"Hey miss!"
"Sexy lady!"
"Want to taste my lips?!"
"Stop it! She's mine!"
"No she isn't!"
"She's mine!"
Hindi ko na sila pinansin lahat at tinulak na lamang sila palayo saakin. They're f*****g pervert!
"Baby"
Napatigil ako sa paglalakad patungo sa lamesa kung saan ka pwedeng humingi ng alak.
"Come here baby"
Para nanaman akong sinaksak ng ilang v sa mga narinig ko saaking isipan.
"You want it so bad, baby?"
"It's all yours"
Natauhan lang ako ng may nakabunggo saakin dahil sa pagsayaw nito.
"I'm sorry!" Wika niya atsaka tinuloy ulit ang pagsayaw.
She's beautiful.
Dumiretso na ako sa lamesa at humingi ng pwedeng mainom.
"Here" pag-abot ng lalaki saakin.
"Mag isa ka lang?"
Napatingin ako sa lalaking tumabi saakin na may hawak ding baso. Nakatitig lamang ako sakaniya ng ilang segundo, pero umiwas din ako at ibinaling ang atensyon sa kulay gintong likido na nasa baso ko.
"Can I get one"
Pagkaabot sakaniya ng lalaking nagbibigay ng inumin ay naupo din sa tabi ko.
"I guess you're alone" Wika niya pero hindi ko pa rin siya hinaharap.
Ang gintong tinititigan ko ay may mga maliliit at parang pinilas pilas na bagay na hindi ko mawari.
"When did you get here anyway?"
Hindi ko nanaman siya inimik dahil wala akong panahon at ayoko ng makakausap ngayon. Kailangan kong malaman at mahanap ang may gawa ng mahika dito sa luagr.
"Ako tumigil na ako sa pagbibilang noong umabot ako ng sampong taon."
"Sampong taon?!" Hindi makapaniwalang tanong ko at tuluyan na siyang hinarap.
"Oo"
Sampo? Sa ilang oras naming nandito dati ni Sandra ay inabot kami ng ilang araw. Ibig sabihin.....
"Paano mo nasabing sampong taon?"
Sumipsip muna siya sa iniinom niya atsaka ulit ako hinarap.
"I've been here last month, I think?"
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
This is unbelievable. Sa mundo namin ay hindi na ako makapaniwala, dito pa kaya sa mundo ng mga tao na ang inaakala ko ay walang ganitong lugar.
"So, what are you?" Tanong niya saakin.
Tinitigan ko ng maigi ang mga mata niya at nakita kong nagbago ito ng mabilis sa kulay dilaw at bumalik din sa itim.
"You're a werewolf" sabi ko sakaniya. Nakita ko ang pagkamangha at interes sa mga mata niya pagkatapos niyang malagok ang inumin niya.
"Are you a witch? Babaylan? Dyosa?" Tanong niya agad.
If he doesn't know that I'm a witch and vampire.... does it mean that he's not the only one who got here?
Saang kaharian o emperyo ba nakatira ang mga katulad niya? Ano-ano pa ba ang nilalang na nasa Orchian at Quindoma maliban sa witch? O kung hindi man siya galing doon, malakas ang kutob ko na galing siya sa ibang emperyo. Ngunit saan? Paano? Nakita niya ba si Luna?
Ibinalik ko na ang tingin ko sa inumun ko at hindi na siya pinansin. Narinig ko siyang tumawa atsaka humingi ulit ng inumin.
"I'm Danny" pag abot niya ng kamay saakin.
"Ta...."
Naagaw ang atensyon namin dahil sa gulo sa gitna.
"Ahhh f**k it!" Iritang wika niya atsaka nilagok ng minsanan ang inumin niya.
"Let me excuse myself miss. I'll be back." Sabi niya atsaka tumakbo papunta sa kumpulan ng mga tao.
Imbes na sa kumpulan ng mga tao ako nakatingin ay sa malaking salamin na nasa itaas sa kanang bahagi ng lugar na ito.
Parang imposible atang mag lalagay sila doon ng salamin na walang may abot o kayang gamitin sa taas ng kinaroroonan non. I know there's something in there.
Inilibot ko ang mata ko at tinignan ng maigi kung may pintuan pa ba dito maliban sa dinaanan ko kanina. Napatingin ako sa lalaking nag bibigay ng alak sa harapan ko. Nakatingin siya sa kumpulan ng mga tao at parang pinag aaralan ang nangyayari.
Tatayo na sana ako pero nakita ko ang mas maliit na pintuan kumpara sa dinaanan ko na nasa gilid niya. Sabi ko na nga ba.
Ngayon ay nakumpirma ko na, na hindi basta salamin iyon. May nasa likod non at ginawa iyon para hindi mahalata ng mga nandito na may nanonood o dikaya'y nagmaman-man sakanila.
Ang problema ngayon ay kung paano ako makakapasok sa pintuan na nasa gilid niya. Wala ata siyang balak umalis o iwanan saglit ang kinalalagyan niya.
"Hey"
"I'm sorry. Yung kaibigan ko ay napaaway nanaman. Where are we again?"
Pwede ko siguro siyang magamit para makapasok ako dito sa pinto.
"I'm Talisha" ngiti kong wika sakaniya atsaka inabot ang kamay ko. Para siyang nabigla sa ginawa ko pero ngumiti rin siya atsaka nakipag kamay saakin.
"I'm pleased to meet you."
"The pleasure is all mine." Aniko.
"Wanna dance?"
Hindi ko na pala siya kailangan tanungin dahil inunahan na niya ako. Hindi ko siya pwedeng tanungin ng kung ano-ano dahil nandito kami at malapit kami sa lalaking nag aabot ng inumin.
"Sure" sagot ko. Inilapag ko na ang hindi ko nagalaw na inumin at sumabay na sakaniya papunta sa gitna.
Parang walang nangyaring gulo kanina dahil bumalik na lahat sa dati ang mga nandito.
"Wala ka bang balak umalis dito?!" Malakas kong tanong dahil sa ingay ng tugtugin.
"Wala pa sa ngayon" malakas niya ring sagot.
"Bakit?"
"Gusto ko munang lumayo."
"Ikaw? Bakit mag isa ka lang?" Dagdag niya.
"Wala lang. Gusto ko muna ring lumayo."
Humalakhak siya sa sagot ko at nakangiting tumingin ulit saakin.
"Ano pa lang mayroon sa salamin na 'yon?" Pag iiba ko.
"Hindi ko alam. Walang nakakaalam saamin dito dahil wala naman kaming pakialam." Tawa niyang sagot.
This f*****g man! Akala ko ay may alam siya. Tsk.
"Pero 'yong kaibigan ko alam niya."
"Sino?"
"Si James"
"Yung nakipag away kanina lang." Sabi niya nang mapansing kumunot ang noo ko.
"Paano niya nalaman?" Tanong ko ulit.
"He's really curious about everything and....."
Lumapit siya saakin kaya't agad akong napaatras pero ngumiti siya at sinabing may ibubulong daw.
"He's really really flirt." Wika niya at tumawa ulit.
"Huwag mong sasabihin na sinabi ko sa'yo" natatawang wika niya ulit.
Ayokong mag tanong lamang sa kaibigan niya dahil gusto kong ako mismo ang makaalam kung ano ang nandon. Baka nandoon ang hinahanap ko.
"Hindi ba umaalis 'yang lalaki diyan?" Tanong ko at tinukoy ang nag aabot ng inumin.
"You mean the bartender?"
Tumango naman ako bilang tugon.
"Madalang."
"Tuwing kailan?" Tanong ko ulit.
"Bakit? Gusto mo bang pumalit sa pwesto niya?" Natatawa niyang sagot kaya't sinamaan ko siya ng tingin.
"No, I'm just kidding. Umaalis siya diyan kung nandito na ang papalit sakaniya."
"Kasi hindi pwedeng mawalan ng tao diyan dahil kung nawalan, sinong mag bibigay ng inumin saatin?"
Tumango ulit ako sakaniya.
Paano ako makakapasok doon? Wala akong alam na paraan para makapasok sa pintong 'yon.
"Can ask you a favor?"
"W-what favor?"
Nginitian ko ulit siya. "Maari bang kapag dumating na ang papalit sa kaniya ay libangin mo muna? Gusto ko kasing pumasok sa pintong 'yan."
Napakurap siya ng ilang beses at napalunok dahil sa sinabi ko.
"Y-yes w-why not." Sagot niya atsaka rin ngumiti saakin.
"Pwede ba akong mag tanong?"
"Ano iyon?" Sagot ko din.
"Bakit gustong gusto mong pumasok sa loob? May kailangan ka bang tignan?"
"Just curious like your friend." Agad kong sagot.
Baka mag duda siya saakin kaya't kailangan kong mag ingat.
"Ahhh" atsaka siya tumawa.
Ilang minuto kaming nag sayawan sa gitna habang nag usap ng kung ano-ano hanggang sa dumating na ang makikipag palit sa bartender na sinabi niya. Nakita ko rin na umalis na ang kaninang nag bibigay ng inumin kaya dumiretso na agad ako doon.
"Can I ask you a question?" Rinig kong pagkuha ng atensyon ni Danny sa bagong dating na bartender.
Agad akong pumasok sa maliit na pinto habang wala pang nakakapansin saakin. Madilim na hagdan pataas ang bumungad saakin kaya't inakyat ko ito agad. Maingat at tahimik akong gumalaw para kung may tao man dito ay hindi ako mapansin.
Nakakita ulit ako ng pintuan sa dulo nito at dahan-dahang pumasok doon. Madilim at tahimik ang lugar.
Nakuha ng atensyon ko ang babaeng nakaupo sa kaniyang upuan na may hawak na baso. Tumayo ito at nag tungo sa malaking bintana na sa kutob ko'y ito yung salamin na nakita ko sa baba.
"Anong ginagawa mo dito?" Kalmado niyang tanong.
Tumaas ang kilay ko dahil sa sinabi niya. She knows that I'm..... baka siya ang may gawa ng mahika dito.
"Gusto kong malaman kung papaano mo nagawang lagyan ng mahika ang lugar na ito." Kalmado ko ring sagot. Tumingin siya saakin na parang pinag aaralan ako pero kita ko sa mukha niya ang pagkalito.
"Papaanong...."
"What are you?" Tanong niya ng malapag ang inumin niya sa maliit na lamesa.
"I'm just a lady who wants to know how you do it."
"Ano ba ang kailangan mo at nais mong malaman kung paano ko ito nagawa?"
Nagpakawala muna ako ng malalim na paghinga atsaka tumayo ng maayos.
"Kailangan ko ang tulong mo. Ang lugar at kapatid ko ay nababalutan ng sumpa."
Tumawa siya ng marahan. "Hindi ko kaya ang sinasabi mo. Hindi kita matutulungan." Sagot niya.
"Pwes, maari mo ba akong matulungan para makahanap ng pwedeng tumulong saakin?" Wika ko ngunit hindi siya nagsalita agad.
"Hindi ko maaring sabihin ang eksaktong lugar kung nasaan ang mga katulad ko. Gumawa kami ng sumpaan kaya't hindi ko ito pwedeng sirain."
"Bakit?"
"Magkakaroon kami ng masakit na sumpa."
"But I can give you a clue." Dagdag niya.
"If you read between the lines, you'll find the map."
~~~~~~~~~~~~~~~~~~
Song: The Spectre by Alan Walker and Wake me up by Avicii