Munting Koleksiyon 1
"O, may nag-request ng kanta. Hmmm... a, paborito ko rin ito. Love me like you do..." nagsigawan ang mga tao sa narinig. Halos kalahati ng mga tao sa bar na iyon ay paborito rin pala ang kantang ni-request ko. Ngayon, mag-iisip na naman ako ng kantang para lang sa amin, 'yong wala akong kaagaw.
Napangiti ako nang kantahin na niya ang paborito kong kanta. Napahawak pa ako nang mahigpit sa bote ng alak na nasa harap ko. Isang bucket ang kasama nito pero wala na akong pakialam kung paano ko ba ito mauubos lahat. Nang hindi ako uuwing gumagapang. Hindi ako sanay uminom pero kasi kasama sa ticket na binayaran ko sa halagang isang libo ang mga ito.
At sa kagustuhan ko siyang makita, pikit-mata akong umiinom ngayon. Alam kong mukha akong tanga. Bakit ba? Masaya akong makita siya kahit sa malayo lang, kahit pa hindi niya ako kilala. At nakita ko naman siya ng personal. Sa tinagal-tagal kong ginusto, ngayon lang ako nabigyan ng pagkakataon at hindi ko ito pakakawalan pa.
Obsessed ba ang tawag sa akin? Hindi siguro. A fan maaari pa. Simula nang marinig ko ang boses niya sa isang radio station, noong panahon na ang sakit-sakit ng puso ko, siya lang ang nakapagpangiti sa akin. At simula noon, lahat na ng cover video niya ay inaabangan ko. Binili ko pa ang ilan dito na naka-spotify. Nare-relaxed kasi ang puso at isip ko, kapag kumakanta siya ng acoustic. Habang naka-earphone at nakahiga sa kama. Feeling ko, ako ang kinakantahan niya. Walang sawa ko ring pinapanood ang mga ito nang paulit-ulit youtube.
Pati mga interview niya sa mga radio and tv station ay wala akong pinalampas. Lahat ng iyon ay pinanood ko rin nang paulit-ulit. Nakakatawa na ba ako? Doon ako masaya, e.
Ngayon, ang lapit-lapit niya sa 'kin. Ang guwapo pa niya habang naggigitara. Sa bawat pagbuka ng kaniyang mga labi, napapangiti ako ng walang dahilan. Natutulala na lang ako basta. Hindi naman ako lalapit gaya ng mga babaeng nasa harap ng stage. Kahit tanaw lang, ang saya-saya ko na.
Naiinggit nga ako sa mga babaeng nginingitian niya o kaya ay aalayan niya ng kanta. Pero kasi hindi ko naman kaya ang ginagawa nilang paglapit, pagyakap at paghalik dito. Nakakahiya kahit gustong-gusto ko!
Nanigas ako sa kinauupuan nang mapatingin siya sa gawi ko at ngumiti. Mag-isa lang ako sa lamesa. Pero para hindi assuming, pasimple kong nilingon ang nasa likuran ko baka ito naman ang nginingitian niya. At laking tuwa ng puso ko dahil walang tao roon, tanging ako lang ang nasa gawing iyon ng bar.
Pero napansin ko, ako na lang pala ang nakaupo, dahil halos lahat sila ay nasa harapan at nakiki-jam sa kaniya. Napangiwi ako dahil baka kaya siya napatingin dito dahil iniisip niyang nabo-boring ako habang mag-isang umiinom.
At nagulat na lang ako nang magsalita siya.
"Miss na naka-red... Hi..." kumaway pa siya with matching kindat!
Alanganing tumango ako. Inilawan pa ako ng spotlight! Naka-focus na rin sa akin ang tingin ng iba. Na-curious ata sila kung sino ang kinawayan nito. Itinaas ko pa ang hawak kong bote ng beer.
Cheers?
Natawa siya pati na rin ang iba. Most embarrassing moment ko ata ngayon.
Matapos kong ubusin ang laman ng bote, ninais ko nang umalis. Feeling ko talaga napahiya ako. Kinuha ko na ang bag ko at inayos. Dadaan na muna siguro ako ng restroom. Isang bote lang ang nainom ko pero nahihilo na ako. Kailangan ko atang maghilamos man lang.
"Lonely?" napalingon ako sa nagsalita. At pasimple kong binitawan ang bag ko para umayos nang upo. No, hindi ko pa gustong umalis lalo pa at umupo na siya sa harapan ko.
Ang bilis ng t***k ng aking puso habang binubuksan niya ang bote ng beer at tumungga rito habang nakatingin sa akin. Oo nga pala, may tinatanong siya.
Marahan akong tumango. Napatango-tango rin siya habang ibinaba ang bote ng beer sa lamesa.
Grabe, ang saya-saya ko. Nasa harap ko ang taong pinapangarap ko, nakangiti at kausap ako.
"Bored ka ba?" nakangiti pa ring sabi niya.
Ano raw? Ako mabobored sa kaniya, kahit for life kaming ganito okay na sa 'kin. Pero siyempre hindi ko 'yon sinabi.
Umiling ako nang ilang ulit. Narinig ko na lang na tumawa siya nang mahina. Napakasarap sa tainga nang tawa niya.
Nakakainis!
"Pipi ka ba?"
"Nakakatawa ba ang pagiging pipi?" medyo naiinis kong sabi. Ganoon? Ganito ba ugali nito?
Nawala ang ngiti niya sa pagtataray ko. Natahimik din ako. Lumalabas na naman ang pagiging matabil ko. Nanatiling nakatitig lang siya sa akin. Aw, nakakailang na, ha?
Mayamaya pa, ngumiti siya at umiling. May sapak ata ang crush ko.
"Hindi ako natatawa sa mga pipi, naku-cute-an lang ako sa 'yo."
Ako naman ang hindi nakaimik sa sinabi niya. Ano raw ulit? Puwede bang sumigaw rito sa tuwa?
Acoustic ang bar kaya nagkakarinigan naman kami. Huwag lang sana pati pagtibok ng puso ko ay marinig niya.
"Jaden, 5 minutes call time, ha?" at umalis na rin ang manager niya ata iyon na bigla na lang sumulpot kung saan.
Tumango naman siya at tumungga ulit ng beer. Pagkatapos ay tumayo na. Bago pa man siya tumalikod, nakangiting nagsalita siya sa akin.
"Balik ako." At tumakbo na siya sa stage para kumanta.
Halos hindi ako makapaniwala sa mga nangyayari. Narinig ko pa ang inggit sa mga katabi kong lamesa.
Nagbukas ulit ako ng beer. Mukhang mam'ya ko pa maiisipang umuwi.
Sabay nang hiyawan ng mga tao ay ang pagtungga ko sa bote. Ngumuya-nguya pa ako ng sisig na pulutan nang simulan niya ang pagkalabit sa kuwerdas ng kaniyang gitara.
Statue ni Lil Eddie ang kinakanta niya. Sumasabay ang lahat, pero ako nanatiling nakikinig sa kaniya. Dahil gusto kong namnamin ang malamyos niyang tinig. Nakapangalumababa pa ako habang nakatingin sa kaniya.
Hay, nakaka-in love naman talaga!
Nire-record ko sa isip ang bawat pagbuka ng bibig niya at paggalaw. Wala naman sigurong masamang magkagusto sa isang tulad niya. Guwapo na ang lakas pa ng dating. Maganda ang boses at magaling pang maggitara. Matangkad para sa edad niyang bente tres. Dati siyang bokalista ng na-disband na banda at ngayon e, nagsolo na. Marami na rin ang nakakakilala sa kaniya dahil sa mga katangian niyang iyon. At plus pang mabait naman pala talaga siya. Kaya siguro maraming nahuhumaling sa kaniyang mga babae at kahit binabae.
Gaya ko. Baliw na ata ako sa kaniya.
Walang masama dahil alam kong I'm just a fan, gaya nila. Pero umaasang mapapansin niya and kung susuwertihin magkaroon ng relasyon sa kaniya. Oo, in love na ata ako sa kaniya. In love na ako kay Jaden Lao.
jhavril---