"Sa tingin mo ba'y makukuha natin ang mapa? Sobrang dami nila." Ani ni Hiro.
Nandito na kami malapit sa may tore at nag aantay lang ng oras para umalis ang mga bampirang nagbabantay sa bukana ng tore. Nakita namin kaninang madaling araw na nasa tuktok ang mapa. There's also a f*****g huge compass.
Kagaya namin ay nasusunog din sila sa araw kaya't sa tuwing gabi sila aktibo.
"Sa tingin mo din ba'y hindi tayo makikilala dito sa suot natin?" Mahinang tanong niya ulit.
Buti na lang ay may napatay kaming dalawang bampira kaya't nakuha namin ang kasuotan nila, at ginamit 'yon para makapasok sa loob ng tore. Ngunit hindi sila basta-basta namamatay. Nahirapan pa kami ni Hiro sa pag patay ng dalawang bampirang iyon.
"Just remember what I've said to you. We will not cause a huge chaos, it might harm humans. Our only goal is to get that damn map."
And to know what's with that huge compass.
"Let's go. They're gone." Mahinang pagtawag ko sakaniya.
Maingat at alerto kaming umakyat sa hagdan. May mga nakikita kaming ibang bampira na parang nagmamasid sa lungsod kung nasaan ang mga tao. Ang iba naman ay nakikipag usap sa kaniya-kaniya nilang grupo.
"Paano natin makukuha 'yan? Ang dami nilang nandito." Bulong niya saakin pagkaakyat namin sa tuktok- kung nasaan ang mapa.
Hindi tipikal ang mapa. Isa itong salamin at sasabihin mo dito kung saan mo gustong mag punta atsaka nito ipapakita ang daan.
After a minute of staring at the map, I've realized the use of compass.
Nakita namin kung paano ipakita ng salamin ang daan na tinanong ng isang bampira noong nagpunta kami dito. Ngunit wala itong pinakita kung sa hilaga, timog, silangan, o kanluran ang daan. Isa lamang linya ang pinakita niya at walang kahit anong maaring gawing palatandaan.
"You think I don't have a plan? Just wait." Mahinang sagot ko kay Hiro.
Ilang minuto kaming nagantay doon nang may biglang kumuha ng atensyon naming lahat.
"Nakita namin ang isang kasamahan natin doon. He's dead." Pagkasabi ng lalaking hingal na hingal ay napatayo ang apat na lalaking may malalaki ang katawan na nag babantay sa mapa.
"Saan?" Tanong ng isang bampira.
"Paano?" Tanong din ng isa.
"You think it's humans?"
Pagkatanong ng isang bampira ay tumingin silang lahat sa bampirang hindi umiimik. Sa palagay ko'y siya ang leader nilang lahat.
"I don't think so. Hindi tayo basta napapatay ng mga tao." Aniya.
Ang itim na damit na nakatakip sa buong katawan niya ay humalo sa kadiliman ng kaniyang awra. Ang bigat ng tensyon na umiikot sa lugar na ito ay hindi kakayanin ng ordinaryong tao.
"They're making their move. Kailangan na nating mag handa." Sambit niya.
"You two. Bantayan niyo ang mahiwagang salamin at pupuntahan namin ang kasamahan natin." Maawtoridad na sabi ng leader nila.
"Masusunod." Sagot ko at yumuko. Ganon din ang ginawa ni Hiro.
"Kaya mo sinadyang iwanan ang isang katawan ng bampira?" Bulong ni Hiro saakin ng makaalis ang mga kalaban.
"Yeah." Aniko at kinuha agad ang salamin.
"Let's go." Pag aya ko sakaniya.
"You're so intelligent, Tala." Mahina niyang sabi.
"Mamaya na yan, Hiro. We need to get out of here."
"Ito. Dalihin mo na doon. Mauna ka na. May kailangan pa akong gawin." Wika ko at inabot ang salamin sakaniya.
"Pero..."
"Mag kita na lang tayo sa lugar ni Sandra." Pag putol ko at tumakbo na.
"Mag iingat ka." Rinig kong sabi niya.
I need to go to that f*****g compass.
Pagkarating ko sa lamesa na kung saan nandoon ang malaking compass ay napatingin agad ako sa pinaka gitna nito. Dali-dali kong sinugat ang palad ko at pinatak ang dugo doon.
"The map is gone! Find the two traitors!" Galit na sigaw ng isang bampira.
"f**k"
Pagmura ko'y napalibutan agad ako ng mga bampira. Ang mga mata nila ay nag aapoy habang ang mga pangil nila ay nakalabas na. Ang kanilang mga kasuotan ay wala na din kaya't kitang kita ko na ang mga itsura nila dahil sa liwanag na nanggagagling sa buwan na tumatama sakanila.
"Give me the mirror." Madiin na wika ng leader nila.
Bigla akong napatingin sa compass nang tumigil ito at nakaturo sa labas.
"Sino ka na nagkaroon ng lakas ng loob na kunin ang salamin at gamitin ito." Madiin niya nanamang sabi at tinukoy ang compass.
Kahit hindi ko pa nakikita ay alam kong naging pula na din ang mga mata ko. Hindi ko alam na kahit nasa ganitong estado ako ay nakukuha pa ng puso kong magalak. Imbes na takot o kaba ang mararamdaman ko ay galak at tuwa ang umiikot sa sistema ko.
"Ilabas mo na ang mahiwagang salamin, inutil!" Galit na sigaw niya nang makalapit ito saakin.
Mahahawakan na niya sana ako ng may biglang may lalaking pumasok sa bintana. Nakita ko din ang itim na bilog sa gilid ng lalaking dumating, na sa tingin ko'y galing kay Valentine.
"Surprise motherfuckers." Bungad niya nang may malaking ngiti sa kaniyang mga labi.
"All rise. The king has arrived." Dagdag niya ng may mayabang na tono.
"Why didn't I recieve an invitation? May party pala dito." Wika niya ulit habang natatawa.
"Nakatanggap ka din ba?" Tanong niya kay Valentine.
Magkakilala sila? What's happening?
"Nah. I'm quite sad for not having an invitation either." Sagot niya.
"Who the f**k are you?!" Tanong ng leader nila.
"Ahmm. We're... you know. Some handsome guys that'll kick your asses." Sagot ni James.
Napangiti ako ng maliit dahil sa sinabi niya. Buti na lang ay may nakatakip sa mukha ko kaya't hindi niya iyon nakita. He's really my bestfriend.
"Or make you bleed." Dagdag ni Valentine.
Napatingin ako sa compass at nakitang nakatutok ito kay James na nakikipag laban na. Si Valentine din ay seryosong nakikipag laban sa mga sumusugod sakaniyang bampira.
Bigla akong sinugod ng isa sa mga nag babantay sa salamin kaya't napahiga ako.
"Lady. Here." Ani ni Valentine at tinapon ang kutsilyo papunta saakin.
Inabot ko ito at sinaksak ng ilang beses sa ulo ng lalaki. Tumayo agad ako at nakita ang leader nila na naglalabas ng itim na usok sa kaniyang palad.
"s**t. Let's get out of here. He's a f*****g black witch." Sambit ni James.
Ang mga mata niya ay nag papalit-palit ng kulay. Nagiging pula atsaka itim.
"No!"
Pagkasigaw ni James ay nakain na ako ng itim niyang usok. Inaasahan kong may mararamdaman ako, ngunit parang wala lamang ito. Para lang itong usok na bumalot sa akin.
"How did...."
"Are you a black witch?" Tanong niya.
"Why are you still alive?" Dagdag niya.
Kahit ako'y hindi alam kung anong nangyayari.
Naramdaman namin ang paggalaw ng tore. Sa tingin ko'y lumulubog na ito.
"Just give me back the mirror." Aniya.
"Why? Bakit niyo ito iniingatan ng husto?" Tanong ko.
"Wala ka ng pakialam doon. Just give me back my mirror." Madiin niyang sagot.
Sumugod siya saakin pero bago pa siya makapunta sa mismong harap ko'y may bumaon sakaniyang espada. Nanlaki ang mga mata ko ng mapagtantong espada ko ito.
Pagkahiga niya'y unti-unti na ding nawawala ang itim niyang usok. Kinuha ko ang espada ko atsaka napatingin sa paligid. May puting makapal na usok na bumabalot saamin ngunit malinaw ko pa ring nakikita ang paligid.
Ang mga bampira, kasama na sila Valentine ay walang makita. Napatingin ako sa gilid ni James na may malapit na kalaban sakaniya.
"N..."
Hindi ko natuloy ang sasabihin ko ng bigla may kung anong bagay sakaniyang humila. Parang may mahika ito dahil nasa ere lamang ang kalaban at hindi makagalaw. Binato ko ang espada ko doon na bumaon sa ulo niya. Itinaas ko ulit ang kamay ko kaya't bumalik din agad ito saakin.
"Holy f**k" mahina kong sabi.
"Is this my..... my powers?"