Chapter 4

1347 Words
"Where are you two going?" Bungad niya saamin ng may gulo-gulong buhok at pag hikab. "May kailangan lang kaming gawin." Sagot ko. "What?" Tanong niya ulit at nag inat-inat. "The sun is up. Hindi ba kayo masusunog?" Sabi niya atsaka dumiretso sa kusina. "Saglit lang. Mag aayos lang ako. Samahan ko na kayo." Aniya ng matapos niyang mainom ang tubig na hawak niya. Hindi niya na kami inantay mag salita at aligaga na siyang kumilos para mag ayos. Pumasok siya sa silid na pinanggalingan niya kanina at sa tingin ko ay nag bibihis na siya. Napaisip din ako sa sinabi niya. Bakit no'ng nandoon kami sa mundo namin ay hindi kami nasusunog? Kahit mataas na ang sikat ng araw doon ay wala itong epekto saamin. "She has a point." Wika ko kay Hiro. Hindi namin pwedeng isugal ang sarili namin dahil kung ginawa namin 'yon ay hindi kami mag tatagumpay sa pag hahanap. Dito rin kasi sa mundo ng mga tao, lahat umiikot sa pera. Wala kaming pera ni Hiro at wala kaming sasakyan. Kailangan nga namin si Sandra. "No. Let me try to...." Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya nang napaatras siya ng marahas palayo sa bintana. "She's right." Pagsang-ayon niya. Masusunog nga kami kung matatamaan kami ng sikat ng araw. Damn it. This is so frustrating. Ang dami naming hindi pwedeng magawa. Ang daming sagabal. Inabot ko na kay Hiro ang bulaklak niya at itinago iyon. Ang bulaklak ko naman ay itinago ko sa bulsa ng dyaket ko. "Ano bang kailangan niyong hanapin?" Pag kuha ng atensyon saamin ni Hiro. Ramdam kong tumingin saakin si Hiro pero hindi ko siya pinansin at diretso lang ako sa pag ayos ng aking pambihis. Hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sakaniya ang pakay namin. Hindi pa ako gano'n nagtitiwala sakaniya at may tanong pa rin ako sa utak ko tungkol sakaniya. "Saan ako maaring mag bihis?" Tanong ko na parang hindi narinig ang tanong niya kanina. "Ahhh. Dito." Sagot niya na parang natauhan dahil sa tono. Nagbihis na ako at nilabhan muna ang damit na pinahiram niya saakin bago lumabas. "Bakit mo pa... salamat." Aniya at kinuha iyon para isampay. "Salamat." Tipid kong sabi. Inayos ko na ang mahaba kong buhok atsaka na namin napagdesisyunang lumabas. Kailangan kong sabihin ang dapat naming puntahan ng hindi niya namamalayan. Pero hindi ko alam kung saan kami hihingi.... kung sakaniya na lang kaya ako magtanong? "Hindi ka ba natatakot saamin?" Pag uumpisa ko sakaniya. "Hhmmm... Hindi." "Bakit?" "Sanay na ako." Wika niya. "Sanay?" "Oo. Doon sa pinuntahan natin, halo-halo ang mga nandoon." "Anong ibig mong sabihin?" "May mga tao, bampira, lobo, babaylan, at iba pang nandoon. Iyon lang kasi ang pwedeng magamit ng mga tulad niyo. Syempre, kung sa tipikal na club kayo pupunta, maari kayong mapatay ng mga katulad kong tao." "Pero doon, ang mga taong nagpupunta doon tulad ko'y hindi gustong makasakit ng tulad ninyo. Ang gusto lang namin ay makaibigan kayo o makilala." Dagdag niya. "Yung lugar na iyon ay nababalot ng mahika. Kaya nga tayo tinigilan ng mga humahabol saatin noong dumiretso ako doon." Patawa niyang sabi. "Mahika?" Tanong ko ulit. "Diretsong madilim at hinding hindi iyon nasisinagan ng araw dahil sa mahika ng mga witch o... hindi ko alam kung sino talagang may gawa ng mahikang iyon." "Tsaka ilang araw na tayong nandoon Tally......" napatigil siya na parang napagtanto ang mga sinasabi. Araw? Bakit parang oras lang kaming nandoon? Ibig bang sabihin, napasakamay kami ng mahika? Pero bakit...... Kung hindi siguro ako nakaramdam ng sakit ay diretso pa rin kaming nandoon. Buti na lang pala ay nagising ako dahil doon. But it all make sense now. Si Hiro ay ilang araw ng nandoon sa lugar kung nasaan siya dinala ni Valentine. Kami naman ay doon sa nightclub na sinasabi ni Sandra. Kung ilang araw na kaming nasa kaniya-kaniya naming......ibig sabihin no'n ay ilang araw na ang nasayang namin at wala pa kaming nagagawa. Damn it! "Ano ba ang hinahanap niyo?" Tanong niya ulit. Hindi muna ako sumagot agad dahil sa mga napagtanto ko. f**k. "Nasabi ko kasi sakaniya 'yong pinag dalhan mo saakin noong gabi. Gusto niya din daw matikman yung pinainom mo saakin." Aniko at tinukoy doon si Hiro. . "Anong balak mo?" Bulong saakin ni Hiro. Nandito na kami ngayon at naglalakad papunta sa club na pinanggalingan namin dati. Dumaan muna kami sa tindahan na sinabi ni Sandra at bumili siya ng kasuotan namin doon. Si Hiro ay hindi na kailangan mag bihis dahil magara na raw ang kaniyang kasuotan. "Trust me." Bulong ko ring sagot sakaniya. Tumakbo na si Sandra papunta sa pinag-bihisan namin dati at nang makarating kami ni Hiro doon ay lumabas na din siya. Sinalubong niya kami ng may pulang labi at dilaw na makikinang na damit na hanggang sa baba ng tuhod at matataas ulit na sapatos, habang ang buhok niya ay nakalugay. Ganon din ang ginawa niya, naglagay siya ng kung ano sa mata niya kaya't nagbago ito ng kulay. Nagbihis na din ako at lumabas. Sleek and high ponytail, long black strap dress with a high slit and red pumps. f**k this dress. Para atang laging kulang sa tela ang sinusuot ng mga tao. "You look beautiful and neat." gigil na wika saakin ni Sandra. Nagulat ako ng may ipinahid siya sa labi ko atsaka ngumiti. "Perfect." Dagdag niya. "Let's go." Pag aya niya ngunit binalik niya muna ang bag sakaniyang sasakyan. "You look like a goddes of seduction" pagkuha ni Hiro ng atensyon ko. "Tsk" sagot ko at inirapan siya. "Let's go. Hindi ito ang dahilan ng pinunta natin dito." Mahina ngunit madiin kong sabi sakaniya. Naglakad na kami papunta sa loob habang ang kamay ko ay nakahawak sa braso niya. Inaalalayan niya kasi ako dahil sa sobrang taas ng sapatos ko. Nandito nanaman ako. Nagtungo kami sa lamesa na kung nasaan si Sandra. Nakita namin na iniabot sakaniya ang tatlong baso na sa tingin ko ay kinuha niya para saamin. "Here. Cheers!" "Drink. It's strong." Aniko sa gilid ng tenga ni Hiro. Sabay naming nilagok iyon ni Hiro. Napaubo pa siya dahil dito. "Isa pa!" Pag abot ulit saamin ni Sandra ng baso. "I have a favor. Ikaw ang bahala sakaniya. Sabayan mo lang siya't may gagawin ako." Sabi ko ulit sa gilid ng tenga niya. Tumango lang siya kaya't umalis na ako. Buti na lang at hindi na ako napansin ni Sandra. Hindi na ako gano'n nahihilo parang noong una kong punta dito. Sana ay maging maayos lang si Hiro. Nagumpisa na akong mag hanap. Malakas ang kutob ko na makakahanap ako ng makakatulong saamin sa mundo namin. Kailangan kong malaman kung sino ang nag bibigay ng mahika dito. "You want it?" Nakarinig ako ng pamilyar na boses, ngunit hindi ko alam kung saan ito nanggagaling. "Seduce me." Napalingon ako sa paligid at pilit na hinahanap ang pinanggagalingan nito. "Please me." Sabi ulit ng boses. Nakita ko na lamang ang sarili kong umaakyat papunta sa ikalawang palapag. Siguro ay naririto ang gumawa ng mahika dito sa lugar. Saka ko na lang aalamin kung kanino nanggagaling ang boses na naririnig ko. Inumpisahan ko sa kanang bahagi ng koridor at maingat na sumilip sa bawat kwarto. Tanging madilim at tahimik na silid lamang ang mga nakikita ko. Tinignan ko din sa kaliwang bahagi pero ganon din ang bumungad saakin. Nakuha ng atensyon ko ang maliit na pinto na nasa dulo ng koridor. Hindi ito gaano kapansin-pansin kaya't hindi ko ito nakita kanina. Tahimik akong pumasok doon at laking gulat ko ang bumungad saakin. Meron nanaman itong panibagong lugar na kung saan, maingay at may mga nagsasayawang tao sa gitna. May hawig ito sa lugar na pinanggalingan ko kanina kung nasaan sila Hiro, ngunit mas malaki at malawak ito. Mas maingay din at mas magulo kumpara sa kabila. Bakit hindi marinig sa bawat kwartong pinuntahan ko kanina ang ingay dito? Di hamak na sobrang lakas ng tugtugin dito dahil parang lalabas na ang puso ko sa ingay. Maingat akong bumaba sa hagdan at nagumpisa ng lumibot.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD