Sinner
Iniwasan ko nang makita si Stolich. Ayokong makita ang pagmumukha niya dahil maiimbyerna lang ako. Yung dyablong 'yon pinapakulo agad ang dugo ko.
Itinext ko si kuya Brancen para magpasama sa zoo lalo na't 'yon ang project namin sa Science. Kailangan kaming may selfie kasama ang isang gorilla. Nagpromise pa naman 'yon. Gusto ko sanang pumunta sa bahay nila para kumuha ng mga gamit niya kaso naging busy ako nitong mga nakaraang araw dahil narin sa pagsali ko sa volleyball.
Hinintay ko ang reply ni Kuya Brancen nang may sumulpot sa harapan ko. Napatingin ako kay Kuya JK at nalipat rin sa hawak hawak ng kamay niya. Who's this girl? Kasama pa nila si Stolich dito na nag-iiwas ng tingin sa akin.
Ipinakilala ito sa akin ni Kuya JK. She's Julie Kasie Varquez. Maganda pala talaga siya sa personal. Sa halip na si Kuya Brancen ang sumama sa akin ay sila nalang ang naghatid sa akin doon. Pati yung dyablo kasama pa. Tss.
Iginala ko agad ang paningin ko sa zoo. Ang lapad ng ngiti ko habang pinagmamasdan ng mabuti yung mga hayop na nakakulong sa hawla. Mas nauuna pa nga akong maglakad sa kanina. Sina Kuya JK at Ate Julie kasi busy sa pag-uusap. Nililigawan daw yan ni Kuya eh, yun ang naririnig ko na pinag-uusapan minsan ng mga pinsan ko. They look good on each other though. Sa pagkakaalam ko pinsan siya ni Ate Sky. Namimiss ko narin siya. We're close. Tuwang tuwa nga ako at dito na siya ipinag-aral ng parents niya.
"Smile." Isang flash ng camera ang kumuha ng atensyon ko. Nagkasalubong ang kilay ko dahil sa ginawa ni Stolich.
"Yung ate mo ang gusto kong kumuha ng picture ko. Not you." Mariin ko siyang tiningnan.
Nilingon niya ang dalawa na nandoon pa sa dulo at mukhang may importanteng pinag-uusapan dahil sa pagkabusangot ng mukha ni Ate Julie habang si Kuya JK naman ay namumungay ang mga mata.
"They're busy. Ako nalang." Kinunan niya ulit ako ng picture.
"Ano ba! Wag ka ngang namimicture bigla! Project ko yan Stolich! I need to look good!" sigaw ko. Ang bilis talagang mag-init ng ulo ko pagdating sa kanya.
"Edi ngumiti ka. Ikaw itong parating magkasalubong ang kilay." Inayos niya ang lens ng hawak niyang DSLR. Nakagat ko naman ang labi ko. Ayoko nga siyang ngitian!
"Ba't naman ako ngingiti. Ikaw ang photographer. Wala akong rason para ngumiti. Akin na nga yan!" Lumapit ako sa kanya at aabutin na sana 'yon nang itinaas niya ito.
"Easy there kiddo, bumalik ka doon sa tabi ng hawla ng gorilla. I'm gonna take a picture of you." Itinulak niya ang noo ko palayo sa kanya. Mabilis ko itong sinapak. Walanghiyang dyablong 'to!
"Anong kiddo! Magkaedad nga lang tayo!" sigaw ko na nagpangiwi ng ekspresyon niya.
"Fine. Pumwesto kana doon. Project mo 'to diba? Ba't nag-iinarte ka pa?" Naikot ko lang ang mga mata ko at nagmartsa pabalik doon sa tabi ng hawla ng gorilla. Nakabusangot ang mukha ko. Di ko makuhang ngumiti sa harapan niya.
"Smile." utos niya.
"Ayoko nga!" Humalukipkip ako.
"Nagiging kamukha mo 'yong gorilla pag nakabusangot ang mukha mo. You're not aware of that I guess." Tumango siya na parang sigurado siya sa pinagsasabi niya. Nalaglag ang panga ko. Kinukumpara niya ba talaga ako sa gorillang ito?!
"Kaysa sayo dyablo!" sigaw ko sa sobrang inis. Ang layo ko sa gorilla na 'to!
Napabuntong siya ng hininga. Naglakad siya papalapit sa akin. Napakurap ako nang hinawakan niya ang magkabila kong balikat at inusog ng konte doon sa hawla. Isinabit niya ang ilang hibla ng buhok na tumakas sa tenga ko. Natigilan ako sandali sa ginawa niya lalo na't seryoso na ang ekspresyon ng mukha niya.
"Don't move. And just smile. If you want this done immediately then stop being stubborn." Umalis rin siya sa harapan ko at bumalik doon sa pwesto niya. Sinimulan niya akong kunan ng litrato.
"Smile." sabi niya. Ngumiti ako ng tipid pero halatang awkward. Ano ba ito? Baka ang creepy ko na sa picture.
"Take it easy Lisanna. Just show me your smile." Lisanna? How did this jerk know my name? Ofcourse Ylisanna, you're the granddaughter of the owner of Unibersidad de San Bartholomew. Lahat kilala ka.
"It's Ylisanna." I mouthed, gritted teeth.
"Whatever, Lisanna. Smile. Yun ang gusto kong makita hindi yang pagtataray mo."
Napaawang ang bibig ko para handa na siyang bweltahan ulit nang pinilig niya ang ulo niya para iparating sakin na seryoso siya sa pinagsasabi niya kaya itinikom ko nalang ito. I hate seeing his face so better smile Yui and finish this s**t.
Mariin muna akong pumikit para ikalma ang sarili ko. Nang masigurado kong okay na ay ibinuka ko narin ito saka ko pinakawalan ang ngiti ko. Yung ngiti kong puno ng sinseredad. Yung ngiti ko na kahit wala akong kaibigan ay alam kong masaya naman ako. My genuine smile.
Ilang minuto rin akong nakangiti pero takang taka na ako kung ba't di niya parin iyon kiniclick kahit na nakasilip na siya doon. Nangangawit na 'yong panga ko kakangiti.
"Ang tagal!" sigaw ko habang hindi nawawala ang ngiti na iyon kahit na magkasalubong na ang kilay ko.
Para siyang natauhan kaya naclick niya rin ito. Napabusangot agad ang mukha ko saka siya nilapitan. Hinablot ko sa kanya yung DSLR at tiningnan ang picture ko. Pansin dito ang pagkakasalubong ng kilay ko.
Naiirita ko siyang nilingon na nasa gilid ko parin. Handa ko na siyang sigawan nang mapansin kong nakatingin siya sakin at seryoso ang mukha. Problema niya?
"You're smile is a sinner." seryoso niyang sabi. Hindi ko mapunto ang tinutukoy niya. Sinner? Yung ngiti ko? Eh napakainosente ko nga tingnan pag nakangiti ako!
Gusto kong ibuka ang bibig ko pero hindi maproseso ng utak ko ang pinagsasabi nitong dyablong ito. I don't really get him. Ang weird niya. Akala ko itong si kuya lang ang weird meron pa pala. Ba't ba lapitin ako sa mga ganitong lalake?
"I've almost had a heart attack when I saw it." dagdag niya.