"Y-y-y-your e-e-yes...."
"I'm f*****g thirsty so we need to get out of here." Hingal kong sabi.
Ilang segundo siyang nakatitig saakin ng hindi makapaniwala bago siya natauhan at tumakbo papunta sa sasakyan niya.
Nakita kong nakabukas ng kaunti ang bag niya dahilan ng paglabas ng amoy ng bulaklak namin ni Hiro. Para itong gamot na nagpawala ng pagkauhaw ko.
Kinuha ko iyon at tinitigan ng maigi. Siguro ay binigay saamin ito ng matanda para hindi kami makasakit ng tao. Kung gayon, paano na si Hiro? f**k. I need to find him as soon as possible.
"Hindi ako makapaniwala na hindi ka pa nakakapasok sa ganong lugar. Pati pag inom hindi mo pa din nasusubukan?" Tanong niya.
Hindi ko siya sinagot at diretso lang ang tingin ko sa daan.
Hindi ko alam kung saan namin mahahanap si Hiro. Hindi ko rin alam kung paano namin mahahanap ang hinahanap namin dito sa mundong ito.
"Anong nangyari sayo kanina? Bakit para kang may iniindang sakit na malala?"
Isa pa yan na hindi ko alam kaya't hindi ako nakasagot sakaniya.
Ano yung kakaibang dugo na naamoy ko? Sino yung dalawang malaswang nilalang sa silid na 'yon? Kanino ring dugo yung naamoy ko?
"Damn it." Nag uumpisa nanaman ako sa maraming katanungang ito.
"I need your help. I need to find my friend." Aniko sakaniya.
Tumango lang siya bilang tugon at hindi na ulit nagsalita.
Nakarating kami sa mataas na parang bahay o sabihin nating gusali atsaka niya hininto ang sasakyan niya.
"Mag pahinga muna tayo...."
Nakita ko ang roller toaster na sinabi ni Hiro kahit ito'y malayo sa kinalalagyan namin. Gusto kong bumalik doon baka sakaling nandoon siya para makapag umpisa na kaming mag hanap sa dapat naming hanapin.
"Pumunta muna tayo sa roller toaster." Sambit ko.
"Pardon?" Wika niya na parang hindi makapaniwala.
"Roller Coaster? Ano gagawin mo doon?" Sagot niya din.
Coaster? f*****g coaster?! Sabi ni Hiro toaster? Buti na lang at medyo bingi itong babaeng 'to at hindi niya narinig ang sinabi ko. Kung hindi ay baka pinagtawanan niya ako.
"Halika na. Inaantok na ako."
Nabaling ang atensyon ko kay Sandra na nag aantay kaya't sumakay na ako.
Medyo may kalayuan ang roller f*****g coaster sa lugar namin kanina. Buti na lang ay mabilis siyang mag patakbo ng sasakyan kaya't nakarating kami agad.
"Ano ang gagawin mo dito?"
Hindi ko siya pinansin at pumunta ako sa baba ng lugar kung saan kami nalaglag dati.
Napatingin ako sa madilim na parte ng lugar na ito at nakita ang lalaking nakatagilid habang nakatitig sa batang may hawak na laruan.
"Shit."
Dali-dali akong tumakbo papunta sa lalaki at hinarang ang braso sa bibig niya. Napadaing ako sa sakit dahil sa pag baon ng mga pangil niya sa braso ko.
Pagkatapos niyang kumalma ay napahawak ako sa balikat niya para kumuha ng suporta. Nanghihina ako. Ang sakit pa din ng puso ko.
"s**t. s**t. Shit." Sunod-sunod niyang mura.
"I'm so sorry. I'm really sorry Tala." Wika niya habang haplos haplos ang braso ko kung saan bumaon ang mga pangil niya.
"It's ok." Habol na hininga kong sagot.
"I didn't me....."
"Ayos lang." Madiin ko ulit na sagot.
Nagpakawala siya ng malalim na pag hinga atsaka ako inalalayang tumayo ng maayos.
"B-bakit ganiyan ang suot mo? Hindi kita halos makilala dahil jan."
"Masyadong mahaba ang nangyari. Ang importante ngayon ay nahanap na kita." Sabi ko at naalala bigla ang sinabi niya tungkol sa roller coaster.
Buong lakas kong tinama ang kamao ko sa mukha niya dahilan ng pagkaupo niya sa lupa.
"P-para saan 'yon?" Hindi makapaniwalang tanong niya.
"Roller Coaster ito. COASTER, you f*****g idiot!" Turo ko dito.
"Muntik na akong mag mukhang sira ulo dahil sa'yo." Sabi ko ng makatayo na siya nginut tumawa siya ng malakas.
Bigla ulit sumikip ang dibdib ko ng maalala si Jack. Napailing na lang ako dahil dito.
"How'd you know I'm here? Paano ka nakapunta dito?" Pag iiba niya.
"Dahil kay San....."
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng makita siyang hawak ni Valentine.
"s**t"
Pumulot ako ng kahoy na nakita ko sa gilid namin at tumakbo papunta sakaniya. Ipinukpok ko iyon sa ulo niya kaya't nabitawan niya si Sandra.
"Sa sasakyan." Wika ko sakaniya. Tumakbo agad siya doon at binuhay ang makina.
"Hiro!" Pag tawag ko sakaniya at tumakbo na kami papunta kay Sandra.
Hindi niya siguro kami masusundan dahil nawalan siya ng malay. Kailangan na naming makaalis dito.
"Halika na. Bilis." Aniko sakaniya.
Mabilis kaming nakarating sa harapan ng gusali na pinanggalingan namin kanina lang.
"Sumunod kayo saakin." Utos niya.
Sumakay kami sa sinasabi niyang elevator at nag tungo sa silid niya.
"Dito muna tayo. Buti na lang talaga at medyo malaki ito."
"But who's that guy?" Pag iiba niya.
"He's asking about the flower. Siguro 'yong bulaklak na hawak mo?"
"Yeah." Tipid kong sagot.
Nandito kami ngayon sa kusina at nag aayos.
"Ano ang kailangan niya sa bulaklak?" Tanong naman ni Hiro.
"Let me excuse myself." Sabi ni Sandra at nag punta sa kwarto niya.
"Hindi ko alam kung tama ang hinala ko pero sa tingin ko ay binigay iyon ng matanda saatin para hindi tayo makasakit ng tao." Mahinang sabi ko.
"Huh?"
"Kasi bago kami mag punta sa roller coaster, nakaramdam ako ng uhaw. Pero noong naamoy ko yung bulaklak, nawala agad."
Mahina siyang natawa saglit atsaka nagsalita ulit.
"His power is crazy." Pag iiba niya ulit.
"What do you mean?"
"Kung nilagay ka niya sa... I mean, kapag pinasok ka niya sa.... ang hirap niyang ipaliwanag."
"Basta noong pinasok niya ako doon, walang hangin pati ilaw. Kahit katiting na ilaw ay wala. Pati ang kakayahan kong makakita sa dilim ay wala din. Para din iyong lagusan."
"Lagusan?"
"Kasi noong tinapon niya ako sa ginawa niyang itim na bilog, napadpad ako doon sa kung saan mo ako nakita kanina. Ilang araw na akong nadoon at ilang araw ko ng pilit na pinipigilan ang sarili kong makabiktima ng tao. Buti na lang at nakita mo ako noon dahil hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko."
"Ang hindi ko lang mawari ay bakit gusto niyang makuha ang bulaklak natin? Alam ko namang hindi siya bampira."
"Hindi ko din alam. Baka may gusto siyang gawin doon." Sagot ko.
"About what happened. I'm really sorry. Pati din sa mate mo, pasensya na. Pati din sa mate ko. I'm f*****g sorry. I didn't mean it."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
"My mate?"
"I have a mate?"
"Yes. Everybody has a mate Tala. But vampires and werewolves is kinda... you know...ummm.."
"What?"
"Kung gumawa ka ng kakaiba ay makakaapekto ito sa mate mo. Katulad na lamang ng nangyari kanina, hindi ko sinandyang sumipsip ng dugo mo. Ang mate ko at ang mate mo ay makakaramdam ng hindi kagandahang pakiramdam."
"Ano?"
Bumuntong hininga siya dahil sa sinabi ko.
"In short, if you bite someone or kiss or.... make love with someone, the consequence is in your mate. And vice versa."
"Ok" tango-tango kong sagot.
Kinuha ko ang dyaket ko sa bag at isinuot muna iyon. Ang sakit pa ng katawan ko kaya't hindi ko pa maharap mag palit. Inalis ko na din ang mataas na sapatos na nasa paa ko at maayos na inilapag sa gilid ng pintuan ni Sandra.
"Back to our topic before. Bakit niya gustong kunin ito?" Aniya habang hawak ang bulaklak.
"Maybe he has his own damn reason" sagot ko ulit ng makalapit ulit ako sakaniya.
"What reason? Hindi naman siya bampira tulad natin."
"I don't know either. Ang isipin muna natin ngayon ay kung paano natin mahahanap ang dahilan ng pinunta natin dito." Wika ko.
"Malawak ang mundo ng mga tao. Wala tayong kakayahan para mapadali ang paghahanap sakanila."
Tama siya. Wala nga kaming kakayahan o kahit kapangyarihan nila ay wala din. Ang naiisip ko lang na paraan ay humingi ng tulong o dikaya'y mag tanong.
"Pwede naman tayong humingi ng tulong sa mga tao hindi ba"
Alam kong walang kasiguraduhan na totoo ang sasabihin ng mga ito dahil noong nandito pa lamang ako ay alam ko na may pagka-sinungaling ang mga tao.
"Maari. Pero hindi tayo sigurado kung tama ba ang sasabihin nila." Sagot niya.
Sa paguusap namin ay hindi na namin napansin na sumikat na ang araw.
Ilang oras lang ang tulog ni Sandra kaya't hindi na namin siya guguluhin. Kami na lang ni Hiro ang mag hahanap dahil masyado na din siyang maraming natulong.
Alam kong may sarili din siyang problema at mga iniisip kaya't ayoko na din itong dagdagan at maging pabigat sakaniya.
Nasa kalagitnaan na kami ng pag aayos ng lumabas si Sandra sa kaniyang silid.