Great day
"Kuya! Ba't di mo ako ginising?!" Natataranta akong bumaba. Ilang minuto na akong late! First day na first day ko bilang first year tapos ganito pa. Darn it!
"Nawala sa utak ko na ngayon pala magsisimula ang klase niyo. Next week pa amin eh." sabi niya. Tumayo siya sa upuan niya at inihanda ang lunchbox ko. Nakaugalian niya na yan. Si Manang naman ang nagluluto kaya okay lang. Alam kong hindi ako malalason.
Nawala sa utak niya o yung utak niya talaga ang nawawala? Tss.
"Darn it I'm 30 minutes late na kuya!" Hinablot ko na ang lunchbox ko at ipinasok sa bag ko. Ba't ba kasi hindi gumana yung alarm clock? Kailangan ko na atang bumili ng bago. Mukhang napagod na iyon sa kakagising sa akin. Since Elementary yun na ang gamit ko eh.
"Nakakahilo kang pagmasdan bata ka. Halika nga dito. Susuklayin ko yang buhok mo. Ibibraid ko." Ngumisi siya at hinila ako papalapit sa kanya. Gawain niya yan kay ate tapos ako itong pinagpapraktisan niya. Yung buhok ko tuloy ang nagdudusa.
"Wag na! Late na ako kuya! Ilang oras mo rin akong sasambunutan. Wag na! Just, just drive for me. Pretty please." Hinila ko na siya palabas. Yun kasi ang gawain niya sa buhok ni ate Miel. I prefer calling her like that. Yan kasi gamit niyang name pag nagmomodel siya ng bench.
"Ikaw bata ka braid 'yon hindi sabunot. Suklayin ko nalang buhok mo. Baka sabihin pa ng mga kaklase mo napakapabaya kong kuya." Hinigit niya ako kaya natigil ako sa panghihila sa kanya palabas. Ito nangyayari tuwing umaga eh. Naghihilaan kaming dalawa. Kahit ano kasing naiisipan niya. Ewan ko ba kung saan siya nagmana. Ofcourse, sa mga pinsan kong may saltik rin sa utak.
"Bilisan mo." Magkasalubong ang kilay ko habang sinusuklay niya ang buhok ko. Ang bagal!
"God kuya! Bilisan mo sabi!"
"Isaksak ko kaya itong suklay sa bibig mo? Nakakabingi ka talagang bata ka." Nayayamot niyang binilisan ng konte ang pagsuklay sa buhok ko. Pagkatapos kong masigurado na okay na ay kinaladkad ko na ulit ito palabas ng bahay.
"Kuya wala pa bang ibibilis ang pagmamaneho mo?" Hindi na ako mapakali dito sa front seat. 40 minutes late ako!
"Ba't mo ba yan inaalala? First day of school. Magpakabait ka doon. Sana naman, magkaroon ka ng kaibigan. Wag mong tinatarayan. Kaya walang namamansin sayo eh." pangaral niya sakin. Parati naman eh.
"Ayoko nga. Ang papanget nila. Tss." Itinuon ko ang tingin ko sa labas. Yun nalang ang alibi ko. Ayokong sabihin sa kanya na kaya lang naman nila ako kinakaibigan dahil isa akong Delafuente. Mga plastik! Tss.
"Ang arte mo. Simpleng ngingitian mo lang." Naikot ko ang mga mata ko. The nerve of them. They don't deserved my precious smile. Ba't ko kailangang ipagpilitan sa mga taong wala inisip kundi ang apelyido ko at ang benefits na makukuha nila pag naging friend nila ako. Mga social climber! Yuck. I'd rather be alone. Mga palakang mahilig sa atensyon. Tss.
"Stop it kuya. Ba't mo yan pinoproblema? I'm happy being with myself. Mas gusto ko 'yon." Kaysa magkaroon ng plastik at manggagamit na mga kaibigan.
"Oo na. Itigil mo na kakabunganga dahil ang sakit na ng tenga ko. Walanghiyang batang 'to." Naiiling siyang ipinarking ang kotse niya. Agad kong inayos ang sarili ko saka lumabas.
"Thanks kuya. Paki hi nalang ako kay ate." Isinara ko ang pinto at nagmadaling pumasok. Isang busina lang ang narinig ko. Hindi ko na ito pinansin at nagmadaling pumasok. Sa sobrang pagmamadali ko may nabangga pa ako sa may hallway. At hindi lang 'yon! Natilapon yung mga gamit ko at bumagsak ako sa sahig! Darn!
"God! Late na nga ako!" Gumapang ako papalapit sa mga gamit ko at pinagpupulot ito. Tumulong naman 'yong nakabangga sakin. Hindi ko alintana ang panghahapdi ng pwet ko dahil sa pagkakaupo ko ng marahas kanina. Buti nalang at may suot akong short at hindi ako nakitaan.
"If you just watch your way..." Pangaral niya sakin. Naiirita kong ibinaling ang atensyon ko sa kanya. Nakasuot siya ng malaking headset na nakapulupot sa leeg niya. His expression is quite stiff. Singkit ang mga mata in short. Suplado! I don't need to compliment his look. He's handsome. As if I care!
"So what? If you just get out of my way." Naigulong ko ang mga mata ko. Naiirita kong kinuha sa kamay niya ang ilang gamit kong pinulot niya.
"Ako mag-aadjust diyan sa katangahan mo? Eskwelahan to pero ginagawa mong playground. Highschool kana hindi Elementary." Iritado niyang sabi.
Nalaglag ang panga ko. In my entire existence may nagawang magsuplado sakin nang ganito! The nerve of this guy! Sino ba siya sa inaakala niya?! Ang kapal ng mukha! Saan niya hinugot yang lakas niyang supladuhan ako?! My God! Masasakal ko talaga ang lalakeng ito!
"How dare you?! I'm in a hurry! Malilate na ako!" Ang sarap niyang pagsasapakin sa totoo lang. Kumukulo ang dugo ko dahil sa walanghiyang ito.
Napangiwi siya dahil sa pagsigaw ko. Tumayo siya at tinulungan akong tumayo. Mabilis kong tinabig ang kamay niya. Napakawalanghiya. Sino ba siya sa inaakala niya? The nerve of this asshole!
"Bakit ako hindi? 50 minutes late na ako. Wag mong ipamukha sakin na ako pa ang may kasalanan dito. Late rin ako pero hindi ako nagtatakbo hindi kagaya mo." Hindi nagbago ang ekspresyon ng kanyang mukha. Seryoso parin at magkasalubong ang kilay. Yung awra niya katulad ni Kuya Jiro. Light na suplado.
"Eh anong pakialam mo kung tumakbo ako?! May pakialam kasi ako sa subject hindi kagaya mo na ang bagal paring maglakad." Naigulong ko ang mga mata ko. Hindi ko alam kung pang-ilang beses ko na itong nagawa sa araw na ito. All thanks to this guy!
"Ikaw itong tinutulungan ikaw pa ang may ganang magtaray. Akala mo ba ikinaganda mo yan lalo? Mga babae, ang dadrama. Tss." Naiiling siyang sinuot ang headphone niya at tinalikuran ako. Napasinghap ako at gusto nang sumabog dahil sa galit. Oh just great! My day is fully ruined. Late na ako tapos may nakaingkwentro pa akong dyablo sa daan. What a great day!