Chapter 3

2068 Words
Maaga pa lamang ay nasa mansion na ng mga Pagalan si RJ upang makita si Amarah. The Pagalans let him in and inutusan pa siya na akyatin sa kuwarto nito ang dalaga na magalang niyang tinanggihan dahil ayaw niyang lalo itong magalit sa kanya. Naupo na lamang siya sa dining room nang ayain siya ng ama ni Amarah at sumabay sa breakfast ng pamilya.   “Mukhang mamaya pa magigising si Mara, hindi pa rin kasi siya nakakapag-adjust sa timezone. Sorry, RJ,” wika ni Mira sa kanya. Nakakaintinding tumango siya dito dahil ayos lang naman sa kanya na maghintay kahit gaano pa katagal dahil pinaghintay din naman niya ito. Nawala kasi talaga sa isip niya ang lakad nila ng araw na iyon dahil pinag-alaga siya ng mga bata,   “It’s fine, Mira. I can wait for your sister,” nakangiti na wika niya. Nakita niya ang malapad na pagngiti sa kanya ng ina ni Mira na natutuwa sa kanya. Nasa ganoon silang tagpo nang pumasok sa dining room si Mara na agad na napatigil ng makita siya.   Mara looked stunning on her white off shoulder knee length dress and brown boots. Nakalugay ang mahaba at wavy nitong buhok at may suot na light na make up and silver necklace. Kitang-kita ang makinis at maputi nitong balat dahil sa suot nito.   “What the hell are you doing here?” mataray na wika ni Mara habang nakatingin sa lalaking kasalukuyan na kumakain ng breakfast kasama ang pamilya niya.   “Good morning din, sis!” sabi naman ni Mira saka tumayo at nilapitan siya. Ginaya siya ni Mira na naupo sa tabi nito habang nasa harap nila si RJ at nasa magkabilang dulo naman ang mga magulang nila.   “Watch your language, Mara. You know how Dad hate those bad words,” bulong pa ni Mira sa kanya bago sila tuluyan na makaupo. Hindi niya pinansin ang sinabi ng kapatid at tinignan ng masama si RJ na nakangiti lamang sa kanya.   “Why are you here?” mahinang tanong niya muli dito.   “We have an appointment today, Mara. They need your body measurement for your wedding gown,” mabilis na sagot naman nito. She rolled her eyes upon hearing those words at nag-iwas ng tingin dahil ayaw niyang masira ang umaga niya.   Huminga siya ng malalim at sandaling sinulyapan ang mga magulang bago tumingin muli kay RJ.   “I can’t today, I have another appointment, and this is important,” mahinang sabi niya na narinig ng mga magulang kaya agad na nag-angat ng tingin ang mga ito sa kanya.   “Where are you going, Amarah Clariza?” seryoso na tanong ng Mommy niya. Napabuntong-hininga hininga siya saka hinarap ito.   “I’m going to the flower farm, Mom,” sagot niya. Nakita niya mula sa gilid ng mga mata ang paglingon sa kanya ng kapatid na tila nagulat sa narinig.   “Says who? You are not allowed to go there until you get married,” seryoso na wika ng Mommy niya.   “I made sure that no one will let you go in there until I say so. Kaya bilisan niyo na ang pagpaplano ng kasal niyo kung gusto mo talaga makuha ang flower farm,” dugtong pa nito. Inis na bumuntong-hininga si Mara saka walang paalam na tumayo at umalis sa dining room. Napailing na lang ang mga magulang niya sa inakto nito at humingi ng paumanhin kay RJ na tahimik lang.   Nang matapos ang agahan ay agad na nagpaalam si Mira na papasok na sa opisina. Umalis din ang mga magulang nila Mara kaya naiwan si RJ sa living room ng mag-isa. Hindi pa rin lumalabas ng kuwarto niya si Mara simula kanina at medyo naiinip na siya. Wala naman kasi siyang ibang magawa kundi tumingin sa phone niya o di kaya ay maglakad-lakad sa buong living room, at kapag nagsawa ay uupo ulit siya at titingin sa phone niya.   Huminga ng malalim si RJ saka napasandal na lang sa malambot na sofa. He crossed his legs while staring blankly at the wall. Hindi niya akalain na ganito pala kahirap ang magpakasal. Para kasing hindi ganito ang naranasan ng mga kaibigan niya noon kung tama pa ba ang pagkakaalaala niya.   Mabilis siyang napatayo mula sa sofa nang marinig ang mga yabag na pababa ng hagdan. Tiningala niya iyon at tinignan at hindi nga siya nagkamali. Malapad siyang napangiti nang makita si Mara na pababa ng hagdan ngunit hindi katulad kanina ay iba na ang suot nito. Simpleng white v-neck shirt at maong shorts ang suot nito saka white sneakers. May suot din itong maliit na backpack at nakatali ang mahabang buhok. Nakasimangot na lumapit ito sa kanya at humalukipkip.   “Don’t waste my precious time or I will kill you, Allegre,” pagbabanta nito sa kanya. he can’t help but to laugh na agad ding tumigil nang matalim siya nitong tinignan.   “Promise, I won’t waste your time,” nakangiti na sagot naman niya dito. Tumango lamang sa kanya si Mara at walang pasabi na tumalikod saka naglakad patungo sa garage. Ngiting-ngiti na sinundan niya ito at napailing na lang. Hindi niya alam pero naaaliw siya kay Mara at sa pinapakita nito.   Katahimikan ang namayani sa pagitan nina RJ at Mara habang nasa loob sila ng sasakyan at bumabyahe sa lugar kung saan gagawin ang mga damit nila pang kasal. Gusto ni RJ na mag-open ng topic para may mapag-usapan sila pero mukhang wala sa mood si Mara kaya pinili na lamang niya manahimik. Hindi rin niya magawa na magpatugtog ng music dahil baka hindi nito magustuhan ang choice of music niya. Wala sa sarili siyang napabuntong-hininga kaya napalingon sa kanya si Mara na kasalukuyan na nakatingin sa labas ng bintana.   “What?” mataray na tanong nito sa kanya.   He glanced quickly at Mara before turning his head on the road. He was about to say something when he realized that they already arrived at their destination. Mabilis na pinark niya ang sasakyan at pinatay ang engine saka hinarap si Mara. Nakita niya itong nagmamadaling bumaba kaya muli na lamang siyang napabuntong hininga.   Pagpasok nila ng shop ay nandoon na ang mga kaibigan ni RJ at sila na lamang ang hinihintay. Nandoon din ang kapatid ni Mara na si Mira para sukatan ng gown na isusuot nito sa kasal nila. Agad na lumapit si Mara sa kapatid na mag-isang nakaupo sa mahabang couch at inignora ang pagbati sa kanya nina Akiko at Heaven. Napailing na lang si RJ at lumapit sa mga kaibigan na nakaupo sa couch na nasa harapan lang din nila Mara.   “Kanina pa kayo?” tanong ni RJ sa mga kaibigan.   “Kakarating lang din namin. Shall we start?” wika ni Heaven dito. Tumango si RJ at nilingon ang mapapangasawa na kasalukuyan na nakikipag-usap sa kapatid. Agad niyang ibinalik ang tingin sa mga kaibigan saka nagpaalam at pumunta sa reception area para sabihin na puwede na silang magsimula.   Unang sinukatan sina Akiko at Heaven saka si Mira, kasunod ang mga dating kabanda ni RJ na sina Hunter, Homer, Vin at Ivo. Nang matapos ang mga kaibigan niya ay agad na nagpaalam ang mga ito dahil kailangan na bumalik sa kanya-kanyang trabaho, leaving him with the two sisters. Sandaling nag-break ang designer at nang matapos ay siya ang sinukatan. Hindi rin naman siya nagtagal at agad na lumabas saka tinawag si Mara.   “You should be more understanding to my sister. She’s really stubborn and rude,” dinig niyang wika ni Mira. Nilingon niya ito at sandaling tinitigan saka nginitian.   “She’s rude, selfish and b***h but she has a soft heart and she’s really sweet. Medyo nagrerebelde kasi ‘yon kasi first time niyang hindi makuha ang gusto niya, which is ‘yong flower farm. You heard kanina, right?” dugtong pa ni Mira na ikinatango niya.   “Matagal niya ng hinihintay na ibigay sa kanya ni Mommy ni ang farm na iyon at ngayon nga na willing na ibigay sa kanya ay may kapalit naman at kailangan siya na gawin. She is just frustrated that’s why she’s acting that way. I hope you understand and be patient to her,” paliwanag pa ni Mira. Nakakaintindi na tumango si RJ.   RJ note to himself na hindi na muli gagawin at sasabihin ang mga nasabi at nagawa niya noong first day ng wedding preparations nila. He just realized that he’s such a big jerk and he hates himself for that.   “I know naman na you can handle her, right?” sabi pa nito.   “Yeah, I think I can handle her,” mabilis na sagot niya.   Sabay sila na napalingon ni Mira ng bumukas ang pinto at iluwa si Mara. Matalim ang mga tingin nito sa kanilang dalawa ni Mira na para bang may ginawa silang malaking kasalanan.   “Are you two badmouthing me?” nanghuhusga na tanong nito nang makalapit sa dalawa. Malakas na natawa si Mira sa narinig saka tumayo at hinarap ang kapatid.   “You’re right sis. I told RJ that you are a b***h, and he should not marry you,” wika ni Mira saka nang-aasar na nginitian ang kapatid niya. Tinignan nlang siya ng masama ni Mara saka bumaling ang tingin nito kay RJ. Agad naman na nawala ang ngiti ni RJ nang makita ang masamang tingin ng dalaga.   “Let’s go. Mira’s so annoying,” sabi nito saka walang paalam na tumalikod at dire-diretso na naglakad palabas. Malakas ang tawa ni Mira nang mawala sa paningin nila ang kapatid. Napailing naman si RJ saka nagpaalam kay Mira at agad na sinundan si Mara.   Sunod na pinuntahan nila ay ang flower shop na pagmamay-ari ng pamilya ni Mara. Tahimik lamang ito habang nakikinig sila sa florist na siyang magde-design ng mga bulaklak na gagamitin nila pati na rin ang bouquet niya. White and pastel ang motif ng kasal nila kaya mabusisi ang paghahanap ng bulaklak na babagay dito.   Mara suggested to have a tulip in the bouquet, but the florist told her na hindi ito babagay sa motif nila kaya simula noon ay hindi na nagsasalita si Mara kahit na may tinatanong ang kausap nila. Tulips is Mara’s favorite flower at dream niya na ito ang gawing bouquet sa wedding niya, but her dream will never come true dahil sa wedding motif nila na ang kapatid ni RJ na si Harlene ang nag-decide. She can’t help but to hate that woman na hanggang ngayon ay hindi pa rin siya naniniwala na kapatid ni RJ.   Pagkatapos sa flower shop ay pumunta muli sila sa restaurant ni Akiko para i-check ang final design ng wedding cake na si Heaven pa ang nag-design. Nang matapos ay nakipagkita sila sa wedding coordinator at nagpunta sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal, a week from now. May mga ilang detalye na diniscuss sa kanila ang wedding coordinator at sandali na nilibot ang buong simbahan bago nagdesisyon na umalis.   Buong araw ay si RJ lang ang nakipag-usap sa lahat at hinayaan na lang si Mara dahil alam niyang ayaw nitong makipag-usap sa kung sino-sino. Natutuwa siya dahil kahit hindi ito nagsasalita ay nakikinig naman ito ng maigi at nagte-take down note’s pa sa cellphone nito. Mara is not that selfish, just like what her sister describes her.   Gabi na ng ihatid ni RJ si Mara sa bahay ng mga magulang nito. Hindi namalayan ni Mara na nakatulog siya dahil sa sobrang pagod at nagising dahil sa mahihinang tapik sa balikat niya. She slowly opens her eyes at agad na nabungaran ang kulay tsokolate na mga mata ni RJ. Hindi malaman ni Mara pero para bang bigla siyang nalunod dahil sa paraan ng pagtitig nito. She wants to just stare at his eyes forever if given a chance.   Bakit napakaganda ng mga mata niya?   “Are you okay?” Bigla ay parang nagising si Mara mula sa malalim na panaginip at agad na napabalikwas, dahilan para magka-untugan sila ni RJ. Malakas na napadaing si Mara at napahawak sa noo niya dahil sa tigas ng ulo ni RJ.   “I’m sorry! Are you okay? Does it hurt a lot?” nag-aalala na tanong nito at akmang hahawakan ang noo niya para tignan nang mabilis siyang umiwas. Biglang natigilan si RJ saka lumayo at humingi ng tawad.   “I’m fine. Thanks for the ride,” nakayuko na wika ni Mara habang hawak pa rin ang noo niya saka mabilis na bumaba mula sa sasakyan ni RJ.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD