Stolich
Naglakad nalang ako patungo sa classroom ko. Magkadugtong na ang kilay ko. Pagpasok ko doon ay nagsorry ako sa teacher na pinatawad naman ako. Wag ko lang daw uulitin. Delafuente ako eh. Lahat ng gawin kong mali ay madali nilang mapapalampas. Pinapaboran nila ako. Nagiging tuta silang lahat dahil sa apelyido ko. Tss.
Nasa paghuling subject na bago maglunch nang kinalkal ko ang gamit ko at hindi matagpuan ang phone ko. What the. Wala dito sa loob ang phone ko! Isa lang naman ang bumangga sa akin kanina nang papunta ako dito eh. Nasa kanya iyon panigurado! Yung dyablong 'yon!
Pagkadismiss ng teacher ay nagmartsa ako sa office ni lola. Hindi ko man lang ito nadaanan kaninang umaga dahil sa pagmamadali ko tapos may asungot pang sumulpot! Darn it.
"Apo. You look stunning. Bagay sayo ang highschool uniform mo." Hinagkan ako ni lola sa pisngi at noo ko nang makalapit ako sa kanya.
"Hi lola. Have you eaten your lunch?" tanong ko. Nakangiti akong lumapit doon sa computer niya. Hinahayaan niya naman akong gawin ang gusto ko eh.
"Not yet. Hinintay kita. Wala na ang mga pinsan mo dito sa Highschool building eh. Tumambak na silang lahat doon sa College building. Sabay tayo Yui. Have your lunch with lola." Ngumiti siya sa akin.
Nilingon ko siya sandali pero ibinalik ko rin sa tinitingnan kong mga profile ng lalaking estudyante sa building na ito.
"Ofcourse lola. I would love to." sabi ko habang pinapasadahan ng tingin isa isa ang mga mukha ng estudyanteng lalake. Sa tindig ng lalaking iyon nasa second year or third na siguro siya. Lumapit narin si lola sa tabi ko.
"Naghahanap ka ba ng gwapo apo?" tanong niya. Sinuklay niya ang kamay niya sa buhok ko.
"Hindi po lola. Someone bumped at me while I'm heading my way here kaninang umaga." Lumiwanag ang mukha ko nang matagpuan ko ang suplado nitong mukha. Mabilis ko itong kinlick. Stolich Varquez ang pangalan ng dyablong iyon. Hindi ko na pinansin ang mukha niyang sumisigaw sa karisma. Sanay na ako sa mga ganito. Yung pitong 'yon sumobra pa nga. Kalahati ata ng babae sa mundong ito ay naghahabol sa kanila.
"First day na first day may iniestalk kana ah. Gwapo siya Yui pero bawal ka pang magboyfriend. Magagalit mga pinsan mo. Alam mo naman 'yon." madamdaming sabi ni lola. Yes lola, I know them too well. Masyadong possessive. At wala rin akong balak magkaboyfriend kung itong lalake rin naman ang pagkakainteresan ko. Dyablo! I hate him! Mula ulo hanggang talampakan niya. Ayaw ko sa kanya kaya malabo.
"Hindi ah. May bagay lang akong kukunin sa kanya. Kinuha niya. Napakawalanghiya." Nagkasalubong ang kilay ko. Nang matagpuan ko ang room na kinabibilangan niya ay tumayo na ako nang mapansin ko si lola na gulat na gulat at nakahawak pa sa dibdib niya.
"Jusko. Kinuha niya ang p********e mo? Apo! Paano mo iyon babawiin?! Ba't mo isinuko agad?!" Niyugyog ako ni lola. Kulang nalang humiwalay yung kaluluwa ko sa akin. Ganito sila kaparanoid lalo na't nag-iisa akong babae ng mga Delafuente. Bawat galaw ko ata istimado nila. Buti nalang at puro college na sila pero wala parin akong ligtas.
"Calm down lola. Hindi yun. Kadiri. Yung phone ko. Nasa kanya ata. Babawiin ko lang. I'll be right back." Hinalikan ko ito sa pisngi at tumakbo palabas ng office niya. Kabisado ko na ang pasikot sikot dito at alam ko na rin kung saan ang mga room kaya hindi ako nahirapang pumunta agad doon sa room nung dyablong Stolich ang pangalan.
2nd year na ito. Nang makarating ako sa room niya ay derideritso ang pasok ko. Ni wala akong nililingon. Nakasentro ang tingin ko sa lalaking nakaupo sa silya niya at may headphone na nakasalampak sa tenga niya. Napansin kong pinagtitinginan siya ng ibang mga babae habang kinikilig ang mga ito pero nang makita nila ako ay nahinto rin sila. Ramdam ko ang titig nilang lahat sakin. Sa isang iglap ay tumahimik ang paligid at tanging ingay nalang ng paghakbang ko ang naririnig sa loob.
Huminto ako sa harapan niya. Inalis ko ang suot niyang headphone sa ulo niya at inilahad sa kanya ang palad ko.
"Give it back." Magkasalubong ang kilay ko nang tiningnan niya ako.
"Ano? Nandito ka para hilingin sakin ang kapatawaran mo? Pinapatawad na kita." wala sa sarili niyang sabi at hinablot sa kamay ko ang headphone niya. Napabuga ako ng hininga sa ere at hinila pabalik sakin yung headphone niyang hindi niya pa naman nakukuha ng buo. Napabitaw siya doon at kunot noong napatingin sa akin. Ang kapal talaga ng mukha.
"Hindi ako nagbibiro. Ikaw lang 'yong nabangga ko kanina. So by any chance nasa sayo ang phone ko. Give it back!" Kulang nalang ay isampal ko ang palad ko sa kanya dahil sa inis na nararamdaman ko.
"Ikaw na itong may kasalanan, ikaw pa itong pagbibintangan ako. Sumusobra kana ata Miss. Ako dapat ang nagsasabi niyan sayo. Give it back." Inabot niya sakin yung headphone niya kaya mabilis ko itong inilayo sa kanya.
"Swap tayo. Hindi ko ito ibibigay sayo pag hindi mo naibigay sa akin yung phone ko. You snatcher!"
"Sino kayang snatcher sa ating dalawa ngayon? Susugod sugod ka dito tapos kukunin mo yang headphone ko. Baliw." Nayayamot niyang sabi.
"Oh shut up. Just give it back darn it!"
"Wala sa akin! Sa akin mo pa talaga ibinibintang yang katangahan mo. Akin na yan kung hindi ididikit kita diyan sa pader." Tumayo siya. Napatingala tuloy ako nang wala sa oras lalo na't matangkad ito kumpara sa akin na hanggang balikat niya lang.
"Akala mo ba matatakot ako?! You'll have your stuff if I have my phone!" Itinago ko iyon sa likod ko. Mas lalo siyang lumapit sa akin. Hindi ako nagpatinag sa kinatatayuan ko. Amoy na amoy ko na ang pabango niyang nakakaakit sa ilong.
"Pag hindi ko yan nakuha ngayon hindi lang ang pader ang madidikit sayo. Pati itong labi ko madidikit diyan sa labi mo." Napahakbang ako paatras nang lumapit siya lalo. Pasimple akong napalunok ng laway.
"Manyak! Magnanakaw! Manyak! Dyablo!" I shout in anger. Ewan ko pero I feel defeated. Sa sobrang inis ko ay nagmartsa ako palabas dala dala yung headphone niya. Akala niya ibabalik ko 'to?! In your face Stolich Varquez!