5

1577 Words
Creepy   Napako ako sa kinatatayuan ko. Say sorry and leave. That's the only thing he wanted. Yun lang Ylisanna. Wala na siyang iba pang hinihingi.   "Fine. You don't like saying sorry? Then leave. Wag 'yong tutunganga ka sa harapan ko. This place is not for you, it's for boys. Dapat aware ka nun. You're not welcome here. Leave now." Suplado niyang sabi sa akin. Kinukusot niya na ang basa niyang buhok sa tuwalyang nakasabit kanina sa balikat niya.   "The nerve. This is our school. Lahat ng parte dito ay pagmamay-ari namin. How dare you say that to me?!" Nagkasalubong ang kilay ko. Nasobrahan kasi siya diyan sa ugali niya. Ang rami niya pang sinasabi. Pasalamat nga siya at ibinalik ko yang headphone niya nang maayos kahit na ang suplado niya.   "Can't you read in between the lines? I want you out here. Yun iyon. This is not a good place to stay miss. Get it? Panglalake. Ibig sabihin bawal ang babae. Aren't you aware of perverts? Marami 'yon dito lalo na't locker room ng mga lalake ang pinasukan mo. If you're not planning to say sorry then I'll accept that. Just leave. Get your a*s out in this place right now and don't you dare come back here again." Naging matalim ang tingin na iyon sanhi para mapaatras ako ulit. Napalunok ako ng laway. Nagiging dyablo nalang siya sa isang iglap.   Nakarinig ako ng mga boses ng mga lalakeng nagtatawanan. Ilang sandali lang ay bumalandra na sa harapan ko ang mga klase klase ng lalakeng nakatopless lang at basa rin ang mga katawan. Natigilan sila habang ako itong nalaglag ang panga. What the. Darn it Ylisanna!   Naging madilim ang paligid hindi dahil ipinikit ko ang mga mata ko kundi dahil sa itinabon ni Stolich na tuwalya sa ulo ko. Ni wala na akong nakita. Nang tatanggalin ko iyon ay hinawakan niya ang pulso ng kamay ko.   "Don't you dare remove it." May diin niyang sabi. Naramdaman ko ang kamay niya sa magkabila kong balikat at iginiya ako sa paglalakad. Luminga linga ako kahit wala naman akong makikita. Narinig ko ang pagsipol at hiyawan nung iba. Mga tunog m******s nga. Darn! I can't believe may ganitong lugar pala sa eskwelahang ito. Yung maraming topless tapos mukhang mga utak m******s. Di ko naman alam na ito pala ang nangyayari sa loob ng locker room nila. Hinding hindi na talaga ako babalik dito! I should've listen to him. Tss.   Hinablot niya sa akin yung tuwalyang nakatakip sa mukha ko kaya nakita ko ulit ang galit niyang mukha. Anong ikinakagalit niya?   "I told you, this place is not for you. I don't care if this is your territory. Now, go back to your room." Iritado niyang sabi sa akin. Tumalikod siya at bumalik sa loob. Naiwan naman akong lutang at hindi makapaniwala sa pagsusuplado niya. Just, what was that? Napakabossy ata ng dyablong iyon!   Pagdating ko ng bahay ay okyupado ang utak ko dahil sa mga nakita ko. Pero yung sa kanya ang nangingibabaw. Parang bumabagal ang oras noong tumutulo ang tubig sa buhok niya at dumadaloy doon sa tiyan niyang may hulma. I've seen my cousins on that kind of state pero wala lang naman iyon sa akin. Nandidiri pa nga ako sa kanila dahil ang lakas ng loob na ibandera yang mga tiyan nila pero 'yong kay Stolich, ewan ko ba. Kung tutuusin mas hulmado pa nga sa mga pinsan ko. Lalo na kay Kuya Brancen. He's hot, sabi nila. Hindi ako aminado eh. I find him cute like a puppy. Tapos nilagyan lang ng isang balot ng pandesal ang tiyan. Yun ang napipicture out ko. Wala iyong malisya sa akin pero darn it! Ba't 'yong tiyan ni Stolich, yung basang tiyan niya! Ba't pinipeste ang utak ko?!   "Yui, yung gatas na nilalagay mo sa bowl ng cereal natatapon na. Ikaw bata ka, ako nga. Mga maliliit na bagay di mo nagagawa nang maayos. Masyado kang nakadepende sa katulong. Dapat marunong kang pagsilbihan yang sarili mo." Naiiritang kinuha ni Kuya ang isang karton ng gatas na hawak ko at siya ang nagbuhos nun nang maayos sa loob ng bowl na may cereals. Hindi naman ako masyadong halata na nawawala ako sa sarili ko dahil sa tiyan niya no? Tss.   "Thanks kuya." Nginitian ko ito.   "Akin nalang itong kalahati. Ipapainom ko kay KkangjJi." Umalis siya sa harapan ko dala dala 'yong karton ng freshmilk.   "'Tsaka si Taetae. Baka makalimutan mo kuya!" sigaw ko. Minsan kasi ako ang nagpapakain sa tutang iyon. Minsan naman si kuya.   Itinuon ko na ang sarili ko sa pagkain. Naririnig ko naman si kuya sa sala na tumatawa na. Nakikipaglaro ata sa mga alaga niya. Gawain niya yan eh. Pinapalaro niya 'yong dalawa tapos nakikisali siya. Ako na talaga may alien na kapatid at anim pang siraulong pinsan. Pinaparusahan ata ako ng Panginoon.   "Omigad! Ang gwapo ni Stolich kanina! Nakasabay ko siyang pumasok dito sa school! Pakiramdam ko tuloy tinadhana talaga kaming pagsabayin!" Nagawa pa nitong magtitili.   "Ang pangarap ko lang talaga ay magtagpo ang mga mata namin. Sure talaga ako malalove at first sight siya sa akin pag nagkatinginan kami! Yun nalang hinihintay ko!" dagdag naman nung isa pa.   Naigulong ko nalang ang mga mata ko nang marinig ko ang pinagsasabi ng iba kong kaklase dito sa loob ng room. Pinalakasan ko lalo 'yong tugtog ng pinapakinggan ko para hindi na marinig yang mga nakakarindi nilang boses. Kahit nakaheadset ako nangingibabaw parin yang nakakairita nilang boses. Dalawang lalake lang naman ang paulit ulit nilang pinag-uusapan dito eh. Si Stolich, isang supladong dyablo na second year high school at wala namang pinapansin dito pero pinagpapantasyahan nilang maging boyfriend at mapansin sila. Hindi ko talaga sila maintindihan. Yung pangalawa naman ay si Seth. Balita ko second year rin 'yon at kaklase ni Stolich pero kung siya ay suplado, yun naman napapabalitang badboy, masamang demonyo. Siya ang dahilan sa mga g**o dito. Nambubully siya. May piercing sa tenga. Tapos may kumakalat na issue na naninigarilyo siya sa labas ng school. Nakakalusot rin daw 'yon sa mga Bars. He's purely evil they said. Still, they we're attracted on him. Dahil gwapo rin ito. May pustura. Pinagkakaguluhan rin 'yon nang palihim at hindi bulgaran kagaya ng kay Stolich.   Pagkatapos ng klase ay lumabas rin ako ng room. Hinintay ko ang sundo ko sa waiting shed. Si lola kasi nananatili pa siya sa school. Mamayang 6pm pa siya uuwi. Pinapaderitso uwi niya na ako.   Iginala ko ang paningin ko nang may mahagip akong tingin. Napako ang atensyon ko doon lalo na't si Stolich ito na nakatayo habang may babae sa harapan niya. May inilahad itong box sa kanya. Napatitig doon si Stolich habang nakapamulsa. Yung babae naman ay nakayuko at halatang namumula ang pisngi. God! Desperate girls like her trully exist!   Nakita ko kung paano iyon kinuha ni Stolich saka siya dumukot ng pera sa wallet niya at inilahad doon sa babae. Naggesture pa 'yong babae na hindi niya matatanggap 'yong pera ni Stolich pero may parang sinabi si Stolich na nagpatigil doon sa babae at tinanggap rin ang pera. Mabilis itong tumakbo palayo. Si Stolich naman napabuntong lang ng hininga. Well, he's not that bad afterall.   Napakurap ako nang napalingon siya sa dako ko kaya pasimple kong iniwas ang tingin at nagpanggap na nadaanan ko lang siya ng tingin at hindi ko talaga siya tinitingnan. Napansin ko ang paglalakad niya patungo sa kinaroroonan ko. Nakabulsa 'yong isa niyang kamay habang 'yong isa naman ay hawak yung box. Yung suot niyang bag niya ay nakasabit lang sa isa niyang balikat. He's cool. Oh my God Ylisanna! What did you say?!   "Hindi kita pinapanood ah! Sadyang nahagip lang kita ng tingin!" bwelta ko sa kanya nang huminto siya sa harapan ko.   "Bakit? May sinabi ba ako? Oh ayan." Inilahad niya sakin 'yong box na sa pagkakaalam ko ay ibinigay ito para sa kanya pero ba't niya binibigay sa akin?   "What's that?" Nagkasalubong ang kilay ko habang tinitingnan ito.   "Hindi ko alam. Di ko naman binuksan. Sayo na yan." Casual niyang sabi sa akin. Tinanggap niya pero ipapamigay lang rin naman pala. Halatang nag-effort yung babae sa ibinigay niya kay Stolich lalo na't halata ito sa designs ng box na handmade pa ata.   "That girl gave that to you. Para sayo, hindi para sakin kaya ba't mo ibibigay sakin? Wala ka bang konsiderasyon sa nararamdaman nung babae sayo?!" Matalim ko siyang tiningnan.   "Akala ko ba hindi mo ako pinapanood? Ba't alam mo ata ang buong detalye ng nangyari?" Tumikhim ako at pasimpleng nag-iwas ng tingin.   "Hindi ko yan matatanggap." sabi ko. Nalaglag rin ang panga ko nang kinuha niya ang kamay ko at ipinahawak doon.   Naiirita kong hinila ang kamay niya at ibinalik sa kanya 'yong box na cookies or pastries ata ang laman.   "Stolich! That's for you!" I scowled in anger. Tinanggap niya naman iyon. Nagulat pa ako nang ngumisi siya sa akin. Baliw ata ang lalaking ito.   Hindi nakaligtas sa paningin ko ang dimple niyang lumabas dahil sa ngiting iyon. He's charming. As if I care! Dyablo 'to eh. Di ko maintindihan ang ugali. Tss.   "You can lend it nicely. Tatanggapin ko naman, di ko irereject. Thanks for this. I'll eat this when I get home. Sige, mauna na ako." Ngumiti siya at tumalikod rin. Just what on earth was he talking about?! Nangtitrip ba ang lalaking iyon?! He's creepy!   "Oh my! I saw it. May gusto nga si Ylisanna kay Stolich! Binigyan niya ng cookies!"   "At tinanggap naman iyon ni Stolich! He even smiled! Kinikilig ako sa kanila! They look cute on each other!"   Napatingin ako ng masama doon sa mga estudyanteng narinig kong pinag-uusapan ako. Kakalabas lang nito sa school. Mga palakang 'to kung makaimbento ng mga pangyayari! Ako magbibigay ng sweets sa dyablong iyon?! Ang kapal naman ng mukha niya para bigyan ko siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD