“Amarah Clariza! Kanina pa naghihintay si RJ sa ibaba. Hindi ka ba babangon diyan?!” Inis na napatalukbong ng kumot si Amarah nang hawiin ng kanilang kasambahay ang kurtina ng bintana niya ayon na rin sa utos ng kaniyang ina. “It’s eleven A.M in the morning, young woman! Bumangon ka riyan kung ayaw mo na ako ang mag-bangon sa iyon!” Mariin niya na ipinikit ang mga mata saka sumubsob sa kama para hindi niya maaninag ang liwanag. Hindi na niya maalala kung anong oras sila nakauwi kagabi pero inaantok pa siya at isa pa ay masakit ang ulo niya dahil sa hangover. “Why aren’t you waking up?!” dinig niyang malakas na wika pa ng kanyang ina. Hindi niya rin alam kung bakit naririnig niya ang ina o nananaginip lamang siya. Ang alam niya kasi ay next week pa ang uwi ng mga it