"Ano sa tingin mo, ma? Siya na ba?" Dinig ko ang palitan nila ng mga salita patungkol sa pag-ampon sa akin. Kahit ang bawat pagbuntong-hininga nila at pamaya-mayang sulyap sa gawi ko ay ramdam na ramdam ko. Magkagayunman, nanatili akong nakayuko habang magkadaop ang palad sa aking harapan. Hindi umiimik at hindi nag-aangat nang paningin sa kanila. "Ilang taon na nga ulit siya, sister?" maganda ang boses ng naturang babae. Mukhang malambing at mabait. Sana nga. "Sampung taon na. Mabait na bata iyang si Cherry, tahimik at masunurin. Kahit minsan hindi ko pa nasaway iyan." Tipid akong napangiti habang nakayuko pa rin. Alam ko kung bakit binibida ako ni Sr. Josephine. Nais na rin kasi niya akong umalis sa bahay-ampunan. Saglit na katahimikan ang namayani sa paligid. Nag-angat na ako nang