CHAPTER 1 - Monday

2334 Words
UMAGA pa lang ay ang lawak na agad ng ngiti sa labi ko. Lunes ngayong araw at may flag ceremony kami kaya maaga akong papasok. Kung ang ibang estudyante ay kinatatamaran ang lunes, ako ay hindi. Monday is one of the best day. Kasi tuwing Monday, nasa field ang lahat ng estudyante—mapa-first year highschool o mapa-fourth year highschool man. Ibig sabihin noon ay makikita ko na naman ang mga crush ko. Makakasilay ako sa kanila ng sabay-sabay. “Good morning, Hestia!” nakangiting salubong ko kay Hestia nang makita ko ito sa gate ng school, papasok na sana. Hinarap niya ako habang ang mukha ay seryoso lang. “Morning,” she greeted back. “Ang aga, nakabusangot agad ang mukha mo.” Puna ko sa kanya. “Can you smile, please? Kahit para sa akin na lang, sa bestfriend mo.” I even pouted my lips to look cute. She sighed. “Okay, I’ll smile na.” Then, she gave me a fake smile. Umingos ako. “I don’t like that smile, that’s fake. Gusto ko ‘yong tunay, please?” Nagtagal ang titig niya sa akin at saka umiling. Lumambot ang tingin ko sa kanya dahil doon. Nilapitan ko siya at niyakap. Ramdam kong natigilan siya sa ginawa ko. “Okay. If you can’t, then don’t do it.” Binitiwan ko na siya at pinakatitigan. “Let’s go. Pumasok na tayo sa loob. The flag ceremony is about to start.” Pag-iiba ko ng usapan. Tumango si Hestia. Sabay na kaming naglakad papasok ng school at naghiwalay na ng landas para magtungo sa mga tama naming puwesto. Magkahiwalay kasi ang pila ng mga third year highschool sa mga fourth year highschool. Ilang saglit pa ay mas dumami na ang mga estudyante at nagsimula na ang flag ceremoy. Habang flag ceremony ay panay ang pagtingin ko sa paligid dahil naghahanap ang mga mata ko kaya madalas ay nasisita ako ng teacher namin at sinesenyasang mag-focus sa flag ceremony. Hindi na rin kami nagtagal sa field. Nang matapos ang flag ceremony ay pumasok na kami sa mga classroom at nagsimula na ang klase. Umaga pa lang ay sumakit na agad ang ulo ko. First subject kasi namin ay Math, sinundan ng Science at English. Kaya talagang nakakatuyot ng utak. Sunod-sunod ang mga mahihirap na subject. Kaya nang mag-recess na at nakita ko si Hestia sa canteen ay nakanguso akong lumapit sa kanya. Naglalambing akong yumakap sa kanya. Alam kong ayaw niyang nagpapayakap sa mga tao pero hindi siya nagreklamo sa ginawa ko. “I’m so tired, Hestia,” ungot ko sa kanya. “I need to see my inspiration, baka sakaling mawala ang pagod ko.” I added. “Nasa classroom siya, hindi lumabas para mag-recess,” biglang sabi niya, na mukhang alam na ang susunod na sasabihin ko. Alam na alam niyang magtatanong ako tungkol kay Chaos. “Really?” Bumitiw ako sa pagkakayakap sa kanya. “Thank you!” Napailing siya sa inakto ko. Nakangiting nagpaalam ako sa kanya at kumaway pa bago nilisan ang canteen at nagtungo sa building ng mga fourth year highschool. Umakyat ako ng second floor at dere-deretso ang lakad patungo sa huling room. Akmang papasok ako sa pinto nang tumigil ako sa paglalakad. Napatingin ako sa lalaking tahimik lang at nag-iisa habang hawak ang kanyang cellphone at may kinakalikot doon, si Chaos. Nakapuwesto siya rito malapit sa pinto. Bumaling ang tingin niya sa akin nang maramdaman niya siguro ang presensiya ko. Pinagtaas ko siya ng kilay at inirapan. Pinagpatuloy ko na ang pagpasok ko sa loob ng classroom nila at dumeretso sa upuan ni Hestia. Binuksan ko ang bag ni Hestia at kunwari ay may hinahanap doon. “Hindi ka puwede rito,” sambit ni Chaos at narinig ko ang mga yabag niya papalapit sa akin. Kumalabog ang dibdib ko, pero pilit kong pinatili ang pagiging kalmado ko. “Kung may makakakita sayong ibang tao habang ginagawa mo ‘yang pangangakal sa bag ni Hestia, siguradong iisipin nilang magnanakaw ka.” Mas lumapit ang tunog ng boses niya sa likod ko. Bahagyang namilog ang mga mata ko. Gusto ko siyang harapin at ngitian ng pagkatamis-tamis, pero pinipigilan ko ang sarili ko. Nagtatampo pa rin ako sa kanya dahil sa sinabi niya sa akin last week. Kaya hindi ko siya pinapansin, pero nagpapapansin pa rin ako sa kanya. Hindi ko kayang hindi siya makita. Kaya heto ako at ginagawang tanga ang sarili, kunwari ay may hinahanap sa bag ni Hestia kahit wala naman. Dahil masyado na akong nagtatagal dito sa classroom nila, kinuha ko ang isang notebook ni Hestia saka umayos na ng tayo. Pagtalikod ko ay sumalubong sa akin si Chaos na sobrang lapit na pala sa akin. Halos mapatalon pa ako sa gulat sa kanya. “Ano ka ba, bakit nandiyan ka?” gulat ko pa rin na tanong habang hawak-hawak ang dibdib ko. “Ikaw, bakit ka nandito?” Pabalik niyang tanong. Inangat ko ang hawak kong notebook at ipinakita sa kanya. “To get this!” Pinandilatan ko pa siya ng mga mata. He raised an eyebrow. “Really?” I let out a sarcastic laugh. “Yes, really...” Humakbang ako ng isang beses palapit sa kanya. “Bakit? Akala mo ba, nandito ako para sayo?” Dahil kung ganoon, hindi siya nagkakamali. He shrugged. “Hindi ako ang nagsabi niyan.” Bumusangot ang mukha ko. Ang yabang ng isang ‘to porket alam niyang hindi ko siya kayang tiisin. I-uncrush kaya kita riyan? “Tabi! Aalis na ako!” sigaw ko at hinawi siya sa harapan ko. Maglalakad na sana ako paalis nang mapatigil ako. Hinawakan kasi ni Chaos ako sa palapulsuhan ko. Parang may milyon-milyong boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko dahil sa hawak niya. Gusto kong magtatalon at magtitili sa kilig. Ito na ba ‘yong part na hihigitin niya ako palapit sa kanya at magso-sorry na siya sa akin? Oh my god! Seryoso ko siyang hinarap kahit na sa kaloob-looban ko ay nakangiting tagumpay na ako. “What? May kailangan ka ba sa akin, Chaos?” mataray kong tanong. Bumuka ang bibig niya pero agad din niyang isinara. Binitiwan na niya ako at nag-iwas ng tingin sa akin. “Nothing...” Humalukipkip ako. Torpe ba ang isang ‘to kaya hindi niya magawang pormahan ako? Nararamdaman ko naman kasi na gusto niya rin ako. ‘Yon kasi ang ipinapakita niya sa mga kilos niya sa akin. Hindi lang pag-a-assume ‘tong nararamdaman ko. Sigurado ako roon. “Then, I’ll take my leave now,” sambit ko at tinalikuran ko na siya. “Wait a minute!” habol na naman ni Chaos. Medyo inis na akong humarap sa kanya. Naguguluhan na ako sa ginagawa niya. Bakit ba naman kasi napaka-pabebe ng lalaking ‘to? Bakit hindi na lang niya ako isandal sa pader at saka mag-sorry? Papatawarin ko naman siya, basta may kiss. “Ano na naman ba?” Tumaas ng kaunti ang boses ko na mukhang ikinagulat niya. Bahagya kasing nanlaki ang mga mata niya. Mariin kong ipinaglapat ang labi. Napasobra yata ako. Mabuti na lang ay kaming dalawa lang ni Chaos ang tao rito sa classroom nila, nasa labas kasi ang iba dahil recess nga. “Ibibigay ko lang sana ‘to sayo. Nahulog galing sa notebook,”aniya at ipinakita ang isang kulay pink na piraso ng papel. Parang sticky note. Asar kong inagaw ‘yon sa kamay niya at mabibigat ang hakbang na naglakad papaalis. I failed again! Hindi ko na naman siya nagawang pag-sorry-hin sa akin. Wala ba talaga siyang paki kung tuluyan na akong magalit sa kanya at huwag siya pansinin? Nang makalayo sa building ng fourth year highschool ay tumigil ako sa paglalakad. Bumaba ang tingin ko sa hawak kong papel. Inangat ko ang kamay ko para matingnan ang papel ng malapitan. “Ano bang meron—” napatigil ako sa pagsasalita nang mabasa ko kung ano ang nakasulat doon. I’m sorry. - Chaos Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nagtitili-tili ako nang sobrang lakas at may halong talon-talon pa. Yes, nagmumukha na akong baliw. But who cares? Nag-sorry na sa akin ang baby ko! Hindi niya ako natiis! Tila nawala ang pagod ko at sakit ng ulo ko dahil sa simpleng pirasong papel na hawak ko. Ngingiti-ngiti akong bumalik ng classroom ko nang tumunog na ang bell, senyales na tapos na ang recess. At buong oras ng klase ay ganado ako. Panay ang recite ko at halata ang gulat sa mga kaklase ko sa tuwing nagtataas ako ng kamay para sumagot. Hanggang sa uwian ay hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ko. Hindi rin ako nakakaramdam ng ngawit sa kangingiti. “Hestia!” sigaw ko sa pangalan ng kaibigan nang makita ko ito sa covered court ng school. Tumigil siya sa paglalakad at hinintay akong makalapit sa kanya. “May ibabalik pala ako sayo,” nakangiti ko pa rin na sabi. Binuksan ko ang bag ko at kinuha roon ang notebook ni Hestia na kinuha ko sa bag niya kanina. Inilahad ko ito sa harapan niya. “Thank you!” Nakakunot ang noo niyang tinanggap ang notebook. “Bakit nasa sayo ‘to? It’s my Math notebook.” I grinned. “I borrowed it kaninang recess.” “I did not give you my permission—ni hindi ka nga nagpaalam sa akin na hihiramin mo ito,” mariin niyang sabi. Nanlaki ang mga mata ko. Oh, no. I’m dead! “Kailangan ko na palang umalis. Bye!” paalam ko at nagmamadaling naglakad papalayo kay Hestia para hindi na niya ako mapagalitan. Naging mabagal lang ang lakad ko nang makalabas na ng school. Nagtungo ako sa bandang gilid ng gate at naupo muna sa waiting shed. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa ko para i-text and driver ko at ipinaalam sa kanya na nakalabas na ako ng school. Habang naghihintay sa sundo ay naisipan kong mag-cellphone muna para may mapaglibangan. Pero namuo sa dibdib ko ang kaba nang may tumabi sa akin ng upo rito sa waiting shed. A thought came to my mind. Holdaper! Nanlalaki ang mga mata ko at dahan-dahan na ibinaling ang tingin sa katabi ko. And I was right! Holdaper nga! Ang lalaking nangholdap ng puso ko! “You scared me!” may bakas ng takot kong sigaw kay Chaos, na siyang nakaupo sa tabi ko. Bumakas sa mukha niya ang pagtataka. “What? Wala naman akong ginagawa sayo.” Ngumuso ako. “I thought you’re a holdaper!” Marahan siyang natawa na ikinatigil ko. “Magce-cellphone ka sa kalsada, kabado ka naman pala sa mga holdaper.” Hinampas ko siya sa kanyang braso. “You did that on purpose?” “Of course not!” tanggi niya. Napanguso na lang ako at nag-iwas ng tingin sa kanya. Seryoso, kinabahan talaga ako sa biglang pagtabi niya sa akin dito sa upuan sa waiting shed. Namayani sa pagitan namin ni Chaos ang katahimikan. Basta’t tahimik lang kaming nakaupo ng magkatabi rito sa waiting shed at hindi nagpapansinan. But it’s already enough for me. Dahil kahit wala siyang gawin, masaya na ako makasama o makita ko lang siya. Kahit ganito lang kami buong araw, hindi ako magsasawa o mabo-bored. “Nabasa mo na ba?” he suddenly asked. Tinapunan ko muna siya ng tingin bago itinango ang ulo. “Yes.” “Hindi ka na galit?” “I’m still mad,” I quickly said. “Walang kiss, e.” Natawa siya sa sinabi ko. Napanguso ako. Hindi naman ako nagjo-joke sa sinabi ko, pero bakit tinawanan niya lang ako? “Tigilan mo na nga ang katatawa mo. Haha ka nang haha, kailan mo ba ako HAHAlikan? Naiinip na ako.” Banat ko. Nagtaka ako nang bigla siyang naging seryoso. Nag-iwas din siya ng tingin sa akin. “Hey, what’s wrong?” nag-aalala kong tanong. Hinawakan ko siya sa kanyang braso at pilit na hinuhuli ang tingin niya, pero iniiwas niya ito sa akin. “Stop. Masyado ka nang malapit sa akin,” awat niya sa akin pero hindi ko siya pinakinggan. Sinapo ko ang pagmumukha niya at pilit na ipinaharap siya sa akin. Wala siyang nagawa sa ginawa ko. “Bakit bigla kang naging seryoso?” tanong ko, naguguluhan pa rin dahil sa biglang inakto niya. “Sabi mo, tigilan ko ang pagtawa ko. E’di ginawa ko.” Paliwanag ni Chaos. Napasinghal ako sa sagot niya. “Aba! Bakit ‘yon lang ang sinunod mo? Bakit hindi mo sinunod ‘yong huli kong sinabi? Halikan mo ako.” “Raileigh!” nanlalaki ang mga mata niyang sambit sa pangalan ko. Natawa ako nang malakas. Hindi ko alam kung anong meron ba sa kanya. Minsan ay saksakan ng sungit, tapos biglang magiging mabait at panay ang ngiti. Gaya ngayon, napakabait niya sa akin. Ito ‘yong side niya na minsan niya lang ipakita sa akin. “What? Wala namang masama sa sinabi ko.” Nakangiting sabi ko, nang-aasar. “Meron! You’re just sixteen, masyado ka pang bata para magsabi ng mga ganiyang bagay!” he exclaimed. I let out a sarcastic laugh. “Kung makapagsalita ka naman, isang taon lang kaya ang tanda mo sa akin.” “But I’m still older than you, and you’re still younger than me. You can’t change that,” tamad niyang sabi. “Oo na, sige na. Bata pa ako.” Pagsuko ko. Natigil ang pag-uusap namin nang may humintong kotse sa harapan namin. Nakaramdam ako ng pagsisisi sa ginawa kong pag-text sa driver ko dahil wrong timing ang dating niya. Bumaba ito ng kotse at naglakad palapit sa akin. “Ma’am Raileigh, sorry po at natagalan ako. Naka-silent po kasi ang cellphone ko kaya hindi ko kaagad nabasa ang text mo.” Tumayo ako mula sa pagkakaupo at itinuon sa kanya ang tingin. I gave him a smile. “No worries po, kuya. Ayos lang po.” Sana nga ay mas nagtagal pa siya para sana mas nagtagal pa ang pag-uusap namin ni Chaos. Minsan lang mangyari ang ganitong pangyayari. Hindi ko pa nalubos-lubos. “Tara na po, iuuwi na po kita.” Hinarap ko muna si Chaos na nananatiling nakaupo pa rin sa puwesto niya. “Bye, Chaos. I’m going home na.” He nodded his head. “Okay.” Napangiti ako ng malapad nang may maisip na kalokohan. Bahagya akong umuklo sa kanya at mabilis siyang dinampian ng halik sa pisngi. Kita ko ang gulat sa mukha niya sa ginawa ko. “Bye, baby. See you tomorrow.” Hindi ko na hinintay ang tugon niya. Naglakad na ako at sumakay sa kotse habang nakapaskil pa rin sa labi ko ang ngiti.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD