SUMAPIT ang schedule sa aking pag-alis patungong Australia. Ito ang kauna-unahang beses na nakapagbiyahe ako sa ibang bansa. Nakaramdam ako ng kaunting takot habang nasa loob na ako ng eroplano. "Hindi kaya ako maligaw doon? Bahala na!" pipi kong usal sa aking sarili. Bago ako nakaalisng Pinas ay binigyan ako ng mobile number ni Sir Keach, at ang bilin ay tatawagan ko raw siya pagdating sa airport. Alam kong hindi ako mahihirapan dahil may show money naman akong dala. Hanggang sa nag-landing na ang eroplano sa paliparan ng Australia. Nakaramdam na naman ako ng kaunting kaba dahil mga ibang lahi na ang aking mga nakikita. Dahil wala akong kaalam-alam sa airport ay kailangan ko pa na magtanong kung saan ang landline. Buti na lang ay mabait ang aking napagtanungan at kaniya akong tinulugan