CHAPTER 2 - Deal

2642 Words
"I REALLY hate you, Math! Ikaw ang ikakasira ng buhay ko!” ngalngal ko na parang maiiyak na. Pakiramdam ko ay kumikirot ang utak ko dahil sa Math na ‘yan. Masyado siyang pahirap sa buhay ko. Mabuti na lang ay Friday na ngayong araw, last day na ng pasok sa school. Makakapagpahinga na rin ang utak ko. “Hestia,” tawag pansin ko sa taong kasama ko ngayon. “Anong plano mo mamayang gabi?” “Nothing. Doon lang ako sa bahay buong gabi.” I grimaced. “That’s boring, you know.” She just shrugged and took a sip on her mango shake. Napanguso ako at mas lalo pang humaba ang nguso ko nang makita ko kung sino ang paparating sa gawi namin. It’s Chaos and he’s with his cousin, Curse. Simula ng pansinin niya ako noong Monday, hindi na naman niya ako pinapansin at bumalik na naman sa pagiging masungit at suplado. I really don’t get him. Ano ba talaga ang problema niya sa akin? Bakit sa tuwing pakiramdam ko ay nagkakalapit kami, hahakbang siya ng tatlong beses palayo sa akin? “Magba-bar ako mamaya,” sambit ko at sinadya kong lakasan talaga ang boses ko lalo na nang lagpasan na nila Chaos at Curse ang table namin ni Hestia. “Hindi ka pa puwede sa mga bar, you know that.” “I don’t care.” Ngisi ko. “Hindi ka nila papapasukin. Nasa entrance ka pa lang, ituturo na agad nila sayo ang exit,” buong tiwala sambit ni Hestia. May ngiting demonyo ang lumabas sa labi ko. “I have my ways, Hestia. Believe me, makakapasok ako sa bar at magpapakalasing.” Hindi ko naman talaga hilig na uminom ng alak dahil bata pa ako pero gusto kong uminom ngayon para mabawasan ang stress ko, balita ko kasi ay ganoon daw ‘yon. Puwede namang hindi sa bar ako magpunta pero boring naman kapag sa bahay lang. Mag-isa lang ako roon. “Matigas talaga ang ulo mo, Raileigh.” Naiiling sabi ni Hestia. “Wanna come with me?” nakangiting tanong ko, binalewala ang sinabi niya. Umiling siya at tumayo na mula sa harapan ko. “Aalis na ako. At hindi ako sasama sayo mamayang gabi, ikaw na lang.” Hindi na niya hinintay pa ang tugon ko. Naglakad na siya papaalis at iniwan akong mag-isa rito sa table namin. Napanguso ako. Wala na naman akong kasama. Mag-isa na naman ako. Wala akong ibang kaibigan bukod kay Hestia. Marami naman ang nakikipagkaibigan sa akin pero hindi ko sila in-entertain dahil ayaw ko sa kanila. Si Hestia lang ang nakakasundo ko sa lahat ng taong kakilala ko kahit na saksakan siya ng sungit at sarcastic. Siya ‘yong tipo ng kaibigan na masarap ihagis dahil sa talas ng dila, pero mapapanatag ka naman dahil tunay siya at totoo. Nagpangalumbaba ako habang humihigop sa chocolate shake ko. Ang mga mata ko naman ay nakatuon sa table ‘di kalayuan sa akin. Kakaiba talaga ang kagwapuhang taglay ni Terrence, ang sinasabi nilang player dito sa Rosevelt. Hindi player sa sport, kundi player sa mga babae. Yes, he’s a playboy. At isa siya sa mga crush ko. Napataas ang kilay ko nang bumaling ang tingin niya sa akin at binigyan ako ng isang ngiti. I smiled back. Ilang saglit pa, tumayo siya mula sa kinauupuan at lumapit sa table ko. Prenteng naupo siya sa harapan ko, sa kaninang puwesto ni Hestia. “Hi, Raileigh,” bati ni Terrence habang nakapaskil sa labi niya ang malanding ngiti. Gumanti ako ng ngiti. “Hello, Terrence.” Ang ngiti niya ay nauwi sa ngisi. “Are you free tonight? I want to ask you to go on a date with me—if it’s okay with you.” Punong-puno ng hangin ang sarili niya. Umaktong nag-iisip ako. “Hmmm...” Ngumiti ako ng malapad. “Sorry, pero ayaw kong makipagdate sayo.” Matapos noon ay tumayo na ako mula sa pagkakaupo at naglakad na papaalis. Pero bago tuluyang lumabas ng canteen, gumala ang tingin ko sa paligid ng canteen at hinanap ng mga mata ko si Chaos. At natagpuan ko siyang nakaupo malapit sa table ko kanina at nakatingin sa akin. Napangiti ako at kinindatan siya saka tuluyan nang lumabas ng canteen. I’m okay now. Nakita ko na ang baby ko. Pagtapos ng school ay dumeretso na ako sa bahay. At dahil wala naman sila Mommy at Daddy dito dahil busy sa business namin, madali lang sa akin ang makatakas sa bahay. Kaya nang dumilim na, naghanda na ako para sa pag-alis. Excited pa ako dahil first time kong gagawin ito at mag-isa pa ako. Suot ang pink cocktail dress at dala ang isang pink na purse, lumabas ako ng bahay at pumara ng taxi. Higit kalahating oras lang ang biyahe ay nakarating na agad ako sa destinasyon ko, sa isang sikat na bar na kilala rito sa lugar namin. Tulad ko ay marami rin ang kabataan ang nagpupunta rito para magsaya. Mas nakaka-entertain pa ang bar na ito dahil may live band. Sigurado rin maraming tao ngayon dito dahil Friday night. Akmang papasok ako sa loob ng hinarang ako ng bouncer. Tumaas ang kilay ko sa ginawa niya. “ID, please,” aniya at inilahad sa harapan ko ang palad. Mahina akong natawa. “Ano ‘to, school? No ID, no entry?” Hindi man lang ‘to natawa sa sinabi ko. Nanatiling seryoso ang mukha niya. I sighed. “Naiwan ko ang ID ko sa bahay, para saan ba ‘yon?” “Kailangan lang naming masiguro na nasa tamang edad ka na, bawal ang mga menor de edad dito.” Humalakhak ako at napahawak sa dibdib ko. “Kuya, mukha ba akong menor de edad?” puno ng sarkasmo kong tanong. Ito na nga ba ang sinasabi ni Hestia, hindi nila ako hahayaang papasukin sa loob lalo na kapag nalaman nilang wala pa ako sa tamang edad. Isa pa naman sa mga pinakamahigpit na bar dito sa lugar namin ay ang bar ‘to. “Oo, mukha ka pang bata. Kaya kung wala kang ID, hindi ka makakapasok.” Naging blangko ang mukha ko. Mukhang hindi gagana sa kanya ang plano ko. “I’m already eighteen, hindi lang halata dahil masyado akong baby face! Kasalanan ko bang masyado akong cute?” asik ko at pinandilatan ko pa siya ng mga mata. Napapikit ito na tila naasar sa boses ko. “Ma’am, hindi mo kailangang sumigaw.” Humalukipkip ako. “Ikaw kasi, Kuya. Parang ayaw mong maniwala sa akin.” Pinagtaasan ko siya ulit ng kilay. “Papapasukin mo na ba ako? Nilalamok na ako rito.” Umiling siya na ikinainis ko. Argh! “Kuya, naman... Papasukin mo na ako! I’m already eighteen!” pagpupumilit ko. Sayang naman ang porma ko kung hindi ako makakapasok sa loob. Ginamit ko pa ang bago kong cocktail dress para lang sa gabing ‘to. “Ineng, hindi mo ako maloloko. Matagal na ako sa trabaho kong ito at masasabi ko kung nasa tamang edad na ba ang isang tao o menor de edad pa lang. At ang masasabi ko—” Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. “—wala ka pang eighteen.” Napapadyak ako sa inis. “Ang kulit naman, e. Sabing eighteen na nga ako!” Umiling siya. “Hindi. Umalis ka na rito. Bawal ang bata rito.” Bumakas sa mukha ko ang matinding inis. Parang gusto kong magwala sa sobrang inis ko, pero nangunot ang noo ko nang may makitang pamilyar na babae sa loob ng bar. Kita ang loob ng bar mula rito sa kinatatayuan ko. “Hestia...” mahinang sambit ko sa pangalan ng babaeng nakikita ko ngayon sa loob ng bar at may kasamang lalaki. Hindi ko masyadong maaninag ang mukha ng lalaki pero sigurado akong si Hestia ang babae. Pero ang sabi niya, magkukulong lang siya sa bahay nila ngayong gabi. Ang babaeng ‘yon! She lied to me! May biglang pumasok sa isipan ko pero ipinagsawalang bahala ko ‘yon. Mas imposible ang bagay na ‘yon. Naputol ang pag-iisip ko nang may maramdaman akong humawak sa pulso ko. Handa na sana akong magsisigaw sa takot nang mapatigil nang marinig ko ang boses nito. “What are you doing here, Raileigh?” Nang harapin ko ang taong ‘yon, ang magkasalubong na kilay ni Chaos ang sumalubong sa akin. Napangiti ako ng malapad. “Hi, Chaos!” I greeted him. Pero hindi man lang siya gumanti ng ngiti sa akin. Magkasalubong pa rin ang kilay niya. Dumako ang tingin ko sa likod niya at doon ay nakita ko pa ang dalawa niyang pinsan. “Hi, Curse! Hi, Kuya Silent!” bati ko sa dalawa. Tiningnan lang ako ni Kuya Silent, habang si Curse ay ngumiti at lumapit sa akin. Hindi tulad ni Curse, hindi kami close ni Kuya Silent. Masyado siyang suplado. “Hi, Hestia. Anong ginagawa mo rito?” bungad ni Curse nang makalapit sa akin. “Magba-bar sana kaso hindi ako pinapasok,” nakanguso kong tugon. “Bawal kasi ang menor de edad dito.” Umismid ako. “Menor de edad din naman kayong dalawa ni Chaos, pero bakit kayo nandito?” Natawa si Curse. “Iba kami sayo, Raileigh. May mga bagay na kaming magpipinsan lang ang puwedeng gumawa.” I rolled my eyes. Psh! “Wala naman talaga kaming balak na magpunta ngayon dito, bigla lang nag-aya ‘tong si Chaos,” ani Curse habang may kakaibang ngiti sa labi at ibinaling ang tingin sa pinsan. “Curse...” tila nagbabantang sambit ni Chaos. “Ang arte nga ni Chaos. Nakakailang bar na kami mula kanina pa. Naiisip ko tuloy...” Sinadya niyang bitinin ni Curse ang sinasabi. “Parang may hinahanap siya.” Noong una ay natanga ako sa sinabi ni Curse, pero nang makuha kung ano ang ibig niyang sabihin ay may ngisi ang lumabas sa labi ko. “Talaga, Curse? Sino naman kaya ang hinahanap niya?” tanong ko kay Curse pero ang mga mata ko ay nakatuon kay Chaos. Sumama ang tingin niya sa aming dalawa ng pinsan. Nagkibit-balikat si Curse. “Ewan ko... Pero siguradong babae ‘yon.” Natawa siya. Natawa na lang din ako. Kaya siguro kahit malanding nilalang si Curse ay magkasundo pa rin kami dahil sa ganito niyang pag-uugali. Mahilig niyang ibuko sa akin ang kanyang pinsan. “Iuuwi na kita,” sambit ni Chaos, may bakas pa ng inis ang boses niya. Hindi na ako umalma pa. Tumango ako habang nakangiti pa rin. Ayos na ako kahit hindi natuloy ang plano ko ngayong gabi. Kasama ko naman si Chaos. Nagpaalam siya sa mga pinsan niya at sinabing ihahatid lang ako. Hindi naman tumutol ang dalawa at pumasok na ng bar. Nagpaalam pa ako sa kanila bago sila tuluyang pumasok sa loob. Ipinasuot muna sa akin ni Chaos ang suot niyang jacket bago kami pumara ng taxi. At habang nasa byahe, wala kaming pansinan. Pero kahit na ganoon, napapangiti ako lalo na tuwing susulyapan ko siya at maaabutang nakakunot ang noo niya. Kahit anong anggulo siya tingnan, napakaguwapo niya pa rin. Hindi kataka-taka kung bakit ako nababaliw sa kanya. Naalala ko noong una ko siyang makita, first year highschool pa lang ako noon. First day pa lang ng school, naagaw na niya agad ang atensiyon ko. Simula noon, palagi ko na siyang inaabangan sa gate tuwing pasukan at uwian. Pati sa canteen, nag-aabang ako sa kanya. Hanggang sa ‘di ko namalayan na nagiging stalker na pala ako. Huli na nang ma-realize ko ‘yon. Panay ang pagpapapansin ko sa kanya. Madalas din akong dumaan sa classroom nila kahit malayo roon ang classroom ko. At kahit hindi niya ako pinapansin, binabati ko pa rin siya sa tuwing nakikita ko siya. Mas napalapit naman ako sa kanya nang maging close kami ni Curse. Sinadya ko talagang makipag-close kay Curse nang malaman kong magpinsan sila. Simula noon ay napapansin na ako ni Chaos at nagkakaroon na kami ng kaunting usapan. Madalas ko rin siyang biruin at banatan ng mga corny kong pick-up lines. Napukaw ang atensiyon ko nang tumigil na ang taxi sa harapan ng bahay namin. Nagbayad na si Chaos at bumaba na kaya bumaba na rin ako. “Pumasok ka na sa loob,” utos niya habang ang mga kamay ay nasa loob ng bulsa ng pantalon niya. “Ayaw ko pa,” sagot ko at ngumiti. “Gusto pa kita makasama.” His eyes narrowed. “Gabi na, pumasok ka na.” Tila may halong pagbabanta ang boses niya. “Ayaw ko pa nga,” giit ko at humalukipkip. Tumamad ang tingin sa akin ni Chaos. Mas lalo tuloy akong napangiti sa itsura niya. Natutuwa ako sa tuwing nakikita kong naaasar siya sa akin. Hindi ko alam kung bakit. “Sayang, hindi ako nakapag-bar o nakainom man lang ng alak,” biglang sambit ko. Sumama ang tingin niya sa akin. “Masyado ka pang bata para sa alak.” “Wala sa edad ‘yan. At isa pa, hindi ko naman balak na magpakalasing. Gusto ko lang mag-relax dahil stress ako these past few days.” I explained. Nakatayo lang kami dito sa gilid ng kalsada habang nag-uusap. “Kahit pa,” giit niya. Ngumuso ako. “I just want to have some fun. Hindi puro aral.” “Raileigh, bakit ba matigas ang ulo mo? Sa tingin mo ba, kung nasa bar ka ngayon at nag-iinom nang mag-isa... magiging maayos ka?” Umiling siya. “No. Hindi ka magiging maayos. Malalagay ka pa sa panganib.” “Wala naman nakakamatay doon sa bar,” I said, still pouting my lips. He let out a heavy sigh. “Meron. Paano kung natipuhan ka ng mga lalaki roon at may gawin sayong masama, anong magagawa mo? You can’t fight back. Hindi mo mapapagtanggol ang sarili mo.” May gumapang na takot sa akin dahil sa sinabi niya. “H-hindi naman siguro...” my voice was shaking. “Hindi mo masasabi ‘yan, Raileigh. Lalo na sa suot mo ngayon, mas lalapitan ka ng mga lalaki.” May kung ano akong nahimigan sa boses niya nang sabihin niya ‘yon. Bumaba ang tingin ko at hindi na makapag-angat pa ng tingin sa kanya. Nahihiya ako kay Chaos dahil sa mga pinaggagawa ko. Ngayon ko lang natantong mali talaga ako. Hindi ko inisip ang mga bagay na ‘yon kanina. Masyado akong nagpadala sa kagustuhan kong mag bar at hindi muna nag-isip kung ano ang kahahantungan ng desisyon kong ‘yon. “Mag-aral ka na lang ng mabuti kaysa magpakalasing, okay?” Pangaral ni Chaos. Biglang may ideya ang pumasok sa isipan ko dahil sa sinabi ni Chaos. Lumitaw sa labi ko ang ngiti at nag-angat ulit ng tingin sa kanya. “Let’s have a deal?” offer ko. Bumakas sa mukha niya ang pagkagulo. “Anong deal?” Humakbang ako palapit kay Chaos. “Mag-aaral ako nang mabuti ngayon, at kapag nakasama ako sa top this quarter, magde-date tayo.” Mabilis na umiling ang ulo niya. “No. Hindi ako papayag sa gusto mo.” “Bakit naman?” “Madali lang makasali sa top.” “Hindi kaya!” Sinamaan ko siya ng tingin. “Siguro para sayo ay madali, pero sa akin ay hindi.” “It’s still a no.” May pinal niyang sabi. The corner of my mouth turned up. “Natatakot ka bang baka mapasali ako sa top kaya ayaw mong pumayag sa deal ko?” “Stop this, Raileigh. You can’t trick me. Alam ko na ang mga ganito mong gawain.” Napanguso na lang ako sa sinabi niya. “Pumasok ka na, aalis na ako. Babalikan ko pa sila Curse at Silent sa bar.” Pag-iiba niya ng usapan. Bagsak ang balikat kong tumango at naglakad patungo sa gate namin. “Salamat sa paghatid,” labas sa ilong kong sambit at binuksan ang gate. Wala akong nakuhang tugon sa kanya sa sinabi ko, pero hindi pa rin siya umaalis sa harapan ko. Napasinghal ako at tuluyan nang pumasok sa loob. Mabibigat ang bawat hakbang na nagagawa ko habang papasok sa loob ng bahay. Nang makarating ng kwarto ay ibinagsak ko ang sarili sa malambot kong kama at mariing ipinikit ang mga mata. I heard a beep. Nagmulat ako ng mga mata at kinuha ang phone ko sa dala kong purse. Nangunot ang noo ko nang makita ko ang pangalan ni Chaos sa cellphone ko. He sent a message for me. “Top 1...” mahina kong basa sa message niya. Paulit-ulit kong binabasa ang maikli niyang mensahe. Napangiti ako nang maitindihan ko kung ano ang ibig sabihin ng text niyang ito. Ngingiti-ngiti ako habang nagtitipa ng isasagot sa kanya. “Deal.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD