“How was the wedding preparation?” bungad na tanong ni Mira kay Amarah nang makita niya ito na nakaupo sa eleganteng sofa ng living room nila. It’s still eight A.M in the morning pero bihis na bihis ang kapatid niya at mukhang may hinihintay habang siya hindi na nag-abala pa na palitan ang suot niyang pajamas.
Mara is wearing a bralette with high waisted denim jeans and sneakers. Perfect sa weather ang outfit nito dahil summer season na.
“Good,” tipid na sagot naman nito na hindi man lang nag-abala na tapunan siya ng tingin at nagpatuloy lamang sa ginagawang panonood nito sa hawak na iPad.
“Ang cold naman ng kapatid ko,” nang-aasar na wika ni Mira na naupo pa sa harapan ng kapatid niya.
“Shut the f**k up!” singhal naman nito sa kanya na malakas niya na ikinatawa. Napasandal pa siya sa upuan habang tinuturo ang kapatid na ngayon ay hindi maipinta ang mukha. Matalim na tinignan naman siya ng kapatid kaya agad siyang napatigil.
“Ang harsh pa,” wika niya pa nang tumigil siya sa pagtawa.
“Why are you here? Hindi ba dapat ay nasa company ka?” iritableng wika naman ni Mara dito at ibinaba ang hawak na iPad saka seryosong tinignan ang kapatid.
“Bawal mag-day off, Amarah? Kailangan laging nagtatrabaho?” tugon naman sa kanya ni Mira at ngumisi pa na hindi kaaya-aya sa mga mata ni Mara.
“But it’s Monday?” takang tanong niya sa kapatid at sandali pang sumulyap sa hawak na gadget para masiguro na tama ang sinabi niya.
“I’m the boss so I can make my own schedule,” nakangisi na sagot naman sa kanya ng kapatid at muling sumandal sa sofa saka itinaas ang mga paa sa babasagin na center table.
“Yeah. Whatever,” wika na lamang ni Mara saka napailing.
Katahimikan ang sumunod na namayani sa pagitan ng dalawa. Nanatili na pinapanood ni Mira ang kapatid hanggang sa may maisip siya na kalokohan. Tumayo siya mula sa pagkakaupo sa sofa sa harapan nito at naupo sa gilid ng kapatid saka sinilip ang pinapanood nito sa iPad at mas lumapad ang ngiti niya nang makita na clip iyon ni RJ Allegre noong tumutugtog pa ito. Doon niya lang din napansin na nakasuot ito ng wireless earphones.
“So, where are you going? Can I tag along?” wika ni Mira na bahagya pa na kinalabit ang kapatid para makuha niya ang atensyon nito.
“No,” mabilis na wika ni Mara saka nilingon siya at seryoso na tinignan.
“Why?” sabi naman ni Mira at bahagya pang ngumuso na para bang nagmamakaawa sa kapatid.
“Kasama ko si RJ at makikipagkita kami sa wedding coordinator para sa final touches ng wedding kaya bakit kita isasama?” nakataas ang kilay na wika naman ni Mara. Hindi umimik si Mira at nanatili lamang na nakatitig sa kapatid kaya napabuntong hininga ang dalaga at ibinaba ang hawak na gadget.
“May rehearsal din pala ang mga kasali sa entourage and it’s up to you kung pupunta ka o hindi. I can make up an excuse naman since you’re busy,” sabi pa ni Mara na nagpangiti sa kapatid kasunod ang biglang pagliwanag ng mukha nito na tila nabuhayan.
“No! I want to come!” puno na kagalakan na wika pa ni Mira.
“Why are you acting like that? Are you sick?!” naguguluhan na wika ni Mara dahil sa kakaibang kilos ng kapatid. Hindi niya maintindihan kung bakit biglang naging ganito ito, malayo sa matured at seryoso nitong pag-uugali. O dahil matagal din siyang hindi umuwi kaya hindi na niya alam kung nagbago na ba ang kapatid o ano.
But on a second thought ay two months na pala simula ng umuwi siya ng bansa at sa buwan na lumipas ay wala siyang ibang inatupag kung hindi ang asikasuhin at paghandaan ang kasal nila ni RJ. Hindi man lang niya naranasan na mag-enjoty at magpunta sa mga magagandang lugar gaya ng ginagawa niya noon sa trabaho niya.
“I just realized na ang boring pala ng buhay ko. Puwede bang ako na lang ang magpakasal kay RJ Allegre tutal ay ayaw mo naman sa kanya?” dinig niyang wika ng kapatid na ikinalingon niya muli dito. Nanlalaki ang mga mata na tinignan niya ito na tila hindi makapaniwala sa narinig.
“What the f**k are you saying?!” gulat na sambit ni Mara.
“Why? You don’t want us to get married?” wika naman ni Mira at nakakalokong ngumisi.
Sasagot pa sana si Mara ngunit mas pinili na lamang niya na huwag magkomento sa sinabi nito at sinamaan na lamang niya ng tingin ang kapatid. Kinuha niya ang iPad na inilapag niya sa gilid sa may sofa saka tumayo at nagtungo sa dining room. Doon na lamang niya hihintayin si RJ dahil nagugutom na rin siya.
Naupo siya sa harapan ng hapag at tinignan ang mga pagkain na nandoon. Hindi niya maiwasan na mapabuntong hininga nang makita na mostly greasy foods ang nakahain and it’s not healthy. Amarah is a weight and body concious dahil na rin isa siyang flight attendant at dapat lagi niyang na-me-maintain ang figure niya. She can easily digest food naman, but she still wants to live a healthy life kaya as much as possible ay puro veggies ang kinakain niya.
Tinawag niya ang kasambahay na nasa gilid at sinabi na gawan siya ng Caesar salad with grilled chicken breast. Agad naman na tumango ito at nagtungo sa kusina para sabihan ang cook nila. She also asks for a freshly squeeze orange juice na agad naman nitong ginawa matapos kumuha ng orange sa gitna ng lamesa.
Habang naghihintay sa pagkain ay kinuha na lamang niya muli ang iPad at pinagpatuloy ang panonood sa performance video ng banda ni RJ. She prefers classical music over any other genre, but she must admit na gusto niya ang music ng mga ito. Hindi niya mapigilan na hindi mag-enjoy habang nanonood sa mga ito.
Nasa ganoon siyang tagpo ng pumasok sa dining room si Mira kasama si RJ. Ngiting-ngiti ang kapatid niya nang tignan niya ang mga ito at pinanood hanggang sa maupo ito sa harapan niya.
“Your fiancé is looking for you, sis,” wika nito. Inirapan naman ni Mara ang kapatid saka tinignan si RJ na nakangiti sa kanya. Tipid na ngumiti din siya dito saka sinabihan na maupo ito.
“Nag-breakfast ka na?” tanong niya sa binata nang makaupo ito sa harapan niya.
“Oo sa bahay kanina bago ako umalis,” sagot naman ni RJ dito. Tumango naman si Mira saka sandaling nag-isip.
“Nagpagawa kasi ako ng salad sa cook. I got hungry while waiting for you because you really took so long when you’re just living three blocks away from here,” sagot naman ni Mara. Napangiti si RJ sa narinig habang halos masamid naman si Mira na kasalukuyan na umiinom ng fresh milk.
“Don’t you know the word ‘filler’, Amarah Clariza?” hindi makapaniwala na wika ni Mira sa kapatid.
“What are you saying?” kunot-noo na wika naman ni Mara dito na napatingin pa kay RJ na nagkibit-balikat lamang sa kanya.
“You don’t need to say everything you wanted to say, you know,” sabi pa ng kapatid niya saka kumuha ng toasted bread at kinagat iyon.
“What’s wrong with that? I’m just being honest!” takang wika pa ni Amarah.
“But still—”
“My life my rules!” putol ni Mara sa anuman na sasabihin ng kapatid. Masyado pang maaga at wala siya sa mood na marinig ang pangangaral nito sa kung paano siya makipag-usap.
“My life my rules,” panggagaya naman ng kapatid niya sa kanya kaya hindi niya napigilan ang pagtaas ng isang kilay dito.
Mataman na pinagmasdan niya ang kapatid na ngayon ay kumakain na ng bacon and eggs na inilagay nito sa toasted bread. Hindi na umimik pa ang kapatid niya but she’s sensing that something is wrong with her. Hindi niya lang malaman kung ano.
Maraming taon man sila na nagkahiwalay dahil mas pinili niya na magtrabaho sa ibang bansa but that doesn’t change the fact na kilala niya pa rin ito at alam niya na may mali kapag ganitong biglang nag-iiba ang kinikilos nito.
“What’s wrong with you today?” seryoso na tanong pa ni Mara matapos ang ilang sandali na katahimikan.
“Wala!” malakas na sabi naman ni Mira na ikinagulat niya maski si RJ na tahimik na pinapanood ang magkapatid.
Tumayo si Mira mula sa pagkakaupo sa hapag saka umalis sa silid na iyon dala-dala ang plato nito na may pagkain at nagtungo sa kusina. Mara can’t help but to sighed saka napatingin kay RJ na ngayon ay nakatingin sa kanya.
“Gusto mo ba ay ako na lang ang makipag-usap sa wedding coordinator? Final touches na lang naman na ang i-che-check,” wika ni RJ na ikinabuntong hininga ni Mira.
Gusto sana niyang matapos na ang lahat ng tungkol sa preparasyon sa kasal nila dahil next week na ang D-day.
“Okay na iyong mga damit niyo ‘di ba? I-de-deliver na bukas?” tanong pa ni RJ na muli niyang ikinabuntong hininga.
Kaya naman siguro ng kapatid niya ang sarili niya. Baka nag-iinarte lang iyon dahil malapit na ang period nito o kaya nang-aasar lang. Ganoon ang kapatid niya kapag wala itong magawa eh, siya ang gustong asarin dahil masaya raw ito kapag nakikita siyang naiinis.
“It’s fine. We can go together right after I finish my salad,” tugon ni Mira na ikinatango naman ni RJ.
Ilang sandali pa ay pumasok na sa dining room ang kasambahay nila dala-dala ang Caesar salad at orange juice niya. Nagpasalamat siya dito nang ilapag nito iyon sa harapan niya saka nagsimulang kumain.
Pagkatapos kumain ay agad silang umalis at nagpunta sa coffee shop kung saan kikitain ang wedding coordinator nila. Tahimik lamang na nakikinig si Amarah habang nagpapaliwanag ito at tanging si RJ lamang ang nagtatanong ng kung ano ano. Nang matapos ito magpaliwanag ay nagpunta naman sila sa simbahan kung saan gaganapin ang kasal. Pinakita nito ang picture na siyang magiging disenyo ng simbahan at hindi maiwasan na mapabuntong hininga ni Amarah.
She really wanted the tulips as the official flower of her wedding but because of RJ’s half sister ay naging white roses iyon.
This is her wedding but her so-called fiancée chose to hear the opinion of others than her na siyang kasama nito sa kasal. Great.
“What’s wrong?” tanong sa kanya ni RJ nang mapansin ang biglang pagbabago ng ekspresyon ng mukha niya.
Huminga siya ng malalim. Ang sabi ng kapatid niya ay dapat daw mag-filler siya sa bawat salitang binibitawan niya but since she wants to be honest at sabihin ang nararamdaman niya ay hindi niya ito susundin. After all, siya naman ang ikakasal kay RJ at hindi ang Harlene na iyon. Kasal niya ito at siya ang dapat na masunod kahit pa kailangan niya baguhin ang motif on the last minute.
“I don’t want the white roses, Mr. Allegre. I want the tulips for my bouquet and for the decoration,” seryosong saad ni Amarah na ikinatigil ni RJ at ng wedding coordinator na kasalukuyang nagsasalita.
“What? Why are you telling me that just now?” hindi makapaniwala na wika naman ni RJ.
“I’m sorry, Miss Pagalan but just to confirmed, you don’t want the white roses and you want to replace it with the tulips, instead?” wika naman ng wedding coordinator.
“That’s correct,” nakangiting tugon naman niya dito.
“Pero ang sabi mo ay okay lang sa ‘yo ang white roses? I even ask you for how many times, Amarah,” naguguluhan na wika pa ni RJ dahil hindi ito makapaniwala na biglang magbabago ang isip ng bride niya kung kailan malapit na ang kasal nila. Sa ilang buwan na pag-pe-prepara nila sa kasal na ito bakit ngayon lang ito nagsalita?
“Yeah, but I realized na hindi ko pala siya gusto kaya puwede bang palitan niyo na lang ng Tulips dahil kung hindi ay hindi ako sisipot sa kasalanan na ito. Ayokong maghawak ng white roses habang naglalakad papunta sa altar,” wika naman nito na ikinailing ni RJ saka napabuntong hininga na lamang.
“You’re unbelievable,” wika pa ng binata saka hinarap ang coordinator at sinabi dito ang pagbabago na gustong gawin ng mapapangasawa niya. Wala naman magawa ang coordinator kung hindi ang tumango saka agad na tinawagan ang staff nito para sabihin ang magiging plano nila.
Matapos sa simbahan ay umalis na rin ang dalawa at dahil wala na silang appointment ay inihatid na lamang ni RJ si Amarah bago siya magtungo sa trabaho niya. Tahimik lamang ang dalawa sa buong byahe hanggang sa ihinto ni RJ ang sasakyan sa tapat ng mataas na gate ng bahay nila Amarah.
“Thanks for the ride,” wika ni Mara at akmang bubuksan na ang pinto sa gilid nito nang tawagin siya ni RJ.
“What?” takang tanong ng dalaga kay RJ at nilingon pa siya habang nakakunot ang noo nito.
Huminga muna ng malalim si RJ pagkuwa’y umiling. Lalo naman nagtaka sila Mara ngunit napailing na lang din saka tuluyan ng bumaba ng sasakyan. Muling napabuntong hininga si RJ at pinanood na lamang ang dalaga na makapasok sa loob ng bahay nila saka nito pinaandar muli ang sasakyan.