bc

The Tulips

book_age18+
1.0K
FOLLOW
4.8K
READ
billionaire
contract marriage
badgirl
sweet
bxg
city
like
intro-logo
Blurb

H2B Series#4: The Tulips

The most known meaning of tulips are perfect and deep love.

Iniwan ni Amarah ang magandang buhay at trabaho sa Canada para umuwi sa Pilipinas dahil na rin sa hiling ng mga magulang, little did she know ay ipapakasal pala siya sa family friend nila for a business expansion. She tried to be cooperative to her fiancé, RJ Allegre kahit na inuubos nito ang pasensya niya. Pinakisamahan niya ito hanggang sa makasal sila makuha lang ang inaasam niya na flower farm.

The day after their wedding ay biglang nag-iba ang pakikitungo sa kanya ng asawa. RJ becomes sweet, caring and understanding husband that she never imagine hanggang sa hindi niya namalayan na nahulog na nga siya dito.

Ngunit paano kung akala niya ang maayos na sa kanila ang lahat ay saka niya malalaman ang nakaraan ni RJ, isama pa ang sikreto nito na hindi niya alam kung matatanggap niya ba o hindi.

chap-preview
Free preview
Prologue
"Clariza! Mag-ayos ka at makikipagkita tayo sa mga Allegre!"   Inis na tinalukbong ni Mara ang kumot sa buong katawan saka sinubsob ang mukha sa malambot niyang unan. Pinilit niyang matulog ulit dahil wala pa siyang sapat na tulog mula kahapon dahil sa jetlag.   "Amarah Clariza Pagalan! Hindi ka susunod?!"   Padabog na bumangon si Mara at nakasimangot na nagtungo sa pinto para pagbuksan ang ina niya na kanina pa sumisigaw. Matalim ang mga tingin nito ang bumungad sa kanya na lalo niyang ikinasimangot.   "Hindi ka pa nag-aayos? Kahapon pa kita sinabihan ah?!" malakas na sabi nito kahit na magkaharap na sila.   "Bakit kasi hindi na lang si Amirah? Bakit ako pa?" inis na tanong niya dito.   "Ikaw ang gusto ni Reina kaya mag-ayos ka na!" sagot naman nito patungkol sa matalik na kaibigan ng ina.   Sinasabi na nga ba niya at hindi tama na umuwi siya ng Pilipinas. Bakit ba kasi siya nagpauto sa kapatid niya at pumayag na umuwi? Ang ganda na ng buhay niya sa Canada eh. Bakit ba kasi siya nagpa-scam sa kapatid niyang masunurin sa mga magulang nila?   Padabog siya na nagtungo sa banyo ng kwarto niya at agad na tumayo sa ilalim ng shower. Inis na binuksan niya iyon at wala ng pakialam kung mabasa ang damit na suot niya pa.   Naiinis siya sa mga magulang lalo na sa ina niya. Sino ba kasi ang nagpauso ng arranged marriage na 'yan? At bakit uso pa rin ito gayong 20th century na?   Wala siyang ideya sa mangyayari sa family dinner daw between her family and the Allegres. Basta ang sabi lang ng kanyang ina kahapon, pagkarating na pagkarating niya ng bahay nila ay ipapakasal daw siya sa isa sa mga binatang Allegre dahil worried daw ang ina ng mga ito na hindi mag-asawa ang mga anak na lalaki. Masyado raw kasing busy sa trabaho ang mga ito at wala ng oras sa sarili. Kapalit ng kasal ay ang 10% shares mula sa furniture company ng mga Allegre at malaking investment para sa airline company nila.   Wala siyang pakialam kung hindi mag-asawa ang mga ito pero hindi tama na idamay siya sa kahibangan. At bakit nga ba siya ang gusto gayong mas maganda, sexy at mabait si Amirah kesa sa kanya?   "Bilisan mo Amarah Clariza!" dinig niyang sigaw pa ng ina niya. Inis na napabuntong-hininga na lamang siya at isa-isa na tinanggal ang mga damit saka naligo ng maayos.   ISANG simpleng light blue off shoulder dress na may elasticated waist band na one inch above the knee ang suot ni Mara na tinernuhan ng black na heels at pair of silver earrings and necklace. Kitang-kita sa suot niya ang makinis at mapuputi nitong balat. Itinali niya ang buhok into a messy bun kaya litaw na litaw ang mapuputing leeg nito. She even wore a light make up sa utos na rin ng kaniyang ina.   Tahimik lamang si Mara na nakasunod sa mga magulang habang naglalakad sila sa mahabang pasilyo ng hotel patungo sa restaurant na pagmamay-ari raw ng mga Allegre. Biglang lumakas ang t***k ng puso niya nang makarating sila sa restaurant at makita ang isang pamilya hindi kalayuan sa kinatatayuan nila. Nakita niya ang pagngiti at pagkaway ng isang Ginang na ginantihan naman ng kanyang ina saka mabilis na naglakad papalapit doon.   "Say goodbye to your freedom, my dear sister," dinig niyang bulong ni Amirah na hindi niya napansin na nasa likod niya pala. Nilingon niya ito at sinamaan ng tingin na malakas naman nitong ikinatawa. Magsasalita pa sana siya para gumanti sa pang-aasar nito nang marinig na tumikhim ang ama nila na katabi niya. Inirapan na lamang niya ang kapatid na nakasuot lang ng simpleng slacks at longsleeve blouse saka black shoes. Halatang kakagaling lang nito sa trabaho at pinilit lang na sumama sa kanila para masabi na happy family sila.   "Let's go. Your mom is waiting," mahinang sabi ng ama nila. Tumabi sa kanya si Amirah saka sila naglakad patungo sa mahabang table kung saan nakaupo ang tatlong binata na hindi nagkakalayo ang mga edad, isang ginoo na kaedad lang ng ama nila at isang babae na sa tingin ni Mara ay mas bata lamang sa kanya ng ilang taon. Hinanda niya ang ngiti nang makalapit sila at tumayo sa tabi ng ina.   Nakita niya ang pagtayo ng mga tao na nasa table nang lumapit sila kaya muling bumalik ang kabog ng dibdib niya.   "Everyone I'd like you to meet my lovely daughters, Amarah Clariza and Amirah Clarisse," pagpapakilala sa kanila ng ina. Pinilit ni Mara na lumapad ang kaniyang ngiti habang tinitignan isa-isa ang mga tao na nandoon. Narinig niya pa ang magalang na pagbati ng kapatid niya sa mga ito na ikinataas ng kilay niya.   "It's nice seeing you again, Mara and Amirah," sabi naman ng ginang. Mara recognized her as Reina Allegre na best friend ng ina niya ever since bata pa lamang daw ang mga ito.   "Likewise, Tita Reina," sagot naman niya dito. Narinig niya ang mahina na pagtawa ng kapatid sa likuran niya. Gusto niya sana itong tignan ng masama kaso ay hinawakan siya ng ina sa braso para manatili ang atensyon niya sa mga kaharap.   "And these are my sons, RJ, Rafael at Ramon Allegre," pagpapakilala naman ni Tita Reina sa mga anak nito. Mara looked at the guy standing beside the woman na hindi pamilyar sa kaniya. Una niyang napansin ang pagiging close ng dalawa, at nang dumako ang tingin niya sa mukha ng binata ay hindi niya maiwasan na mapataas ang isang kilay dahil sa pagngiti nito nang may ipakita sa kanya ang babae.   She looked at Rafael and Ramon na nginitian lamang siya kaya ginantihan niya ang mga ito ng matamis na ngiti and looked again at RJ na ang buong atensyon ay nasa katabi.   “And this is my only daughter, Harlene Allegre – Andrade,” pagpapakilala pa ni Tita Reina sa babae na katabi ni RJ pero hindi na iyon narinig ni Mara.   "Hi!" agaw niya sa atensyon ng dalawang tao na nakatayo sa harapan niya. Napangiti siya nang mag-angat ng tingin ang binata sa kanya saka mataman siyang tinignan.   "You must be RJ Allegre?" sabi pa ni Mara. Tumango naman si RJ. Nilahad ni Mara ang kamay sa harapan nito para magpakilala pero tinapunan lang ito ng tingin ng binata saka binalik ang tingin sa babae na ngayon ay nakatingin sa kanya habang nakangiti.   'WTF?!' Mura niya sa isip at mabilis na binawi ang kamay. Muli niyang narinig ang paghagikhik ng kapatid kaya lalo siyang nainis. Anong karapatan ng lalaking ito para pahiyain siya?!   Nilingon niya ang ina at umiling lang ito. Inis na tinanggal niya ang kamay nito sa braso niya saka naupo. Wala na siyang pakialam kung nakatingin sa kanya ang mga tao na nandoon. Napahiya naman na siya kaya wala na siyang pakialam kung ilabas niya ang totoong ugali niya. Bakit nga naman kasi siya mag-eeffort na magpapakabait kung wala namang kwenta ang RJ na iyon?   "Let's eat first before discussing the purpose of this family dinner," sabi ng lalaki na kaedad ng daddy niya na sa tingin niya ay tatay ni RJ Allegre.   Buong dinner ay tahimik si Mara na nakikinig sa kung ano-anong pinag-uusapan ng mga magulang niya at ng mga Allegre. Puro tungkol iyon sa business expansion at kahit gusto niya makisawsaw ay wala siya sa mood. Biglang nasira ang mood niya dahil sa lalaking kaharap niya ngayon na seryosong nakikinig sa babae na katabi nito.   When Mara heard about this arranged marriage thingy from her mom ay inutusan niya agad si Amirah na mag-background check sa soon-to-be groom niya raw. She wanted to know what kind of person this Reymar Joseff Allegre is. Sabi sa article na nakita nila ng kapatid ay former bassist ito ng bandang H2B na nag-disband many years ago. Gentleman din daw ito at pinakamabait sa lahat ng member ng H2B na mukhang fake news dahil ibang-iba ang dine-describe ng article sa RJ na kaharap niya ngayon.   "Nakapili ka na ba ng date para sa kasal mo, hija?" nag-angat ng tingin si Mara sa narinig saka napatingin kay Tita Reina na ngayon ay nakangiti sa kanya. Huminga siya ng malalim saka sinulyapan si RJ na nakatingin na din pala sa kanya.   "Ayoko pong magpakasal sa kanya," diretsa na sabi niya. Nakita niya ang pagkabigla sa mukha nito habang ang ina niya ay hindi maiwasan na mapaubo sa narinig.   "What are you saying, Amarah? Akala ko ba ay napag-usapan na natin ito?" hindi mapigilan na sabi ng ina niya. Sandali niyang sinulyapan ang ina saka mataman na tinitigan ang lalaki na nasa harapan niya.   "I don't like him, and he don't like me, tama lang naman po siguro na rason iyon ‘di ba?" sabi niya pa.   "Who says I don't like you?" naghahamon sa sabi naman nito.   "Me! Kakasabi ko lang di ba?" iritable na sagot niya dito.   "How sure are you?" balik-tanong pa ni RJ habang mataman na nakatitig sa kanya. Hindi ito sinagot ni Mara at inirapan lamang saka ibinalik ang tingin sa ina niya na ngayon ay masama ang tingin sa kanya. Muli niyang narinig ang nakakairita na tawa ni Amirah mula sa gilid niya kaya inis na siniko niya ito.   “Amarah Clariza.” Maotoridad na bigkas ng ina sa pangalan niya. Hindi maiwasan na mapailing ni Mara dahil sa mga nangyayari. Hindi niya maintindihan kung bakit pinagpipilitan ng ina niya na ipakasal siya sa Allegre na ito. Maayos naman na tumatakbo ang kompanya nila at hindi naman sila naghihirap kaya bakit kailangan pa niya na magpakasal?   "I'll marry her, Tita Anya don't worry," dinig niyang sabi ni RJ sa Mommy niya. Inis na nilingon niya ito at sinamaan ng tingin. Nanatili naman sa seryoso ang ekspresyon nito habang matamam na nakatingin sa kanya.   "Ang unfair naman po yata na ayoko magpakasal sa kanya pero i-pu-push niyo pa rin? Nasaan po ang justice roon?!" inis na sabi niya pa. Narinig niya ang marahas na pagbuntong-hininga ng ama niya kaya tinikom niya ang bibig. Kung ang ina niya ay puwede niya lamang na sagut-sagutin ay hindi puwede sa ama nila. Matapang kasi ito at istrikto.   “I’m sorry Reina if you have to see this,” ani ng ina niya. Napayuko na lamang siya at nilaro ang pagkain na hindi niya pa nagagalaw simula kanina.   “It’s okay, Anya. Don’t worry,” dinig niyang wika naman ng ina ng mga Allegre. Narinig niya ang pagtikhim ng ina saka muling nagsalita. May ibang pinag-usapan ang mga ito tungkol sa business na hindi niya na pinagkaabalahan na pakinggan. Nanatili ang tingin niya sa pagkain at hindi na muling nagsalita pa.   Hanggang sa matapos ang dinner at magpaalam na sa isa’t-isa ang dalawang pamilya ay nanatili ng tahimik si Mara. Napagtanto niya kasi na wala siyang magagawa pa para pigilan ang pagpapakasal nila ng Allegre na iyon. Alam niyang talo na siya. Kung bakit ba kasi nagpauto siya sa kapatid at agad nag-resign sa trabaho niya sa Canada para lamang makauwi. Kung alam lang talaga niya na ganito ang mangyayari dapat ay hindi na siya naniwala na ibibigay na sa kanya ng ina ang flower farm na pinapangarap niya simula pa noon. Nasa huli talaga ang pagsisisi.   Nanatili siyang tahimik hanggang sa makasakay sa van na naghihintay sa labas ng hotel. Naramdaman niya ang pagtabi sa kanya ng kapatid pero hindi niya ito pinansin, hanggang sa makasakay din ang mga magulang at magsimula ng umandar ang sasakyan.   "You want to have the flower farm, right? I'll give it to you once you marry, RJ Allegre." Biglang napabalikwas si Mara sa pagkakasandal sa upuan at tumingin sa ina dahil sa narinig.   "For real?!" hindi makapaniwala na wika niya.   "Yes and the vice presidency position on our airline. I heard you quit your job in Canada, right?" sabi pa ng ina.   "What? Paano si Amirah?" naguguluhan na tanong niya saka tumingin sa kapatid na ngayon ay nakakaloko ang ngiti sa kanya. Sa pagkakatanda niya ay si Amirah ang vice president ng airline nila. After nitong gumraduate sa college ay doon agad ito nagtrabaho at nag-umpisa sa pinakamababa na position. Kaya hindi tama kung bibigyan siya agad ng posisyon gayong wala naman siyang paghihirap doon.   "She'll be promoted as the President of the company soon. Your Dad and I will announce our retirement once the wedding took place," paliwanag naman ng ina. Nakakaintindi siyang tumango saka tinignan ng masama ang kapatid na lalong lumapad ang ngiti.   “So, what do you think, Clariza? Will you accept my offer?” tanong ng ina niya matapos ang ilang sandal. Napaayos siya ng upo saka tumingin muli sa ina.   “Anong offer?” naguguluhan na tanong niya. Hindi niya maalala kung may in-offer ba ito sa kanya.   “You need to marry RJ Allegre to have the vice presidency position and the flower farm in Bueno. Deal?” Huminga ng malalim sa narinig. Sabi nga niya ay wala na siyang magagawa pa kundi tanggapin ang kapalaran niya. Bahala na sa mga susunod na araw. Ang mahalaga ngayon sa kanya ay ang flower farm at trabaho sa kompanya nila.   “Deal.” Mahinang sabi niya. Narinig niya ang pagtawa ng malakas na kapatid kaya inis na inapakan niya ang paa nito.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
79.8K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
138.5K
bc

His Obsession

read
89.5K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
180.7K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
27.7K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
11.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook