bc

Montealegre Series 2: Loving Chaos

book_age16+
3.9K
FOLLOW
23.9K
READ
billionaire
possessive
family
arranged marriage
drama
sweet
bxg
small town
cheating
lies
like
intro-logo
Blurb

Montealegre Series #2

Si Raileigh ang tipo ng babaeng grabe kung magmahal. Kahit anong sakit ang maaari niyang maranasan sa isang tao ay isusugal niya pa rin ang puso hanggang dulo. Kaya noong bigla na lang siyang iniwan ng boyfriend niya na si Chaos Montealegre ay mas pinili niya pa rin ang hintayin ang pagbabalik ng binata.

Pero sa muling pagbabalik ni Chaos ay masusubukan kung gaano kasakit ang kayang tiisin ni Raileigh nang malaman niya ang dahilan kung bakit bigla na lang nawala si Chaos noon.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
NAPANGIWI ako habang nakatitig sa kanya. Mas lalo pa akong napangiwi nang makita kong nakakaagaw na kami ng atensiyon ng mga estudyanteng nandito sa covered court ng school. Naririnig ko ang bulungan ng mga estudyante sa paligid. Ang iba ay napapatili pa dahil sa kilig sa ginagawa ni Kenzo sa harapan ng maraming tao. Nasapo ko na lang ang noo ko sa hiya. “Raileigh... I really, really, really like you. Please, let me court you.” Nakangiting sambit niya habang nakatingin sa akin. Parang kumikinang pa ang mga mata niya habang pinagmamasdan ako. Nang hindi ako sumagot, naglakad siya palapit sa akin habang dala-dala niya ang isang bouquet ng bulaklak. Lumakas ang tilian sa paligid. Ang mga kaibigan naman niyang lalaki na may hawak-hawak na cartolina na may nakalagay na “Can I court you, Raileigh?” ay nakisali rin sa sigawan para palakasin ang loob ni Kenzo. Todo cheer sila sa kaibigan. “Raileigh, please. Give me a chance to show you how much I like you.” He begged. I took a deep breath and smile. “I admit, crush kita, Kenzo.” Sino ba namang hindi magkakaroon ng crush kay Kenzo? He’s a table tennis player. Isa siya sa mga pinakamagaling naming player dito sa school. Inilalaban din siya sa iba’t ibang school at palaging panalo. Bukod pa roon, talagang nakakahumaling ang itsura niya. Kumurba ang masayang ngiti sa labi niya sa narinig. “But...” Sinadya ko talaga bitinin ang sinasabi ko. Bumakas tuloy sa mukha niya ang pagkagulo. I smiled sweetly. “But, no. You can’t court me. I don’t like you anymore.” His jaw dropped. “W-what?” Marahan akong natawa. “Oo, gusto kita pero noon ‘yon. Noong ‘di mo pa ako kina-crushback.” Hindi siya makapaniwalang tumingin sa akin dahil sa sinabi ko. Kulang na lang ay lumuwa ang mga mata niya sa panlalaki ng mga ito. I shrugged. “Hindi na kita crush, crush mo na rin kasi ako. Wala nang thrill.” Mas lalong nalaglag ang panga niya sa sinabi ko. Natawa ako sa reaksiyon niya. Naglakad ako palapit sa kanya at tinapik siya sa kanyang balikat. “I’m sorry, Kenzo.” Huling salitang binitiwan ko bago siya iiwan doon sa tumpukan ng tao. Nagtungo ako kay Hestia na nasa gilid lang ng court at tahimik lang nanonood sa nangyayari. Nang makalapit ako sa kanya, nakatanggap agad ako ng irap mula sa kanya. “What?” inosenteng tanong ko. “You did it again,” she said, rolling her eyes on me. Natawa ako at napailing. “Well, it’s not my fault naman. Bakit kasi siya nang-crushback?” Yes, I like Kenzo. Pero noong malaman kong gusto na niya rin ako, biglang nawala ang pagkagusto ko sa kanya. And I don’t know why. “Hindi ko na mabilang kung ilan beses mo na ‘yan ginawa sa mga lalaking nagkakagusto sayo, na gusto mo rin naman.” Tinawanan ko na lang ang sinabi ni Hestia at kumapit sa braso niya. “Nabawasan na naman tuloy ‘yong crush ko. Bente na lang tuloy sila.” Sinamaan niya ako ng tingin. “Ihagis kita riyan, e.” Hindi ko pinansin ang sinabi niya. Sanay na ako sa pagiging masungit niya. Nagsimula na kaming maglakad habang ako ay nakakapit pa rin sa braso niya. Tinatahak namin ngayon ang daan patungong canteen. “Alam mo naman kung sino ang hinihintay kong mang-crushback sa akin,” biglang sambit ko habang naglalakad kami. “And yet, hindi pa rin gumagana sa kanya ang charm mo.” Pangbabara niya sa akin. I pouted my lips. “Ang sakit mo talaga magsalita. Hindi ko tuloy alam kung bakit at paano kita naging kaibigan.” “Naging kaibigan mo ako kasi ako lang ang nakakaintindi sa pagiging maarte mo at pagiging maharot mo.” “Hey! Marupok lang ako pero hindi ako maharot!” I exclaimed. Inirapan niya lang ako na ikinanguso ko. Pagpasok namin ng canteen ay binitiwan ko na si Hestia. Dumeretso si Hestia sa tindera para bumili ng pagkain at iniwan ako rito sa may pintuan. Iginala ko naman ang tingin ko sa paligid at napangiti nang makita ng mga mata ko ang taong hinahanap ko. I gotcha, baby! Malapad ang ngiti kong naglakad palapit sa kanya at naupo sa upuan na nasa harapan niya. “Hi, Chaos!” I greeted him. Halos mapunit na ang labi ko sa lawak ng ngiti ko. Tamad niya akong tinapunan ng tingin at muling ibinalik ang mga mata sa kanyang cellphone. Napanguso ako sa ginawa niya. Hindi man lang ako binati pabalik. So sungit. “Hi, Raileigh! Nandito ka na naman sa table namin,” sabat naman ng kasama niya, si Curse. Sila palagi ang magkasama tuwing recess. Pinag-ikutan ko siya ng mga mata. “Oo, at ini-snob na naman ako ng pinsan mo.” Bakas ang pagtatampo sa boses ko. Tinawanan niya ang sinabi ko. “Sabi ko kasi sayo, ako na lang.” Kunwaring namimilog ang mga mata ko at saka itinuon ang tingin kay Chaos. Sigurado akong narinig niya ang sinabi ng pinsan niya. “Did you hear that, Chaos? Your cousin, he’s flirting me!” pagsusumbong ko sa kanya, pero tanging tango lang ang itinugon niya sa akin. Hindi man lang inaalis ang tingin sa cellphone niya. Sumimangot ang mukha ko at pinagmasdan siya. Masyado siyang seryoso sa ginagawa niya sa cellphone niya, nagseselos na tuloy ako. May ka-text o ka-chat ba siyang ibang babae? Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa harapan niya at nagtungo sa likuran ni Chaos para tingnan kung ano ba ang ginagawa niya sa cellphone niya. Nagulat siya sa ginawa ko at sinubukan pang iiwas sa akin ang cellphone niya, pero huli na dahil nahagip na ng mga mata ko kung ano ‘yon. Napatayo si Chaos mula sa pagkakaupo at itinago ang cellphone sa bulsa niya at saka ako sinamaan ng tingin. Kulang na lang ay bugahan niya ako ng apoy sa mukha. Itinaas ko ang dalawa kong kamay tanda ng pagsuko habang may suot na nakakalokong ngisi sa labi. “Nakita ko ‘yon, baby,” pang-aasar ko. Mas lalo tuloy sumama ang tingin niya sa akin. Narinig ko naman ang pagtawa ni Curse. “Huli pero ‘di kulong,” pang-aasar din nito sa pinsan niya. Sinamaan ng tingin ni Chaos ang pinsan pero nginitian lang siya nito kaya inis na napailing na lang siya at malalaki ang hakbang na umalis sa harapan namin ni Curse. Nanlaki ang mga mata ko sa ginawa niya at dali-daling humabol sa kanya. “Chaos! Wait for me!” Hindi siya tumigil sa paglalakad hanggang sa makalabas na kami ng canteen. At kahit anong gawin kong tawag sa kanya, hindi siya lumilingon. “Baby Chaos!” Halos malatid na ang litid sa leeg ko sa lakas ng sigaw ko. Bago pa siya tuluyang maakyat sa hagdanan patungo sa building nila ay iniharang ko na ang sarili para hindi siya makadaan. Nasa gitna kami ng hagdanan at nakaharang. “Saglit lang kasi, mag-usap muna tayo!” hinihingal kong sabi. Nakakapagod siyang habulin, pero hindi ako magsasawang habulin siya. Masama pa rin ang tingin niya sa akin. Halatang naasar sa ginawa ko. So sungit talaga. I smiled. “Sorry na kung sinilip ko kung ano ang ginagawa mo sa cellphone mo, akala ko kasi ay nambababae ka na.” Humakbang ako ng isang beses pababa ng hagdan para mas malapitan siya. “But, can I ask why are you stalking my social media account, baby?” “I’m just curious,” paliwanag niya. A corner of my mouth lifted. “Curious saan?” Napapikit siya sa inis. At nang dumilat, malalim siyang bumuntong hininga. “Nakita ko ang picture nyo ni Kenzo sa f*******:. Kayo ang laman ng newsfeed ko, kaya na-curious ako at tiningnan ang timeline niyo. That’s it!” Nakangisi lang ako habang nagpapaliwanag siya sa akin. Oh, my baby. He’s cute when he’s jealous. “Anong picture namin?” tanong ko ulit. He looked away. “Picture nyo ni Kenzo habang nandoon kayo sa court at may hawak siyang bulaklak.” Hindi na ako nagulat kung paano kumalat ang picture namin ni Kenzo. Maraming estudyante ang nanonood sa amin kanina at ang iba ay kumukuha ng larawan. Naging ngiti ang ngisi sa labi ko dahil sa sobrang tuwa. Inilagay ko sa magkabilaan niyang balikat ang kamay ko at bahagyang inilapit ang bibig sa tainga niya. “Don’t worry, baby. I rejected him.” I whispered. Suminghal siya. “I know. Ganoon naman ang gawain mo.” Napatitig ako sa kanya sa sinabi niya. Nananatiling magkalapit ang mukha namin sa isa’t isa. “You’re attention seeker, Amara Zaeleigh Mclaren. Gusto mo lang makuha ang atensiyon ng mga taong gusto mo at kapag nakuha mo na, aayawan mo na sila,” mariin niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ko. Parang may kung anong bumara sa lalamunan ko. Nasaktan ako sa sinabi niya. Naialis ko ang kamay ko sa balikat niya at napaayos ng tayo. Suminghap ako. “Hindi naman sa ganoon—” “Stop, Raileigh. Walang nanghihingi ng paliwanag mo.” He cut me off. Namasa ang mga mata ko sa sinabi niya. Sanay akong sungit-sungitan niya ako, pero ang sabihan ako ng mga ganitong bagay ay hindi. Ito ang unang pagkakataon na sabihan niya ako ng ganito. Humakbang na siya paakyat, nilagpasan na ako. Pero bago siya tuluyang makalayo sa akin ay nagsalita ako. “And you, you’re scared of being in love!” mariin kong sigaw habang nakakuyom ang kamao. Nilingon ko siya sa likuran ko. Ilang baitang na ang layo niya sa akin dahil doon ay nakatingala na ako sa kanya. Hinarap niya rin ako at tiningnan ako na tila nanghahamon. “Paano mo nasabi?” I smirk formed on my lips. “Because you keep trying to stay away from me, Chaos.” Natawa siya siya sa sinabi ko, na tila iyon na ang pinaka-nakakatawang narinig niya na salita sa buhay niya. Mas ngumisi ako. “Sige lang, Chaos. Galingan mo lang ang pag-iwas sa akin at pagtulak sa akin palayo. Dahil kapag dumating ang panahong nakalapit ako sayo, sisiguraduhin kong hindi ka na mabubuhay nang wala ako sa tabi mo.” Matapos kong sabihin ‘yon, naglakad na ako pababa at iniwan na siyang mag-isa sa hagdan. Nang makalayo kay Chaos, tumigil ako sa paglalakad at napapadyak sa sahig habang nagtitili. “Oh my god! Oh my god!” paulit-ulit kong sigaw. Nagmumukha na akong baliw sa ginagawa ko, pero ‘di ko talaga mapigilan ang kilig ko. “Grabe, ang bango ng hininga niya! Nakakaakit siyang halikan!” Nangangatog kanina ang tuhod ko habang magkalapit kami. Gwapong-gwapo naman ako sa kanya habang nagsusungit siya sa akin. Malamang kaya ‘yon ganoon ay dahil nagseselos siya sa nakita niyang picture namin ni Kenzo. Gusto ko rin sabunutan ang sarili ko sa ginawa ko. Kung ano-ano ang mga pinagsasabi ko kay Chaos kanina. Oh my god, that was embarrassing! Natigil ang pagtitili at pagpadyak ko sa sahig nang marinig ko ang pag-ring ng bell. Namilog ang mga mata ko. Tapos na ang recess! Kumaripas na ako ng takbo papuntang classroom ko habang nananalangin na sana wala pa roon ang susunod naming subject teacher kundi malalagot ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MISTAKE (Tagalog)

read
3.0M
bc

A Soldier's Love Montenegro

read
72.7K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
86.6K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
315.9K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

The Heartless Billionaire (Tagalog)

read
705.2K
bc

My Secretary Owns Me (ZL Lounge Series 01)

read
786.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook