Prologue
Nagmadali akong lumabas ng bahay para pumunta sa playground. Nandoon kasi yung mga friends ko. At ang babait nila! Sila yung mga kalaro ko dito sa playground. Ayoko nang nakikipaglaro sa kuya ko lalo na sa mga pinsan ko dahil inaasar lang nila ako. Lalo na si kuya, hindi ko makalaro ng maayos. Mas gusto ko parin yung kaedad ko at parehas kami ng interes.
Naaninag ko silang tatlo sa playground. Lumapad agad ang ngiti ko. May dala dala akong basket na may laman na mga sandwich kasi nakaugalian narin naming magpicnic dito. May kaonting garden dito at tamang tama lang para pagtaguan. Dito ako minsan tumatago sa tuwing naghahabulan kami eh.
"Ayokong makipaglaro kay Ylisanna. Kung hindi lang talaga sila mayaman hindi ko siya pagtitiisan eh. Naiinis ako sa kanya lalo na sa kakulitan niya." Natigilan ako sa paghakbang nang marinig ko ang sinabi ni Acy, isa sa mga kaibigan ko dito. Napaupo ako para magtago. Pinag-uusapan nila ako.
"Oo nga. Kung hindi lang talaga siya Delafuente hindi ko siya kakaibiganin. Ang laki kaya ng bahay nila. Tapos yung mga pinsan niyang lalake ang gwapo rin lalo na yung kapatid niya. Ang ingay pa naman ni Ylisanna kalaro. Naririndi ako sa boses niya." Nakagat ko ang pang-ibaba kong labi. Hindi ko inaasahan na ganun pala ang tingin nila sakin. Akala ko mga kaibigan ko sila. Ang saya naman namin tuwing naglalaro kami. Kailanman hindi ko sila narinig na ayaw nila sakin. Ang sinasabi pa nga nila ay mahal nila ako. Ibig sabihin kabaliktaran 'yon? They don't love me, they hate me.
"Ang rami niya ngang toys na binibigay sakin. Dapat nga ibigay niya sa atin lahat dahil mayaman naman sila. Tapos yung binibigay niya mga napaglumaan na. Napakadamot. Mamaya pupunta na naman yun dito. Excited ako sa mga dala niyang pagkain pampicnic natin hindi sa kanya." Nagtawanan silang tatlo habang ako ay naiyak na. Patago akong umalis sa playground at bumalik ng bahay na humahagulhol. Mabuti nalang at wala dito si Kuya, nandoon kina Ate Jade kaya walang makakapansin sa pag-iyak ko.
Buong araw akong nagkulong sa kwarto ko at hindi lumabas. Kasabay ng gabing 'yon ay ang hindi inaasahang balita. My Mom died. Ang sakit nun para sakin. Yung puso kong nadurog na ay mas dinurog. Wala akong tigil sa kakaiyak. Pakiramdam ko iniwan ako lahat ng mga mahal ko sa buhay. Minahal ko naman sila pero ba't nila ako iniwan?
I was filled with hatred. I can't fight the agony inside me. Simula sa araw na 'yon ay hindi na ako nakikipagkaibigan. Hindi ako kumakausap sa school. I just hate them all. Parehas lang silang lahat. They wanna befriend me because we're rich, because I am a Delafuente. Ang gusto ko lang naman ay mahalin nila ako bilang ako, hindi yung mahalin nila ako dahil kung ano ang meron ako.