasabing pag aari ko."
"Maari mo akong bigyan ng dugo mo, kung nanaisin mo." Wika niya.
Gamit ang espada ko'y sinugat ko ang palad ko. May kung ano siyang kinuha at sinabing doon ko ipapatak ang dugo ko.
"Hugasan mo diyan ang sugat mo." Sambit niya at tinuro ang balon.
"Maari ba akong mag tanong ulit?"
"Ano iyon?"
"Saan ako puwedeng dumaan upang makabalik sa mundo ko?" Tanong ko at hindi siya agad nakasagot.
"Kung saan hindi mo ito inaasahan." Aniya.
"Binibini." Pagtawag niya pagkatapos kong mag hugas.
"Ano iyon?"
"Nakikita ko, na ang nakaraan ay hindi tulad ng inaakala mo.... ninyo."
"Anong ibig mong sabihin?"
"Ikaw lamang ang maaring makaalam sa katotohanan dahil ang mga kasama mo'y nababalutan ng mahika.... ang lugar na iyong tinitirahan."
"Mahika? A-a-anong ibig mong sabihin?"
"Ngunit hindi mo pa ito malalaman dahil sa loob mo'y hindi mo pa ito tanggap at hindi ka pa handa."
"Anong tanggap? Handa? Ano ba ang nais mong sabihin?" Tanong ko at tinapos ang pagtali ng tela sa palad ko.
"Kung handa ka nang malaman ang katotohanan ay, ito mismo ang lalapit sa'yo, binibini. Kung nalaman mo man ito'y...." pagtigil niya atsaka tumingin diretso sa mga mata ko.
"Huwag kang magpapatalo sa iyong emosyon at sana'y mabigyan ka ng talino upang maayos o maitama ang mga pagkakamali." Pagtuloy niya.
Nakaramdam ako ng pagkahilo at panghihina kaya ako napaatras. Ang bulaklak ko'y sira-sira na katulad ng kay Hiro.
"Sa pag pigil mo ng pagkauhaw ay maaring makapatay sa'yo, binibini." Sabi niya.
"Ngunit wala akong magagawa dahil hindi ako puwedeng manakit ng tao at...." lumunok ako at huminga ng malalim.
"Ayokong saktan ang itinakda saakin." Pagtuloy ko.
"Hhmm. Nakikita kong sobra ang sakit na dinama niya noon dahil sa ginawa mo. Ngunit hindi kita masisisi dahil wala ka pang alam sa gano'n."
"Kilala mo kung sino ang itinakda saakin?"
"Oo."
"Ang mundo'y parang bilog, binibini. Kung noon ay ikaw ang walang malay sa nararamdaman ng itinakda sayo'y, siya ngayon ang nawalan ng malay sa'yo."
"A-anong ibig mong sabihin?"
"Kaya ka nakakaramdam minsan ng pagsikip at sakit sa iyong puso'y dahil yan sa kasalanang ginagawa ng iyong kapareha."
"Hindi mo din siya masisisi dahil hindi niya alam na meron ka." Dagdag niya.
Pumitas siya ng tatlong bulaklak na katulad ng bulakalak na binigay saamin ng matanda atsaka ito binigay saakin.
"Kakailanganin mo."
"Maraming salamat." Sagot ko.
Bigla siyang umiwas ng tingin na parang pinapakiramdaman ang paligid.
"Kailangan mo ng bumalik sa mga kasama mo, binibini. Nararamdaman kong nasa panganib sila."