Naging maganda ang buhay ko sa kanila. Ibinigay nila ang lahat ng aking pangangailangan. Ipinasok din nila ako sa mamahaling eskuwelahan at naging masaya ako sa loob ng sampung taong nabubuhay ako sa mundong ibabaw. Lalo na si Mama Dianne. Ibinigay niya ang pagmamahal ng isang tunay na ina. Kahit laging wala si Papa Larry, ipinaparamdam pa rin nito ang pagiging ama sa akin. "Ate Gina nagugutom na po ako." Nilapitan ko si ate Gina na nasa salas at nanood ng TV. Hindi niya ako pinansin at dinampot lang ang cellphone na nasa kandungan at nakangiting nag-text. Naiinis kong kinuha ang remote at pinatay ang TV. Inis din namang ibinaling ni ate Gina ang paningin sa akin. "Ano bang problema mong bata ka? Buksan mo 'yan!" Nanlilisik ang kaniyang mga mata at inamba nang hawakan ang tsinelas niya