Dahil sa sobrang katahimikan sa loob ng aking kuwarto ay bigla na lang akong nakaramdam ng pangungulila sa aking pamilya at isa na doon si Samuel. Biglang nagsalubong ang aking mga kilay nang mabanggit ng aking isip ang pangalan niya. Sapagkat bumalik na naman sa aking alaala ang mga ginawa niyang panloloko sa akin. Hindi ko namalayan na pumatak na pala ang aking mga luha sa galit. "Move-on, Chang. Move-on!" bulong ko sa aking sarili at sabay punas ng aking mga luha. Para maaliw ko ang aking sarili ay tinawagan ko ang aking pamilya. Masaya naman kaming nagkukuwentuhan at ibinalita ko sa kanila na kagagaling lang namin ng aking boss sa pag-shopping. Natuwa naman sila sa aking sinasabi. "Basta pagbutihin mo lang ang iyong trabaho diyan, anak." Pangaral ng aking Ama. "Opo, Pa. Huwag po