Chapter 2

1373 Words
Sa pagbukas ng pituan ay dali-dali akong tumalon. Mabilis akong hinihila ng sahig kaya't ihinanda ko ang mga paa ko. Pagdapo ng paa ko sa sahig ay napatingin ako sa itaas na kung saan nakikita ko ang maraming taong nakatingin sa ibaba na parang may hinahanap. Tumakbo na ako sa pwesto ni Sandra at hinila siya papunta sa sasakyan niya. Nakita ko din ang ibang taong mabilis na tumatakbo para maabutan kami. "Saan ka galing? Nasaan ang lalaki?" Agad niyang tanong ng makalayo kami sa hotel. Napansin ko ang mga sasakyang humahabol saamin kaya't napamura nanaman ako ng mahina. "May nakasunod saatin." Aniko sakaniya kaya't napatingin siya sa salamin. "I can't believe this. I really can't believe this." Pailing-iling niyang wika. . Mag iisang oras na kaming nakikipag habulan sa mga sumusunod saamin ngunit wala ata saaming balak tumigil o sumuko. "Bakit hindi nila tayo tigilan?" Iritang wika niya. "They're getting into my nerves." Dagdag niya. Tumingin ulit ako sa salamin at nakitang ang apat na sasakyang sumusunod saamin ay naging dalawa na lamang. "Ha. Let's see if they still follow" ngisi niyang sabi. Tumingin din siya sa may bintana at sa pagbalik niya sa daanan namin ay pinabilis niya ang sasakyan. Nakita kong tumigil ang mga sumusunod saamin kaya't nakahinga ako ng maluwag. Kumunot naman ang noo ko ng makita ang kalsadang dinadaanan namin. Ang tanging nagbibigay saamin ng ilaw ay ang sasakyan. Matarik at tahimik ang paligid at sa palagay ko'y malayo na ito sa lugar kung nasaan kami kanina lang. "Don't mess with a crazy driver and her baby." Aniya ng may mayabang na tono. "Where are we?" "Ahh. Some bizarre friends." Tipid niyang sagot. Nabalot kami ng katahimikan ng ilang minuto hanggang sa marating namin ang mailaw at maingay na lugar. Maraming tao ang nasa labas na nagtatawanan at may hawak na inumin, samantalang sa bukana pa lang ng pintuan sa hindi ko mawaring bahay ay may tugtugin at iba't ibang ilaw na namamayani dito. Ipinatay niya ang sasakyan at naunang lumabas. Sumunod din ako sakaniya at bahagya siyang humarap saakin. "Para makapasok sa loob ay kailangan nating mag palit." Sabi niya. Sinagot ko naman siya ng kunot na noo. Bumalik siya sa sasakyan at may kinuhang bag atsaka tumungo saakin. "Mag bihis na tayo." Naglakad kami at hindi pinansin ang mga tumatawag at sumisipol saamin patungo sa gilid ng lugar. "Ito ang isuot mo. Mauna na muna ako." Sabi niya pagkatapos iabot ang pulang damit saakin atsaka pumasok sa loob ng maliit na silid. Itinaas ko ito at hindi makapaniwala sa nakikita. "Mag bihis ka na din." Pagkuha niya sa atensyon ko. Nakasuot siya ng itim na kumikinang na damit na hapit na hapit sa kaniyang katawan na nagpapakita ng kaniyang hubog. Inalis niya din ang salamin niya atsaka may inilagay sa mata na nagpabago ng kulay nito. Itinali niya din ng napakataas ang kaniyang buhok na bumagay sa kasuotan niya. "Mag bihis ka na." Pag uulit niya. Kahit naiirita ay pinilit kong isuot. Hindi ko alam kung bakit ba ako sumusunod dito sa babaeng ito. May misyon ako at kailangan ko din mahanap si Hiro. "You look gorgeous." Wika niya at isinuot ang isang may kataasan nitong sapatos. "Here" pag aabot niya din ng pulang sapatos na may pagkakatulad sakaniya. "Buti na lamang at palagi akong nagdadala ng dalawang damit at sapatos." Pagkatapos naming mag ayos ay nag-aya na siyang lumabas. Ibinalik niya muna ang bag sa sasakyan niya atsaka tumungo saakin. Kahit kinakabahan ako sa hindi ko malamang dahilan ay sumunod ako. Ramdam ko sa balat ko ang malamig na hampas ng hangin. Ang mga mata ng karamihan ay nakatitig saaming dalawa pero hindi namin ito alintana at tuloy-tuloy lang sa paglakad papunta sa pintuan. Huminga muna ako ng malalim para kumalma atsaka pumasok sa loob. Bumungad saakin ang mga nagsasayawang tao sa gitna at sa gilid ay may mga lamesa na kung saan ang ibang tao rin ay nakaupo at umiinom habang nakikipag tawanan. May nasa harap na tao na sa tingin ko ay siyang kumokontrol sa maingay na kanta. "Can I have two of my favorite please." Sabi niya nang makarating kami sa lamesa na kung saan ang mga inumin ay nasa likuran ng lalaking nag aabot sa tulad namin. "Nasaan tayo?" Tinignan niya ako ng kunot ang noo na parang inaantay na bawiin ko ang tanong ko. "Don't tell me hindi ka pa nakakapasok sa ganitong lugar." Aniya atsaka kinuha ang iniabot ng lalaki sakaniyang inumin. Umiling ako kaya siya bumuntong hininga at iniabot din saakin ang isa niyang hawak. "This is a nightclub Tally" Para akong nabingi sa huli niyang sinabi. This girl just called me f*****g tally? Humalakhak lang siya sa reaksyon ko at nilagok ang hawak niyang inumin. "What's this?" "Just drink some" sagot niya at humingi pa sa lalaki. Nilagok ko din 'to gaya niya pero pinag sisihan ko din agad. Biglang umikot ang paningin ko at sumakit ang ulo. "Is...." "Is this...." "A f*****g liquor?" "Yeah why? Don't tell me you're already drunk." Tawa niyang wika. Hindi ko na siya pinansin at lumakad na palabas. Sobrang nag iinit ang katawan ko at umiikot ang paningin ko. "Hey there beautiful. Where are you going?" "Wanna dance?" "You want some more?" Hindi ko sila lahat pinansin at nakipagsiksikan lang sa maraming tao patungo sa labas. Nakahinga ako ng maluwag ng makarating ako sa labas ngunit hindi pa rin nawawala ang pagikot ng paningin ko. Ang lalamunan ko ay parang nasusunog at para akong uhaw na uhaw. Humalo na sa hangin ang mga dugo ng nasa paligid ko na siyang naamoy ko. "Shit." Mahina kong mura. I need to control myself. Sabi ng matanda ay hindi kami pwedeng manakit ng tao. May kung ano sa hangin na kumuha sa atensyon ko. Kakaibang amoy ito ng dugo kaya't hindi ko pa man tignan ang mga mata ko ay alam kong pula na ito. Ang mga pangil ko din ay unti-unting lumabas dahil sa amoy. Para itong hipnotismo na nagsasabing sundan ko kahit labag sa kalooban ko. Dinala ako ng mga paa ko papasok ulit sa loob. Ang iba't ibang dugong naamoy ko ay balewala na dahil sa kakaibang dugong humihila saakin sa kung saan. Nakarating ako sa sulok at nakakita ng hagdan. Kusang tumapak ang mga paa ko at inakyat hanggang sa makarating ako sa koridor. Dahil umiikot ang paningin ko ay pinabayaan ko na lang na ang pang amoy ko o tamang sabihin natin na ang pagka bampira ko ang mag kontrol saakin. Dinala ako ng mga paa ko sa pang limang kwarto sa may kaliwang bahagi. Marahan kong binuksan ang pinto at binati ako ng madilim na silid ngunit nakikita ko pa rin ang kabuuan nito. Nakita ko ang babaeng nakasandal sa pader samantalang ang lalaki ay malaya siyang hinahalikan sa leeg. Wala ng saplot sa pang itaas ang babae, inaalis niya naman ang butones ng lalaki. "I need your fangs honey" malanding wika ng babae atsaka ulit nakipag palitan ng halik sa lalaki. Nakaramdam ako ng biglang pagkulo ng dugo sa aking katawan. How I f*****g hate 'honey'! Nakita ko ang pagbaon ng mga pangil ng lalaki sa babae dahilan ng pag ungol niya. Biglang sumikip ang puso ko na para itong piniga. Pati ang paghinga ko ay sumikip. "f**k" Pinilit kong tumayo atsaka naglakad palayo. Ang pagkahilo at pagkauhaw ko ay nawala dahil sa sakit ng puso ko. Nakahawak ako sa pader habang maingat na bumababa hanggang sa makaapak ako sa pang huling hagdan. Mabilis akong tumungo kay Sandra ngunit wala siya doon. Tinignan ko siya sa gitna at nakitang nakikipag sayawan siya. Hawak ko ang dibdib kong lumapit sakaniya. "Umalis na tayo dito!" Malakas kong sabi dahil sa lintik na tugtog. "Hindi kita marinig!" Balik niya. "We should go!" Sabi ko ulit. "What?!" Napairap na lang ako kahit masakit pa rin ang dibdib ko atsaka siya hinila palabas. Sobrang ingay na ng paligid at sobrang dami na ring tao. Hirap kaming dumaan sa gitna nila pero nagawa din naming makalabas. "Y-y-your a-a-a v-v-amp...." "Yes. And I'm f*****g thirsty." Madiin kong wika sakaniya. ~~~~~~~~~~~~~~~~~~ Song: Where have you been by Rihanna and Poker face by Lady Gaga
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD