Chapter 1

2542 Words
Hindi mabilang ni Mara kung ilang beses na siyang sumilip sa phone niya para tignan kung may natanggap siyang text message o missed call mula sa lalaking nagpapasakit ng ulo niya. Inis na ibinalik niya ang phone sa handbag saka nakapalumbaba na tumingin sa entrance, baka sakali na pumasok doon ang kanina niya pa hinihintay.   Napaayos siya ng upo nang lumapit sa kanya ang waiter para tanungin kung ano ang order niya. Hindi niya magawang magalit dito na nakailang balik na dahil kanina pa nga naman siya nandoon. Hindi niya na alam kung ilang oras na ang nakalipas simula ng dumating siya sa restaurant na iyon at nag-uumpisa na siyang mainis. Pinaghandaan pa naman niya ang muli nilang pagkikita. She wore a floral off shoulder crop top and high waisted mom jeans with belt na tinernuhan ng white stiletto. She even had a light make up with pink lipstick tapos ay paghihintayin lang siya nito? How dare he?!   Binuklat niya ang menu at namili ng o-order-in. Pinili niya ang Chicken Alfredo pasta at chocolate milkshake. Nakangiti naman na umalis ang waiter dala ang menu. Muli niyang kinuha sa bag niya ang cellphone at marahas na napabuntong-hininga dahil wala pa rin tawag o text siyang natatanggap.   Naiinis na talaga si Mara at gusto na niyang manabunot ng lalaking paasa!   Huminga siya ng malalim saka nag-dial sa cellphone niya. Kagat-labi niyang pinindot ang call button saka itinapat sa tainga ang cellphone. Nahugot niya ang hininga nang matapos ang tatlong ring ay sinagot nito agad ang tawag niya.   “Hello?” dinig niyang sabi mula sa kabilang linya. Muli siyang huminga ng malalim.   “Hello Mr. Allegre, p’wede ko bang tanungin kung nasaan ka na?” mahinahon na tanong niya dito. Dinig niya mula sa background ang ingay na hindi niya mawari kung mga batang nagsisigawan o ano.   “Shoot oo nga pala! Sorry, Amarah papunta na ako.” Anito saka mabilis na pinutol ang tawag. Napaawang ang labi ni Mara sa narinig. Huminga siya ng malalim saka kinagat ang ibabang labi para pigilan ang pagmumura. Ibinalik niya ang cellphone sa bag saka mahigpit na kinuyom ang kamao.   So all this time ay nakalimutan ng magaling na lalaki na iyon ang pagkikita dapat nila? Nakalimutan nito na naghahanda sila para sa kasal nila na ito pa ang nag-set ng appointment para sa catering services at pastry chef.   Naiinis siya. Ramdam ni Mara ang mabilis na pagtibok ng puso niya dahil sa inis. Naiiyak siya dahil ilang oras na siyang naghihintay at mukha ng tanga sa restaurant na iyon habang ang RJ na iyon ay nakalimutan ang appointment nila. Nasaan ang sinasabi ng nakararami na gentleman ang RJ Allegre na iyon?! Paano ito naging gentleman kung nagagawa nitong paghintayin siya ng sobrang tagal? Aalamin niya talaga kung sino ang gumawa ng article na iyon para masabunutan niya.   Paulit-ulit na huminga ng malalim si Mara para pakalmahin ang sarili at nang dumating ang order niya ay mabilis na ininom niya ang chocolate milkshake para lumamig ang ulo niya. Makaraan ang ilang sandali ay dumating na rin si RJ, pero hindi ito nag-iisa dahil may kasama itong batang babae na nakasuot ng maong jumper na may pink na inner shirt. Naka-ponytail ang mahaba nitong buhok at may full bangs. Mukhang inosente ito at mabait. Agad din napansin ni Mara ang pagkakahawig ni RJ dito.   “I’m sorry, Amarah na-late ako. Wala kasing mapag-iiwanan kay Lovella. Umalis ‘yong mommy niya eh,” sabi ni RJ nang makalapit sa kanya. Hindi siya umimik at pinanood lang ito na iupo ang bata sa upuan na nasa tabi nito saka ito umupo sa harap niya. Itinaas pa ni RJ ang kamay para kuhanin ang atensyon ng waiter nang makita ang mga in-order niya.   “Lovella say hello to Tita Amarah,” nakangiti na sabi pa ni RJ sa batang babae saka tinuro siya. Nakangiti naman na tumingin sa kanya ang bata saka kumaway.   “Hello Tita Amarah,” sabi nito. Hindi niya maiwasan na mapangiti dahil sa maliit na boses nito. Matapos iyon sabihin na Lovella ay tinuon nito ang atensyon sa menu na kalalapag lamang ng waiter at doon nagtingin-tingin.   “Anak mo?” hindi niya mapigilan na itanong. Gulat na napatingin sa kanya si RJ saka tumingin sa batang babae sa tabi nito bago binalik ang tingin sa kanya. Mahina pa itong tumawa saka umiling.   “Hindi. Anak siya ng kapatid kong babae. Si Harlene, na-meet mo siya nong nakaraang dinner,” paliwanag nito. Kumunot ang noo niya sa narinig saka napansandal sa upuan.   “Wala kang kapatid na babae,” nagdududa na wika niya. Si RJ naman ang naguluhan saka tinignan siya.   “Meron, Amarah. ‘Yung katabi ko noong family dinner. Si Harlene ‘yun, asawa siya ni Lawrence Andrade,” paliwanag pa ni RJ. Tumango-tango na lamang siya kesa makipatalo pa. Mukha naman na nagsasabi ito ng totoo saka para naman siyang ewan kung mas marunong pa siya dito sa kung sino ang kapatid nito. Pero ang alam niya kasi ay tatlong lalaki lang ang anak ni Tita Reina, imposible na nabuntis ulit ito dahil parang kaedad lang niya ang babae. Mabilis siyang napailing nang mapagtanto ang iniisip. Ano nga ba ang pakialam niya sa family tree ng mga Allegre? Ang importante lamang sa kanya ay ang flower farm at ang trabaho niya.   Ilang sandali pa ay dumating ang waiter na may dalang pagkain. Hindi niya namalayan na naka-order na pala ito. Pinanood niya si RJ at Lovella na kumain habang siya ay nakasandal sa upuan at nakahalukipkip. Mukhang napansin naman ni RJ ang pagtitig niya dahil nag-angat ito ng tingin sa kanya.   “Hindi ka kakain?” takang tanong nito sabay tingin sa pagkain niya na hindi niya pa ginagalaw.   “I’m not hungry,” sagot niya naman dito.   “Bakit ka um-order kung hindi mo naman pala kakainin?” balik-tanong nito sa kanya.   “I just want to,” kibit-balikat na sagot niya dito. Nakita niyang napailing si RJ sa sinabi niya ngunit hindi na lang nagkomento. Nagpatuloy ito sa pagkain at paminsan-minsan na tinutulungan ang pamangkin nito habang siya ay nanonood lang.   Nang matapos ang mag-tito sa pagkain ay nag-aya na si RJ na pumunta sa appointment nila. Si RJ ang nagbayad ng food na in-order niya at hindi naman siya nakipagtalo pa. Sandali pa itong nagpaalam na pupunta sa restroom kaya naiwan sila ni Lovella na nakatayo sa labas ng restaurant.   Bahagya siyang napaigtad nang maramdaman na hinawakan ni Lovella ang kamay niya. Nakangiti itong tiningala siya saka mas hinigpitan pa ang hawak. Tipid na nginitian niya ito saka tumingin sa loob ng restaurant para tignan si RJ.   “Tita Amarah, is it true that you will be Tito RJ’s wife?” dinig niyang tanong ni Lovella. Niyuko niya ito saka tumango. Hindi na muling nagsalita si Lovella hanggang sa dumating si RJ at igaya sila pasakay sa sasakyan nito. Mabilis siyang naupo sa front seat at tin-text ang kapatid niya na kuhanin ang sasakyan niya sa restaurant dahil ang susi ay nasa valet pa rin. Nang sumagot ang kapatid niya ay agad niyang itinago ang phone at pinanood si RJ mula sa rearview mirror na tulungan ang pamangkin nito na makaupo sa backseat. Matapos masiguro na nakasuot ng maayos ang seatbelt ni Lovella ay umikot na si RJ patungo sa driver’s seat.   “Saan tayo?” tanong niya dito nang makaupo ito sa tabi niya. Sandali siya nitong sinulyapan saka ini-start ang sasakyan.   “Sa restaurant ni Akiko. Doon ang catering service na kukunin natin saka sila na rin gagawa nong cake,” sagot nito. Tumango siya sa sinabi nito saka tumingin sa labas ng bintana. Hindi na siya nag-abala pa na tanungin kung sino ang Akiko na iyon dahil wala naman siyang pakialam.   Hindi kalayuan ang restaurant na sinabi ni RJ sa pinanggalingan nila dahil mabilis lang sila na nakarating. Pagkababa ni Mara sa sasakyan ay halos mahilo siya sa dami ng tao sa loob.   “Something Tasty,” basa niya sa malaking signage. Muli niyang naramdaman ang paghawak ng maliit na kamay ni Lovella sa kamay niya. Nilingon niya ito at isang matamis na ngiti ang binigay nito sa kanya. Hindi niya maiwasan na mapabuntong-hininga. Hindi siya sanay sa mga bata dahil wala naming masyadong bata sa trabaho at sa pamilya niya. Parang na-o-awkward-an din siya dahil sa kakaibang pakiramdam. Basta ay hindi niya maipaliwanag.   “Restaurant ‘to ng mag kaibigan ko. Si Heaven at Akiko,” sabi naman ni RJ na nasa gilid niya na pala. Tumango na lamang siya ulit. Nauna silang maglakad ni Lovella at huminto sa may entrance para hintatin si RJ. Naunang pumasok si RJ at pinagbuksan sila ng pinto. Diretso silang naglakad patungo sa counter kung nasaan ang dalawang magagandang babae na kapwa nakasuot ng apron na may logo ng restaurant. The angel look woman is wearing a long sleeve denim dress and flat shoes while the other one is just a simple white polo shirt and black jeans na tinernuhan ng sneakers. Mukha itong isa sa mga staff ang makapagkakamalan na sana ni Mara kung hindi lang ito tinawag ni RJ.   “Aki! Heaven!” malakas na tawag ni RJ. Kasalukuyang maraming tao sa loob kaya maingay at halos hindi makarinigan.   “RJ! Glad you came!” nakangiting sabi ng babae na naka-polo shirt. Nanatili ang tingin ni Amarah sa mga ito na masayang nagkukwentuhan ng kung anu-ano hanggang sa makita niya na lumipat ang tingin ng dalawang babae sa kanya. Lalong lumawak ang ngiti sa kanila.   “Hi! You must be, Amarah?” sabi ng babae na naka-denim dress. Marahan siyang tumango at tipid na ngumiti. Amarah did not know how to interact or to be friendly maliban na lang kung naka-uniform siya at nasa himpapawid. Hindi siya mahilig makipag-kaibigan dahil ayaw niya ng drama. Mas focus siya sa goals at mga pangarap niya sa buhay.   “Ang ganda-ganda mo naman ata ng sexy mo pa,” sabi naman ng babae na naka-polo shirt. Muli siyang tipid na ngumiti dahil hindi niya alam kung anong sasabihin.   “Amarah this is Akiko and Heaven. They are my friends since we were kids,” pagpapakilala ni RJ sa mga it sabay turo sa babaeng naka-polo shirt as Akiko and Heaven is the one who wears the denim dress.   “Hi!” tipid na sabi niya sa mga ito. Narinig niya ang mahinang pagtawa ni RJ kaya nilingon niya ito at sinamaan ng tingin.   “What’s funny?” mataray na bulong niya dito. Umiling lang si RJ saka tumingin muli kina Heaven na ngayon ay may nakakalokong ngisi. Nag-aya si RJ na umpisahan na ang meeting about sa food at ang food tasting. Mabilis naman na kumilos ang dalawa at inaya sila sa back office.   Tahimik lang sa isang tabi si Amarah habang nagpapakilala ng iba’t-ibang dish sina Heaven at Akiko para sa catering ng reception ng kasal nila ni RJ. And when the food tasting happened ay hindi tumikim kahit isa si Amarah at si RJ lamang ang nakipag-usap ng mga gusto nito para sa menu. Pati ang flavor at design ng cake ay si RJ ang namili habang si Amarah ay nanonood lang. Tanging tango lang din ang sinasagot niya sa tuwing tatanungin siya ng dalawang kaibigan ni RJ.   Wala sa mood si Mara maghapon dahil hindi pa rin siya maka-move on sa paghihintay at paglimot ni RJ sa usapan nila kaya bahala ang binate sa buhay niya.   Gabi na nang ihatid ni RJ si Amarah sa bahay ng magulang ng dalaga. Dinaan muna kasi nila si Lovella sa bahay ng kapatid nito bago siya iuwi. Itinigil ni RJ ang sasakyan sa harapan ng gate nila at pinatay ang makina. Agad naman na tinanggal ni Mara ang seatbelt at bubuksan na ang pinto ng sasakyan nang maramdaman niya ang kamay ni RJ sa braso niya.   “What?” mataray na tanong niya dito sabay tingin sa kamay nito na nasa braso niya pa rin.   Nakita niya ang pagbuntong-hininga ni RJ saka binitawan ang braso niya. “Ganyan ka ba talaga?” mahinang tanong nito.   “Oo?” mabilis na sabi naman niya. Hindi niya maintindihan kung anong klaseng ‘ganyan’ ang sinasabi ni RJ pero dahil gusto na niya makaalis sa sasakyan na iyon ay sumagot na lang siya.   “Mara let’s work this out,” sabi pa nito gamit ang seryosong tinig. Kumunot ang noo niya sa bilang pagbabago ng ekspresyon nito. Umayos siya ng upo paharap dito at tinignan ito sa mga mata.   “If you want to work this out, hindi mo dapat ako pinaghihintay ng matagal, Allegre.” Seryoso na sabi naman niya dito. Muling napabuntong-hininga si RJ.   “I’m really sorry about that, Mara. Babawi ako promise, but you should do something on your end as well,” sabi pa ni RJ. She crossed her hands around her chest as he stared at him more.   “What do you mean by that?” tanong niya dito. She heard him sighed deeply saka nag-iwas ng tingin.   “You should learn how to be friendly and approachable. Nakita mo naman siguro kung paano mag-reach out sa iyo sina Akiko at Heaven kanina pero ikaw ang lumalayo,” mahinang sabi nito saka bahagyang sumulyap sa kanya.   Sandali siyang natigilan sa narinig. Did she hear him right? He wanted her to be friendly and approachable towards his friends?   “What the f**k?! How dare you para sabihin sa akin ang mga hindi at dapat kong gawin?!” malakas na sabi niya. Biglang parang umakyat ang lahat ng dugo ni Amarah sa ulo niya dahil sa narinig.   “Hindi naman para sa akin ang sinasabi ko, Mara,” mahinahon na sabi pa nito saka muli siyang hinarap. “Sinasabi ko lang kung ano ang napansin ko sa’yo kanina,” dugtong pa nito.   “Ilang taon na ba tayo magkakilala Mr. Allegre para i-judge mo ako ng ganyan?” sarkastiko na sabi niya dito.   “Hindi kita hinuhusgahan. Gusto ko lang maging open sa’yo kaya sinasabi ko ito sa’yo ngayon. I told you I want to work this out,” paliwanag pa ni RJ pero dahil sarado ang isip ni Mara sa mga oras na iyon ay hindi niya iniintindi ang mga sinasabi nito. Mas nangingibabaw sa kanya ang inis at kagustuhan na sabunutan ang lalaking nasa harapan niya ngayon.   Paulit-ulit na huminga ng malalim si Mara. Pinilit niyang pakalmahin ang sarili bago muling salubungin ang seryosong tingin ng fiancé niya.   “You know what? Kung ayaw mo sa ugali ko ay mabuti pa na itigil na natin ‘tong kasalan na ito.” Seryoso na sabi niya.   “Hindi naman sa ayaw ko— “   Hindi na hinintay pa ni Mara na matapos magsalita si RJ at agad na bumaba sa sasakyan. Padabog na sinara niya ang pinto at mabilis na pumasok sa bahay nila.   Ang kapal naman ng mukha ng lalaking iyon para diktahan siya sa kung ano ang dapat niyang gawin para sa sarili niya. Hindi pa sila kasal ay pinapakita na nito ang pagiging manipulative nito, paano na lang kapag kinasal na sila? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD