Munting Koleksiyon 5

527 Words
Tuwang-tuwang tumayo ako habang nagpapahid ng pawis at mga tumalsik na dugo sa aking mukha. Hinihingal pang tinitigan ko ang katawan niyang wala ng buhay. Pagkatapos ng ilang saglit ay naupo akong muli sa tabi niya at sinimulang hiwain ang kaniyang dibdib. Napangisi pa ako dahil sumasabay sa lyrics ng kanta ang aking ginagawa. "'Di ko nais na mawalay ka Kahit sandali sa aking piling Kahit buksan pa ang dibdib ko Matatagpua'y larawan mo" Unti-unti na namang bumulwak ang masaganang dugo sa kaniyang katawan. Nang tuluyang mabuksan ko ay agad kong ipinasok ang aking kanang kamay para makuha na ang talagang pakay ko sa kaniya, ang kaniyang puso. Tama, hindi ko siya nais na mahiwalay sa akin kaya ko ito ginagawa. Mainit-init ko pa itong nasilayan at agad na tinungo ang sikretong silid. Pagkabukas pa lang dito ay ibang amoy na ang sumalubong sa akin. Subalit, wala akong pakialam. Para sa akin, ito ang aking pinakamamahal na silid. Narito ang aking mga koleksiyon ng iba't ibang bahagi ng taong mahalaga sa akin. Nagkalat sa loob ang mga eskaparate na may mga nakapatong na iba't ibang laki ng mga garapon. Nilapitan ko ang isang garapong walang laman. Marahan kong ipinasok doon ang puso ni Jaden. Matapos takpan ay kinuha ko ang pentel pen na nasa malapit lang. Isinulat ko ang pangalan ni Jaden sa ibabaw ng takip niyon. Natutuwang pinagmasdan ko muna ito bago ipinatong sa bakanteng estante. Ang sarap sa pakiramdam na marami-rami na pala sila. Mayroon na akong kamay mula sa isang magaling na manunulat; dila para sa isang singer na gustung-gusto ko; paa para sa isang dancer na matagal din bago napasaakin. At ngayon nga ang puso ni Jaden, para sa taong mahal ko. Oo, mahal na mahal ko talaga siya. Pero mas kailangan siya ng koleksiyon ko. Bakit ko nga ba ginagawa ito? Siguro dahil natatakot ako. Natatakot akong iwan nila gaya nang ginawa ng aking kinagisnang pamilya. Basta na lang nila akong iniwan ng walang paalam dahil nababaliw na raw ako. Ha! Buti na lang at nalaman ko kaagad ang kanilang balak at inunahan ko sila. Tinanggalan ko ng break ang kanilang sasakyan na papunta sana nang malayong lugar. Malayo sa akin. Kaya ngayon, uunahan ko na sila bago pa man nila maisip na iwanan ako. At least, may naiwan silang bahagi ng kanilang katawan na magpapaalala na kapiling ko pa rin sila. Isang huling sulyap pa at nakangiting lumabas na ako ng silid na iyon. Kinuha ko ang damit sa ibabaw ng kama at balewalang nilagpasan ang bangkay ni Jaden. Isinuot ko ito habang naglalakad papuntang kusina. Agad akong kumuha ng tubig at tinighaw ang kanina pang nauuhaw kong lalamunan. Nakakapagod din pala ang ginawa ko. Nag-iinat ko pang tinungo ang sala at binuksan ang TV. Balewalang puno man ng dugo ang ilang bahagi ng aking katawan ay basta na lang akong nahiga sa sofa. Napabalikwas lang ako nang bangon nang masilayan ang pinakamagandang matang nakita ko na naka-flash sa screen. Nilakasan ko pa ang volume para malaman ang pangalan ng baguhang aktor. Napangiti ako sa naisip. Madaragdagan na naman ang aking munting koleksiyon. END--- susunod na po ang "MUNTING AMPON" jhavril---
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD