3

1054 Words
Accused   Nakabusangot ang mukha kong bumalik sa office ni lola. Pasimple akong tumikhim para iblangko iyon lalo na't mag-uusisa yan kung anong nangyari sa akin.   "Let's have our lunch po lola. I'm starving." Nakanguso akong dinampot ang telepono at tumawag doon para sa pagkain niya. Para narin masalihan nila ako. May tagahatid nun dito eh.    Umupo rin ako sa couch na kaharap ng isang table dito sa office niya. Inilapag ko muna yung headphone nung dyablong si Stolich na ang kapal ng mukhang supladuhan ako.     "Kanino yan apo? Yan na yung naiwan mong gamit sa lalakeng tinutukoy mo? Pero mukha yang panglalake. You like cute stuffs. Natotomboy kana?" Nagkasalubong ang kilay niyang napatitig doon. Kinuha ko iyon at itinago sa likuran ko. Baka magsumbong siya sa mga pinsan ko lagot ako. Pag nagkataon pagpipirapirasuhin ito ni Kuya RM pag nalaman niyang lalake ang may-ari nito.   "Don't mind it lola. Babae parin ako. Nagswap lang muna kami." Ngumiti ako. Napaawang ang bibig niya para magsalita sana nang may biglang kumatok kaya naitikom niya 'yon at ibinaling sa may pinto ang buong atensyon. Laking tuwa ko nang malihis ang pag-uusap naming iyon. I don't want to lie. Ang paranoid talaga nilang lahat pagdating sa akin.   Nag-usap sila sandali nung naghatid ng pagkain. Tungkol iyon sa mga putahe na siniserve nila ngayon tapos pinaulanan ni lola ng pasasalamat. Inilapag iyon sa harapan naming kaya doon ko agad itinuon ang atensyon ko. Sa office ako nagpalipas ng oras hanggang tumunog ang bell hudyat na magsisimula na yung unang klase ngayong hapon.   "Sinugod daw ni Ylisanna si Stolich sa room nito at pinagbintangan na magnanakaw. Nasa kanya nga daw ang headphone ni Stolich eh."   "May something na sa kanilang dalawa? Kinausap siya ni Stolich."   "Hindi kaya nagpapapansin siya kaya niya 'yon nagawa kay Stolich? Wala pa naman yung kinakausap na babae. Purket Delafuente talaga pinapansin. Pero tayong hindi, ni pagkakasalubong ng mga mata malabo atang mangyari."   Magkasalubong ang kilay ko dahil sa mga pag-uusap na narinig ko dito sa loob ng Cr. Nasa loob kasi ako ng cubicle. Kahit saan talagang parte ng eskwelahan na 'to ay hindi nauubusan ng palaka sa paligid. Nagiging pond na itong school ni lola. Nagkalat ang iba't ibang klase ng palaka eh. May nabubulok, plastic at di masikmura. Tss.   Dahil di naman ako warfreak at turo iyon ng magulang ko lalo na ng mga pinsan ko ay pinakalma ko nalang ang sarili ko. Pag sumabog ako, ako parin ang magmumukhang talo dahil nadudungisan ko ang pangalan ng angkan namin. Wag pumatol sa mga palaka Yui. They're disgusting.   Doon na ako lumabas ng Cr nang lumabas na yung mga impaktita. Mga walang magawa sa buhay eh. Kaya ako itong pinagtutuunan ng pansin.      Bumalik rin ako sa room. Lahat ng atensyon nila ay nasa akin pero ni isa sa kanila ay wala akong sinalubong na tingin. Nakasentro lang iyon sa upuan ko. Buong subject ay magkasalubong ang kilay ko lalo na't nakatingin sila sa headphone na nasa desk ko. Gusto ko tuloy sumigaw eh.     Pagkatapos ng klase ay kunot noo kong naibaling ang atensyon ko sa labas ng pinto lalo na't may pinagkakaguluhan doon. Oh please Yui, that's another piece of s**t here. Highschool kana. Maraming nagdadrama dito. Kaonting bagay binibigdeal na.    "Out of my way morons." Seryoso kong sabi. Nahawi silang lahat sa pinto. Kampante akong naglakad palabas nang bumandera sa akin sa labas ang pinagkakaguluhan nila. Napahinto ako nang wala sa oras. I know gwapo siya pero hindi ko Alam na sapat nang dahilan iyon para pagkaguluhan siya. Itong dyablong ito nakakahakot pala ng atensyon. Or should I say sikat siya dito. Obviously. Kulang nalang ay maglupasay silang lahat sa sahig kahit suplado naman ang mukha nito.   Nang magtagpo ang mga mata namin ay umalis agad siya sa pagkakasandal sa pader at humakbang papalapit sa akin. Ako naman itong natauhan kaya nagmadali akong maglakad kaso hindi palang ako nakakalahati ay nahablot niya na ang braso ko. Seriously.     "Ano ba? Will you please stop bugging me Mr. I don't even care about your existence." Naiirita kong hinablot pabalik sakin ang braso ko kaso ang higpit ng pagkakahawak niya.    "And Miss as if I also care about you, give it back. Wag kang nangunguha ng hindi mo pagmamay-ari." Natalim ang tingin niya sa akin. Kung nakakamatay iyon ay humandusay na siguro ako dito sa sahig.    "Oo nga naman. A headphone for a phone. Equal. Ratio style. 1 is equal to 1. Just give my damn phone and you can have your headphone back. Now... let go of me snatcher." Napatingin ako sa  kamay niyang nakakapit parin sa braso ko pero Hindi siya natinag. Sa halip ay napatitig lang siya ng seryoso sa mukha ko. Ang lapit na pala namin sa isa't isa. Mas malinaw kong napagmasdan ang kulay ng mga mata niya, kung gaano Ito kalalim. Lalo na ang matangos niyang ilong na dumidipina sa panga niya. Bumaba ang tingin ko sa labi niyang natural na mapula pero iniwas ko rin ang tingin ko doon nang matauhan ako sa pinaggagawa ko.   "I said let go ano ka ba!" Hinablot ko ang kamay niya doon kaya napabitaw rin siya.   "Don't you dare follow me. This is my territory. I can do whatever I want." Isang matalim na tingin ang iginawad ko sa kanya bago ako tuluyang naglakad paalis. Ni hindi ako lumingon at derideritsong naglakad.     Paglabas ko ng school ay saktong nandito na ang sundo ko kaya sumakay agad ako. Napatingin ako sa labas ng bintana, wala doon ang imahe niya. Buti naman.   Pagdating ko ng bahay ay pagod kong inihagis ang purse ko sa couch at ibinagsak narin ang sarili ko. Nakakawala ng lakas makipagbangayan sa lalaking iyon. Dyablo eh.   "Kumusta first day of highschool?" sulpot ni Kuya. Di ko na siya nagawang tingnan at nakaub-ob parin ang sarili sa couch.     "Nakakapagod." Lalo na't ninakaw ang phone ko. Tss.   "Ah. Oo nga pala. Yung phone mo nandoon sa kotse. Naiwan mo kanina. Binusinahan kita kaso nagpatuloy ka sa pagpasok eh. Tinawagan kita kaso di mo naman sinasagot."   "Paano kita sasagutin kung naiwan yung phone ko. Di ko masisisi utak mo kung ba't ka nilalayasa--Natigilan ako nang mapagtanto ko ang sinabi niya. Napabalikwas ako sa couch nang wala sa oras at gulat na napatingin sa kanya saka sa loob ng purse ko. Mabilis kong hinalungkat doon ang headphone niya at nanghina lalo. s**t Ylisanna! What have you done! You accused him! Oh my... darn it!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD