Pagkapasok sa malaking bahay ay agad na dumiretso si Amarah papanhik sa ikalawang palapag at nagtungo sa kaliwa kung nasaan ang kuwarto ng kapatid. Hindi na siya nag-abala pa na katukin ito at agad na pinihit ang seradura dahil alam niyang madalas na hindi ito mag-lock ng kuwarto lalo pa at wala ang mga magulang nila na kasalukuyang nasa ibang bansa at next week pa ang balik para maka-attend sa kasal ni Mara at RJ.
“Hey! Do you want to go out?” bungad na wika ni Mara at tuloy-tuloy sa pagpasok sa kuwarto ng nakatatandang kapatid. Naabutan niya ito na kasalukuyan na nakadapa sa malaki nitong kama at nanonood ng kung ano sa laptop nito.
“You came home early?” wika naman ni Amirah saka mabilis na bumangon at tinignan ang kapatid.
“I did something bad that’s why we came home early,” tugon naman ni Mara at naupo sa paanan ng kama nito. Lihim na pinagmasdan niya ang kapatid at nakahinga ng maluwag nang makitang mukha naman itong okay.
“What have you done?” kunot-noo na tanong naman nito sa kanya.
“It’s a secret. So, sasama ka ba sa akin or what? I want to go clubbing since I’m going to get married few days from now,” sagot naman ni Mara. Sandali na nag-isip naman si Mira bago muling magsalita.
“Are you sure? Paano kapag nalaman ni RJ?” wika pa ni Mira at seryoso na tinignan ang kapatid. It’s not she doesn’t like the idea to go clubbing, in fact ay na-excite nga siya nang marinig iyon mula sa kapatid. It’s just that she’s worried na baka malaman ng parents nila at ng fiancé ng kapatid at baka magka-problema pa. Ayaw pa naman niya sa lahat iyong ganoon dahil hindi siya marunong mag-handle ng problema.
“And so? We’re not yet married kaya puwede ko pang gawin ang gusto ko,” katwiran naman sa kanya ng kapatid na ikinabuntong hininga niya.
Ano nga ba ang aasahan niya kay Amarah Clariza Pagalan? Wala itong pakialam kung magalit ang mga magulang sa kanya as long as masaya ito at nagagawa nito ang gusto niya, total opposite of her and she hate herself for that.
“Okay fine. Meet me downstairs, maghahanap lang ako ng susuutin at mag-shower na rin,” wika ni Mira matapos ang sandaling katahimikan.
“Wear something nice, ha! Baka naman kung ano ano lang ang suutin mo!” sabi naman ni Mara saka tumayo na mula sa pagkakaupo nito sa paanan ng higaan ng kapatid.
“Oo na!” malakas na sabi ni Mira saka tumayo na rin at naglakad patungo sa bathroom na nasa loob din ng kuwarto niya.
Pagkalabas ni Amarah sa kuwarto ng kapatid ay agad siyang nagtungo sa kuwarto niya para mabilisan na mag-shower at maghanap din ng susuutin. She’s only wearing her silk bathrobe nang lumabas siya ng bathroom at agad na nagtungo sa walk-in closet niya. She scanned her clothes habang nag-iisip kung ano ang dapat na suutin.
Amarah decided to wear her black leather corset crop bralette para mas sexy siya tignan. Ang goal niya kasi sa araw na ito ay magsaya at pansamantala na kalimutan ang nalalapit niya na pag-iisang dibdib. Kinuha niya rin ang denim tattered jeans niya saka black stiletto at nagsimulang magbihis.
Nang matapos siyang magbihis ay agad siya na lumabas mula sa walk-in closet saka naupo sa tapat ng vanity table kung saan nakalatag ang maraming cosmetics at skin care products na pag-ma-may ari niya. Sandali siyang nag-isip kung ano ang babagay na look para sa outfit niya bago kinuha ang sunscreen at inilagay iyon sa mukha niya. She applied a smokey eye makeup after finishing her skin care routine at nang ma-satisfy sa itsura niya ay agad na siyang lumabas ng kuwarto bitbit ang mamahalin niyang purse kung saan nakalagay ang cellphone at card niya. She waited for her sister at the living room at hindi naman siya naghintay ng matagal dahil nakita niya agad na pababa ito sa engrande nilang hagdanan.
Unlike her, Amira chose to wear a denim fitter pants, white sneakers, and white button-down shirt na bukas ang tatlong butones kung saan kita ang ang suot nitong black na brassiere. Nakatali ang laylayan ng button down shirt nito kaya kitang-kita ng bahagya ang mapuputi nitong tiyan.
“Let’s go?” aya sa kanya ni Mira na ikinatango niya. Sabay silang naglakad patungo sa garage at agad naman binigay sa kanila ng family driver ang remote key ng Audi na pagma-may ari ni Mira. Sa driver’s seat naupo si Amarah habang sa shotgun seat naman si Mira. Amarah drove away on their garage after they wore their seatbelt.
“Saan na club pala tayo pupunta?” tanong ni Mira habang nasa loob sila ng sasakyan.
“Bullet Bar,” tipid na sagot naman ni Amarah saka bahagya na sinulyapan ang nakatatandang kapatid.
“Maganda ba doon? I’ve never been there,” wika pa ni Amira saka huminga ng malalim.
“Of course, you are! You let yourself get drowned on your work kaya wala kang alam sa mga nangyayari sa paligid mo,” sabi naman ni Amarah.
“I love my job, okay? Masaya ako sa mga life decisions ko kahit pa minsan nahihirapan ako,” wika naman ni Mira.
“If you say so,” sabi pa ni Amarah. Hindi naman na nagkomento pa si Mira dahil wala siya sa mood makipag-diskusyunan sa kapatid na habambuhay yata siya aasarin dahil mas pinili niya na sumunod sa kagustuhan ng mga magulang kaysa ang tuparin ang mga pangarap niya sa buhay.
Hindi nagtagal ay nakarating na rin ang magkapatid sa bar na nabasa lamang ni Amarah sa social media. Ngiting-ngiti ang dalawa nang matanaw nila ang dalawang palapag na bar na kasalukuyang pinipilahan ng mga tao.
Mabilis na bumaba si Amarah na agad naman sinundan ni Mira. Magkatabi na naglakad ang mga ito patungo sa entrance ng bar saka dire-dirertso na naglakad palapit sa bouncer na seryoso silang pinasadahan ng tingin. Inilabas ni Mara ang cellphone niya saka sandaling nag-scroll doon at napangiti nang makita ang hinahanap. Ipinakita niya iyon sa bouncer at agad naman itong tumango saka tumabi para paraanin sila.
“How did you do that?” takang tanong ni Mira nang tuluyan silang makapasok sa mausok, mailaw at maingay na lugar. Ngiti lamang ang sinagot ni Amarah sa kapatid saka hinawakan ang kamay nito at hinila patungo sa bar counter at magkatabi na naupo sa bar stool.
“What’s your drink?!” malakas na tanong ni Amarah para marinig siya ni Mira dahil sa lakas ng musika sa lugar na iyon.
“Vodka!” malakas na tugon naman ni Mira na ikinatango ni Amarah. Tinawag niya ang bartender na agad naman na lumapit sa kanila. Sinabi ni Amarah ang order nila at agad naman ito na kumilos para gawin iyon.
While waiting for their drink ay humarap ang magkapatid sa dance floor at sabay na napangiti dahil sa excitement na nadarama sa mga oras na iyon.
“We should dance!” malakas na sabi ni Amarah saka kinuha ang baso na may laman na whiskey at nagsimulang inumin iyon.
“Later!” malakas na sagot naman ni Mira na ikinatawa ng kapatid. Pinanood niya ito nang kuhanin nito ang baso at ininom din ang vodka na in-order nito. Amarah can’t help but to gasped when her big sister finished the alcohol in one sip.
“That’s my sister!” sigaw ni Amarah na sinundan ng pagsigaw. Malakas na tumawa naman si Mira at muling um-order ng vodka.
Hindi namalayan ni Amarah at Amirah ang paglipas ng oras at natagpuan na lamang ang sarili na nakaupo sa couch habang habol ang hininga. Kakatapos lamang nila mag-sayaw sa dance floor at nagpasya ang dalawa na magpahinga muna dahil kapwa sila nahihilo. Sumandal sa malambot na couch si Amarah habang si Mira naman ay tumayo at nagpaalam na pupunta ng banyo. Tumango naman si Mara at sinabi na doon na lamang niya ito hihintayin.
Nang makaalis ang kapatid ay dahan-dahan na pumikit si Amarah dahil sa hilong nararamdaman. Hindi na niya nabilang kung nakailang order na sila ng alak basta ang alam niya ay marami iyon dahil nararamdaman na niya iyon sa sistema niya. She’s not a heavy drinker ngunit hindi rin naman siya basta-basta na nalalasing. Kailangan niya lang na magpahinga at tumigil sa pagkilos para ma-sober up siya.
“There you are.”
Dahan-dahan na dumilat si Amarah nang maramdaman ang pag-upo ng kung sino sa tabi niya. Pinagsingkit niya ang mga mata para maaninag ang mukha nito at marahas na napabuntong hininga nang makilala kung sino iyon.
It was the guy na nakasayaw niya sa dance floor kanina na hindi siya tinantanan dahil she looked so hot. He even offered them a drink na hindi nila tinanggap dahil alam niyang may ilalagay iyon doon. Kabisado na ni Amarah ang mga galawan ng mga tao sa bar o club dahil laman siya ng lugar noong nasa Canada pa siya.
“I’m married,” mataray na wika ni Amarah dito sabay pakita sa kaliwang kamay nito kung nasaan ang singsing na bigay ng Mommy ni RJ na engagement ring daw nila. Si Mrs. Reina Allegre ang totoong nag-ma-may ari niyon na ibinigay sa kanya dahil siya ang una nitong magiging daughter-in-law.
“Do you think I care about that? Married women are so f*****g hot than a single one,” wika naman nito saka bahagyang lumapit sa kanya. Awtomatiko na napaatras naman si Amarah at masama na tinignan ito.
“I don’t like you, okay? Why don’t you just leave me alone?” iritable na wika pa ni Amarah na ikinatawa lamang nito. Muli itong lumapit sa kanya kaya muli siyang napaatras hanggang sa maramdaman niya ang dulo ng couch mula sa likod niya.
“I won’t leave you alone not until I f**k you, woman,” nakangisi na wika pa nito na lalong nagpa-inis kay Amarah.
Ever since she started the job as a flight attendant ay marami na siyang naranasan na pambabastos mula sa mga manyak nila na pasahero pati na rin kapag nag-ba-bar sila ng mga kasamahan. Hindi niya maintindihan kung bakit ganito umakto ang mga lalaki sa tuwing nakakakita ng mga magaganda at sexy na babae. Hindi ka titigilan hangga’t hindi ka natitikman at kapag umayaw ka ay pipilitin ka hanggang sa sapilitan kang pagsamantalahan.
Amarah loathed this kind of men and wishing them to extinct. Hindi deserved ng mga babae na mabastos ng ganito gayong gusto lang naman nila ang sumaya at mag-enjoy.
“Get lost,” seryoso na wika pa ni Amarah matapos huminga ng malalim. Tila hindi naman natinag ang lalaki at lalo pang lumapit sa kanya hanggang sa gahibla na lamang ang pagitan ng mukha nila. Ngumisi ng nakakaloko ang lalaki sa kanya at akmang hahalikan na siya nang buong lakas niya itong itulak na naging dahilan para mahulog ito mula sa couch at humandusay sa sahig.
“You b***h—”
Hindi na nito natuloy ang sasabihin nang mabilis na sipain ni Amarah ang mukha nito. Buong lakas iyon na naging dahilan nang pagpaling ng ulo nito sa kabilang bahagi habang nakahiga pa rin sa sahig.
“Rapist! Manyak!” malakas na sigaw pa ni Amarah kasunod ang paglapit ng dalawang bouncer sa kanila at agad na dinaluhan ang lalaki na ngayon ay dumudugo na ang gilid ng labi.
Tumayo sa gilid si Amarah at pinanood na hawakan ito ng dalawang bouncer sa magkabilang braso saka kinaladkad palabas ng bar. Paulit-ulit pa siyang pinagmumura nito at sinabi na hahanapin siya na malakas lamang niya na ikinatawa saka muling naupo sa couch na para bang walang nangyari.
“Is that your fiancé, RJ?” tanong ni Vin sa binata na kasalukuya na umiinom ng whiskey habang nakatayo sa railings na nasa second floor.
Nagpunta sila sa bar kung nasaan sila Amarah at Amirah dahil pagma-may-ari iyon ng kaibigan ng kapatid ni RJ. He just wanted to grab a few drinks dahil medyo na-stress siya sa ginawa ni Amarah na agad din naman na naglaho ng malaman na nandoon din ang dalaga kasama ang kapatid nito.
Kanina pa sila nakatayo doon at nasaksihan ang ginawa ni Amarah sa lalaki and she can’t help but to admire how brave she is.
His soon to be wife is really something.
“Yeah. She’s hot, isn’t she?” nakangiting wika ni RJ saka tinignan ang kaibigan na napailing na lamang. Ibinalik niya ang tingin sa dalaga at nakita na kasama na nito muli ang kapatid. Hindi niya marinig ang pinag-uusapan ng mga ito pero malakas ang hinala niya na kinukwento ni Amarah ang nangyari dahil sa paraan ng pagkumpas ng kamay nito.
“Cute,” bulong pa niya sa sarili saka muling uminom sa hawak niyang whiskey.