Snatch
Sumali ako sa volleyball. Gusto kong may sports man lang akong active dito sa school. Natanggap naman ako. Matangkad rin kasi ako kaya siguro napili ako. And I know how to play! Hindi rason 'yong Delafuente ako kaya natanggap ako!
Inayos ko ang suot kong cycling. Ang iksi nito. Tapos yong tshirt fit pa at sleeveless pero hindi naman gaano. Yung braso lang 'yong nakikita. Itinali ko 'yong buhok ko lalo na't ito yung first game namin. Maputi naman ang legs ko kaya okay lang ibandera.
May mga estudyante sa bleachers at nanonood sa amin. Karamihan nun mga lalake. Wala naman talaga akong pakialam sa kanila. Sa sarili ko lang ako may pakialam.
"Ylisanna!" sigaw nung kateammate ko nang papunta na sakin 'yong bola. Mabilis ko itong napalo kasabay ng paghihiyawan at karamihan doon ay mga lalake. Isinisigaw nila ang apelyido ko. May mga banners pa nga silang iwinawagayway kung saan nakasulat ang pangalan ko at ang picture ko. Mga drama nila? Tss.
"Ang raming fans ni Ylisanna. Lahat ata ng lalake sa school na 'to crush siya." Hindi nakaligtas iyon sa pandinig ko. Binalewala ko nalang ito at concentrate sa laro. Wala akong pakialam sa bagay na iyon. Di naman ako katulad ng iba na naaappreciate pag may so-called fans daw. I don't need it. Dahil lang yan sa epelyido ko kaya ganyan sila.
Nakailang laro rin kami hanggang natapos rin. Tagaktak ang pawis ko. Naliligo na nga ata ako sa sarili kong pawis. Pinilig ko ang ulo ko at pinunasan ang leeg ko. May hawak naman akong bottled water. Ininom ko iyon habang pinupunasan ang leeg ko nang may mahagip ang mga mata kong nakatingin ng mariin sa akin. Sa sobrang gulat ko ng pagtatagpo ng mga mata namin ay nasamid pa ako. Nauubo kong hininto ang pag-inom ng tubig lalo na't bumara na ata ito sa lalamunan ko. Iginala ko ulit ang tingin ko kung saan ko siya nakitang nakatayo pero wala na siya doon. Ba't nakatingin sakin ang dyablong 'yon? Tapos ang talim pa. Problema niya? Tss.
Nagtungo ako sa shower room at naligo. Nagsuot narin ako ng P.E kasi hassle na 'yong uniporme. Okay lang naman lalo na't isa ako sa players ng volleyball. Maiintindihan nila 'yon. Maiintindihan naman talaga nila lahat 'yong pinaggagawa ko. Delafuente eh. Yung apelyido ko ang batas para sa kanila. Tss.
Lumabas rin ako ng locker room naming mga babae. Natigilan ako nang maabutan ko sa may pader si Stolich at nakasandal doon. Nang makita niya ako ay lumapit siya sakin. Anong kailangan niya? Sa pagkakaalam ko wala na akong kailangang ibalik pa sa kanya.
"Hindi ka ba nahihiya?" bungad niya sa akin. Kusang nagtaas ako ng kilay. Anong pinagsasabi niya?
"Excuse me? Ba't ako mahihiya? I did nothing wrong." Tumawa ako ng pilya.
Hindi nakaligtas sakin ang pag-igting ng panga niya. Alright, he's mad again. What now?
"Pinagtitinginan ka ng maraming lalake! Hindi ka ba nahihiya? You're wearing that s**t! Yung kulang nalang ay gawin mong panty sa sobrang iksi! Gusto mo bang pinagpapantasyahan ka nila?" May diin ang bawat pagkakasabi niya nun. Yung mga mata niya ay nag-aalab sa galit.
"And then? Anong pakialam mo! I'm a volleyball player! Ganoon ang suot namin! You don't have a say on what I wear Stolich! We're not even close!" Galit kong sabi sa kanya. Sumusobra na kasi. Hindi ko siya maintindihan. Ako ata itong nakita niyang pagtripan. Walanghiyang dyablong ito!
"Ah? So you want us to get close? How close you want?" Hinapit niya ako sa beywang ko at itinulak sa kanya papalapit kaya nadikit ako sa katawan niya sa isang iglap. Napasinghap ako. What the. Seriously! Ano ba itong pakulo niya!
"Ganito ka close? Sapat na ba ito para hindi mo na suotin 'yon?" Halos pabulong na iyon. Nanunuya ang boses niya at kulang nalang ay halikan niya ako para magkadikit na lahat ng parte ng katawan namin sa isa't isa. I felt all his body close with mine. He's pinning me closely and I hate this kind of closeness!
Sandaling napako ang tingin ko sa mukha niyang galit na galit parin. Unti unting lumuwag ang pagkakahawak niya sa beywang ko dahil sa titigan naming iyon. Pagod na bumagsak sa mga mata ko ang nag-aalab niyang tingin kanina at ngayon ay kumikislap na. Ba't ba siya nagkakaganito? Ito ba ang mga nakuha ko dahil hindi ako humingi ng tawad sa kanya kaya pinipeste niya ata ako.
"Ano ka ba! What's wrong with you!" Itinulak ko siya kaya nabitiwan niya ako. Seryoso siyang napatitig sakin. Kumikislap ang mga mata niya. Parang may gusto iyong sabihin na hindi niya masabi.
Nailing akong umalis sa harapan niya nang wala na itong balak magsalita. Darn! He's crazy! Ano bang pumasok sa utak niya at ginawa niya iyon sa akin?! Noong nakaraang araw okay naman sana siya. He even smiled at me! Nagthankyou pa nga! Tapos ngayon kinukwestyon niya ang suot ko! Nababaliw na ang lalaking iyon! May sayad rin sa utak katulad ng mga pinsan kong loko loko!
Nagdaan ang ilang araw. Ordinaryo lang naman iyong lumipas. Iniiwasan kong makasalubong yung dyablo dahil hindi ko maintindihan. Gumaganti ata. Ewan ko ba.
NagCr muna ako sandali bago magsimula 'yong game namin. Sa halip na umuuwi na dapat ako nang ganitong oras ay naeextend ang pamamalagi ko dito sa school ng isang oras dahil sa volleyboll. Suot ko na naman 'yong kinaiinisan ni Stolich. Halatang nang-aasar lang eh.
Paglabas ko doon ay kamuntik na akong mapatalon nang madatnan ko na naman siya sa labas. Seryoso ang ekspresyon niya pero hindi na kagaya noong naabutan ko siyang umaapoy sa galit at nagawa pa akong ilapit sa kanya.
"What now?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"You're still into that shit." Pinasadahan niya ng tingin ang suot ko. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang kumikinang na isang diamond earing sa tenga niya. He's into piercing now?
Sandali akong napatitig doon pero ibinalik ko rin sa mukha niya.
"Pwede ba, wag kang makialam." Inirapan ko siya at humakbang na paalis nang maramdaman ko na siya sa gilid ko at nakikisabay narin sa akin. Naiirita kong ibinaling sa kanya yung atensyon ko.
"What are you doing?!" Kulang nalang ay itulak ko siya palayo sa akin.
"Manonood ako ng game. Sabay na tayo papunta doon." kalmado niyang sabi. Nasa harap lang ang tingin niya habang nakabulsa ang kamay nito sa magkabila. Bumusangot ang mukha ko at inirapan siya. Bahala ka nga.
Pagdating doon sa gymnasium ay ang raming napatingin sa amin. Hindi ko na 'yon pinansin. Nakasanayan na eh. Ganyan naman talaga sila.
"Goodluck." sabi niya saka lumiko at nagtungo doon sa bleacher. Umupo siya doon. Nakasandal pa siya habang yung magkabila niyang kamay ay nakapatong sa kinasasandalan niya. Seryoso siyang nanonood sa akin. Naikot ko lang ang mga mata ko.
Nagsimula ang game. Kapansin pansin ang katahimikan. Hindi na gaanong malakas 'yong hiyawan ng mga lalake. Puro babae nalang 'yong nagchicheer. Wala naring sumisigaw sa pangalan ko. What's with the sudden change?
Napalingon ako sandali sa bleacher. Naabutan kong matalim ang titig niya doon sa mga freshmen na grupo ng mga lalakeng gumawa ng banner at may whole name ko. May mga korteng puso pa nga iyon. Sila itong maiingay pag may game ako eh. Pinapabayaan ko na nga lang. Hindi na nila ito iwinagayway at itinago dahil sa iginawad na tingin ni Stolich sa kanila. Ano bang problema ng lalakeng ito? Inaaway niya purket freshmen at siya itong sophomore! Bully rin ba siya kagaya ni Seth?!
"Inaway mo ang mga freshmen na 'yon!" sumbat ko sa kanya nang matapos ang game. Kulang nalang ay pagsasapakin ko ang dibdib niya dahil sa galit na nararamdaman ko sa kanya. Wala nga akong pakialam kung may fans man ako pero 'yong awayin sila dahil lang sa pagchicheer sa akin ay ibang usapan na ata!
"So what? Sinabi ko lang na wag silang maingay dahil nadidistract ka. Baka matamaan ka pa ng bola." Kalmado niyang sabi. Nakuha niya pang ibulsa ang magkabila niyang kamay at ngumuso. Akala niya siguro natatablan ako diyan sa pagpapacute niya! I'm not one of his desperate fan girls!
"I don't believe you! You liar! Lubayan mo nga ako Stolich! Wala kanang kukunin sa akin!" Galit kong sabi. Kumukulo ang dugo ko sa kanya. Naiinis ako sa lalaking ito! Ang sarap niyang paghahampasin!
"Ako meron. You said I'm a snatcher. I want to snatch something from you. I want to have that for myself and keep it."
Bumaba ang tingin niya sa labi ko hanggang bumaba pa ito sa dibdib ko. Nalaglag ang panga ko! Darn this p*****t asshole! He wants to snatch my... my b*a oh my God! He's looking at my breast! The nerve of you Stolich frigging Varquez!
"p*****t!" Sigaw ko sa kanya saka ako nagwalk-out palayo sa harapan niya. Namumula ang buo kong mukha. Gumagante siya sakin dahil akala niyang gusto kong nakawin yung underwears niya kaya yung b*a ko ang pinagkakainteresan niya! Napakamanyak talaga ng dyablo na iyon! I can't believe this!