Kahit hindi ko alam kung totoo ba na kapangyarihan ko ito'y nagbakasakali ako.
Binuksan ko ang kaliwang palad ko at nagulat na lamang ako ng sabay-sabay na may humila sa mga kalaban. Kinuha ko ang oras na 'yon para itapon ang espada ko. Umikot ang espada ko at tinamaan nito ang bawat kalaban sa ulo. Pagkabalik nito sa kamay ko'y kasabay ng pagkalaglag ng mga kalaban at unti-unti na ding nawawala ang makapal na usok.
I don't know how did this happened.
"Let's go!" Sigaw ni Valentine saamin.
Gumawa siya ng itim na bilog o tamang sabihin na lagusan at pumasok kaming tatlo doon. Tama nga ang sinabi ni Hiro na walang hangin sa loob nito.
"She can't breath." Wika ni Valentine kay James.
Napahawak na ako sa dibdib ko dahil sa kawalan ng hangin. Hindi ko ito inaasahan kaya't hindi ako nakapag handa.
"The f**k is your powers." Sagot niya.
"If you allow me to meet your lips..."
"Just... just do it." Pagputol ko habang nakahawak sa balikat niya.
Ngumiti siya saakin at dahan-dahang hinawakan ang mag kabilang pisngi ko. Sa pagdapo ng mga labi niya saakin ay kasabay ng pagpasok ng hangin sa baga ko.
"Tsk." Rinig kong sabi ni Valentine.
"Hold on."
Pagkasabi niya no'n ay bigla kaming napahiga at gumulong gulong. Ang mga braso ni James ay nakayakap sa akin upang masuportahan ang ulo ko.
Ilang segundo akong nakapatong sakaniya. Para akong nagising sa pagkakatulog ng mapagtanto ang posisyon namin kaya't dali-dali akong tumayo. Pinulot ko agad ang espada ko at nilibot ang paningin.
"Tala." Bungad saakin ni Hiro atsaka ako niyakap ng mabilis.
"What happened, Tally" Singit din ni Sandra.
"Let me excuse myself ladies and gentlemen." Wika ni Valentine.
"Me either." Sabi rin ni James at sumama sa lagusan ni Valentine.
"Where's the mirror?" Tanong ko agad ng maglaho sila.
"Here." Sagot niya.
"Good. We need to move."
"W-wait. What's going on? Para saan ang salamin?"
Hindi namin siya pinansin ni Hiro at diretso lang sa pag ayos.
"Wear this. It is so distracting." Sambit ni Hiro at inabot saakin ang dyaket niya ng hindi nakatingin.
Napatingin ako sa suot ko. I'm still wearing this f*****g dress.
"Tsk. Pervert..... just like your brother." Aniko at sinuot ito.
"Not that.... I'm not. Siya lang." Sagot niya agad.
"Whatever." Sambit ko at nauna ng lumabas.
...
Kung ang sabi ng matanda ay mawawala ang kapangyarihan namin, bakit ako? Atsaka paano nakapunta dito ang espada ko? At bakit buhay si Jack? O tamang sabihin nating James.
"Where are we heading?"
"Go east." Sagot ko kay Sandra.
Nakalayo na kami sa lungsod at tinatahak namin ngayon ang matarik at may kadilimang daan.
Sa pagkakatanda ko'y nakatutok ang kamay ng compass kay James. Si James ay nakatapat sa buwan, at ang buwan ay nasa silangan.
"Where are we going?" Tanong ulit ni Sandra nang huminto siya.
Tatlong magkakahiwalay na daan ang bumungad saamin. Tinignan ko ang salamin at ang linya ay dumiretso sa kanan.
"Go right." Sagot ko ulit.
Halos mag iisang oras naming tinahak ang tahimik at madilim na daan hanggang sa huminto nanaman si Sandra at bumungad nanaman saamin ang limang magkakahiwalay na daan.
"Go straight." Aniko ng makita ang linya sa salamin.
Gaya ng inaasahan ko'y isang oras mahigit naming tinahak ang daan na 'yon hanggang sa marating namin ang sementeryo.
"Tumataas ang mga balahibo ko dito. It's creepy here." Wika ni Sandra.
"I told you, don't butt in on our own damn problem." Sagot ko.
Wala ng umimik saaming tatlo at nilakad lamang namin ang madilim at malamig na sementeryo. Pagkalagpas namin sa sementeryo ay nakita namin ang napaka-laking bahay na may mahinang ilaw sa loob.
"Should we knock?" Tanong ni Sandra.
Napatingin ako sa punong katapat ng pinto dahil sa kamisteryosohan nito. Nakuha din ng atensyon ko ang malaking manika sa kaliwang bahagi namin kung nasaan si Hiro.
Biglang may lumipad na patalim galing sa puno diretso kay Sandra kaya ko siya biglang hinila. Nakita ko din ang paglabas ng patalim sa bunganga ng manika na padiretso kay Hiro kaya ko din siya tinulak dahilan ng pagkahiga niya.
Naging alerto ako kaya ko nilibot ang paningin ko. Wala na akong makita na pwedeng panggalingan ng patalim kaya't napatingin ako sa itaas namin. May napakaraming butas doon kaya't wala na akong nagawa kundi isama si Sandra sa pagkakahiga. Pag bagsak ng katawan namin ay ang paglabas ng napakaraming patalim galing sa mga butas sa itaas.
"That was dope. I didn't even think about that part." Sabi ni Sandra nang makatayo kami.
"I didn't see that coming. How'd you know it?" Tanong ni Hiro saakin. Hindi ko siya pinansin at dumiretso na ulit sa pinto.
"Move." Madiin kong wika sakanila kaya't gumilid silang dalawa. Ako ngayon ang nasa gitna na magbubukas ng pinto.
Maingat ngunit alerto kong binuksan ang pinto. May kung anong tumunog dito. At sa pagtunog nito ay may biglang lumipad na patalim diretso saakin ngunit nakayanan ko itong saluhin.
"What?" Taas kilay kong tanong sakanila Hiro ng makitang nakatingin sila saakin ng hindi ko mawaring itsura.
"Here. To protect your f*****g self." Pag abot ko kay Sandra ng patalim at nauna ng pumasok.
Binati lamang ako ng luma at may halong modernong kagamitan. May mahabang hagdan paitaas sa kanang bahagi ng lugar, at mayroon itong mga kandila na naka sabit sa gilid o maiging sabihin na nakadikit sa pader.
Nauna akong umakyat at nakasunod si Sandra. Samantalang si Hiro ay nasa dulo na halatang alerto sa kung anong pwedeng mangyari.
Mayroong napakalaking pintuan nanaman na bumungad saamin pagka-akyat namin at sa gilid nito ay may mga numero. Hangang lima lamang ang numerong nandito.
"It's a password." Mahinang sambit ni Sandra.
"How'd we know the f*****g password? Maybe there's a clue or something in here." Mahinang sabi din ni Hiro at tumingin sa paligid. Naging tahimik kami ng ilang segundo.
"What's that?" Pag agaw ng atensyon ni Sandra saamin at kinuha ito.
"It's amm.. it's.... I don't know. There's no sense about it." Aniya at inabot ang papel saakin. Tumabi din saakin si Hiro.
May mga letra lamang na kalat-kalat.
"I think it was a puzzle."
"It is." Tipid kong sagot sakaniya.
"Wait. I think I know it." Wika ni Sandra.
"Origami." Aniya.
"Ori, what?"
"Origami." Pag ulit niya sa tanong ni Hiro.
Habang paulit-ulit niyang tinitiklop ang papel ay naglibot muna ako. May malaking bintana sa gilid ng hagdan na nagpapakita ng itsura sa labas. Bigla akong nakaramdam ng kakaiba dahilan ng pagkabog ng puso ko. Hindi ito masama. Para itong kumabog dahil sa tuwa.
"There. I'm really really good at this." Sambit ni Sandra kaya't nabaling ang atensyon ko sakaniya.
"I am the way." Pagbasa niya nang makalapit kami sakaniya.
"When you knew it, say it." Dagdag niya.
"I am the way? What does it even mean? And when we knew it, we say it. It is no sense at all." Sabi niya ulit ngunit hindi kami umimik ni Hiro ng ilang segundo.
"Maybe the way..... the way how we got here." Aniya habang nakatingin saakin.