“SERYOSO ‘to?” hindi makapaniwalang tanong ni Hestia. Ramdam ko ang tingin niya sa akin.
Tumango ako nang hindi inaalis ang tingin sa hawak kong libro.
“Oo, seryoso ‘to," sambit ko at inilipat ang pahina ng libro.
Narinig ko ang kaluskos ni Hestia sa harapan ko dahilan para mawala ang atensiyon ko sa binabasang libro. Sinamaan ko siya ng tingin na ngayon ay nakaupo na sa kaharap kong upuan.
“Ang ingay mo, dini-distract mo ‘ko!” reklamo ko.
Pinagtaasan niya lang ako ng kilay at sinuri ng tingin ang mga librong nakakalat sa lamesa.
“This is not you,” aniya sabay tawa ng marahan dahilan para mapanguso ako.
“Hestia!” tanging nasabi ko.
Tumigil na siya sa tawa at muling nagseryoso. “Bakit mo ba ginagawa ‘to? Alam kong may iba ka pang dahilan, hindi ikaw ‘yong tipo ng tao na magre-review para lang sa darating na exam.”
Itinungkod ko ang siko sa lamesa at nagpangalumbaba. “Kailangan kong maging top 1 this quarter.”
“Bakit naman?”
Dahil sa tanong niyang ‘yon, may ngiti ang lumabas sa labi ko. “’Pag nag top 1 ako this quarter, ide-date ako ni Chaos. That’s our deal.”
Napailing siya sa sinabi ko.
Napapalakpak ako nang may maisip na ideya. “Bakit hindi mo na lang ako i-tutor para mas madali akong matuto, ‘di ba?” ngingiti-ngiti kong suhestiyon.
Naningkit ang mga mata niya. “Ayaw ko.”
Humaba ang nguso ko at nagdadabog na kinuha ang librong nasa harapan ko. Hindi man lang siya nagdalawang-isip bago sumagot.
“Damot, papaturo lang, e.” Mas humaba ang nguso ko nang wala man lang akong nakuhang reaksiyon sa kay Hestia sa sinabi ko.
Tumayo na siya mula sa pagkakaupo sa harapan ko. “I’m leaving. Matatapos na ang recess, babalik na ako ng classroom. Ikaw rin.”
I nodded my head. “Sige, una ka na. Tatapusin ko lang ‘to. Ayaw kasi akong turuan ng isa riyan.” I said, still pouting my lips.
Her mouth curved into a smile. “Pumunta ka na lang sa bahay mamaya.”
Namilog ang mga mata ko sa narinig na sinabi ni Hestia. “Really?”
Nanlaki ang mga mata niya at sinaway ako sa biglaang pagtaas ng boses ko. Napa-peace sign na lang ako nang maalalang nasa loob nga pala kami ng library.
“Thank you!” sambit ko sa mahinang boses.
Napailing na lang siya. “Sige na, aalis na ako.”
Naglakad na paalis si Hestia at iniwan na akong mag-isa. Nag-unat-unat ako ng pangangatawan habang humihikab. Nakaka-stress talaga ang mag-aral.
Inayos ko ang mga libro na nasa harapan ko saka isinubsob ang mukha sa lamesa. Ginawa kong unan ang mga braso ko at pumikit. Ipagpapahinga ko muna ang utak ko.
Napabalikwas ako sa gulat nang marinig ko ang pag-ring ng bell. Muntik pa akong malaglag sa upuan dahil sa sobrang gulat ko.
Kinusot ko ang mga mata ko. Ramdam ko pa rin ang antok ko. Gusto ko pang matulog, pero kailangan ko pang bumalik ng classroom. Inayos ko muna ang sarili at mga gamit ko bago lumabas ng library.
Nangunot ang noo ko habang naglalakad sa corridor ng school. Marami akong nakikitang estudyante na dala-dala na ang bag nila at mukhang uuwi na.
A thought came to my mind. No way!
Nagmadali ako sa paglalakad papuntang classroom at ganoon na lang ang pagkalaglag ng panga ko nang makitang wala ng estudyante rito. Ang natitira na lang dito ay ang teacher ko!
“M-ma’am...” kinakabahan kong tawag sa kanya.
Nawala sa laptop niya ang mga mata niya at nabaling sa akin. “Raileigh...” Tumayo ito mula sa pagkakaupo sa chair niya.
Kumalabog ang dibdib ko. Napapikit ako nang mariin at handa na sanang humingi ng sorry sa kanya dahil mula recess ay tulog ako sa loob ng library hanggang sa uwian nang mapatigil ako dahil sa sinabi niya.
“Okay na ba ang pakiramdam mo?”
Napamulat ako ng mga mata at naguguluhang tumingin sa kanya.
“P-po?”
“Ipinagpaalam ka ng kaibigan mo kanina, masama raw ang pakiramdam mo kaya nagpahinga ka muna," paliwanag niya. “Are you feeling well now?”
Kahit na naguguluhan, tumango na lang ako. “Uhm... O-opo.”
“It’s nice to hear that." She smiled sweetly. “Sige na, umuwi ka na. Bag mo na lang ang natitira dito sa classroom.”
Kaagad akong tumango sa sinabi niya at kinuha na ang bag ko. Nagpaalam muna ako sa teacher ko bago tuluyang umalis ng classroom.
Habang naglalakad ay naguguluhan pa rin ako sa nangyayari. Siguradong si Hestia ang tinutukoy ni Ma’am na kaibigan kong nagpaalam sa kanya, siya lang naman ang nakakaalam na nasa library ako. Pero bakit niya ginawa ‘yon? Sana ay ginising na lang niya ako.
Nang makaupo sa waiting shed, kinuha ko ang cellphone ko at nagpadala ng message sa driver ko. Nagpadala rin ako ng message kay Hestia at nagpasalamat sa ginawa niya.
Ilang saglit pa ang lumipas, nakatanggap ako ng text galing kay Hestia.
“It’s not me. It's him, Chaos.” Nangunot ang noo ko sa pagkagulo nang mabasa ko ang text ni Hestia.
Si Chaos? Paanong nalaman ni Chaos na nasa library ako? At bakit niya ginawa 'yon?
Nawala sa cellphone ang atensiyon ko nang dumating na ang driver ko. Ibinalik ko sa bag ang cellphone at sumakay na sa kotse.
Nang makauwi ng bahay ay sa kwarto ko na ipinagpatuloy ang naputol kong pagtulog sa library. Gabi na nang magising ako.
Naligo muna ako bago bumaba sa unang palapag ng bahay. Sa dining area ay naabutan ko si Mommy na kasalukuyan nang kumakain.
“Good evening po, Mommy,” bati ko at lumapit sa kanya para makipagbeso.
“Kumain ka na," aniya at tinawag ang isa sa maid namin para paghandaan ako ng pagkain.
Naupo ako sa katabing upuan ni Mommy. “Where’s Daddy po? Hindi po ba siya sasabay sa atin sa dinner?”
Umiling siya. “He’s still busy.”
Napatango na lang ako. Sanay na akong palaging si Mommy lang ang nakakasakaby ko sa pagkain, madalas pa nga kahit siya ay wala. Abala kasi palagi ang mga magulang ko.
“Mommy, magpapaalam po sana ako. Pupunta ako sa bahay nila Hestia after kong kumain, itu-tutor niya po ako," pagbubukas ko ng usapan habang kumakain na.
“Sige, magpahatid ka na lang kay Manong.”
Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ulit ako sa kwarto ko at nagbihis. Medyo natagalan pa ako sa pamimili ng damit na isusuot. Nang makarating ako sa bahay nila Hestia ay nasa alas nuwebe na yata ng gabi.
“Kuya, ite-text na lang po kita kapag magpapasundo na po ako," bilin ko sa driver ko.
“Sige po, Ma’am Raileigh.”
Bumaba na ako ng kotse at naglakad na patungo sa harapan ng gate nila Hestia at nagdoorbell. Ilang saglit ang lumipas, lumabas na ang nag-iisang maid nila na si Ate Lenny at pinagbuksan ako ng gate.
“Good evening po!” I greeted her.
“Good evening din, Ma’am Raileigh," she greeted back. “Si Ma’am Hestia po ba ang hanap niyo? Nasa garden po sila ni—”
Bago niya pa matapos ang sinasabi, lumitaw na si Hestia sa likuran niya.
“Ginabi ka yata,” bungad ni Hestia sa akin. Dahil nandito na si Hestia ay nagpaalam na sa amin si Ate Lenny at bumalik na sa loob ng bahay.
“Kagigising ko lang, kumain pa ako sa bahay bago magpunta rito,” tugon ko.
She nodded her head. “Let’s go inside,” anyaya niya at naglakad na papasok ng bahay nila.
Nagkaisang linya ang kilay ko sa inakto niya. Parang may kakaiba sa kanya ngayon.
Bahagya pa akong nagulat nang pagpasok ko ng bahay ay nakita ko ang mag-asawang Montealegre sa salas kasama ng ama ni Hestia. Nagkaroon ng kaunting batian dahil nakilala nila ako, na anak mag-asawang Mclaren. Matapos noon, dumeretso na kami ni Hestia sa kwarto niya.
Pabagsak niyang inupo ang sarili sa paanan ng kama niya at bumuntong hininga. Sa nakikita kong lagay niya ngayon, may gumugulo sa kanya.
“What’s wrong, Hestia? May problema ka ba?” tanong ko at nilapitan siya. Tinabihan ko siya ng upo sa paanan ng kama niya.
Mabilis siyang umiling. “I’m fine.” Tumayo na siya at nagtungo sa study table niya at kumuha roon ng mga libro. “Let’s start," pag-iiba niya ng usapan.
Napakibit-balikat na lang ako sa ginawa niya. Ngayon, sigurado na ako. May gumugulo sa kanya. But knowing her, hindi niya sasabihin sa ibang tao ang problema niya.
Nag-aral kami ni Hestia sa kwarto niya hanggang 10:30pm. Hindi na ako nagtagal pa sa bahay nila dahil hindi naman kami nakakapag-aral ng maayos. Madalas kasi ay biglang natutulala si Hestia sa tabi ko.
BUKOD sa pagre-review, panay rin ang pare-recite ko sa klase. Hindi lang kasi ang exam ang dapat kong paghandaan.
Masyado akong pursigido sa ginagawa ko kaya talagang sineseryoso ko ngayon ang pag-aaral ko. Minsan nga ay hindi na ako nakakapag-recess dahil busy ako sa kababasa ng libro. Nag-a-advance study.
Kaya nang dumating na ang araw ng exam, medyo malakas ang loob ko na makakakuha ako ng mataas na marka. Mas ginaganahan pa ako mag-take ng exam dahil matapos ng dalawang araw na exam namin, sembreak na.
Dahil masyado pang maaga, dumaan muna ako sa building ng mga fourth year highschool para silipin si Hestia at syempre ang Chaos ko.
“Hi, Raileigh!” bati kaagad sa akin ng mga lalaking estudyante nakatambay sa labas ng classroom nila Hestia.
“Hello!” bati ko at nginitian sila.
“Si Hestia ba ang hanap mo?” tanong ni Clarence, ang vice president sa classroom nila Hestia.
Tumango ako. “Oo. Where is she?”
“Wala pa siya. Mukhang hindi nga papasok ‘yon, e," aniya na nagpakunot ng noo ko. Pero nawala ang atensiyon ko sa kanila nang mahagip ng mga mata ko si Chaos na palabas ng classroom.
“Alis na ako,” paalam ko kina Clarence at dali-daling nilapitan si Chaos.
“Hi, Chaos! Good morning,” nakangiting bungad ko sa kanya.
Tumigil siya sa paglalakad at bumaling ang tingin niya sa akin. “Morning,” tipid niyang sambit.
Napangiti ako ng malapad. “Handa ka na ba sa date natin?”
“Confidence, huh?” aniya at bahagyang napangiti. “Baka mamaya, puro yabang ka lang.”
“Sabihin mo na lahat ng gusto mong sabihin, basta...” binitin ko ang sinasabi at bahagya pa siyang nilapitan. “Sa date natin, gusto ko special. Huwag mo rin ako susungitan. Hindi mo alam kung gaano hirap ang pinagdaanan ko sa mga nagdaang linggo para lang mapaghandaan ang araw na ‘to.”
Nawala ang ngiti sa labi niya at may kung anong emosiyon ang dumaan sa mga mata niya. Bahagya rin akong natigilan nang maalala ang text ni Hestia, pero mas pinili kong huwag na buksan ang tungkol sa topic na 'yon.
“Wala ba akong goodluck kiss diyan?” biro ko para pagaanin ang nakakailang na tensiyon sa amin.
“No," agad niyang sagot at bumalik na siya sa dating postura niya na seryoso. “At hindi ka rin puwedeng magnakaw ng halik sa akin, gaya noong huli mong ginawa.”
Natawa ako. “E’di ikaw na lang ang magnakaw sa akin ng halik... hahayaan naman kita.”
Sumama ang tingin niya sa akin. “Raileigh...” may babala sa boses ni Chaos.
I rolled my eyes. “Hindi na nga po,” natatawang sabi ko at mabilis na tumingkayad para maabot siya at nagnakaw ng halik sa kanyang pisngi. Nabato si Chaos sa ginawa ko. “Pero syempre, joke lang ‘yon.”
“Raileigh!” tanging nasabi niya. Wala na siyang nagawa dahil hindi niya ako napigilan.
Umayos na ako ng tayo at nginitian si Chaos ng pagkatamis-tamis. “Aalis na ako. Malapit na mag-bell, kailangan ko nang magpunta sa classroom.”
Pumihit na ako patalikod sa kanya at maglalakad na sana paalis nang mapatigil ako. Ngayon ko lang napansin na marami pa lang estudyante ang nanonood sa amin ni Chaos.
Naramdaman ko ang pag-iinit ng pinsgi ko sa hiya. Nakita nila ang ginawa kong pagnakaw ng halik kay Chaos! Oh god, that was embarrassing!
Pilit kong ngumiti sa kanila at malalaki ang hakbang na naglakad palayo sa kanilang lahat. Bumagal lang ang lakad ko nang makababa na ako ng second floor. Sakto namang paparating sa gawi ko ang naglalakad na kakambal ni Hestia, si Yesxia.
“Yesxia!” tawag pansin ko sa kanya at sinalubong siya. “Where’s Hestia? Wala pa siya sa classroom nila, kagagaling ko lang doon.”
Tumigil siya sa paglalakad. She gave me a smile, pero halatang pilit iyon. “Baka male-late lang.”
My brows furrowed. “Hindi ba kayo sabay na pumunta rito? Ano ba ang ginagawa niya?”
“Mas nauna ako sa kanyang umalis ng bahay,” aniya at nagsimula nang maglakad muli.
“Teka!” pagpigil ko sa kanya.
“Sige na, mamaya na lang. Male-late na ako,” ani Yesxia at nagmamadaling umakyat ng hagdanan. Hindi man lang ako hinayaang makapagsalita.
What’s wrong with her?
Bumalik na lang ako ng classroom at saktong nag-bell na. Iwinaksi ko na lang sa isipan ko ang lahat ng iniisip ko at nag-focus sa exam. Kailangan kong makakuha ng mataas na score dito. Malaki rin ang hatak nito sa grades ko.
Gaya ng inaasahan ko, talagang nakaka-stress ang exam. Ang ibang tanong ay madali ko lang nasagutan, pero hindi rin mawawala ang mga tanong na magpapahirap sa buhay ko. Kaya ang ending, kung ano ang mahabang sagot ay ‘yon ang isinasagot ko.
Naputol ang pag-e-exam namin nang tumunog na ang bell, senyales na oras na para mag-recess. Kaya pinalabas muna kaming mga estudyante para kumain sa canteen.
“Clarence!” tawag ko kay Clarence nang makita ko ito sa loob ng canteen.
“Hi, Raileigh!” bati niya nang makalapit ako sa kanya.
“Si Hestia? Pumasok ba?” tanong ko.
Nangunot ang noo ko nang umiling siya.
“Hindi nga, e. Sayang. Kung kailan exam, saka pa siya um-absent. Sana lang ay bigyan siya ng special exam ni Ma’am bukas para makahabol pa siya.”
Napatango na lang ako at pilit na ngumiti saka nagpaalam na sa kanya.
Bago bumalik ng classroom, sinubukan ko munang tawagan si Hestia pero bigo akong makausap siya. Out of reach ang cellphone niya.
Kaya nang tumunog na ang bell, bumalik ako ng classroom na siya pa rin ang iniisip. Nag-aalala na ako para sa kaibigan.