Episode 1: Simula
Bago pa lang ang relasyon namin ni Samuel ngunit napag-usap na namin ang kasal. Magkasama kami sa trabaho ng aking nobyo bilang 'Call Center Agent'. Pero hindi kami magkapareho ng oras pagdating sa trabaho.
Pero dahil takot ako na maagaw siya ng iba, kaya inapura ko na ang kasal namin. Napag-usapan namin kung kailan sila mamanhikan sa amin. Sobra ko siyang mahal at naramdaman ko rin na mahal niya ako... .
"Bhest, talaga bang ayaw mo ng magpapapigil?" tanong ng aking bestfriend na si Havanna.
"Oo, bhest, sigurado na ako."
"Baka puwedeng kilalanin mo muna ng husto si Samuel, bhest."
"Bhest, buo na ang pasya ko at nasa tamang edad na kami," tugon ko.
"Ikaw ang bahala bhest, kung 'yan na talaga ang pasya mo ay wala na akong magagawa kun'di ang suportahan ka," aniya sa akin
"Salamat, bhest."
"Alam na ba nila Tita ang plano ninyo ni Samuel?"
"Hindi pa, bhest. Mamayang gabi pa namin sasabihin sa kanila."
"Hmmmm... okay bhest."
Kinagabihan ay sinamahan ako ni Samuel sa amin dahil gusto niyang kausapin ang aking mga magulang. Nang dumating kami sa bahay ay nadatnan namin ang aking mga magulang sa sala. Kapwa kami ni Samuel na nagmano sa kanila at pagkatapos ay sabay kaming umupo.
"Papa, may sasabihin sana kami ni Samuel sa inyo ni Mama," panimula ko.
"Ano iyan?" tanong ng aking ama.
"Ahhh...Tito, Tita. Plano na sana namin ni Chang na magpakasal, kung papayag po kayo," sabi ng aking nobyo
Hindi agad nakapagsalita ang aking mga magulang at nagtinginan ang mga ito, sabay ibinaling sa akin ang kanilang tingin.
"Chang, sigurado na ba kayo?" tanong ni Mama sa akin.
"Opo, Mama."
"Kailan mo balak mamanhikan Samuel?" tanong ni Papa sa kaniya.
"Sa linggo po," sagot ng aking nobyo.
Hanggang sa nagpaalam na si Samuel. Nang makaalis na ito ay muli akong tinawag ng aking mga magulang. Bumalik naman ako sa sala at umupong muli.
"Bakit, Papa?"
"Chang, sigurado ka ba sa pagpapakasal mo kay Samuel?"
"Sigurado na ako Papa at beinte-osto na ako kaya gusto kong magkapamilya na," tugon ko.
"Anak, tandaan mo na ang kasalan ay hindi isang laro," sabi ni Mama sa akin.
"Alam ko iyon, Mama."
"Sige, kung iyan na talaga ang gusto mo ay wala na kaming magagawa ng Mama mo. Basta huwag ka lang lolokohin ni Samuel," saad ni Papa.
"Mahal ako ni Samuel, Papa. Kaya walang dahilan para saktan niya ako."
Natapos ang aming usapan at iniwan ko na ang aking mga magulang sabay pasok ko sa aking kuwarto.
Sumapit ang araw ng Linggo. Nag-absent ako sa trabaho dahil tumulong ako sa bahay. Hanggang sa dunating na sina Samuel at kasama ang kaniyang mga magulang at ang isa pa niyang kapatid na lalaki.
Simple lang ang kaniyang pamilya lalo na sa pananamit. Pero naiiba si Samuel, dahil lahat ng suot niya ay branded.
Ang katayuan ng aming pamilya ay hindi mahirap at hindi rin sobrang mayaman. May konting negosyo ang aking mga magulang, dalawang grocery store at may mga lupain rin kami. May isang kapatid akong lalaki at ako ang panganay sa aming dalawa. Mas pinili ko ang trabaho ko ngayon dahil dito ako masaya.
Napagkasunduan namin ang petsa ng kasal at sa susunod na taon na ito. Anim na buwan simula ngayon, para sa akin ay medyo matagal-tagal pa ang panahon pero kailanangan ko munang hintayin iyon. Dahil sabi ni Samuel ay wala pa siyang sapat na ipon. At nagtapat rin ang kaniyang mga magulang na wala silang pera. Na ang tanging inaasahan nila ay si Samuel lang. Para matugunan ang kanilang pang-araw-araw na pagkain. Sa totoo, ngayon ko lang nakilala ang pamilya ng aking nobyo, mababait ang kaniyang mga magulang at mapakumbaba. Hanggang sa matapos ang salo-salo sa bahay.
Dahil tapos na ang pamanhikan ni Samuel ay nagpaalam ako sa aking mga magulan na magsama na kami ni Samuel sa kaniyang apartment. At pumayag naman sila. Sa gabi ding iyon ay sumama ako kay Samuel, dala ko ang iilan kong mga damit. Sa relasyon namin ni Samuel ay hindi kami matawag na sweet.'Sam' lang ang tawag ko sa kaniya at 'Chang' naman sa akin.
Hanggang sa makarating na kami sa kaniyang apartment. Dahil pang gabi si Samuel ay nagpaalam siya sa akin na papasok, na. At naiwan akong mag-isa.
Dahil medyo maaga pa ay naisipan kong aayusin ang loob. Pinalitan ko ng sapin ang kama at inaayos ko rin ang kaniyang mga damit. Natapos ko ang lahat ng gawain sa loob.
Hanggang sa nakaramdam na ako ng antok, naligo muna ako bago huminga. Nakakapanibago ang aking paligid pero kailangan kong masanay dahil ito ang pinili ko.
Nagtiis ako sa medyo mainit na kuwarto dahil bentilador lang ang gamit ni niya. Samantalang sa aking kuwarto ay aircon. Hanggang sa nakatulog ako. Dahil sa katok ng pintuan ay nagising ako.
"Sino 'yan?" tanong ko.
"Chang ako ito," tugon ni Samuel at agad kong binuksan ang pintuan.
"Sam, bakit napaaga ang uwi mo?"
"Nag-alala ako sa'yo dito," aniya sabay halik sa aking labi.
"Okay lang naman ako dito, Sam. At pinakialaman ko na ang loob."
"Pasensiya ka na Chang, kung makalat ang kuwarto."
"Okay lang, Sam. Naintindihan ko naman. Nagutom ka ba?"
"Hindi naman. Tara matulog na tayo," yaya ni Sam sa akin.
Pumasok kami sa kuwarto, nang maisara ko ang pintuan ay bigla akong niyakap ni Sam na patalikod. Nabigla ako at nakaramdam ng kaunting kiliti.
"Ang bango ng asawa ko," pabulong niyang sabi sa aking tainga na may kasamang halik.
"Sam, nakikiliti ako." At napaiktad ako nang bahagya.
Nagpatuloy sa paghalik si Sam sa aking batok,hanggang sa aking tainga.
"Sam..." sambit ko at hindi ko alam kung narinig niya iyon.
Dahil nagpatuloy pa rin siya at ang kaniyang mga kamay ay nagsimulang lumikot. Mula sa aking tiyan hanggang sa aking dibdib.
Para naman akong nakuryente dahil nanginginig ang aking buong katawan na may kasamang init. Pakiramdam ko ay para akong matumba nang biglang ipinasok ni Sam, ang kaniyang dalawang kamay sa palooban ng aking bra.
"Sam...ohhh..." napaungol ako sa kaniyang ginagawa.