Kinabukasan ay maaga na nagising si Mara. Agad siyang nag-shower at nagsuot ng plain v-neck white shirt at mom jeans na tinernuhan niya ng white stilleto. Matapos niya patuyuin ang mahabang buhok ay agad niya itong itinali into ponytail saka tumayo na mula sa dresser. Sandali siyang namili ng gagamitin na bag mula sa walk-in closet niya saka tumingin muli sa salamin at tuluyang lumabas ng kanyang kuwarto. Bumaba siya sa dining room at naabutan doon ang mga magulang na tahimik na kumakain ng almusal.
“Good morning,” tipid na bati niya sa mga ito. Gumanti naman ng bati sa kanya ang mga magulang at nginitian pa siya. Naupo siya sa harapan ng ina saka sandaling luminga sa paligid.
“Where’s Mira?” takang tanong niya.
“Maagang umalis,” sagot sa kanya ng ina na sandali siyang tinapunan ng tingin. Tumango na lamang siya saka nag-umpisang kumain. Nang matapos ay nagpaalam siya sa mga magulang saka umalis sa dining room at dumiretso sa garage. Kinuha niya ang car key na hiniram niya sa driver ng mga magulang saka sumakay sa sasakyan at nagdrive patungo sa company nila.
“’Zup sis?” bati ni Amirah sa kapatid ng dire-diretso itong pumasok sa office niya. Hindi siya nito pinansin at tahimik na naupo sa couch saka humalukipkip. Hindi niya maiwasan na mapailing habang pinapanood ito.
“I really hate that guy,” dinig niyang sabi nito. Huminga ng malalim si Amirah saka tumayo mula sa pagkakaupo sa swivel chair at naglakad patungo sa kakambal.
“Reymar Joseff Allegre is one of the kindest men I have ever met. He’s a good catch, twin sister!” exagerrated na wika ni Mira sa kapatid gamit ang mamaos-maos nitong boses. She saw her sister rolled her eyes na malakas niyang ikinatawa.
“Bakit hindi na lang ikaw ang magpakasal sa kanya? He’s a good catch, twin sister!” sabi nito sa kanya at ginaya pa ang paraan ng pagsasalita niya.
“That’s not going to happen because of two reason,” nakangiti na sabi niya dito.
“What?” nakakunot-noo na tanong naman nito sa kanya.
“First, you are the youngest member of the family and second, Tita Reina likes you so much. She’s been looking for you since magdisband ang band nila RJ dahil gusto ka na agad niya maging daughter-in-law, ngayon lang pumayag sina Mommy,” mahabang lintanya niya. Hindi pinansin ng kapatid ang sinabi niya dahil napatingin ito sa phone nito nang biglang tumunog ang ringtone.
Napailing-iling na lamang siya at naupo sa harapan nito. Sandali rin niya na tinawagan ang sekretarya para dalhan sila ng kape at snacks.
“The jerk’s calling me,” wika ni Mara saka itinago muli ang cellphone sa bag nito. Inilapag niya ang bag sa dulo ng couch saka tinignan ang kapatid.
“Do you think may magagawa ako para makuha ang flower farm sa Bueno if ever na hindi ako magpakasal sa Allegre ne iyon?” seryoso na sabi niya pa sa kapatid. Nakita niya ang marahas na pagbuntong-hininga nito. Hindi muna ito nagsalita at sandaling natahimik dahil pumasok ang sekretarya nito na may dalang coffee and pastries. Pinanood nila itong ilapag iyon sa center table saka muling lumabas ng office ni Mira.
“Wala. You know Mom and Dad. They won’t let you have the flower farm if hindi ka magpapakasal sa Allegre. Ano ba kasing nangyari?” wika ni Mira saka sumimsim sa iced coffee nito. Huminga ng malalim si Mara at sumandal sa couch.
“He’s getting on my nerves! Pinaghintay niya ako ng sobrang tagal and sinabihan na I should be nice to his friends. Like what the f**k, sis?! Wala siyang karapatan sabihan ako ng mga dapat at hindi ko gawin dahil hindi ko naman naeexperience yan mula sa mga magulang ko!” punong-puno ng emosyon na sabi niya. Sa tuwing naaalala niya ang mga narinig kagabi ay hindi niya maiwasan na magalit. Naiinis siya dahil hindi pa sila kasal pero gusto na agad siyang kontrolin ng lalaki. Paano pa kaya kapag kasal na sila? Kaya ayaw na niya sa kasalan na ito. Bahala na basta ay hindi na muli siya makikipagkita pa sa lalaki na iyon.
“Maybe RJ has a reason? Give him another chance, sis. Wala ka rin naman kasing choice kundi ang ituloy ang kasal niyo or else hindi mo makukuha ang flower farm na matagal mo ng pinapangarap,” mahinahon na sabi ni Mira at muling sumimsim sa iced coffee nito. She knew why her sister acted this wayt and she can’t blame her. Amarah got through a lot of pain before at nasaksihan niya iyon. Gusto niyang sumaya muli ang kapatid at bumalik sa ito sa dati pero ayaw niyang mangealam sa buhay nito.
“No more chances because once is enough!” matigas na sabi ni Amarah. Hindi na lamang nagkomento pa si Mira at tumayo na lang saka bumalik ng upo sa swivel chair nito dala-dala ang iced coffee na iniinom. Muli niyang tinutok ang atensyon niya sa trabaho at hinayaan ang kapatid sa opisina niya.
Matapos ang ilang sandali ay nagpaalam na rin si Mara na aalis. Hinatid niya ito hanggang elevator at binigay dito ang susi ng kotse nito na kinuha niya kahapon sa isang restaurant. Nagpasalamat ito sa kanya at binigay ang susi ng sasakyan ng mga magulang nila. Muli siyang huminga ng malalim at pinanood ang kapatid hanggang sa magsara ang pinto ng elevator.
Tahimik na nagda-drive si Amarah habang nakikinig sa latest album ng favorite niyang female artist na si Taylor Swift. She was humming to the song when she suddenly heard her phone rang. Sandali niyang sinulyapan ang cellphone na nasa passenger’s seat saka inignora iyon nang makita kung sino ang tumatawag. Nilakasan niya ang volume ng stereo saka kumanta ng malakas.
Romeo, take me somewhere we can be alone
I'll be waiting, all there's left to do is run
You'll be the prince and I'll be the princess
It's a love story, baby, just say, "Yes"
Hindi maiwasan na mapangiti ni Amarah nang makita ang malaking mall kung saan siya magpapalipas ng oras ngayong araw. Niliko niya ang sasakyan patungo sa basement car park saka nag-park sa bakanteng slot na nakita niya. Pinatay niya ang makina at ngiting-ngiti na inabot ang bag at cellphone niya saka bumaba ng sasakyan. Inilagay niya muna sa silent mode ang phone niya bago ilagay sa bag para masiguro na walang iistorbo sa “me time” niya. Lalong lumawak ang ngiti niya nang mag-umpisa na siyang maglakad at pumasok sa elevator.
Una niyang pinuntahan ay ang Italian restaurant na agad niyang nakita. Nag-order siya ng pasta linguini at orange juice. Sa may bandang glass wall siya naupo dahil gusto niya makita ang mga tao na nagdaraan. Habang hinihintay ang order niya ay naisipan niyang i-check ang phone at nakita ang maraming missed calls at text messages mula sa iisang tao.
Hindi niya maiwasan na mapangiti habang nakatingin sa maraming unread messages mula sa jerk na fiancée niya. Serves him right!
From: RJ Allegre
Where are you? We have an appointment today.
Nag-scroll lang siya ng nag-scroll at hindi na nag-abala na buksan ang ibang messages nito dahil pare-pareho lang naman ang sinasabi.
From: RJ Allegre
You are not in your house and your company. Where are you?
Itatago na sana niya ang phone niya nang maramdaman ang pag-vibrate ng phone niya kasunod ng pag-appear ng pangalan ni RJ sa screen niya. Huminga siya ng malalim saka pinanood lamang ito hanggang sa tumigil sa pag-vibrate ang phone niya. Mabilis na itinago niya ito sa bag nang dumating ang order niya at magsimulang kumain.
Pagkatapos sa Italian restaurant ay naglakad-lakad si Mara, tahimik siya na nagmamasid sa paligid hanggang sa makarating sa boutique na kanina niya pa hinahanap. Nakangiti siyang pumasok doon at nilapitan ang mga damit na umagaw ng atensyon niya. Agad naman na may nag-assist sa kanya na sales lady na tumulong sa kanya sa pamilili at pagsusukat. Matapos sa boutique ay nagtungo siya sa shop kung nasaan ang mga branded bags. She heard na may bagong labas na design ang favorite brand niya kaya kailangan niya iyon mabili agad dahil takot siya na maubusan. Malaki ang ngiti niya na lumabas ng shop matapos mabili ang precious bag niya. Sunod ay sa sapatos na boutique naman siya nagpunta at naglustay ng pera.
Pag-sha-shopping ang isa sa stress reliever ni Mara kahit noong nasa Canada pa siya. Perks of being a rich kid. Kailangan niya na abalahin ang sarili niya at i-distract dahil hindi maganda sa kanya kapag nagpadala siya sa stress. At kasalanan ng RJ Allegre na iyon kung bakit siya stress!
Nang mapagod kakalakad ay naisipan na niyang umuwi na. Nakita na rin kasi niya na madilim na sa labas. Pagod na pagod siya habang mabagal na naglalakad patungo sa basement parking lot. Huminga siya ng malalim nang makarating sa tapat ng sasakyan niya. Agad na pinindot niya ang car key at inilagay sa backseat ang mga pinamili saka umikot patungo sa driver’s seat. Halos mapatalon sa gulat si Mara nang biglang may lumitaw malaking tao sa harapan niya.
“What the f**k?!” sigaw niya dito.
“Buong araw ko na tinatawagan ang phone mo, Amarah,” seryoso na saad nito. Mabilis niyang nakilala kung sino ang may-ari ng boses na iyon. Dahan-dahan na tiningala niya ito at bumungad sa kanya ang seryosong mukha ni RJ Allegre. Wala sa sarili siyang humakbang ng paatras ng bigla itong humakbang palapit sa kanya.
“I left my phone at my room,” mahina na wika niya. She blinked twice when RJ made a step closer to her. Hindi niya namalayan na nahugot niya ang paghinga nang biglang lumapit ang mukha nito sa mukha niya.
“Do we have a problem?” mahinang tanong nito. Nanatili na nakatingin ang mga mata niya sa kulay tsokolate na mga mata nito.
Bakit ang ganda ng mga mata niya? Sabi ng isang bahagi ng isip niya. Ayaw man niya ay nag-uumpisa na siyang i-appreciate ang magandang tanawin na nasa harapan niya. She can’t believe that Rj Allegre is so damn handsome and good-looking guy.
He’s a good catch, sis! Bigla ay naalala niya ang winika ng kapatid.
Marahan siyang umiling at muling humakbang paatras dito hanggang sa tuluyan na makalayo. Tinignan niya ng masama ang lalaki na nasa harapan saka walang pasabi na sumakay sa kotse niya, mabilis na ni-lock ito saka binuhay ang makina. Narinig niya pa ang malakas na pagtawag nito sa pangalan niya na hindi niya pinansin.
RJ should not mess with Amarah in the first place dahil hindi siya basta-basta nakakalimot at hindi uso sa kanya ang second chance.
“Damn it!” naiinis na wika ni RJ habang nakatingin sa papalayong sasakyan ni Amarah. Inis na ginulo niya ang buhok at napabuntong hininga na lamang.
He can’t believe na hindi madadaan sa mga pagtitig niya si Amarah. Hindi niya akalain na hindi pala basta-bastang babae ang mapapangasawa niya at nagsisimula na siyang mangamba para sa kinabukasan nila.
When he first heard that he’s going to marry a Pagalan, unang pumasok sa isip niya ang ate ni Amarah na si Amirah dahil ang alam niya ay may fiancee si Amarah sa Canada kaya hindi nagulat siya nang itama siya ng kanyang ina. He gladly obliged on this arranged marriage dahil ito ang deal na napagkasunduan nila ng ama noon kaya nagawa niyang mag-banda. It was one of the best days of his life na hinding-hindi niya makakalimutan.
RJ and Amarah were childhood friends pero mukhang siya na lang ang nakakaalaala niyon. They were classmates since first grade until middle school. Dinala kasi ang kambal na Amarah at Amirah sa ibang bansa para doon magtapos ng pag-aaral. He still remembers na ang huling memory nila ni Mara ay noong nasa park sila, nakaupo sa swing si Mara at mahina niya itong tinutulak. He was about to confess his feelings for her at that time and even brought a bouquet of tulips dahil alam na alam niya kung gaano ito kahilig sa bulaklak ngunit katulad ng iba ay naduwag siya at kinabahan kaya hindi niya nagawang magtapat. It was his biggest regret na dinala niya hanggang sa pagtanda niya.
Alam niya ang dahilan kung bakit galit na galit sa kanya si Mara at iniiwasan siya. Sinabi sa kanya ni Mira and he just wanted to apologize because he really crossed the line, but Mara is so hard to approach. Isang linggo lang ang binigay sa kanila ng mga magulang para sa paghahanda ng kasal nila na mukhang hindi matutuloy hangga’t hindi siya napapatawad ng mapapangasawa.
RJ is so stressed dahil hindi niya alam kung paano papaamuin ang isang Amarah Pagalan na mukhang bato na ang puso matapos ang maraming taon.